Ilang lingo na ang lumipas, natapos na ang film showing at laking pagtatampo ni Mariel dahil hindi ako sumama. Laking pasasalamat ko din dahil hindi napansin sa bahay ang hindi ko pagpunta dahil siguradong kwekwestyunin ang hiningi kong pera at sasabihin na nangungupit lang ako.
Maingay sa loob ng classroom, malapit na matapos ang school year na ‘to at kahit ayaw ko na walang klase ay wala akong magagawa. Kailangan ko pagtyagaan ang manatili sa bahay sa buong bakasyon at magmukmuk sa kwarto hanggang sa maari para hindi nila mahalata ang presensya ko.
Ang lahat ay gustong-gusto na magbakasyon pero para sa akin ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Bukod sa sobrang init ng panahon, madalas pa ‘kong pag-initan sa bahay kahit wala naman ginagawang masama. Sa tuwing magbubukas ng television ay sasabihin na nagsasayang ng kuryente, sa tuwing gumamit ng electricfan ay sisitahin dahil malaki na ang binabayaran.
Pagdating sa bahay ay wala akong matinong mapupuntahan maliban sa bahay ni Tito Amay sa tuwing wala siya. Sana lang ay may labada siyang ipapagawa para kahit papaano’y magkaroon ako ng kaunting pera pambili at panggastos sa susunod na pasukan.
“Isa ‘t kalahating buwan nalang at matatapos na ang klase, kailangan niyo ng ipasa ang lahat ng pinapagawa sa inyo para maagang maklapagbakasyon. Alam ko na marami kayong gawain mula sa ibang mga subject kaya ang film showing na pinanuod niyo nakaraan ay siya ng final project niyo sa akin.” ani ng adviser namin bago kinuha ang kanyang listahan.
“Paano naman po ang hindi sumama at hindi nanuod?” tanong ni Jean. Hindi ko siya gusto sa totoo lang, madalas itong late sa klase at kung papasok ay para pang sinuntok ang labi sa sobrang pula. Ang gaslaw niya din gumalaw, palamura, at panay lalaki ang kasama.
Sumang-ayon ang lahat at ako ay tahimik lang na naghihintay ng sagot ni ma’am. Mukhang maling bagay ang hindi ko pagsama sa film showing, nanuod pa naman si Mariel at hindi ko siya makakasama sa groupings na ‘to, wala akong kakainan sa tanghali at magitiis ng gutom.
“Gumawa kayo ng play, kung saan ipinapakita ang importansya ng maayos na kalusugan ng pag-iisip ng mga studyante at ganon na din ang maaring epekto sa bawat katulad niyo.” anito. “kayo na din ang bahala sa groupings kung gusto niyo, kung magkakaibigan ang gusto magsama ay sige lang basta may maipasa kayo bago matapos ang klase.” Dagdag pa nito.
Nag-umpisang mag-ingay ang buong klase at naghahanap ng maaring makasama sa project na pinapagawa. Lumapit sa akin si Mariel na humahaba ang nguso, “Sana pala ay hindi na ‘ko sumama sa film showing para magka-group tayo ngayon, ako naman ang matatambak sa bahay sa mga araw na nasa groupings ka.” Reklamo niya.
“Pwede ka naman sumama, malay mo may maitulong ka sa amin.” tugon ko bago tumingin sa paligid ng may lumapit sa akin, si Jean, may mga lalaki sa likod nito na tila naghahanap ng away at ilang babae na tahimik sa aming klase.
“Hazel, may group ka na?” tanong ni Jean bago kumapit sa kabila kong kamay, “sa amin ka na lang sumama, hindi naman kami nangangain at mas lalong magaling ako umarte.” Dagdag pa niya.
Tinignan ko ang kabilang groupo, puno ‘yon ng sipsip sa klase at may kaya sa buhay na mga estudyante. “Okay, walang problema, sabihin niyo lang sa akin kung ano ang gagawin.”
Ngumiti lang siya at nag-umpisa na mag-usap. Sa buong klase ay wala kaming ginawa kundi ang paghandaan at magplanbo habang si Mariel ay nagbabasa lang ng iba kong sinulat sa notebook at pasimpleng nagbibigay ng suhestiyon sa akin sa tuwing may nakikita siyang mali sa pinag-uusapan.
“Mag-uumpisa na tayo ng groupings bukas at walang maa-lalate.” Paalala niya.
Sumang-ayon ang lahat at nagtatawanang umalis. Mukhang hindi naman pala kasama ang makasama ang ibang lalaki sa klase, oo nag ‘t maiingay sila pero sila ang nagbibigay ng kwela sa loob ng silid na ‘to at minsan sila din ang nagbibigay ng gulo.
“Oh, welcome sa groupo.” Inilapag ni Jazz ang fruit juice sa mesa bago ako nginitian.
“Salamat.” Ako na hindi tumatanggi sa gerasya. Kung tatanggihan niya ‘to ay iba lang ang makikinabang at baka ako din ang magsisi sa huli kaya pakapalan na lang ng mukha.
Nagpaalam na siyang babalik sa likod kung saan siya nakaupo. At si Mariel naman ay tinaas na ang kanyang tingin bago dali-daling kinuha ang inumin at siya ang unang humigop. Napailing nalang ako sa kanya.
Buong araw klase ay hindi niya ‘ko pinansin, para kaming mag-jowa na may LQ pero bago matapos ang araw ay siya ang unang lumapit sa akin. “Ikaw kasi eh!” paninisi niya na tila hindi pa din maka-move on.
“Sumama ka na nga lang, kasama mo naman ako kaya hindi ka ma-o-out of place.” Pangungumbinsi ko.
Inirapan niya lang ako. Nang ihatid ko siya sa bahay nila ay dumiretso na ‘ko sa pag-uwi. Kailangan ko pang tapusin lahat ng project at assignment namin—pero sa kabilang banda ay project nalang. Kokopya nalang ako kay Mariel bukas bago dumating ang teacher.
Mabilis na lumipas ang oras at naging tahimik ang buhay ko. Maganda ang mood ni papa, nabalitaan ko na malaki ang kanyang pera kaya hindi siya nang-aaway dito sa bahay. Hindi ko alam kung dito lang ba sa amin o sa lahat ng tahanan pero ang naka-dipende ang mood ng lahat sa dami nang hawak na pera.
Sa susunod na ako naman ang magkaroon ng pamilya, gusto ko ay hindi binabase ang lahat sa pera katulad ng kinalikhan ko ngayon kaya kung ako din ang papaipiliin ay mas gugustuhin ko pa na sa bundok o probinsya tumira dahil doon, maliitman ang dalang pera ay sapat na para sa pamilya.
Pagpasok sa paaralan ay hindi ako pinapansin ni Mariel, hinayaan ko na lang siya dahil baka mainit pa ang ulo niya. Oras na ng break time, nang lumapit siya sa akin saka hinawakan ang braso ko. “Sorry na, samahan mo ‘ko sa canteen m,ay bibilhin ako.” aniya.
Tumaaas ang dalawang kilay ko pero sa huli ay sumama sa kanya. “Sasama ka ba mamaya sa groupings namin? Wala ka naman ibang gagawin, kailangan din namin ng kukuha ng video sa amin.” paliwanag ko.
“Hindi pa ‘ko tapos sa project natin sa English, sa susunod na lang.” aniya.
“Ayos lang, malapit lang naman kami sa court. Kung gusto mo pumunta ay sabihin mo lang,” aniko.
Nang marating kami sa canteen ay ako ang nakipagsiksikan para makuha ang gusto niyang bilhin, dahil may kalakihan ako sa kanya at medyo natatakot ang iba. Kumpara sa kanya na isang sabi lang ng naka-babata ay agad ng tatabi.
“Ito na,” inabot ko sa kanya kasama ang sukli. “Bat hindi ka pa sa labas bumili kanina, ang aga mo naman pumasok.”
“Hindi mo ‘ko pinapansin eh. Oh, heto, peace offering.” Inabot niya ang biscuit na paborito ko.
Natawa nalang ako at sabay na kaming nagpunta sa classroom. Sa pagpaok ay agad akong sinalubong nila Jean, napansin ko ang biglang pananahimik ni Mariel habang andoon sila at nakikipag-usap sa akin pero sinangbahala ko na muna dahil baka mamaya ay nahihiya lang siya.
“Sabay na tayo paglabas ng klase, mamaya. Sa bahay ni Lyka tayo kakain at mag-ambagan nalang para sa uulamin.” Anunsyo ni Angela na mukhang nagtataray pa.
“Ay gusto ko ‘yan!” pangsang-ayon ni Jean.
Napatingin ako kay Mariel. “Ayos ka lang?” tanong niya.
“May dahilan ba para hindi ako maging maayos? Tsaka, uuwi din ako agad ngayon, marami pa ‘kong kailangan tapusin.” Paliwanag niya bago bumalik na sa kinauupuan.
Hindi napansin ng iba ang pag-alis niya dahil sa malakas ang mga itong nagtatawanan at naghaharutan. Nanatili ako sa tabi nila, kailangan ko makisama at makihalubilo dahil kung hindi ay baka ako din ang mahirapan sa kanila sa bandang huli dahil hindi ako pamilyar sa bawat isa sa kanila.
Nang dumating ang uwian ay agad na nagpaalam si Mariel at ako ay dumiretso sa bahay ng isa naming ka-groupo. Sa tuwing nag-uusap sila ay wala silang mga arte, kasing-ugali lang ni Mariel ‘yon nga lang ay medyo maligalig na katulad ko.
“First impression ko talaga kay Jean ay malandi, bukod sa papasok ng late ay pumuputok pa ang labi.” Natatawa kong pag-amin sa kanila na ikinatawa ng lahat pati ni Jean.
“Gaga! Nakikita ko si Ate na gumagamit non kaya nag-try na din ako saka mahirap gumising ng maaga kaya second subject na ‘ko nakakarating.” Humagalpak na pag-amin niya. “Ikaw naman, nmasyado kang seryoso parehas kayo ni Mariel pero pagdating sa exam kitang-kita ko kayong nagsesenyasan.”
“Ganon talaga, best friend ko ‘yon” proud kong sagot sa kanya.
“Sabay mali naman sagot na sinesenyas mo.” pahabol pa niya na lahat kami ay kinatawa.
Kung magseseryoso lang si Jean sa pag-aaral ay isa siya sa pinakamatalino sa classroom, ‘yon nga lang ay masyado siyang makulit kaya imbes na sa academic umaangat sa sermon ng teacher nangingibababaw ang babaita.
“Saktong pagpasa natin ng video na ‘to kay ma’am ay last day natin. Punta kayo sa bahay namin, magpapa-inom ako pero sagot niyo kanya-kanyang pamasahe.” Pag-aaya ni Jazz.
“Yaman talaga!” komento ng iba mas lalo na ang kalalakihan.
“Sama lang ako, hindi ako nag-iinom eh.” Kamot batok kong singit. Hanggang sa maari ay iniiwasan kong mapasama sa mga ganon na bagay, bukod sa nakakasira ng kinabukasan ay baka magkasakit lang ako sa atay at baga. sa bahay pa naman, pagmay sakit ka, imbis na alagaan ay sisishin ka pa nila at papagalitan dahil sa gagastusin nila sa pambili ng gamot.
“Ang kill joy naman nito.” reklamo ni Lyka.
Umiling nalang ako sa kanila bago iniba ang usapan. Nag-umpisa na magplano ang lahat sa unang scne at matapos kumain ay nagpunta na kami sa lugar na wala gaanong tao, habang naghihintay sa scene ko ay binuksan ang f*******: at doon napansin ang chat ni Mariel. Nagtatampo nga ang gaga.
Hindi na ‘ko nagreply pa kay Mariel at ginawa ang parte ko para sa project na ‘to. Sinabihan ko naman na siyang sumama pero siya ang may ayaw. Nang matapos kami sa groupings ay napuno kami ng tawanan, may kasabay din akong sumakay at nakalibre sa pamasahe dahil halos iisang daan lang kami ni Jazz.
Sa araw na ‘to ay napagtanto ko na hindi naman pala sila ganon masama kasama, hindi din sila bad influence katulad ng pagkakilala ko sadyang in-enjoy lang nila ang kabataan na at hindi nilulok ang sarili sa pag-aaral. Iyon ang pinagkaiba namin lahat, kaya nila mag-enjoy dahil supportado sila ng mga magulang pero ako ay hindi.
Mahina akong natawa. Ang daming bagay na ginagawa nila na hindi ko kayang gawin dahil imbes na pag-aaral lang ang iniintindi ko ay kailangan ko pa maghanap para maka-survive ako sa pang-araw-araw at kahit sinusubo ay pinapamukha pa.
Natanggal ang ngiti ko sa labi ng papalapit na ‘ko sa bahay, ang kaninang taas noo na naglalakad ay ngayon ay nakayuko na lamang. Sa school at tuwing kasama lang naman ako nakakatawa ng malakas at masasabing tunbay na masaya.
Ang bahay namin ang nag-iisa kong naiisip na impyerno at balang araw ay makaalis din ako ng malaya, may maipagmamalaki, at sisiguraduhin ko na kinain nila ang mga panghuhusgang sinabi.
“Oh, mabuti at naisipan mo pang umuwi.” Bungad ni papa sa akin na hindi pa ‘ko nakakapasok sa loob ng bahay, “puro gala na lang ang inaatupag mo. Nagsisinungaling ka pa na may ginagawa kayo sa school, huwag ka na kaya mag-aral at lumandi ka na total ay wala naman kaming aasahan sa iyo.”
Hindi ba’t magandang bungad?
“Naggroupings po kami pa,” pagpapaliwanag ko bago tinanggal ang suot na sapatos. “Kahit tawagan niyo pa si Jean at ang adviser namin, hindi ako nagsisinungaling.” Dagdag ko pa.
Respeto. Iyon ang lagi nilang sinasabi sa tuwing kausap ang mga matanda pero ang ganitong bagay ba ay kailangan pa ng respeto?
“Nakita ka ni Ellie kanina, may kasama ka lang na lalaki at nakikipagharutan sa mga kaklase mo! Huwag mong sabihin na mali ako?!” sigaw niya.
Napatingin ako sa labas ng bahay at nakita ang kapit bahay na nag-uumpisang magbulungan. Iiling-iling akong humarap kay papa, “Tama po kayo.” Dahil kahit kailan ay hindi naman kayo tumnggap ng pagkakamali.
Nag-umpisa na sila sa kakasermon. Lahat na naman ito ay kasalanan ni Ellie! Ang gaaling talaga niyang gumawa ng istorya! Sa sobrang galing niya ay malapit na ‘kong mapuno at sunggaban siya. Kung gagawin ko naman ‘yon ay kasalanan ko din sa bandang huli dahil hindi naman ako ang paboritong anak at kahit kailan ay hindi magiging paborito.
Nang sumapit na ang hapunan ay hinintay ko muna silang matapos kumain bago bumababa at kumain. Wala na din akong nadatnan na kanin na aking inaasahan kaya kahit anong oras na ay nagpunta pa ako kela Tito Boy para makahingi ng makakain.
Pagak akong napatawa sa aking sarili. “Mas naging ‘ama’ pa para sa akin sila tito kesa sa tunay kong ama.” bulong ko sa sarili.