Chapter 1
Serenity POV
“Serene! Sandali lang, mag usap muna tayo” habol nito sa akin.
“Wala tayong dapat pag usapan Johannes . Nakita ko at narinig ko ang lahat”.
“This is not what you think it is”. she’s pleading.
“Uuwi na ko Johannes , mamaya nalang tayo mag usap”
“ Sasama na ako sayo”
“ May pasok ka pa diba?”
“ Oo. alam ko pero hindi din naman ako makapag isip nang maayos eh kung papasok ako ngayon. Please.”
Hinawakan ko ang magkabilang balikat nito. Mag uusap tayo, ok? Pero hindi mo naman kailangan umabsent for that. Makikinig ako sa explanation mo ok? Pero ngayon pumasok ka muna, I also need some time to think.
“Pero . . . . “
“Please Jo, just go and let me be, beside parang may iba pang naghihintay sayo.” sabay tingin sa likod nito. And that’s the same man who owned her 2 years ago.
Hindi ko na ito hinintay pang sumagot at naglakad na ako palabas. Bakit ngayon pa siya bumalik kung saan okay na lahat.
Sa parking lot ako dinala ng mga paa ko, agad akong pumasok sa sasakyan at marahan pinikit ang aking mga mata at muling inalala ang aking nakita.
Flashback
Serenity POV
Katatapos lang meeting namin kanina sa Student Council at tulad nang usapan namin kanina ni Johannes sa classroom na kami magkikita. Malapit na ako kwarto when I heard Johan voice she is talking to someone.
“ Ano ba Gian, tapos na tayo kailan mo ba maintindihan yun?
“ I want you back, “nabigla ako sa narinig ko. Hindi ako pwedeng magkamali si Johan yun and he is talking to
someone. I hurriedly walk into the room at nagulat ako sa nakita ko. I saw that someone kissing Johan.
Nagulat ako sa nakita ko gusto kung tumakbo pero hindi ko magawa. I was frozen, alam kung hindi nila ramdam ang presensya ko dahil hindi man lang nila akong napansin dito.
“Isang malakas na sampal ang pinakawalan nito sa pisngi ng lalake. Why did you that? “ Galit na tanong ni Johan dito.
“ Tapos na tayo Gian, hindi mo ba maintindihan yun ? Dalawang taon na tayong hiwalay. Kailan mo ba
maintindihan yan? Hindi na kita mahal. Kaya huwag ka nang lumapit sa akin, huwag mo na akong guluhin pa.
“ Hindi mo alam yang sinasabi mo Johannes, alam kung mahal mo pa din ako” Alam kung nasaktan kita noon pero heto na ako ngayon bumabalik na ako sayo nang buong buo.
“ I will do everything to win you back” ganyan kita
kamahal”
May mga luha na rin na dumadaloy sa pisngi niya.Dahil sa mga naririnig ko parang nanghina ang mga tuhod ko dahilan upang matabig ko ang halamang malapit sa akin.
Dahil dun napunta ang atensyon nila sa akin.
“Serenity”, biglang saad ni Alex, bakas sa mukha nito ang pagkagulat.
“ Sorry, nakakaistorbo ata ako” sabi ko nalang. “A-alis na ko”. Saka nagsimulang maglakad paalis.
End of Flashback.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko kasabay ng pagbukas ng mga mata ko. Siya din siguro ang dahilan kung bakit naging distant si Johan sa akin this few days. Hindi na ito na gaya dati. She always text and call me pag hindi kami kasama pero this past few days wala, kung hindi ko pa ito tinawagan o itxt hindi pa ito papayag na magkita kami.