CHAPTER 27 MALAKAS ANG tilian ng mga Carat habang hinihintay magsimula ang performance ng comeback stage ng Diamond13. Ngayon kasi unang ipapakita sa mga music show ang dance performance ng mga ito kaya naman sobrang kabado si Marra. Eto rin ang araw na ipapakita ni Max ang bagong hairstyle nito. Kahit siya ay walang ideya kung ano man ang ayos ng buhok ng kaniyang boyfriend. Sabi lang kasi ng kapatid niyang si Harra ay nagpagupit ito pero walang sinabi na iba pa. Ito kasi ang sumama sa kahapon sa salon dito at hindi nga sa kaniya nagpasama. Kahapon pa sila hindi nagkikita nito at puro call, text and chat lang ang paraan ng pag-uusap nilang dalawa. ‘Pasaway na lalaki iyon. Siya na lang ang wala kanina’. Napabuntonghininga si Marra habang panay ang tingin sa relong suot at sa e

