Chapter 7

2168 Words
BECAUSE THIS IS MY DREAM 07 Naluluha at hindi maipaliwanag ang aking nararamdaman habang tinitignan ang notebook na aking pinaghirapan. Pilit itong inaayos ni Mariel, ilang oras niya na din binababad ito sa sikat araw at sinubukan plantsahin ngunit hindi na kaya bumalik sa dati nito. Ang ibang mga nakasulat dito ay hindi namakita, naggulo-gulo na din ang mga ink ng ballpen ng aking ginamit sa ibang parte, at may mga napunit na din dahil sa pagpupumilit namin na ayusin. “Be, ayaw talaga.” Nanghihinayang at puno ng paumanhin ang boses ni Mariel habang parehas kaming nakatingin sa ilang notebook sa aming harapan. Mapakla akong ngumiti sa kanya bago tumango. “Kung ayaw na talaga, ayos lang, Yel. Susulat nalang ako ulit, marami pa naman akong naiisip na kwento.” Pagrarason ko sa kanya bago kinuha ang notebook saka ito nilagay sa loob ng bag, “Itatago ko nalang sa susunod ang mga sinusulat ko para hindi nila makita.” Wala naman kasi mangyayari kahit makita nila ang talento na meron ako, sasabihin lang ng mga ito na wala naman iyong kwenta at nagsasayang lang ako ng oras imbis na igawa ng gawaing bahay. “Sayang naman kasi,” usal niya bago inis na binalibag ang hawak niyang unan, “Pinaghirapan mo kaya ‘yan, kung ano yan ay magagalit talaga ako. Sa dami-dami mong sinulat sa notebook na ‘yan, itatapon lang sa tubig!” irritable na dagdag niya. Mahina akong tumawa bago nagkibit Balikat, “Anak lang naman tayo. Wala tayong Karapatan na kwestyunin ang kung ano ang naiisip nila o magiging desisyon nila.” Kalmada kong usal. Sila ang batas at sila din ang kailangan respetuhin na kahit minsan ay wala na sila sa hulog sa kanilang ginagawa. Sino nga ba naman kasi ako? Isa lang naman ako sa kanilang mga baboy na palamunin sa loob ng kanilang tahanan. Wala din naman akong maipagmamalaki dahil kahit diploma o kakaunting pinagkakakitaan ay wala naman akong maipakita. Ito nalang ang magagawa ko sa ngayon, ang magtiis sa lahat ng pinaparamdam at pinaparanas nila dahil sa bandang huli ay matatapos din ‘to. Hindi naman panghabang buhay ay nasa puder nila ako at aasa nalang ako sa kanila. Balang araw ay makikita din nila na ang talento ko na ‘to ang magpapaahon sa amin sa kahirapan—hindi man sobra pero isa ‘to sa kanilang aasahan sa hinaharap. Hindi susuko dahil ang pangarap ko. “Kakaiba ka talaga! Ano na? hindi ka pa ba uuwi?” tanong sa akin ni Mariel bago ngumuso sa orasan, “Malapit na mag-alas singko. Kailangan mo pa magsaing para sa hapunan niyo at maghatid ng baon ng papa mo.” Dagdag pa nito. “Salamat, Yel.” Pasasalamat ko sa kanya bago kinuha na nag iilang mga gamit namin na nakakalat sa loob ng kanyang kwarto, “Sayang talaga ang notebook na ‘to, uulitin ko na naman pala ito ulit.” “Ayos lang ‘yan, Hazel. Ibibigay ko nalang sa ‘yo ang mga notebooks ko na ibinigay ni Mayor. Hindi ko din naman nagagamit at mukhang mas kailangan mo ‘yon.” Sagot niya. Agad naman na nagningning ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Tumango lamang siya sa akin, mabilisan ko siyang niyakap sa aking sobrang tuwa. “Waah! Thank you talaga!” pasasalamat ko sa kanya. “Tigilan mo n ga ‘ko, Hazel! Teka lang kukunin ko,” aniya bago tinatanggal ang pagkakahawak ko sa kanya. Nag-umpisa naman itong manghalungkat sa loob ng drawer niya at maya-maya lamang ay inilabas niya na ang isang puting plastic. Doon ay patong-patong ang mga notebook na nakalagay at kitang-kita na walang kahit anong dumi dito. “Oh, kumuha ka ng kahit ilan mo gusto.” Sabay abot niya sa akin ng plastic. Nagniningning na kumuha kaagad ako ng apat na piraso, inaamoy ang mabangong pahina nito na nagpapagaan ng aking pakiramdam saka kumuha pa muli ng apat. “Walo nalang muna.” Makapal ang mukha na ani ko sa kanya bago agad na ipinasok ‘yon sa loob ng aking bag. “Bilisan mo sa pagsusulat ah?” paalala niya bago muling inilalagay ang mga notebook sa loob ng drawer, “bitin na bitin ako sa binabasa ko. Sana pala ay hindi ko nalang binalik sa ‘yo kung alam ko din na itatapon lang sa tubig.” Dagdag pa niya. “Ayos lang ‘yon, masusulat ko pa naman ang mga ‘yon ulit.” Sagot ko sa kanya bago binuhat na ang bag. “Thank you sa notebook, Yel.” Pasasalamat ko. Tumango-tango naman siya bago sabay kaming lumabas ng kwarto niya bago pumunta sa unang palapag ng kanilang bahay. Maganda ang bahay nila Mariel kahit gawa lamang ito sa kahoy ay ang ganda naman ng pakakaayos, hindi masakit sa mata o sobrang sikip tignan ng mga gamit. Lahat din ng mga gamit ay may kanya-kanyang mga lalagyana kaya naman ay gustong-gusto ko sa loob nila. “Tita, uuwi na po ‘ko.” Paalam ko kay sa mama ni Mariel na nanunuod ngayon ng Kdrama. “Oh, uuwi ka na? oh, siya, mag-ingat ka sa pagsakay mo ng jeep.” Paalala nito sa akin, “Magmeryenda ka na kaya muna o hintayin mo nalang maluto ‘tong niluluto ni Marjoe?” nag-aalinlangan na ani nito. “Hindi na po, tita. Kailangan ko din po magluto sa bahay at hahatiran ko pa ng pagkain si papa sa trabaho,” paalam ko dito na may ngiti sa akin labi. “Ganon ba?” nanghihinayang na ani nito, “Osige, mag-ingat ka sa pag-uwi mo ah?” “Opo, tita. Salamat po,” sabay baling sa nagluluto na si Kuya Marjoe, “Kuya, aalis na ‘ko.” Paalam ko din dito. Tumango ito sa akin na may ngiti sa kanyang mga labi. Isa din sa nagustuhan ko sa loob ng bahay nila ay ang init ng pagtanggap nila sa akin na kahit wala akong ginawa kundi ang makikain na lang din sa kanila at makidamay sa budget na kanilang ginagawa. Hinatid ako ni Mariel hanggang sa aking sakayan, sa ilang minuto na paghihintay ay wala pa din jeep na dumadaan hanggang sa unti-unti ng humaba ang traffic sa aking harapan. “Traffic na naman.” Malalim na akong napabuntong hininga habang tinitignan ang mahabang pila ng mga sasakyan sa aking harapan. “Maglalakad nalang ako, Yel. Malapit lang naman at hindi na gaano mainit.” Paalam ko sa kanya. “Sigurado ka?” tanong niya, “Baka wala ka naman pamasahe kaya maglalakad ka nalang?” nakakunot ang noo nito. Napakamot ako nalang ako ng batok sa kanyang sinabi bago tumango, “Meron naman kaso lang baka hindi ako bigyan ni papa pamasahe bukas kaya itabi nalang. At saka, tignan mo ang haba ng traffic, kung sasakay pa ako ay baka anong oras na din ako makauwi sa bahay ‘di ba? Kung lalakarin ko lang yan ay nasa 10 to 15 minutes lang.” paliwanag ko sakanya sabay kalansing ng pera sa aking bulsa. “Ikaw ang bahala. Magchat ka kung nakauwi ka na sa inyo,” paalala niya. Tumango ako saka siya niyakap na akala mo ay hindi na magkikita kinabukasan. Naghiwalay na kami at nag-umpisa na din ako maglakad saka siya naman ay tumalikod na ng mapansin akong papalayo na. Malalim na lamang akong napabuntong hinga. “Ano na naman kaya ang maabutan ko sa bahay pag-uwi ko?” mapakla kong tanong sa aking sarili. Sigurado na naman ako na panay sigaw na naman ang aabutin ko keso sa lumandi at gumala lang ako kaya ganitong oras ako nakauwi. Ganon naman palagi ang nangyayari, kahit na anong paalam ko sa kanila ay palagi na lamang may hinala na nasasabi at kung ano-anong side comment na naiisip. Naagaw ang atensyon ko ng isang itim na sasakyan, sobrang kintab nito at kitang mamahalin dahil sa logo ng kabayo na nakalagay sa harapan nito. Balang araw magkakaroon din ako ng katulad ng ganyan, hindi man sobrang mamahalin katulad ng mismong sasakyan ‘yan ay magkakaroon pa din ako ng sarili kahit simpleng sasakyan lang. Lahat ng wala ako ngayon ay mabibili ko sa sarili kong pera na aking pinaghirapan. Gusto ko ipakita sa kanila—kay papa na hindi ako katulad ng iniisip niya, makakapagtapos ako, magkakaroon ako ng magandang buhay, at ako ang mag-aahon sa kahirapan na kung ano ang meron sila ngayon. “Oh, ang tagal mo naman umuwi sabi mo ay hindi ka aabutin ng alas kwatro at andito ka na sa bahay?” tanong sa akin ni mama na abala sa pagluluto. “Kita mong pagod na ako sa ginagawa ko dito sa buong bahay, ikaw wala kang ginawa kundi ang maglakwatsa.” Dagdag pa nito. “Ma, nagpaalam ako sa ‘yo na baka mahuli ako ng uwi dahil madami pa ‘kong kailangan na tapusin na groupings.” Sagot ko dito bago ibinana ang aking bag sa gilid, “Ako na dyan.” Dagdag ko pa. “Ako na! Mga wala talaga kayong kwenta dito sa bahay!” nangangalaiti na sigaw nito. Napabuntong hininga na lamang ako saka napailing sa sinabi nito. Kinuha ang bag saka pumunta sa loob ng aking kwarto bago inilabas ang ibinigay sa akin ni Mariel. Alam na alam niya kung paano ako pasayahin kung ano ang magpapasaya sa akin kaya mahal na mahal ko ang babaita na ‘yon kahit madalas ay sobrang KJ. “Ano pa ang hinihintay mo dyan? Heto na ang baon ni papa mo, ihatid mo na at anong oras na. Tayo na naman ang mayayari sa kanya pagdating niya.” sigaw ni mama mula sa kusina. Agad-agad na nagpalit ako ng damit bago pumunta dito. “Ano ang ulam ni papa ma?” tanong ko sa kanya. “Edi ang paborito niyang isda.” Irritable na sagot niya. Napatango na lamang ako bago kinuha ang baunan ni papa. Suot-suot ang earphone sa aking tenga kahit isa lang ang gumagana at mahina pa. Kahit na masakit pa ang aking hita ay patuloy lamang ako sa aking paglalakad, matapos lang ang gawain na ‘to. “Oh, hija, para sa papa mo?” tanong ng guard na nagbukas ng pinto. “Opo,” magalang na sagot ko bago pumasok sa loob at doon inilagay ang baunan ni papa. Sinugrado ko muna na walang kahit anong dumi ang tumalsik sa plastic nito o kahit anong dumi ang nakalagay dahil kung meron ay ako na naman ang malilintikan mamaya sa kanyang pag-uwi. “Ayos na po, maraming salamat po,” pasasalamat ko sa mga ito. Habang naglalakad papauwi ay isang sasakyan ang paparating sa akin. Sa loob non ay isang bata na sa tingin ko ay kasing edad ko lamang, may hawak-hawak itong tablet sa kanyang kamay habang presentable na nakaupo sa loob ng magandang sinasakyan nito. “Paano kaya kung pinanganak din akong mayaman? Siguro kahit anong kurso ang kunin ko ay ayos lang at wala ng problema,” muling usal ko sa aking sarili bago napailing na lamang. Nilalasap ang malakas na hangin sa buong kapaligiran. Sobrang tahimik, kakaunti lang ang mga sasakyan na dumadaan, at sa hindi kalayuan ay mga naggagandahang mga bahay naman ang nakatayo. Maya-maya lamang ay tumunog ang cellphone ko. Agad na kinuha ‘yon bago nilakasan ang screen brightness upang makita ng chat dito. “Be, may nagpadala kay Ate She nang chocolate galing sa ibang bansa. Ano daw ang gusto mo para idala ko na bukas sa pagpasok.” Basa ko sa chat ni Mariel. “Kahit ano lang.” chat ko dito pabalik. Tinignan ko ang picture na pinasa at isang bag nga ‘yon na punong-puno ng chocolates sa loob. Nagkomento lang ako dito at ilang saglit lang ay hindi na siya muling nagseen pa. dire-diretso lamang ako sa aking paglalakad hanggang sa makauwi sa bahay. “Ma, magsusulat na muna ‘ko.” Paalam ko kay mama na ngayon ay nagbabas ng pocketbook. “Bahala ka.” Sagot niya. Tumango lamanga ko dito bago pumasok na sa loob ng kwarto. Wala pa ang mga magagaling kong kapatid dahil lahat sila ay panghapon, ako lamang ang nag-iisang naiiwan sa bahay tuwing hapon kaya naman sa akin lahat ang gawain—kahit naman hindi ay akin pa din. Kinuha ko ang bagong notebook saka nag-sulat ng pinakatitle ng bago kong nobela. Walang makakapigil sa pangarap ko na maging isang manunulat, hindi man ako ganon kagaling ay sigurado naman akong mag-iimprove pa ‘to. “Oo nga pala! May bayaran na naman pala sa film showing.” Pagkakausap ko sa aking sarili. Sino pa ba ang aking kakausapin kundi ang aking sarili lang din, wala naman akong ibang kaibigan, at sa tuwing mag-oopen up ako ay siguradong magagalit lang sila sa akin. Nanghalungkat ako ng drawer, kinuha ang wallet mula sa kailalaliman ng aking damit bago ‘yon kinuha pero bigla na lamang nagdilim ang aking mga paningin ng makita na Wala na itong laman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD