CHAPTER 26 NANG MAKAPASOK si Marra sa loob ng dorm nila ay kaagad siyang pinupog ng mga tanong nina Younhee at Harra. Nadiyan iyong tinanong siya nito kung saan siya dinala ni Max? Kung ano-ano ang kinain nila? Mabait ba ang mga magulang nito o masarap ba magluto ang mama ni Max? Iyong kapatid nito, maganda ba? Mga ganoong tanong ang binato nito sa kaniya lalo na si Younhee na wala yatang balak na tumigil hanggang hindi siya nagsasabi kung ano ang totoong nangyari. Gusto niyang sabihin dito na tama na dahil ang hyper nitong tunay. “Pero alam mo, Unnie. Mas curious talaga ako sa tanong na ‘Bakit ka niya dinala sa bahay ng parents niya?’. I mean, talaga bang as a friend lang iyan?” Napapaisip si Younhee habang nagsasalita. “O-oo naman, Younhee. Ano bang akala mo?” Umiwas siy

