I wipe my tears as I go down. Naiwan si Kris sa kwarto dahil biglang my tumawag sakaniya. I feel sad about the news.
"Why you took so long?" he asked. Nagsimula na akong maupo sa tabi niya habang siya naman ay nakaupo sa tabi ko. Walang naupo sa kabisera dahil para lang 'yon sa mga matatanda.
"I'm sleepy." ayon lang ang sinagot ko. "About yesterday.... I'm sorry for what I said."
I know we don't have time to say sorry yesterday kaya ngayon ko din balak gawin. Hindi ko magawang tignan siya sa mata, I'm shy. Nahihiya ako sa ginawa ko kahapon. Hindi ko naman hinihiling na magkaroon kami ng relasyon pero diba kasi? Kailangan kong maging conservative. Baka akalain niyang wala lang para saakin yung nangyari sa babaeng mahal niya.
"F-For what?" aniya.
Ibinaba ko ang kutsara't tinidor ko at hinarap siya. Humugot ako ng lakas ng loob para lang maharap siya. Its not easy for pete sake! Ang gwapo niya and my words are nowhere to find. Ayokong magmukhang tanga na pinagpapantasiyahan siya, kaya come on Agatha! Talk!
"Yung mga sinabi ko kahapon. Nagulat lang ako, hindi kasi ako sanay na walang relasyon ang isang babae't lalaki na sobrang close." kinakabahan ko. "I mean, somehow I have point right? Wala tayong relasyong dalawa. We are not even boyfriends and girlfriend, were aren't friends, we aren't close.... Uh like that!"
Sige Agatha, lusutan mo 'yang nonsense mong reasons. Until I heard his chuckles.
"Well, I'm the one who needs to say sorry. I'm being so clingy and I thought it was okay for you since we are going to engage. Kailangan pa pala lagyan natin ng label." natatawa niyang sagot.
Nanigas ako sa kinauupuan ko ng maramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking mga kamay. Touching it with care and affection. Napatingin ako sa mga mata niya. We're now looking at each others eyes.
"I'm sorry, Agatha. You are special to me. You're a treasure, and I want you to be my treasure. Natatakot akong lagyan ng label to dahil baka ayaw mo ng commitment. Believe me or not, hindi padin ako makapaniwala dahil I never imagine myself falling for you on those weeks." hinahabol niya ang kaniyang hininga habang nagsasalita.
Ako ay napapalunok na lamang. I'm tensed, hindi ko alam kung isa na naman ba 'tong fairytale dream na pinapangarap kong magkatotoo o talagang totoo 'to! If this isn't then, wake me up please.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, alam kong masyadong mabilis ang lahat. Matagal na tayong magkakilala pero kama-kailan ko lang nalaman ang tungkol sayo. Kung anong meron sayo, sa puso mo. Maniwala ka man o hindi, Agatha. I like you! I am falling for you each day. If you're asking for label, well I am here beside you, asking you to be my girlfriend."
Natigilan ako. Dahan-dahan siyang umalis mula sa kaniyang kinauupuan, lumuhod siya sa harapan ko. Hindi ko alam kung totoo ba 'to o hindi! Masyadong mabilis ang lahat. Kakakilala ko palang sakaniya, I mean ngayon ko palang siya kinikilala ng husto. Masyadong mabilis ang lahat pero I am not hypocrite to deny my feelings for him. I like him since before this day happen.
Mas lalo akong nagulat ng kasabay ang pagluhod niya ay ang paglabas ng isang maliit na kahon mula sa kaniyang kamay. He smiled at me habang nakatingin ako sakaniya.
"W-What is this?"
May mga maids na nakatingin saamin. Smiling like an idiot! Ako? Ako hindi ko matago ang gulat at kaba ko ngayon. The f**k! I imagined this to happen at ngayon hindi na siya imagination!
"Well, Agatha Sullivan Rivera, my fiancé, future wife, girlfriend, partner and call the other labels you want... Can you be my everything?"
Mixed emotions. Natatakot, kinakabahan, hindi makapaniwala. That's the reason why I can't hold my tears back. He confessed me that he like me. Men like Colton, I never imagine someone like him kneeling in front of me asking to be his partner.
I saw he gulped. Dahil siguro sa tagal kong sagot at mukhang nagdodoubt pa ako. Masyado pang mabilis ang lahat para saakin.
"I-I don't k-" mahina kong mga bulong. Pero nung naalala ko yung trabaho ko ay agad akong sumagot ng...
"Y-Yes..."
Ngumiti ito saakin at isinuot ang singsing na nasa kahon. Hindi ako makapaniwala that I can now proclaim to everyone that he is my boyfriend, my partner and what so ever. Mabilis man pero hindi natin alam kung ano ang mga mangyayari sa susunod. Aside sa gusto kong maibalik ang trabaho, gusto ko din subukan kung magwowork talaga kami.
Tumayo siya at iginaya din akong tumayo. We both hugged each other. He kiss my temple. "Thank you..." he whispered.
Ngayon, gusto kong gawin 'to not just because for work. Gusto kong tignan kung may chance talaga kami at kung hindi ba revenge lang ang nangyayari.
"I'll send you there..." ani Colton. Naandito kami ngayon sa kusina. Napatingin ako sa orasan ko, at alas sais pa lang.
Umiling ako at ngumiti. "No need, Colton. Pagod ka, wala ka pang tulog tapos ihahatid mo pa ako? No need. I need you to rest."
Hinarap ko siya. Sabi niya kasi gusto niyang magluto ako ng pancake dahil nagcacrave daw siya. Sabi ko hindi ako marunong kaya magpaluto nalang siya sa maid niya pero may nakapagsabi daw sakaniya na marunong akong magluto ng pancake at ayon ang lagi kong kinakain. I just don't know if it's mom or Kris.
He gave me a peck. "If my baby wants me to rest then I will..."
Ngumiti ako. Hindi ko alam na ganito palang ugali 'tong lalaking 'to. Masyado siyang malambing and caring. Kaya siguro nagustuhan ko siya. Pero I still find it unusual.
"Ihahatid ko nalang 'tong pancake sa taas. Go upstairs, take a rest. Wag mo nalang i-lock ang pintuan mo dahil wala akong susi..."
Then he grinned. Oh my! May mali ba akong nasabi. "Really? You want me to eat your pancakes upstairs?"
Oh c'mon! Double meaning 'yon pala iyon for him. Ngayon alam ko na malandi din 'tong nilalang na 'to. Kung hindi to gwapo baka napagkamalan na 'tong m******s or r****t.
"Shut up! Oo. Sa taas ka kakain ng pancake dahil ang sutil mo! Pasaway ka dahil hindi ka natulog. Now, go upstairs at tatapusin ko nalang 'tong isa then ihahatid ko na to doon."
He smacked my lips this time. Then he giggled. "Okay, my baby is so cute!"
Siguro kailangan ko na masanay sa pagiging clingy niya.
Natapos ko ang isang pancake na niluluto ko. Agad akong umakyat sa kaniyang kwarto para ihatid ito. Tumingin ako sa wrist watch ko at 6:06 am na. Eight am pa naman ang pasok ko. I still have an hour to prepare. Ihahatid ko lang 'to sakaniya then mag-aayos na ako.
Nang makarating ako sa kwarto niya which is pangalawang pintuan from my room ay agad kong binuksan ang pintuan dahil alam ko nang hindi niya ito nilock.
When I entered his room bringing a tray, agad kong tinawag ang pangalan niya.
"C-Colton?!" panimula ko. "Here's your food, asaan ka ba?"
Pero wala pading sumaaagot. Natigilan ako ng biglang may nakita akong mga papeles sa side table ng kama niya. Narinig ko din ang ragasa ng tubig from shower. For sure nagshoshower siya, kaya hindi niya ako naririnig. Inilapag ko kasi ang tray na bitbit ko sa side table kaya napansin ko ang mga papel na nakaipit sa folder.
"What's this?" Naguguluhan ako kung titignan ko ba ang loob non or wag na. Ayoko naman maging pake-alamera pero nacucurious ako kung anong meron doon.
Akmang kukunin ko na ang folder at titignan ang loob ng marinig ko ang pagtigil ng ragasa ng tubig. Don't Agatha!
"You're here. Wait, magsusuot lang ako ng shirt."
Hindi ko nalang hinawakan 'yon. Nagulat kasi ako sa presensya ni Colton. Hindi na ako nag-angat ng tingin, sa peripheral view ko palang kitang-kita ko na nakatapis lang siya ng tuwalya sa baba. Tumalikod agad ako. Hindi naman sa pa-virgin pa 'tong mata ko. Ayoko lang matunaw siya dahil sa init ng mga mata ko.
"O-Okay, go now." yun lang ang sinabi ko. I'm stuttering! Nakakahiya.
I heard his chuckles. Sira ulo! Mapang-asar pa ang loko. Tinalikuran ko ang gawi niya at nagpasiya nalang akong maupo sa kama niya. Aantayin ko nalang siyang matapos saka na ako kikilos. Malilate na naman ako sa trabaho dahil sakaniya.