Ang lahat ay may kanya-kanyang mundo, may ibang nagkakatahana, nagtatawanan, at lumalabas upang kumain, hindi din mawawala ang katulad namin na naghahabol isulat at kopyahin ang takdang aralin na nakalimutan na gawin.
Paikot ang upuan namin kasama si Jean at iba ko pang ka-grupo habang mabilis na kinokopya ang sagot ni Mariel. Wala na kaming oras upang gawin ito, pag-uwi sa bahay ay pagod na ang buong katawan at wala na din oras magbuklat ng libro. Mabuti na lang at walang topak ang isang ‘to, hinayaan kaming komopya.
“Mariel, pwede bang pasulat ako ng akin?” kung may kakapalan ng mukha ay nangunguna na si Jazz sa mga iyon. Siya na nga lang ang nangongopya, sa may-ari pa ng kinokopyahan niya ipapasulat kung di ba naman nakulangan sa liha ang mukha.
“Ang kapal nga naman talaga ng mukha mo, pre.” Sita ni Joven sa kanya na abala din. “Saan ka ba magpupunta?”
“Natatae ako, sama ka?” pang-aasar nitong sagot.
Nandidiri na inirapan siya ni Joven, kinuha ni Mariel ang notebook nito at nagpapasalamat na patakbong umalis si Jazz. Napabuga ako ng hangin, ginagawa ko pang komportable sa kanila si Mariel pero sila ay na sobrahan naman sa pagiging komportable.
“Ayos lang, wala naman akong ginagawa.” usal ni Mariel ng makitang nakatingin sa kanya ang lahat. “Mukhang hindi niya na kaya pang paabutin hanggang makauwi sa bahay nila eh.” Biro niya.
Pare-parehas kaming nagtawanan sa pahabol niyang sinabi. Kinakausap din siya ni Lyka, Jean, at Angela para hindi mailang na kasama sila. At habang tinitignan silang nag-uusap ay kahit papaano ‘y masasabi kong nakukuha na ng mga ito ang loob ni Mariel.
Last subject, isang studyante ang pumasok sa loob ng room upang magbantay at magbigay ng isusulat. Wala ang teacher namin, bawal pa kaming lumabas kaya wala kaming magawa kundi ang maghintay hanggang uwian.
“Ang tagal naman ilabas ni Jazz ang gusto niyang ilabas!” reklamo ni Joven na kanina pa naghihintay. Hindi mapaghiwalay ang dalawa, bukod sa parehas sila ng bisyo ay sila ang tandem sa kalokohan na kanilang naiisipan.
“Baka na flush sa inidoro.” Natatawang sagot ni Jean habang abala sa pagsusulat sa napakahabang iniwan na gawain.
Nagtatawanan lang kami ng mapalingon ang lahat ng may pumasok sa loob ng room bitbit ang isang plastic na puno ng inumin. Dali-daling lumapit si Jazz sa amin, una niyang binigyan ay si Jean na madalas niyang asarin bago kaming dalawa ni Mariel.
“Libre ‘to?” tanong ni Mariel.
“Salamat sa pagsusulat.” Pasasalamat nito bago inilagay sa desk ni Mariel ang ilang pirasong biscuit na hindi naman nito hilig. “Libre ko ‘yan, huwag mong bibigyan si Hazel, para sa iyo lang ‘yan.” Paalala niya bago hinabaan ako ng nguso.
Umiling ako bago kinuha ang isa sa mga binili niya. “FYI, hindi niya ‘to gusto kaya ako ang kakain.” Tugon ko.
Tumango si Mariel na nagkakamot ng batok. “Mas gusto ko ang may palaman, hindi din ako mahilig sa chocolates kaya si Hazel na lang kakain ng iba.” Paliwanag niya.
Nang sabihin niya ‘yon ay pumayag naman agad si Jazz. Ang sama talaga ng ugali niya at talagang sumisipsip pa. Alibi niya lang ang kailangan magbanyo para may ibang magsulat para sa kanya.
“Huwag ka mahiya sa amin, Mariel, tumatanggap din kami ng di mo gusto kainin.” Bulong ni Jean habang nakanguso sa ibang naiwan. Inabot naman iyon ni Mariel sa kanya at tanging na iwan ay ang hawak nitong inumin.
Sa lahat ng binili ni Jazz ay iyon lang talaga ang nakuha niyang gusto ni Mariel.
Hindi nagtagal ay natapos na din ang lahat at nang makita ang kabilang kwarto na nag-uumpisa na maglabasan ay tumayo na din ang lahat, walang naiwang naglinis at mag-ayos ng mga upuan. Dahil hindi pa naman nagpapalabas ay kami na ang nagpresinta.
“Paano kayo nagbati ni Hazel?” Tanong ni Jean na kaupo sa teacher desk, “para kayong timang dalawa eh ‘no? Kayo nalang dalawa ang magkasama, kayo pa dalawa ang nag-aaway.” Komento nito.
“Tapuhan lang, hindi away.” Pagtatama ko sa kanya bago inabayan si Mariel. “Tsaka hindi naman kami nag-aaaway dalawa, minsan lang pag-ayaw namin makinig sa isa’t isa.” dagdag ko pa.
“Ngayon ang last scene namin. Sasama ka ba?” singit ni Joven. “Sumama ka na, malapit lang naman ang bahay niyo at hindi ka naman namin papagutumin.” Pangongombinsi niya.
Tumingin muna sa akin si Mariel bago tumango dito. Nang makarating na kami sa kung saan kami madalas tumambay ay agad namin tinapos ang kailangan tapusin, masyado pang maaga para umuwi kaya napagdiskitahan namin ang tumambay muna.
“Sabihin mo sa akin kung gusto mo na umuwi.” Paaalala ko sa kanya.
Tahimik na tumango lang siya at sa tuwing kinauusap lang ito nagsasalita. Nagkantahan at kumain lang kami sa buong oras, pinagmamasdan si Mariel sa kanyang nagiging reaksyon na nag-uumpisa na makipag-interak sa mga kasamahan.
Madilim na nang napagpasyahan namin umuwi, walang kahit anong kaba sa aking dibdib na puno ng kasiyahan dahil sa nangyayari. Habang hinhatid si Mariel sa kanila ay masaya itong nagkwekwento patungkol sa nangyari kanina.
“Hindi naman sila masama hindi ba?” putol ko sa kanyang pagkwekwento.
Tumango si Mariel. “masaya nama sila kasama pero huwag ka gagaya sa bisyo ng mga lalaki. Hindi magandang tignan mas lalo na sa katulad natin na pangalan ang inaalagaan.” Paalala nya.
Tumango ako. “Never.” Paninigurado ko sa kanya.
Naghiwalay na din kami kaagad paghatid ko sa kanya. Sumasakit na ang aking mga paa pero masyadong mahaba ang traffic para sumakay at wala na din akong naiwang pera dahil sa ambagan namin kanina. May isang lingo pa kami, kailangan kong magtipid para kahit sa bakasyon ay meron pa ‘kong pera na matira.
“Anong oras ka na naman umwi?!” galit na bungad ni mama, “alam mong may gawain ka dito, nagpapauli ka. Ganyan na ba ang paraan mo sa pagtakas ng gawain mo dito sa bahay? Ito na nga lang ang ginagawa mo ay hindi mo pa inuuwian ng maaga.” Sermon nito.
“Huling araw na po ‘to, ma.” Mahinang sagot ko bago binababa ang bag at kumuha ng tubig.
Huling lingo na ‘to at mag-uumpisa na ang tunay na impyerno ng buhay ko.