Maayos ang naging usapan nila Colton at Leon para sa pagpapatayo ng Villa malapit sa bundok para sa mga ordinaryong mamamayan. The fund they used was from the Triathlon that happened weeks ago. Bilyon din ang inabot ng kanilang pa-triathlon kaya doon nila kinuha ang pampagawa ng mga Villa sa kapatagan ng Isla.
Kahapon lang ay nasundo ko na at syempre dumating na din ang aking bestfriend na si Kris. Isa-isa ko sa kanyang ipinakilala ang magpipinsan at since wala si Donya Esme at Don Samuel ay hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na maipakilala siya sa kanila.
"Hindi ko talaga ine-expect na ganun pala kagagwapo ang mga Dela Vegas?!" OA niyang pagkaka-sabi ngayon. Nasa isa kaming coffee shop malapit sa hospital. Inaya ko lang si Kris dito since sinama ko siya sa hospital kanina. Siya yung naging parang assistant ko dahil hindi naman siya pwedeng manggamot. "Girl! Kahit yung Raven na lang sa akin. Mukhang fresh!"
Binato ko sakaniya yung tissue na gamit ko na kanina. "Gaga! Bunsong apo yun! At isa pa, ilang taon palang 'yon. Trenta ka na gaga!"
"Wow ha? Thanks friend, bata ka pa kasi eh? Hindi ka mukhang 32!" she said in a sarcastic tone.
Umiling na lang ako at ngumisi. "Bwesit! Balik nalang tayo sa hospital. Marami pa tayong gagamutin!"
"Fine. Hali ka na nga! Bisita lang naman ako dito eh." aniya.
Marami-rami kaming pasyenteng nagamot ni Kris. May ibang malala na kailangan agad maoperahan, pero may-iilang nadadala naman sa gamutan at inilipat sa OPD. Mga 6 PM na kami naka-uwi ni Kris, I bring my car with me. Medyo alam ko na din ang daanan kasi mansyon at hospital lang naman ang pinupuntahan ko eh. As if naman maisipan ko pang gumala sa kung saan-saan. Sa laki ba naman ng Isla Palestina ay nako, kailangan mo ng isang tour guide para malibot ang isla.
Pag-uwi namin ay nakita namin na nakaupo sa sala ang dalawang matanda at ang kanilang dalawang apo na si Raven at Trail. Well, it’s my second time to see Trail here. Ang una ay nung nag dinner kami with them.
"Oh! Hija, good evening." bati ni Donya Esmeralda. Mukhang kakauwi lang nila galing Manila dahil marami silang dalang mga paper bags. I don't know if they shopped or what.
Lumapit ako sa kanya at nag beso. "Good evening po sa inyo, Donya Esmeralda at Don Samuel." Syempre nakipag-beso beso din ako kay Don Samuel. Hinarap ko si Raven at Trail na nakaupo. "Good evening sa inyo."
They both nod pero, unlike Donya and Don. Tumayo sila para i-welcome ako. Naramdaman ko ang pagtingin ni Don sa likuran ko where Kris located.
"And who's this beautiful lady behind, iha?" ani Don Samuel.
"I have never seen her face in Isla. Mind to introduce her to us?" Now it's Donya Esme's question.
Hinawakan ko ang kamay ni Kris. Iginaya ko siya sa harapan ko at pinandilatan siya ng mata. I know she already understood it.
"U-Uhm. I'm Dr. Kristein Tan, cardiologist po. I'm Agatha's friend." medyo nahihiyang pakilala ni Kris sa kanila.
"Really, iha? Gosh! Why are doctors so beautiful these days? Let yourself discover!" ani Donya.
Lumapit si Donya Esme kay Kris at nakipag beso-beso. Ganun din ang ginawa ni Don Samuel.
"Well, thank you po." sagot ni Kris. Nahihimigan mo pa din ang hiya but at least they know her na. "I'm grateful being here po. Sobrang welcoming niyo po."
"Kailan ka pa ba dumating?" tanong sa kanya ni Don Samuel. "Let’s have our sit first."
"A-Ah! Yesterday po. Actually, I'm grateful po na nameet ko na po kayo. Thank you po for letting me to stay here. One-week lang po ako dito to have bonding with my best friend. It's not easy po for me na maiwan mag-isa doon sa Manila eh." Kris conyo said.
Hindi talaga minsan nagcoconyo si Kris pero kapag gusto niyang maging magalang, pinipilit niyang mag tagalog-english ng sabay to use po and opo.
Marami pa kami napag-usapan sa sala hanggang sa hapag-kainan. They welcomed Kris open arms. Natutuwa ako dahil alam ko na natutuwa din si Kris. Walang masyadong kaibigan si Kris sa Manila dahil halos magkadikit kaming tumatanda magmula ng bata pa lang. Napagkakamalan na nga kaming kambal eh.
"Let's go to my room... We need to sleep." I spoke. Andoon na kasi kami sa entertainment room ng mansyon. Syempre watching our favorite video... Live Surgery!
"Okay. Let’s go!"
I turned off all the electricity in this room tsaka kami pumasok na ng kwarto namin. I prefer sharing rooms with her dahil sobra ko siyang namiss. Kahit ilang linggo palang ata ako dito eh.
We did our routines. After that, iminuwestra na namin ang katawan namin sa kama. I was about to close my eyes when she started to talk.
"Friend, I don't want to tell you this but I want you to be excited!" she giggled.
I raised my brows while turning my sight to her. Bale, umikot ako para lang maharap siya dahil pareho kaming nakahiga na sa kama.
"Spill it!"
"Ito na nga eh." Naupo pa si Kris mula sa pagkakahiga para lang magkwento. "I heard this kay tito and tita bago ako magpasa ng vacation leave. Ibabalik ka na daw nila sa OR. Hindi mo na kailangang tumambay sa ERT o maging Emergency Medicine Specialist. Girl! Magiging pak na surgeon ka na ulit!" tuwang-tuwa na sabi ni Kris.
Napabangon ako bigla. "Really?! Oh my gosh!"
Hindi ko maitago ang tuwa ko. Ibabalik na ako ni mama at papa sa OR? Halos mag-isang buwan na din akong naaassign sa ERT. I really want to go back there.
"Pero kailan naman?" tanong ko.
Napangiwi si Kris. "Ayun ang hindi ko alam. The last thing I heard is kapag siguro na-engaged na kayo ni Colton."
Nanlaki ang mata ko. So makakabalik pa ako sa OR kapag naengage ako kay Colton. Umiling ako, no way! Mama used now my passion to be with Colton. Tinatakot niya na ako nito.
"How's your sleep?" tanong sa akin ni Colton. He insisted na ihatid ako. Hindi kasi makakasama ngayon si Kris kasi meron siyang online na trabaho.
"Not good..." malamlam kong sagot. Until now binabagabag padin ako ng pandidiin ni mama sa amin ni Colton. Oo, I like Colton pero I'm not ready to marry him! Alam ko kung saan ako dapat lumugar dahil alam ko na nasa puso niya pa rin si Monique. Ayokong magmukhang tanga.
Nakatingin si Colton sa daan pero alam kong sumusulyap ito saakin. I look so frustrated right now. And I can't help to ease this. Tinitignan ko ang lahat ng makita ko sa bintana. Kada madadaanan namin ay sumusulyap ako. I want to be free, kahit ilang minuto lang.
Nakabalik ako sa realidad ng mapansin kong iba na ang daan na tinatahak ng sasakyan ni Colton. "H-Hindi 'to ang papuntang hospital..."
"Hindi ka papasok ngayon." seryoso niyang sabi.
"H-Ha?! A-Ano? No way! Di pwede, marami pa akong pasyente!" angal ko.
Nakita kong humigpit ang hawak niya sa manibela. Bigla ding naging madilim ang awra niya. Dahil siguro sa sinabi kong hindi okay ang tulog ko! Punyemas.
"You think you are able to treat your patients in that state? You're spaced out! I'm asking you something pero di ka sumasagot." he nagged. Oh gosh! Really? Hindi ko alam na nagtatanong siya. "Now, you're not going to work for today. I'll talk tito Peter. We'll go to Costa de Paraiso."
Nakakunot ang noo ko. "W-What? C-Costa de Paraiso?"
I never heard that kind of name simula ng dumating ako dito. Napatingin tuloy ako sa kanya. Deep inside, I'm happy. Simula ng dumating ako dito, isa lang ang napuntahan ko–uh, dalawa kasama na ang Hotel ng mga Dela Vega at ang Hospital ng mga Luciano kaya hindi pamilyar sa akin ang Costa de Paraiso.
"My dad made that Coast, 20 years ago before he met and married my mom. Nakatayo ito malayo sa syudad ng Isla but it has the very and perfect scenery." paliwanag nito.
Tumango ako. Halo-halo ang emosyon nararamdaman ko. I'm excited but at the same time scared. I don't know where it is. Kahit pa may sinabi siyang mga impormasyon ay hindi pa rin ako mapanatag, not unless I can see that Coast he was talking about.
Halos lumuwa ang mata ko ng makita ang mata ko. Ibang-iba ang lugar na 'to sa pinapangarap at inaasahan ko. Aminin ko man o hindi, it exceeds my expectations. Quadruple ang ganda ng Costa de Paraiso kesa sa Hotel na tinutukoy ng Dela Vega na pag-aari nila.
Sa pwesto ko ngayon, I could see the beautiful and artistic rock formations. I really love it! Kulay emerald ang tubig na akalain mo talagang nagda-daydream ka lang.
"You like it here?" aniya.
Agad akong lumingon sa kaniya wearing my biggest smile. "Yup. I love it here! I never imagine that this kind of paradise really exists." puri ko habang tinitignan ang kagandahan ng costa. "No wonder why your dad named it, Costa de Paraiso. Well, it looks like a paradise."
Lahat ng lumalabas sa bibig ko ay totoo. This is not a joke nor a lie. Sa 32 years ko, hindi pa ako nakakita ng ganitong paraiso.
Dahil tuwang-tuwa ako, tinanggal ko ang aking sandals at binitbit ito. I think this footwear doesn't belong here. Kung alam ko lang na dito kami pupunta ay sana nagtsinelas na lang ako. Tapos naka-ayos pa ako ng bongga. Sana nag-sundress ako!
Lakad-takbo ang ginawa ko. I'm having fun right now. Para bang nawala lahat ng stress ko sa pamilya ko.
"Have fun. Ipapaayos ko lang ang mga kakainin natin." sabi niya. Natigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanyang may suot na ngiti.
"Okay."
Bago pa man ito tuluyang umalis ay humarap muna siya sa akin. "Anyways, do you have any allergic to kinds of a seafood or something?"
I shook my head. "Nothing. I will be going to walk around this vicinity, okay?" Tinuturo ko pa ang area kung saan may mas magandang view.
Ngumiti ako at tumango. But of course, he wanted my safety first, so he instructed those two lifeguards to watch over me. In case na tatanga-tanga ako!
Walking around at selfie. Yun ang ginawa ko. Tuwang-tuwa din ako dahil sa tuwing bubuksan ko ang mga bato na nasa dalampasigan ay may nakikita akong mga maliliit na alimango. Baby crabs... Hindi ko naman sila hinuhuli, tinatakpan ko din ulit sila. Natutuwa lang ako dahil dati nung bata pa ako tuwing pupunta kami sa mga beaches, I always did that.
Hindi nagtagal ay napagod na din ako sa pagiging active ko. Naupo ako sa buhanginan malapit sa dalampasigan. Kitang-kita ang araw na sobrang tirik. Syempre naupo ako sa may lilim.
Gulat ako ng may nararamdaman akong tumabi sa akin. Umupo din siya sa buhanginan.
"Hindi ka ba pa nagugutom?" aniya.
Napatingin ako sa orasan ko. It's 11 am palang. Medyo masakit sa balat yung araw dahil summer pero kiber lang, nag sunblock lotion naman ako kanina eh.
"Nope. Maaga pa, why are you already hungry?"
Umiling siya. "Not yet."
Oh! One word reply. Ayun talaga ang hilig niya eh no? Tig-iisang salita. Kutusan ko 'to eh!
Natigilan ako ng maalala ko na naman ang sinabi ni Kris kahapon. Mom wouldn't give me back my position hangga't hindi ako mae engaged at magpakasal kay Colton.
"Colton?"
"Hmmn." aniya. Nakatingin siya sa may dalampasigan.
"Let's get engaged."