Kasabay ng pandidilim ng aking tingin ay ang panginginig sa galit ng aking kalamnan. Naluluhang sinaboy ko sa higaan ang buong aking damitan, hinahanap ang perang wala sa wallet na tinago ko pero wala, kahit piso ay wala akong nahanap. Nasaan na ang perang iniipon ko? Ano na ang ipangbabayad ko?
“Ma! May kumuha ng pera ko sa drawer ko,” umiiyak na sumbong ko kay mama bago pinakita ang walang wallet na hawak ko, “pambayad ko ‘yon ng film showing namin, inipon ko ‘yon eh.” Tuluyan ng tumulo ang luha ko.
Nangingig ako sa galit pero kailangan kong kontrolin ang sarili para sa bandang huli ay hindi maging bastos sa tingin nila. Sobrang bigat ng dibdib ko, halos tinitiis ko ang hindi kumain at maglakad papunta ‘t pabalik sa school para mabayaran at makaipon pero mawawala lang ang lahat sa sarili naming pamamahay.
“Aba! Malay ko!” nakasimangot na sagot ni mama, “Kitang mong may pera ka, iniiwan mo lang kung saan-saan sabay ngayon ay iiyak ka dahil nawawala.” Sermon nito.
“Nakalagay ‘to sa drawer ko, inipit ko pa sa kailalim-laliman ng damitan ko para hindi makita. Hindi ko ‘to pinakalat-kalat at binabalandra.” Galit kong sagot.
“Kasalanan mo ‘yan! Huwag mo ‘kong iyakan dito at baka matamaan ka na sa akin dyan!” pagbabanta nito.
Padabog akong bumalik sa kwarto at muling hinanap ang ipon sa damitan pero wala. Kahit ang barya na inilalagay-lagay ko ay nawawala! Simot na simot ang lahat ng pinaghirapan ko.
Wala akong magawa kundi ang umiyak nalang, kahit ano naman ang sabihin ko ay mali ko pa rin. Wala naman may gustong makiniig sa hinaing at kung magsasalita pa ‘ko ay sa bandang huli ay magiging kasalanan ko pa.
Iniligpit ko nalang ang mga gamit kong nakakalat at umiyak sa gilid. Iyon nalang ang magagawa ko para gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano. Pagdating ng alas-syete ng gabi ay dinig ko na ang kanilang mga boses, masaya ‘t poarang walang nangyari pati ang kanilang pagkain na di ako nakuhang ayain.
‘Matatapos din ‘to, Hazel, matatapos din ang paghihirap mo. Hindiman agad pero sisiguradughin ko na magkakaroon ka ng magandang kinabukasan, maghintay ka lang at magtiis sa lahat ng paghihirap at trato nila ngayon.’ pagpapalakas ko ng loob pero kahit anong gawin ko ay mas lalo lang akong napapapahagulgol kung saan ako makakuha ng perang ipangbabayad sa lahat ng bayarin.
MAHAPDI at namamaga ang aking mata paggising kinabukasan, mas maaga akong bumangon kesa sa nakasanayan. Hinanda ko na ang sarili pati na din ang umagahan namin lahat, ayaw ko sila makita dahil baka maiyak lang ako sa sama ng loob dahil sa ginagawa nila sa akin.
“Ang aga mo ata ngayon?” tanong ni mama na kalalabas palang ng kwarto.
“Kailangan kong agahan, maglalakad pa ako para makapag-ipon para may nakawin ang magnanakaw dito sa bahay.” Pabalang kong sagot bago tumayo sa hapag kahit di pa nauubos ang pagkain sa plato.
Siguradong gugutumin ako sa klase mamaya pero na walan na ‘ko nang gana. Totoo naman ang sinabi ko, iyon ang isa pang dahilan para gumising ako ngyaon ng maaga at ang pang-unang rason ay ang hindi sila makita ‘t maka-usap.
“Huwag mo ‘kong umpisahan ngayon, Hazel ah! Masyado pang maaga para painitin mo ang ulo, is pang sagot mo ‘t hindi ka papasok ng hindi pumuputok ang bibig mo.” sigaw nito sa akin bago malakas na hinampas ang baso sa mesa.
Agad akong natigilan ng marinig ang kalabog, ang buong kalmanan ko ay nanginginig na para bang may nakakatakot akong narinig. Ang mata ko ay tila naging alerto sa buong lugar at ang isipan ko ay bigla nalang nagblangko.
Sunod-sunod na buntong hininga ang pinakawalan ko upang pakalmahin ang sarili ko, maya-maya lang ay lumabas na si papa kwarto na mukhang nagising dahil sa ingay na ginawa ni mama.
“Ano na naman ba iyang iniingay niyo?!” asar na tanong nito.
Hindi ako umimik at dali-daling kinuha ang baunan ko ng tubig, sa isang salitang lalabas sa bibig ko ay siguradong walang kwenta na akong tao, isang walang patutunguhang babae, maagang mabubuntis at kung ano-anong pag-aakusa ang mariirnig ko sa bibig ni papa.
Masamang-masama na ang loob ko, ayaw ko ng dagdagan pa ngay kong umaga dahil baka tuluyan na ‘kong mabuwag at kainin ng sarli kng nararamdaman. Masama ang magsalita na inuuna ang emosyon at baka mas lalo lang gumlo lang ang lahat.
“Paanong hindi ka ma-hi-high blood? Ang aga-aga pabalang sumagot ang babae na ‘yan!” sabay duro ni mama.
“Aalis na ‘ko, pa, pahingi ako baon.” Baling ko kay mama na hindi ito tinitignan at diretsong nilagay ang baon na kanin at tubigan.
“Ano na naman ba ang sinabi niya?” masama na ang tingin sa akin ni papa.
Hindi ako umimik, hahayaan nalang na bumaliktad ang mundo. Iyon naman talaga, ako na ang ninanakawan at nawalan, ako pa ang magiging burara sa bandang dulo kahit maayos kong tinago.
“Nawawala daw ang pera niya, kung saan-saan kasi inilalagay,” sagot ni mama.
Gusto kong matawa sa sinagot ni mama, alam niya kung saan ko nilagay at parehas lang kami ng pinaglalagyan pero isang kabuburaan ang bagay na ‘yon. “Wala naman aamin kung sino ang kumuha, hahayaan ko na lang ang karma ang bumalik sa kanya dahil iyon ay wala siyang magiging takas.” Mahinahon kong sagot sapat na para marinig nilang dalawa.
“Inilagay ko ang pera sa ilalim ng damitan ko, sa loob ng bag, sa wallet na may zipper. Hindi ‘yon kabuiraraan, ma, dahil maayos na nakatago.” Dagdag ko pa.
Isipin na nila na walang respeto sa pagkakataon na ‘to, kailangan kong ipagtanggol ang bagay na ‘to. Pinaghirapan ko ang pera na ‘yon, sumasakit na paa ko sa mahabang paglalakad para lang makaipon, umaasa sa hingi para mapunan ang gutom na tiyan pero heto lang ang kakahinatnan.
“Ano ba ang gagawin mo sa pera na ‘yon?” tanong ni papa bago dumukot sa kanyang bulsa.
“Pambayad ko po ng Film Showing at Astrocamp. Parehas po ‘yong required sa magkaibigang subject.” Paliwanag ko at laking gulat ko ng abutan ako ni papa ng limang daan.
“Pambayad at baon mo hanggang sa byernes, kung may matira huwag kang manghingi sa akin.” usal nito.
Nagagalak kong kinuha ang pera at sa kamaay ni papa. Pigil ang aking ngiti dahil kahit sapul sa buwan na pangyayari ay binibigyan niya ‘ko. Kahit paapaano ay gumaan ang aking loob at nawala ang problema na aking dinadala pagpasok sa school.
“Salamat, pa. Alis na po ‘ko.” paalam ko kahit masyado pang maaga.
Ilang libro ang aking dala, mahaba pa ang lalakarin ko at kailangan ko pang pag-isipan ang magandang gawin sa pera. Sana lang ay walag dumagdaga na bayarin para hindi na ‘to mabawasan at may maitago pa ako sa oras ng pangangailangan.
NANG makarating ako sa school ay iilan pa lang ang tao, lumipas ang bente minutos bago dumating si Mariel habang takip ang kanyang bibig ng panyo. Nang makita niya ako sa madalas naming pwesto ay dali-dali siyang kumaway at lumapit sa akin.
Sinapit niya ang kamay sa aking braso bago sinandal ang ulo sa aking balikat. “Ang aga mo ata ngayon, Hazel?” tanong niya. “Nag-away na naman ba kayo ng papa mo?” dagdag pa niya.
Umiling ako sa kanya at dali-daling binuksan ang maliit na wallet na madalas na nakabit sa id, parehas kaming may ganon at doon nilalagay ang buong pera saka pinakita sa kanya ang binigay ni papa. “Binigyan ako ni papa ng pambayad sa astrocamp at film showing pero nagdadalawang isip pa din ako kung sasama doon.” Pag-oopen up ko sa kanya.
Siya lang naman ang nag-iisang kaibigan na pinagkakatiwalaan ko at madalas na kasama. Kaya kahit manghalungkat kami sa bag ng isa’t isa ay ayos lang sa amin kahit ang problema niya ay alam ko din.
“Nagbayad na ako doon!” sabay hampas ng balikat ko. “Sumama ka na, wala akong ibang kasama kung hindi ka sasama.” Pagpupumilit niya.
“Hindi naman kasi required ‘yon at hindi ko naman kailangan ng plus points sa grades.” Sagot ko sa kanya, “baka may iba pa tayong kailangan na bayaran bukod doon.” Mahaba ang aking nguso.
“Sige na nga, basta libre mo ‘ko ng isaw mamayang uwian.” May ngiti sa kanyang labi na pang-uuto sa akin.
“Sige ba! Basta next week, ikaw naman.” Hindi na siya nakapalag sa sinabi ko at sumang-ayon na lang.
Mabilis na lumipas ang oras at pinapasok na kaming lahat. Bida-bida kaming na upo sa unahan dahil wala namang sitting arrangement sa unang subject habang ang iba naming nakakausap ay nasa likod namin. May iba din kaming kasama minsan ni Mariel pero madalas ay kaming dalawa ang magkadikit.
Parehas din kami ng ayaw at gusto sa mga kakaibiganin kaya kung ayaw niya o ayaw ko ng isang tao ay hindi niya na din kakausapin pero dakilang mabait siya sa lahat. Hindi siya nilalayuan ng lahat ng classmates namin pero karamihan ay masyadong inaabuso ang kanyang kabaitan.
“Oo nga pala, may bago ka bang sinulat?” tanong niya bago hinalungkat ang bag ko at hinanap ang binigay niyang notebook. “Pabasa ako, sabay mamaya bago tayo magpunta sa groupings ay i-type natin sa computer para kahit itapon ulit ng papa mo ay hindi sayang.” Suhestiyon niya.
“Baka ginagamit ng kuya mo ang computer niyo?” nag-aalangan kong tanong.
Madalas na nasa harapan ng computer ang kuya niya, naglalaro at hindi kami makagamit dalawa. Siguro ay ilang beses lang kami nakahawak non at palpak pa ang nagawa namin dahil parehas kaming hindi marunbong gumamit.
“May pasok ngayong si Kuya, wala din sila ate kaya solo natin ang computer.” Tugon niya.
Lumaki angt ngiti ko at niyakap siya. “The best ka talaga, girlfriend!” at akmang hahalik sa kanya ng ilayo niya ang mukha.
“Kadiri ka!” reklamo niya bago sabay tabon ng mukha niya.
Natawa nalang ako sa naging reaksyon niya at lumayo sa kanya. habang binabasa niya ang gawa ko ay tumayo na muna ako sa aking pwesto upang ayusin ang mga upuan at magwalis ng mga kalat. Maya-maya lang ay dumating na ang teacher kaya bumalik na kaming lahat.
“I-kwento mo sa akin mamaya ang susunod na mangyayari.” Bulong ni Mariel bago inilagay sa bag niya ang notebook ko.
Nag-umpisa na ang klase at tahimik ang lahat, sa tuwing hindi ko maintindihan ang leksyon sa math ay nagpapatuloy akong magsulat sa sinimulan kong nobela. Mabilis na lumipas ang oras sa umaga at natapos ang klase na wala akong natutunan sa matematika.
“Magkita na lang tayo sa court para sa groupings.” Ani ng leader namin na kakatapos lang mag-aannounce.
Dumiretso na kami sa bahay ni Mariel, pagdating namin ay nakahanda na ang pagkain para sa aming dalawa. Hindi ko maiwasan maingit sa kanya, pag-uwi niya ng bahay ay nakahanda na ang pagkain at hindi na kailangan pa mangapitbahay para manghingi ng ulam o kanin dahil hindi tinirhan. Hindi din niya kailangan gumising ng maaga para maghanda ng umagahan dahil ang papa niya mismo ang naghahanda para kakanin ng buong pamilya at mas lalong nakakainggit dahil kahit kailan ay hindi siya namroblema sa financial.
Nahuhuliman sia minsan pero dahil iyon sa delay ng pension ng papa o sahod ng mama niya, Kung lahat lang sana ng tatay ay katulad ng papa niya, sobrang saya siguro ng mundo mas lalo na ako.
Matapos namin kumain ay dumiretso na kami sa kwarto iklalawang palapag ng bahayb nila kung saan nakalagay ang computer. Wala doon ang kuya niya kaya dali-dali siyang nakapag-type. Mas mabilis gumalaw ang daliri niya kesa sa akin kaya siya na ang naglipat ng aking sinulat.
“May nahanap akong magandang sulatan, doon mo i-publish ang gawa mo para may ibang makapagcomment at basa.” Suhestiyon niya bago nagkalikot ng kung ano-ano.
Pinagawa niya ‘ko ng account, parehas naming alam ang password at doon niya inilagay ang lahat ng ginawa niya. Nang mapansin namin ang oras ay limang nalang bago magkita kaya halos takbuhin na namin ang pababa.
“Huwag kayong tumakbo, kakain niyo pa lang!” sigaw ng papa niya na napansin ang pagmamadali naming dalawa.
Parehas kaming natawa at ng makalabas ng gate ay dinaig pa namin ang naglalakad sa buwan. Sa lahat ng pinagdaraanan ko ay si Mariel ang kasanday ko, siya ang nagbibigay sa akin ng dahilan para kumapit sa pangarap ko at tagapagsalba sa tuwing walang-wala na ‘ko.
Kung sa iba, ang partner nila ang pahinga nila, ako naman ay si Mariel. Sa edad ko ay siya ang nakilalang kong pinaka-the best sa lahat.
“Anong tinitingin-tingin mo dyan?” pagtataray niya ng mapansin nakatitig ako sa kanya.
Lumaki ang ngiti ko bago niyakap siya. “Naisip ko lang kung gaano ka ka-the best sa lahat. Tayo na lang kayang dalawa, hindi naman magagalit ang parents natin kung maging girlfriend natin ang isa ‘t isa.” natatawa kong biro sa kanya.
“Basta ikaw ang lalaki?” aniya.
“No thanks. Break na tayo.” mabilis kong sagot at parehas nalang kaming natawa.
Pangako, gagawin ko ang lahat para protektahan ka sa lahat ng gustong umabuso at manakit sa iyo. Mariel, hindi ko hahayaan na nmadungisan ang inosente mong mukkha at mapalitan ako bilang pinakamalakpit mong kaibigan. Pangako ‘yan.