Chapter 5

2178 Words
BECAUSE THIS IS MY DREAM 05: Friends May kadiliman pa sa ibang bahagi ng daan, ang mga sasakyan ay unti-unti na din sumikip dahil sa biglang dagsaan ng mga tao kahit alas-singko pa lamang ng umaga. Ako lamang ang naglalakad na estudyante dito sa sidewalk na aking nilalakaran at kung magkakaroonman ng kasabay ay agad akong yumuyuko upang hindi nila ‘ko makita. Hindi dahil sa nahihiya ako kundi ayaw ko ipakita sa iba ang mga luha na patuloy na namumuo sa aking mga mata. Ganito naman palagi, simula pa naman ng una ay ako na ang madalas na wala—hindi binibigyan ng pangangailangan at madalas din gutom dahil sa nauubusan ng makakain. Wala silang tiwala mas lalo na si papa. Araw-araw, umaga hanggang gabi ay hindi mawawala sa lumalabas na salita sa kanyang bibig kung gaano ako kawalang kwentang anak. Kung ano ang nakikita niyang hinaharap ko—ang hinaharap ng katulad sa mga kamag-anak niya na madalas niyang ipinagmamalaki. Iyon nga lang, kahit kalian ay hindi niya naman ako pinagmalaki. Kaya hindi ko din maiwasang isipin na, ano ba ang ginawa ko sa kanya? Bakit siya galit na galit sa akin kahit na wala naman ginagawa? Ginagawa ko naman ang best ko para makapasok sa top katulad ni Ellie, masipag naman ako sa gawaing bahay at sa tuwing walang-wala ay ako pa ang humahanap ng paraan pero sa huli ako pa din may kasalanan. Hinugot ko ang aking bulsa na na may lamang sampong piso, kulang na kulang pa sa pamasahe pero hindi nila naisip ang bagay na ‘yon. Ayos lang! ipapakita ko na lang sa kanila kung gaano kataas ang pangarap ko. Gagawin ko ang lahat maging proud lang sila sa akin, makita manlang nila na hindi puro kamalian ang ginagawa ko at hindi ako mabubuntis ng maaga. Masasakit man ang salita na ipaparatang at ibabato nila—may pangarap naman ako. Anong connect? Hindi kaya ng kahit sinong tao kahit na sarili mo pang magulang ang bumabato ng kung ano-anong bagay patungkol sa ‘yo kung may pangarap ka at kagustuhan na abutin ‘yon. Ako ‘yon. Hindiman mawala sa puso ko ang sakit ng paratang nila pero gagawin ko ang lahat manaig lang ang pangarap ko. Pinunasan ko ang namumuong luha sa aking magkabilaan na mata, pilit na ngumiti kahit na mabigat ang aking dibdib. Ayaw ko makita ako ng kaibigan ko na nalulungkot, ayaw ko na dalhin pa sa school ang problem ana ‘to. Sandali akong huminto sa paglalakad bago ngumiti, sinaksak ang earphone sa aking tenga bago nag-umpisa ng maglakad. Marami na din ang mga kapwa ko studyante na naglalakad, may iba na maiingay na nagtatawanan habang papasok. Nakita ko na din ang iba kong mga classmate na nasa unahan ko lamang na naghaharutan. Mabuti pa sila. Minsan ay hindi ko maiwasan na mainggit sa kanila, mas lalo na sa mga classmate ko na once malaman ng magulang na may achievement sila ay talaga naman na proud na proud. Nakakainggit din ang mga kasabayan ko na hindina kailangan pa mamroblema. “Darating din ako sa bagay na ‘yon. Time will come na papasok ako na hindi na mamromroblema sa magiging pamasahe, hindi na iiyak para lang bigyan ng pangkain o para sa bayaran ng school.” Isip-isip ko. Agad na ‘kong dumiretso papasok sa loob ng gate, hindi pa nagpapasok sa mismong loob ng building pero kitang-kita ko na ang mga kaibigan ko. Si Mariel na nagtyatyaga na maghintay sa isang gilid at patingin-tingin sa paligid. “Mariel!” tawag ko sa kanya. Agad kon aman nakuha ang kanyang atensyon, takip-takip ang kanyang bibig ay lumapit ‘to sa akin para salubungin. Malaki ang kanyang ngiti na tila nakaginhawa na dahil sa aking pagdating. “Gaga ka! Bakit ngayon ka lang?” sabay hampas-hampas niya sa akin. Mahina akong natawa sa kanya bago kinuha ang kanyang panyo bago pinunas ‘to sa aking pawis. Hindi naman siya nagreklamo sa akin at binigay sa akin ang tubig na kanyang dala-dala. “Ang aga-aga pawis na pawis ka na.” nakangiwi niyang ani pero hindi pa din matanggal ang ngiti sa kanyang mga labi. “Hindi na naman kasi ako binigyan ni papa ng pamasahe kaya nilakad ko lang mula bahay hanggang dito. Mabuti na nga lang ay hindi na pa ‘ko nahuhuli sa klase natin.” Sagot ko sa kanya bago ibinalik ang kanyang panyo saka kinuha ang bote na may lamang tubig. Sa tuwing iniisip ko kung paano kami nagkasundo ay hindi ko malaman kung paano. Si Mariel ang pinakamalapit sa akin sa lahat, madalas ay niloloko ko siya na mag-‘girlfriend’ na kaming dalawa dahil magmula ng maging magclassmate kami ay hindi na kami mahiwalay sa isa’t-isa. Hindi na issue ang pag-inom ng tubig sa baunan sa isa’t-isa, ang pawis na nagsasama-sama sa kanyang panyo, at sa tuwing umuulan na share ng kanyang payon. Oo, siya ang kaibigan na lagging always ready sa lahat ng bagay, mahinhin, maganda ang ngiti, at syempre ay maganda din. Iyon nga lang hindi siya marunong mag-ayos ng kanyang sarili—katulad ko pero mas masasabi kong lamang ako sa kanya. Kulot kasi na buhaghag ang kanyang buhok kaya naman ang madalas niyang tali ay ponytail at madalas na nakalagay sakanyang kanang balikat. Siya din ang pinakareponsableng sa loob ng classroom, tahimik, mahinhin, at pinaka-inosente. Kung magsalita nga siya ay hindi mo pa siya mariring dahil sa hina ng kanyang nilalabas na boses. “Kailan ka ba binigyan?” sarkastiko niyang tanong bago tumawa nalang, “May groupings pa naman tayo mamaya, umuwi nalang muna tayo sa bahay bago tayo magpunta sa kitaan. Kain sabay para maiwan na din natin ang bag.” Suhestiyon niya. “Palagi naman ganyan ang ginagawa natin.” Natatawang sagot ko sa kanya bago inilagay na sa gilid ang kanyang tubig, “Nagyeyelo ang tubig ko, dalawa din ang dinala ko para hanggang mamayang hapon natin.” Sagot ko sa kanya. “Patingin,” excited niyang ani bago nagpunta sa aking likod at binuksan ang bag, “May baon ka pang kanin talaga ah?” aniya bago angat ng baon kong kanin. “Kainin nalang natin ‘yan mamayang recess. Sayang naman kung hindi makakain, tsaka para hindi ka na din gumastos ng gumastos.” Aniko sa kanya. “Ay maganda nga yan!” Malaki pa din ang kanyangg ngiti na tugon. Ako ang pasaway sa klase at siya naman ang pinakamabait. Palagi kaming tinatanong ng iba kung paano kami naging magkasundo pero hindi din namin masabi—basta! Ang alam lang namin ay isang araw kami na ang madalas na magkasama. Madalas na kaming magpunta sa bahay ng isa’t-isa hanggang sa maging kilala na kami. Hindi na nga kami nahihiya, hindi na din kami nakakaramdam ng pagkailang sa bahay. Dire-diretso sa pagbubukas ng ref para kumuha ng tubig o maghanap ng kung anong pwedeng makain. Kaya sa buong high school life ko ay siya ang masasabi ko na pinaka-KAIBIGAN ko sa lahat. Alam namin ang sikreto ng isa’t-isa, kung saan kami malungkot, masaya, o ano ang nasa isip namin. Parehas kaming transparent sa isa’t-isa kaya ako din ang pinagkakatiwalaan ng kanyang mga magulang sa lahat ng bagay. Ang mga kapatid niya ay halos kapatid ko na din, malapit kami mas lalo na ang ate niya pati na din ang bunso niyang kapatid. “Sa wakas ay binuksan na din!” sigaw ng isang lalaki bago nagmamadaling pumasok. Agad naman kaming nagkatinginan ni Mariel at isa na din sa nakisiksik sa mga kamag-aral namin na papasok sa loob. Kailangan namin na makapasok kaagad sa room para makahanap ng magandang upuan, kung mahuhuli kasi kami ay siguradong ang umuuga na ang mapuppunta sa amin. “Grabe talaga ang mga panghapon mga hindi naglilinis!” inis na usal ko bago inilagay ang bag sa upuan ko. Kahit papaano ay maganda naman at mataas kaya nakikita ko ang nasa unahan. Samantala, si Mariel naman ay nagtutulak na ng kanyang sariling bangko dahil mukhang sira ang natapat sa kanya. “Ito ang gamitin mo, yel.” Sabay tulak sa kanya ng isang matibay na upuan at kinuha ang kanyang tinutulak para ilagay sa likod. Kakaunti pa lamang kami—wala pa ang alas-sais ng umaga kaya wala pa din gaanong mga studyante. Karamihan naman kasi ng mga nauuna ay ang mga hinahatid, malalapit ang bahay, at may mga service na dinadala sila hanggang sa school. Sa lagay ko ay pwede ako sumakay ng service kaso lang ay wala naman akong pambayad. Nakakatawa lang. ang sabi sa amin ang ganitong edad ay ang pinakamasaya sa lahat—high school. Dito mo daw kasi makikilala ang mga magiging tunay mong kaibigan, siguro oo, pero hindi ako sobrang nag-eenjoy dahil imbis na pag-aaral ay kung ano-ano naman na masasakita na salita ang natatanggap ko sa mismong mga magulang. Malalim na napabuntong hininga na lamang ako bago kinuha ang notebook ko sa bag, inumpisahan na magsulat ulit ng nobela. Masama sa loob ang ginawa ni papang pagtapon sa mga gamit ko mas lalo na sa ginawa kong akda dahil kahit kalian ay hindi mababalik ‘yon. Simple lang naman ang pangarap ko. Ang pangarap ko ay maging isang manunulat, ‘yong mga gumagawa ng story ana lumalabas sa mga TV. Hindi ko alam kung iyon ba talaga ang tawag sa bagay na ‘yon pero iyon ang pangarap ko. “Asan na ang ipinapatype mo sa akin sa w*****d, Hazel?” tanong ni Mariel sa akin bago naupo ‘to sa aking tabi. “Wala mamaya si Kuya Jo sa bahay kaya magagawa kong i-type, ang ganda pa naman.” Malaki ngiting nitong ani. Tila kumirot naman ang aking dibdib. “W-wala na, kalimutan mo nalang ‘yon, panget naman ‘yon eh.” Natatawa kong ani pero kahit sa loob-looban ko ay sobrang sama ng aking loob dahil sa nangyari. “Anong wala na?” nakakunot ang kanyang tanong sa akin bago binuksan ang bag ko sa aking likuran. “Pinabasa mo na sa akin ‘yon sabay ngayon wala na? ang hilig mo talaga ng binibitin ako ‘no?” sermon niya pa. Hinayaan ko lamang siya manghalungkat ng manghalungkat hanggang sa naramdaman ko ang natigilan siya. Dahan-dahan niyang inilabas ang dalawang notebook na lukot-lukot, ang sulat nito ay nabura na, at ang iba naman ay nagkalat na. Kung titignan din ay wala na ‘tong pag-asa pa. “Anong nangyari dito?” hindi niya makapaniwalang tanong sa akin bago isa-isang binuklat ang pahina nito ngunit mas lalo lamang itong nap unit, “Bakit nabasa ito?” nakasimangot niyang tanong. Maliit ako na ngumiti sa kanya sa kanya bago tinignan ang aking sinusulat, muling nagbara ang aking lalamunan at sa aking dibdib ay kung anong masakita na bagay na dumadagan. “B-balak ko kasing ulitin ‘yan, naisip ko na ang panget.” Sagot ko sa kanya bago dahan-dahan na nagsusulat. “Bakit na basa?” tanong niya sa akin bago muling dahan-dahan na tinanggal ang pagkakadikit-sikit ng mga pahina nito. “Hinagis ni p-papa.” Sa pagkakasabi ko non ay tuluyan na ‘kong pumiyok. Unti-unting tumulo ang mga luha ko, hindi ko na din mapigilan ang emosyon na aking nararamdaman. Ang notebook na ‘yan, pinaghirapan ko para sa pangarap ko kahit alam ko na hindi nila ‘ko supportado. Iyang notebook nalang din ang ang papakita ng talento ko pero sinira pa din nila. Gabi-gabi kahit pagod ay nagsusulat ako, tuwang-tuwa habang tinatapos ang bawapahina pero tinapon lang ng ganon-ganon. Nasira lang dahil sa maling pag-aakusa. “A-ayos ka lang?” tanong ni Mariel sa akin nag-aalala ang kanyang mga boses bago ini-abot sa akin ang kanyang panyo. Agad ko naman ‘yon kinuha at binaliktad ang pagkakatiklop saka pinunas sa aking mga luha. “Si papa kasi akala niya nakakalat lang ang mga gamit ko, a-akala niya wala akong ginagawa kaya tinapon n-niya sa tubig. P-pinaghirapan ko ‘yan eh, pinaghirapan ko isulat yan ng mano-mano dahil iyan ang gusto ko—” hindi ko matapos ang aking sasabihin, patuloy lang ako sa pagpunas ng aking luha. “Pasensya na, sobrang sama lang ng loob ko.” Paghingi kong paumahin sa kanya bago ngumiti, “kahit sino naman ay sasama ang loob kung ang pinaghirapan mong gawin ay bigla nalang itinapon ‘di ba?” sabay mahinang tumawa. “Baka magagawan pa ‘to ng paraan,” umaasa na ani Mairel bago binubuklat-buklat ang notebook, “Subukan natin mamaya na plantsahin ‘to baka Mabasa pa kahit papaano, basta ay gagawan natin ng paraan. Huwag ka na umiyak, baka isipin nila inaaway kita.” Bakas pa din ang pag-aalala na pagpapatahan niya. Mahina akong tumawa bago pinunasan ang aking mata at inabot sa kanya ang panyo. “Salamat, Yel. Pero kahit hindi na, uulitin ko nalang ulit.” Nakangiti kong sagot sa kanya. “Basta, i-try pa din natin.” Pagpupumilit niya. Tumango ako sa kanya bago ipinatong ang aking ulo sa kanyang palikat. Maswerte pa din ako na may kaibigan akong katulad niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD