Paglabas ng klase ay dumiretso na kami bahay ni Mary. Laking pasasalamat namin dahil pumayag ang ate niya na doon namin gawin ang magiging huling parte ng project namin. Trik na tirik pa ang araw, pawis din ang lahat sa pagsasanay sa pagsayaw bago kami tuluyan na magrecord at walang isang nagreklamo maliban kay Angela na mukhang aatakihin na ng hika.
Sandali kaming tumigil dahil sa nahihirapan na siyang huminga at ang mga lalaki naming kasama ay nag-uumpisa na mataranta. Nakatingin lang ako sa kanila, nagmamasid kung paano sila mag-aalala sa isa ‘t isa at kung gaano sila sa kapalit.
Ilang saglit ay lumabas si Mary mula sa bahay at binigay ang enhaler kay Angela. Sandali kaming nagpahinga at naghanda ang ate niya ng meryanda. “Sa susunod na lingo na ang huling lingo natin, kung sakaling hindi na tayo magkakasama ay huwag natin kalimutan ang isa ‘t isa at patuloy pa din na magkita.” Ani Jazz bago sumandal kay Jean. “Madalas lang akong nasa bahay, may malawak naman kaming hardin na pwede natin pagpwestuhan kung bibisita kayo, at kung gusto niyo gumala ‘t kulang ang budget niyo ay sabihin niyo sa akin.” dagdag pa niya.
“Mukhang wala kang problema sa pera kung paano ka mag-alok.” Singit ko.
Si Lyka, Angela, at Ryan, sila ang masasabi kong hindi iniintindi ang pera dahil may kanya-kanyang negosyo ang kanilang magulang at kung wala naman ay bigay nmg magulang ang kanilang pangangailangan. Ilang beses na din ako nakapunta sa kanila, si Ryan ang masasabi kong may pinakamaayos na buhay.
“Sa totoo lang ay hindi pera ang problema sa bahay kundi ang mga nakatira sa bahay,” pabiro niyang sagot sa kabila ng pagak na pagtawa. “Engineer si papa, malalaking proyekto ang hawak niya at masasabi kong malaki din ang kinikita niya. Binibigay niya ang pangangailangan namin ng isa kong kapatid na babae pero ang presensya niya ang kulang sa amin, hanggang sa na laman namin na may iba siyang babae bukod kay mama. Nang malaman ni mama iyon ay nakipaghiwalay siya, bumalik sa magulang at iniwan kami sa bahay. Si papa, hindi na siya umuuwi ngayon at ito?”
Kinuha niya ang wallet sa bulsa at pinakita ang ATM na nakapangalan sa kanya bago hinagis sa itaas ng mesa. “Diyan niya nilalagay ang lahat. Binibigay niya ang sustento sa amin magkapatid pero ang responsibilidad niya na magpaka-ama sa amin ay hindi niya maibigay, kaya kung makapunta kayo sa bahay ay malalaman niyo kung bakit mas gugustuhin ko na makasama kayo at maggala.” Aniya.
“Sino ang kasama niyo? Hindi ka pa legal. Hindi ka ba natatakot na pasukin ang bahay niyo at wala kaytong ibang kasama?” tanong ni Lyka na tahimik din na nakikinig bago kinuha ang ATM ni Jazz at sinusuri.
“May binabayaran si papa para maglinis, magluto, at mag-alaga sa amin pero kahit pagbalik-baliktarin ay hindi namin siya kaano-ano. Mabait naman siya, itinuturing na naming lola pero iba pa din ang kasama ang magulang sa tahanan kesa sa iba.” Paliwanag niya bago kinuha na sa kamay ni Lyka ang gamit niya bago sinilid sa kanyang pitaka.
Sandali kaming natahimik matapos magkwento si Jazz patungkol sa buhay niya. Napuno ng awa ang paligid at walang may gustong magsalita ng putilin ni Joven ang katahimikan.
“Tama na, iiyak na si Jazz.” Biro nito bago inalo-alo ang balikat nito at si Jazz naman ay umarteng umiiyak saka yumakap kay Joben.
Muling naging maingay ang groupo namin habang kumakain. Hindi ko akalain na may ganon siyang kabigat na dinadala, madalas na maganda ang kanyang ngiti at hindi natatakot sa kalokohang gingagawa. Siguro, katulad ko, ang pagsama sa ganitong groupo o kaibigan ang nagiging pahinga niya sa problema na kanyang inuuwian.
“Kami naman, masaya kaming pamilya pero kahit kailangan ay hindi na mabubuo pa.” pag-uumpisa ni Angela na mukhang nakabawi na ng hininga, “ang kwento ni papa ay namatay si mama ng ipanganak niya ‘ko, pitong buwan lang ako sa tiyan ni mama dahil sobrang selan ng pagbubuntis niya sa akin. At iyon, sa anim na magkakapatid ako lang ang nag-iisang babae at bunso pa, kaya lahat ng gusto at kailangan ko ay sunod lahat ni papa. Minsan nangungulila din ako sa pagmamahal ng isang ina,, sa buong buhay ko ay hindi ko naranasan ang magkaroon ng isang buong pamilya pero kahit ganon ay napapasalamat pa din ako dahil andyan si papa. Pinunan niya ang lahat, ginawa niya ang parte niya bilang ama at ina s akin.” may ngiti sa labi nitong kwento.
Isang responsableng ama para sa mga anak na kahit wala na ang kanyang kapareha ay andoon pa din ang pangako sa isa ‘t isa aalagaan ang kanilang mga naging bunga at pamilya.
“Nag-asawa ulit ang papa mo?” tanong ni Jean.
Umiling si Angela. “Hindi na, pinipilit siya ng mga kapatid ko na maghanap na ng bagong mapapangasawa pero ayaw na ni papa. Kamukhang-kamukha ko daw si mama at kung maghahanap siya ng iba ay kakainin siya ng sariling konsensya.” Kibit balikat sagot nito.
Ang lalaking katulad ng ama niya, iilan na lang ang ganong lalaki sa mundong ito. Na panhahawakan ang lahat ng pinangako at makokontento sa kung ano meron. Sana ay maging ganon din si papa. Gusto kong matawa sa aking sarili, panay ako hiling sa bagay na alam kong hindi magkakatotoo.
“Kung ganon ay swerte ka pa din kahit papaano.” Komento ni Ryan, ang pinakamabait sa apat na lalaking kasama namin.
Limang na lalaki at babae kami sa isang groupo. Si Ryan ang masasabi kong ideal guy ko, bukod sa matalino ay wala itong kahit anong bisyo kahit paninigarilyo at katulad ko ay alam niya ang kanyang limitasyon sa lahat ng bagay.
“Tama na nga ‘to,baka mamaya ay mag-iyakan lang tayo kesa ang may matapos.” Komento ni Jean na siyang nagliligpit ng pagkain.
Tinulungan na namin siya, kami na din ang nagpresintang maghugas pero di kami pinayagan ng ate ni Mary. Bago pa tuluyan na maubusan kami ng oras at magdilim ay tinapos na namin ang sayaw, magmula sa formation at pag-ikot. Ano kaya ang magiging reaksyon ko kung makikita ‘ko sa susunod na sampong taon?
“Maraming salamat po!” sabay-sabay naming pasasalamat sa bahay nila Mary tsaka nagpaalam.
Isang amerikano ang asawa ng ate niya at kahit ganon ay taos-puso niya kaming sinalubong ng dumating kami kanina. Hinatid lang kami ni Mary hanggang sa labas ng subdivision at nagkanya-kanya na din kaming uwi.
Ako at si Jaz nalan ang naglalakad papunta sa sakayan ng mapansin ko ang nag-iihaw ng saging. “Mauna ka na, dadaan pa ‘ko kela Mariel.” aniko.
“Sige, huwag ka na masyadong magpagabi. Ingat ka sa pag-uwi!” aniya.
Tumango ako sa kanya at bumili ng saging. Hindi ko sigurado kung kakain siya nito pero wala siyang magagawa kundi ang kainin ito, bawal tanggihan ang peace offering namin sa isa ‘t isa. Sa ilang araw na lumipas ay ramdam na ramdam ko na ang paglayo sa akin ni Mariel, sapat na oras na din ang pagkalayo namin para makausap siya ng masinsinan at maintindihan ang problema.
“Tita, si Mariel po?” tanong ko sa nagbukas ng gate.
“Andoon sa kwarto niya, nagmumukmok.” Anito bago nilakihan ang pagkakabukas ng pinto. “Nag-away ba kayong dalawa? Ilang araw ko napapansin na mag-isa siyang umuuwi at hindi mo pagpunta.”
“Nagtatampo po ata siya, Tita. Hindi po ‘ko sumama sa film showing nakaraan at binigyann po kami ng project bilang kapalit kaya hindi po kami magkasama sa groupings nitong nakaraang araw.” paliwanag ko kay Tita.
“Iyon talagang bata na iyon,” iiling-iling na sagot nito, “Oh, siya, puntahan mo na siya doon at mag-usap kayong dalawa. Dito ka ba maghahapunan ngayong gabi?” pahabol nito.
“Salamat pero hindi na po, tita. May saabihin lang po ‘ko kay Mariel at uuwi na din po ‘ko bago magtakip-silim.” Tugon ko.
Hindi na nangulit ang ginang at ako ay dumiretso na sa ikalawang palapag ng kanilang bahay saka dumiretso sa kwarto ni Mariel. Nakatalukbong siya ng kumot at ng marinig niya ang pag-akyat ko ay magdikit ang kanyang kilay ang sumalubong sa akin.
“Bakit ka andito?” tanong niya.
Ngumiti ako sa kanya saka dali-dali siyang niyakap. “Yel! Sorry na.”
“Bahala ka dyan. Doon ka na lang sumama sa kanila, mukha naman kayong malapit sa isa ‘t isa at balak mo na ‘kong ipagpalit.” Nagtatampo niyang tugon pero di niya tinatanggal ang pagkakaakap ko sa ko sa kanya.
“Hindi naman kita pinagpapalit sa kanila. Di ba’t sabi ko sa ‘yo ay pwede ka naman sumama tuwing may groupings kami?” aniko. “Ano ba ang problema, bakit ka nagtatampo?” tanong ko.
“Wala.” Aniya bago tumiwalag sa pagkaakap ‘ko at binuksan ang bag ko. “Ito na ba ang peace offering mo?” tanong niya.
Malaki ang aking ngiti na tumango sa kanya at naghati kaming dalawa. “Pero seryoso, ano ba ang problema?” tanong ko.
Natahimik siya at hinidi maalis ang tingin sda akin. “Napapansin ko na sa tuwing kasama mo sila ay nag-iiba ka, natututo kang magbisyo sa kanila at ng minsan mong kwinento sa akin na nagyosi ka dahil inaya ka nila—akala mo hindi ako naasar non?”
“Ayaw ko lang naman na mapabisyo ka, ang pariwara ka ng dahil sa kanila. Kailangan natin matupad ang pangarap natin na walang nagiging hadlang pero iyan ka, natutong magbisyo sa sandalling panahon na di tayo magkasama.” Dagdga pa niya.
So ito, ganito din ang ugali ko bago makilala sila. Ang mukha ni Mariel na may panghihinayang, asar at pandidiri. Minsan din akong naging ganito katula niya dahil sa panghuhusga sa kapwa ko na hindi inaalam ang tunay nilang istorya.
Mali ako. Naging mali ang paniniwala ko pero mali nga ba ang ginawa namin o sadyang ayaw lang namin ma-implowensyahan at mapariwara sa buhay?
“Mariel, hindi naman ako nagbibisyo at sinubukan ko lang. Nasa tamang pag-iisip ako ng subukan ko iyon at wala silang kahit anong kasalanan doon, pumayag ako at ako mismo ang kumuha sa kamay nila.” Paliwanag ko sa kanya.
“Pinaglalaban mo na sila ngayon?”
“Hindi naman sa ganon. Ang aking lang ay mali tayo ng pagkakilala sa kanila, hindi naman sila masamang tao at hindi sila nagbibisyo dahil lang sa gusto nila para mapariwara. May mga kanya-kanya silang dahilan kung bakit nila ginagawa ‘yon. Sa susunod, gagawa ako ng paraan para mapalapit ka rin sa kanila at malaman mo ang tunay na ugali nila.” Aniko pero mukhang walang epekto sa kanya.
Muli ko siyang niyakap at nag-umpisa maglambing. Kung ano-anong magandang salita ang aking sinabi para hindi na siya magtampo at nangakong sasama na siya sa huling mga pagpupulong namin para bantayan ako.
Nagagalit at nagtatampo siya dahil nag-aalala siya sa akin, hindi ‘yon mahirap intindihin sa puder ko at masaya pa ‘ko dahil may kaibigan akong katulad niya na handang sabihin sa akin ang kamalian na hindi ko nakikita sa aking sarili.
Gusto ko sabay kaming mag-grow, sabay na maintindihan ang bagay-bagay sa paligid. Ayaw ko na madalas kaming pangunahan ng panghuhusga dahil sa siansabi at nakikita ng aming mga mata dahil wala iyong maidudulot na maganda. Kailangan namin iulat ang aming mga mata sa iba’t ibang sitwasyon, hindi lang sakung ano ang meron kami ngayon kundi kung ano RIN ang pinagdaraan ng iba.
“Mag-ingat ka sa pag-uwi mo at daanan mo.” paalala niya.
Tumanago at nagpaalam na kami sa isa ‘t isa bago ako nag-umpisa maglakad papalayo sa kanya. magkaayos na kami at makakapasok na ‘ko bukas na walang ibang inaalala na alitan namin dalawa. Si Mariel ang pinakagusto kong kaibigan at siya din ang pinaka-ayaw kong kaaway, masyado siyang mabait para maging kaaway kaya sa huli ay ikaw nalang din ang nmmakokosensya.
Natapos ang araw na may magandang kinahinatnan, nagbukas sa aking at kaisipan na panghabang buhay kong madadala. Walang alitan ang hindi mareresolba sa taong gustong patawarin ang isa ‘t isa, ang mga bagay ay nakukuha sa mahinahon at walang halong init ng ulo. Ang lahat ay may kanya-kanyang pinaradaan nba minsan ay dinaraan sa ibang paraan upang maibsan ang nararamdaman.
Katulad ni Jazz, gumagawa ng kalokohan at katarandaduhan upang mapansin ng kanyang mga magulang. Siya na kahit kailangan ay hindi naranasan ng kakapusan ng pera ngunit sa atensyon at pagmamahal naman ng magulang naman siya nagkulang.
Si Angela na pinanganak na hindi na masisilayan ang ina at hindi na mabubuo ng pamilya ngunit sa kabila non ay pinuno siya ng pagmamahal ng kanyang amana siya din nagsilbi sa kanya bilang ina. Hindi nakalimutan ng ama nito ang responsibilidad at pangako sa altar na aalagaan ang kanilang pamilya.
“Paano naman ang kinahaharap at problema ko? Kasama ko ang aking mga magulang pero hindi nila pinararamdaman na isa akong pamilya, paano naman ang sitwasyon ko na hindi supportado at minamaliit pa ng lahat. Paano naman ako na lahat ng kinahaharap nila ay meron ako.”
Isa lang din naman akong bata na naghahangad ng isang papuri sa magulang, ang ipagmalaki at maniwala sa aking kakayahan. Isa akong bata na may mataas na pangarap sa buhay pero may simpleng pangangailangan.
“Kung mawala ako, may iiyak kaya? Malalaman ba nila ang importansya ko o mas matutuwa pa sila na wala na ang isang katulad ko? Ipagmamalaki din ba nila ako kung sakaling dumating ang oras na hindi na ‘ko humihinga—siguro hindi. Sino ba naman ako?”
Pagak akong tumawa bago tumingin sa mahabang traffic sa kalsada. Ang mga nakasakay ngayon sa mga sasakyan na ito ay may kanya-kanyang problema at pinagdaraanan, siguro ang iba sa kanila ay mas Malala ang kinakaharap kesa sa kinahaharap ko ngayon.
Wala akong dahilan para isuko ang bagay na aking inumpisahan, kaunting tulak pa at makakamtan ko din ang pangarap at ang mapatunayan ang sarili sa lahat.