Chapter 6

1052 Words
BECAUSE THIS IS MY DREAM 06 Sabi nila talo ng batang laki sa hirap na may pangarap, kumpara sa taong lumaki sa yaman at walang pagsusumikap. Mali sila, mali ang kasabihan sa bagay na 'yan. Never mong matatalo ang batang laki sa yaman dahil kahit anong mangyari ay kayang-kaya pagalawin ng kanilang pera ang kahit anong bagay, kaya nila pumasa sa lahat gamit lang ang pera na meron sila, at may posibilidad pa na magkaroon ng antas sa ekswelahan. Kumpara sa isang batang galing sa hirap na may pangarap na kahit anong sabihin nilang gusto nila ay hindi naman nila magagawa, bakit? Dahil sa kahirapan. Gusto nila sumali sa club pero maiisip ng iba na sayang ang oras imbes na magtrabaho, gusto nila um-attend at magparticipate sa mga activities sa school pero hindi nila magawa dahil mas iisipin nila na itabi na lamang ang gagastusin kesa sumali, at kahit na gusto nila ay wala silang magagawa dahil kaakibat non ang isang problema. At iyon ay ang gagastusin nila.. Kaya hindi ako naniniwala sa mga ganon na kasabihan. Minsan ay naiisip ko nalang na sana ay pinanganak akong mayaman, kaya akong bilhan ng lahat ng pangangailangan ko pati na din susupportahan ako sa mga kailangan ko. Isa pa, siguro kung mayaman ako ay papayagan na akong mag-overnight sa kung saan-saang lugar at magiging malaya ako sa lahat ng gustuhin ko. "Ano na, Hazel? Sasama ka ba sa astro camp?" Tanong ni Mariel sa akin na hinihintay na ang aking magiging sagot. Una kong tinignan ang presyo, one hundred fifty. Tatlong araw na baon ko na 'yon kung sweswertehin at kung mamalasin naman ay isang linggo at kalahati na ang pera na 'yon para sa pamasahe ko. Malalim akong nabunting hiningi bago umiling at binalik 'yon kay Mariel. "Wala akong perang pambayad" sagot ko sa kanya. "One hundred nalang," pagtatawad niya sa akin bago inabutan ako ng singkwenta pesos, "Ako na magbabayad ng fifty. Sumama ka na, wala akong ibang makakasama o makakausap doon kung hindi ka sasama." Dagdag pa niya bago winawagayway ang aking braso. "Hindi ko talaga sigurado, Yel," sagot ko sa kanya bago ibinalik ang fifty, "hindi ko nga din sigurado kung papayagan ako na mag-overnight dito sa school, bukod pa doon ay hindi din ako bigyan ni papa ng pambayad. Kung tatanungin mo 'ko, gusto ko sumama pero kasi alam mo naman ang buhay finacial ko 'di ba?" Paliwanag ko sa kanya bago muling napabuntong hininga. "Hindi na nga lang din ako sasama," nagtatampo ang kanyang boses na ipinasa ang papel sa iba, "Wala din naman akong ibang makakasama doon kung wala ka." "Gaga!" Suway ko sa kanya," Kung gusto mo talaga sumama sa camp ay magpapirma ka na at magpalist ka na din doon. Try ko mamaya magtanong kay mama at papa pero kung hindi naman nila 'ko bibigyan at pumayag sila, pwedeng pautang?" Nakangiwi kong tanong sa kanya. "Pwedeng-pwede!" Masaya niyang ani bago kinuha ang kanyang mga wallet na puno ng tag-bebente, "Ibibigay ko na sa 'yo ang fifty, sabay utang mo ang 100 basta ay sumama ka ah?" Tumango naman ako sa kanya bago malaki anng ngiti, "Magpapaalam na 'ko kela mama mamaya sabay chat agad kita," sabay kindat sa kanya. "Ayon naman pala eh!" Tuwang-tuwa niyang ani bago hinawakan ang aking braso at humilig sa aking balikat, "Alam mo na kambal tayo, hindi tayo pwedeng maghiwalay." Dagdag pa nito. "Tatalunin na nga natin ang ibang magkarelasyon, paano kaya kung gawin nalang kitang girlfriednd?" Kalokohan na tanong ko sa kanya bagong mahinang tumawa. "Sino naman ang lalaki sa atin dalawa?" Tanong niya na may mga inosenteng mukha at tingin sa akin. "Ikaw?" Tanong ko sa kanya. "Ayaw ko nga!" Sagot niya sa akin, " Ang ganda-ganda ko eh" "Ano tingin mo sa akin? Panget? Ganon?" Nanlalaki ang aking mga mata na tanong sa kanya. Natawa naman siya sa sinagot ko bago niyakap na lamang ang aking braso. Napailing na lamang din ako sa kanya, saka binalik na ang aking atensyon sa harapan. Absent ang teacher namin ngayon, huling subject na din pero hindi pa din makalabas dahil nagbabantay ang guard. Kung lalabas na kami ng room ay haharangin naman kami ng guard kaya mas mabuti nalang na manatili nalang dito habang kesa mababad kami sa tirik na tirik na araw sa labas. May iba na nag-uusap na din patungkol sa kanilang gagawin, nagstart na din ang mga 'to sa pag-aayos ng kanilang report at dahil alam na namin ang gagawin, tinatamad din kaming lahat ay heto kaming magkakagroupo na nanahimik sa tabi. "Nagchat ka na ba a mama mo na doon ako kakain sa inyo?" Tanong ko kay Mariel. "Baka magkulang ang kanin niyo kung sakali." "Hahaha syempre alam na! Pinadamihan ko na din ang kanin, alam ko naman na PG ka pagdating sa kanin." Natatawa niyang sagot sa akin. "Good! Mukhang matagal-tagal ang practice natin kaya kailangan natin ng full energy," sagot ko sa kanya. Inilibot ko naman ang tingin sa buong paligid, may mga kanya-kanya na namang mundo ang iba, at karamihan sa kanila ay nagcecellphone na lamang o 'di kaya ay nakikipagdaldalan. "Tara! Laro tayo," pag-aaya ko sa kanya bago malakas na tumawa sa naisip kong kalokohan. "Ano 'yon?" Tanong niya. "Maglaro tayo ng walang kurapan, ang unang kumurap sa ating dalawa ay siya ang manlilibre mamaya ng isaw doon papasok sa Wella." Aniko sa kanya na may malakas ang loob. "Tara! Sige!" Sagot niya. Ang 'Wella' ay lugar kung saan kami madalas na lumulusot, iyon kasi ang pinakamalapit na daan papasok sa kanila at mayroon nagbebenta doon ng isaw, dugo, at kung ano-ano pang mga streetfoods kaya naman sa tuwing pauwi ay hindi mawawala na kakain o bibili kami kahit isang piraso lang. Nag-umpisa na kami sa paglalaro, parehas kaming humarap sa isa't-isa at nagtitigan. Habang nag-iingay ang iba ay tahimik lang kami sa gilid, nakatingin sa isa't-isa. Walang nagpapatalo sa amin dalawa, walang kumukurap at binabantay ang isa't-isa. Kami ang naglalaro, kami din ang nagbabantay upang walang ibang dayaan na mangyari. Nakaraan ay ako ang nanglibre sa kanya, natagalan pa kami dahil nakikipag-agawan pa sa may pinakamaraming laman na nasa stick. Kaya ngayon ay dapat manalo na 'ko. "Talo ka!" Malakas kong ani bago siya tinuro na tila ba sobrang saya. Agad naman siyang nagpunas ng kanyang mata na nag-uumpisa ng magluha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD