DREAM 04: Sana
“Late na ‘ko!” pasigaw kong saad kasabay ng pagmulat ng aking mga mata.
Kisame na gawa sa kahoy ang agad na bumungad sa akin, tahimik pa din ang buong lugar at patuloy sa paghilik ang isa sa bunso kong kapatid na si Nico sa aking tabi. Inaantok na kinuha ko ang cellphone sa aking tabi, tinanggal ‘to sa pagkakacharge at tinignan ang oras.
“Maaga pa pala,” inaantok kong ani sa aking sarili nang makita na may mahigit kalahating oras pa bago mag-alarm ang cellphone ko. Muli kong ipinikit ang aking mga mata bago malalim na bumuntong hininga.
Pagod man, masakit ang ulo, at bitin na bitin sa tulog ay pinilit ko ang aking sarili na bumangon mula sa aking hinihigaan. Pinatay ang alarm na hindi nagamit at nagkakamot ng ulo na bumababa sa ika-unang palapag.
Tahimik pa din, tanging paggalaw ko lamang ang madidinig sa buong lugar pati na din ang pag-ikot ng may kaingayan na electricfan mula sa isang kwarto kung saan natutulog sila mama.
Isa-isa na inihanda ko ang pagkain, kinuha ang hotdog na pinagkasya kagabi upang may pang-ulam ngayong umaga, niluto kasabay ng pagsasalang ng sinaing. Lumaki ako na nasanay sa lahat ng gawain, gigising sa umaga upang maghanda ng pagkain dahil kung hindi ko naman gagawin ay sino ang gagawa?
Sigurado na kung hindi ako kikilos ay hindi din naman sila gagalaw, sa bandang huli ay ako pa din ang kanilang sisihin dahil walang nakahanda na pagkain sa mesa sa kanilanng paggising. Sanay na ‘ko sa ganitong gawain, paggising nila ay masasamang salita na naman ang aking mariring.
Sabi nga nila tita’t tito ay pasok sa isang tenga at labas sa kabila, huwag damdamin mas lalo na kung hindi din naman maganda ang mga sinasabi sa akin. Pero kahit ganon ay hindi ko pa din maapigilan ang masaktan mas lalo na kung patungkol sa kinabukasan ko ang mdalas na tinitira nila.
“Ang aga mo na naman magising?” tanong ni mama ng makita akong abala sa pagluluto sa kusina.
“Oo, ma.” Tango-tango kong sagot sa kanya na hindi ‘tong nakuhang lingunin, “Kailangan ko mauna sa classroom namin, sa akin iniwan ni sir ang susi pati at ako ang nag-aattendance tuwing umaga.” Paliwanag ko sa kanya bago pintayan ang apoy na pinapatungan ng kawali na aking pinaglulutuan.
“Edi ikaw na pala ang inaasahan ng teacher mo sa mga bagay-bagay, maganda iyan para makilala ka at baka doon tumaas ang grade mo.” Sagot niya.
Hindi ko umimik. Ganito na lang palagi ang sinasabi niya sa akin, sa tuwing sasabihin ko na ako ang secretary ng mga teacher ay lagi niyang naiisip na dahil sa bagay na ‘yon kaya lang tumataas ang grade ko o ‘di kaya naman ay magiging dahilan upang tumaas ang grade ko.
“Hindi naman sa ganon ‘yon, mama.” Pagtatama ko sa kanya bago inilapag ang aking niluto, “Pinagkatiwala lang ‘to sa akin dahil alam niya na ako lang ang nakakahandle ng mga classmate namin, hindi para tumaas aang grade ko o makalamang sa iba.” Hindi ko naman ginusto ‘yon. Isip-isip ko.
“Kahit na, ganon pa din ang mangyayari dahil pinagkakatiwalaan ka na nila. Impossible naman na hindi ka nila na bigyan ng extrang grade sa ginagawa mo?” paglalaban nito.
“Ewan ko nalang,” sagot ko kay mama.
Ayaw ko na makipagtalo sa kanya dahil sa ganitong bagay, gusto ko ng tahimik na buhay kahit sa school nalang—buhay na hindi ko maranasan sa bahay na ‘to at habang lumalaki ay walang ibang nasa isip ko kundi ang umalis sa kasumpa-sumpang bahay na ‘to
Iyon lang naman ang palaging gusto ni mama, ang pumapel ako sa school namin para masigurado sa aking pagpasa kahit kaya naman ng utak at kakayahan ko. At never na pumasok sa isipan ko na sumisipsip sa teacher para lang sa sariling kapakanan.
Kung pinagkakatiwalaan nila ako ay maraming salamat sa kanilang pagtitiwala. Hindi ako nag-aasam na kahit anong kapalit maliban sa pagkatuto ng mga bagong bagay, katulad na lamang nang pagmamanage sa mga tao na talaga naman isa sa masasabi kong kayang-kaya kong gawin.
“Maliligo na muna ‘ko habang hindi pa nagigising si Ella, sigurado ako na mag-aaaway lang kaming dalawa kung mamaya pa ‘ko papasok ng banyo.” Paaalam ko kay mama.
Kinuha ko sa isang upuan ang mga damit na idinala ko sa pagbaba kanina, kompleto na ang mga ‘yon hanggang sa medyas, uniform pati na din sa mga dadalhin ko. Gabi pa lamang ay inayos ko na ‘to, ayaw ko na pahirapan ang sarili ko na maghanap ng mga gamit tuwing umaga dahil mas lalo lang mauubos ang oras ko—isa na din sa dahilan ay ayaw ko na maabutan si papa.
Mabilis akong pumasok sa banyo, nilinis ang katawan hanggang sa matapos ay lumabas na ‘ko ng banyo at naabutan si Ella na bagong gising pa lamang. Nagkasimangot ‘to na bumababa habang ang kanyang mga yapak ay tila naglalagabog upang makakuha ng atensyons sa ibang mga bagay.
“Mabuti naman at luto na ang pagkain,” sagot niya bago irap sa akin, “Siguraduhin mo lang na lutong-luto ‘to na hindi katulad nakaraan kundi ay yari ka nanaman kay papa.” may halong pananakot nitong ani bago padabog na nagpunta sa mesa at kumuha ng pinggan bago nag-umpisa ng kumain.
Napailing na lamang ako at hindi na siya sinagot. Ayaw ko ng away ngayong umaga, ayaw ko na makipagtalo sa kanya dahil alam ko sa bandang huli ay siya pa din ang kakampihan ni papa. Siya lang naman ang madalas na pinaniniwalaan, hindi katulad ko na maaga daw mabubunti dahil daw sa ganitong ugali.
Ugali. Madalas niya ‘kong kinukumpara sa mga kamag-anak niya at sa ibang mga pamangkin niya na maagang nag-aasawa. Hindi niya nga naisip na iba ako sa mga tao na ‘yon, iba ako ng pag-iisip at hindi ko hahayaan na masayang ang pinaghirapan ko para lang mag-asawa ng maaga.
“Pwe!” agad akong napatingin kay Ella ng madinig ang malakas niyang padura, “Ano ba ang klase ng pagluluto na ‘to? Hindi ka ba marunong magtanggal ng buhok sa niluluto mo?” reklamo nito bago inis na itinulak ang pinggan.
“Hindi naman sinasadya ang bagay na ‘yan,” kalmado na sagot ko sa kanya. Ibinababa ko ang bag na aking hawak-hawak at nagpunta sa kanyang pinggan upang alisin ang buhok na kanyang nirereklamo.
Napatingin ako sa kanya, pumasok na siya sa loob ng banyo na hindi manlamang inuubos ang kinuhang pagkain na inilagay sa pinggan bago ‘to umalis. Napailing na lamang ako bago napabuntong hininga.
“Bakit hindi mo kasi inaayos ang pagluluto mo? Siguradong magtatalo na naman kayo ng papa mo mamaya. Alam mo naman ‘yang si Ella, kaunting kibot lang at magsusumbong na agad sa papa mo. At iyan naman ama mo, bawat sumbon ng magaling mong kapatid ay papanigan niya kahit hindi na tama.” May halong pagsisi na sabi ni mama habang iiling-iling na nakaupo sa gilid.
“Bakit parang kasalanan ko?” masama ang loob na sabi ko, “Hindi niya naman katulong, hindi ko na nga pinapansin dahil sabi niyo ay pagpasensyahan nalang ang babae na ‘yan pero bakit pati sa kaartehan niya ay parang kasalanan ko pa din?”
“Oh, ano ang gusto mo? Kasalanan ko? Ako ba ang nagluto ng hindi maayos?” sarcastic at sunod-sunod na tanong ni mama sa akin.
Napailing na lamang ako at napangisi sa kanyang isinagot. Kung sabagay, kelan nga ba ako naging tama sa paningin nilang lahat? Palagi naman, ako ang palaging mali sa paningin nila at kahit anong gawin ko ay kasalanan ko pa din. Hahanap at hahanap ng butas, para lang may masabi sila sa akin.
“Aalis nalang ako,” sagot ko sa kay mama bago kinuha ang dalawang baunan sa mesa na may laman na kanin, “Hindi ako makakuwi kaagad mamaya, may project pa kaming kailangan na gawin, at kung hindi kayo naniniwala pwede niyo tawagan ang teacher namin—naibigay ko naman na ang mga number nila sa inyo.” Mahaba na paala ko sa kanya at padabog na kinuha ang aking bag na nasa upuan bago inilagay doon ang mga ibinalot ko na baon.
“Aalis ka dahil pinagsasabihan ka?” pagtaas ang boses na tanong ni mama, “Bastos ka din ‘no, sa tuwing pinagsasabihan kita nakaugalian mo na ang talikuran nalang ako. Kaya madalas ka pinag-iinitan ng tatay mo dahil bastos ka.” Sermon nito sa akin at saka ako dinuro-duro.
“Kung bastos ako, ano tingin m okay Ella?” walang gana na tanong ko kay mama, “Bakit hindi siya ang pagsabihan niyo ng ganyang mga bagay? Kumpara naman sa amin dalawa, mas bastos ang kanyang pag-uugali—no, mali, hindi lang bastos dahil sobrang bastos.”
Iyan ang bagay na hindi nila magawa-gawa, ang pagalitan ang magaling kong kapatid na kahit na sila mismo—silang magulang namin mismo ay binabastos niya pero hindi makuhang pagsabihan ng ganitong bagay. Kahit nga ang pagwalisin sa sahig ay hindi magawa at hindi ko nalang alam kung marunong pa magwalis.
“Dahil magkaiba kayong dalawa!” tili ni mama bago lumapit sa akin, “isaksak mo sa kukote mo ang bagay na ‘yan. Kung makaasta ka ay akala mo alam mo na—kaya mo na buhayin ang sarili mo pero wala ka pa naman maipagmamalaki. Hindi mo nga makuha ang gumawa ng paraan para makapasok na hindi nanghihinngi sa papa mo.” Asar na asar na ani nito bago tinuro ang aking ulo.
“Bakit siya, may maipagmamalaki na ba siya? Lahat naman ng galaw niya sa inyo niya din kinukuha pero bakit siya hindi niyo masabihan ng bagay na katulad na sinasabi niyo sa akin?!” tumaas ang boses ko na tanong, “Bakit siya, palaging pwede! At ako, palaging mali ang nakikita nyo kahit ang lahat ng ginagawa ko para din naman sa bahay na ‘to!”
Ang sakit! Paalagi kong tinitimpi ang mga bagay-bagay, palagi kong sinasabi ko sa aking sarili na balang araw ay darating din ang araw na makikita nila ang mga maayos na ginagawa ko, na lahat ng effort ko matuto ay magkakaroon ng bunga sa pagdating nga raw. Pero bakit sa ganito?
Bakit mismong pamilya ko pa ang madalas na humahatak sa akin pababa?
Bakit sila pa? Hindi ba’t dapat ay ang pamilya ang unang nagtutulungan, sa hirap o ginahawa pero bakit sa akin, wala? Bakit pakiramdam ko ay ako lang ang madalas na pinapahirapan nila. Bakit ako ang madalas na pinag-iinitan kahit ang ginagawa ko lang naman ay unti-untiin ang pangarap ko sa buhay.
“Ang aga-aga, nag-aaway kayong dalawa dyan!” sigaw ni papa na aking kinagulat.
Ang aking buong sistema ay unti-unting pinasukan ng nerbiyos, ang aking dibdib ay nag-umpisang kumabog ng madinig ang kanyang boses na dumadagundong sa buong bahay dahil sa lakas nito.
Napatingin ako sa pwesto ni papa, masama ang tingin niya sa akin habang ang kanyang dalawang kilay ay magkadikit. Halatang-halata ang pagkainis sa kanyang itsura, unti-unti niyang tinaas ang kanyang daliri bago ako dinuro.
“Pinag-aaral ka para magtuto ka, hindi para maging bastos!” sigaw niya sa akin, “Para kang walang pinag-aralan sa ugali mo na ‘yan. Kung ayaw mo na napagsasabihan ka umalis ka nalang dito, hindi namin kailangan ng katulad mo sa bahay na ‘to!” sigaw ni papa.
Hindi ako umimik, nakatingin lang ako direkta sa kanilang dalawa habang parehas na nangangalaiti sa akin ng galit. Mabigat ang aking pakiramdam, anytime ay gusto na lumabas ng luha ko, ang kabog ng aking dibdib ay sobrang bilis na dahil sa takot at galit.
Takot sa pwedeng ano ang gawin at sabihin muli sa kain ni papa. Galit na nararamdaman ko para sa kanilang dalawa, dahil sa ginagawa nila sa akin at kung paano nila ako husgahan sa aking buong pagkatao.
Parang hindi nila ako anak kung ituring, kung pakitunguhan nila ako ay para akong isang alila at kung husgahan nila ako ay para akong ibang tao na hindi nila kilala. Isa lang naman ang gusto ko na mangyari, isa lang naman ang bagay na ‘yon pero sa nag-iisang bagay na ‘yon ay hindi ko maramdaman sa kanila na tinuturing nila akong anak—mas lalo na si papa. At isang bagay na ‘yon ay maging proud sila sa akin, sa bawat ginagawa at effort ko na patunayan ang aking sarili.
“Dapat ay hindi ka na nag-aaral, wala ka naman modo! Siguradong maaga ka lang mabubuntis dahil sa pag-uugali mo na ‘yan, wala din naman kaming mapapala sa ‘yo at hinding-hindi din ako manghihingi ng kahit piso sa iyo.” Sigaw ni papa sa akin bago akmang hahablutin ang bag ko ng inilayo ko ‘to sa kanya.
“K-kung kayo, hindi naniniwala na kaya ko.” Nanginginig na tugon ko sa kanila bago direkta na tumingin sa kanilang mga mata mas lalo na kay papa, “Ako naniniwala. Sisiguraduhin ko na darating araw na ako naman ang aangat, ako ang lalapitan niyo. Hindi ako mabubuntis ng maaga, ako ang aasahan niyo sa aming limang magkakapatid na tutulong sa inyo, at higit sa lahat ay gagawin ko ang lahat para kainin niyo ang lahat ng sinasabi niyo sa akin.” Mahaba ‘t madiin na sagot ko sa kanila bago isinabit ang bag sa aking likuran at dire-diretso sa paglabas ng bahay.
Nang makalayo na ako sa kinatitirikan ng aming bahay ay doon na unti-unting tumulo ang aking luha na kanina ko pa pinipigilan. Luha, umiiyak na naman ako—sana ay dumating na din ang araw na wala na ‘kong ibang maramdaman, iyong hindi na ‘ko iiyak.
Gusto ko na maging malakas na kaya ng tumiwalag sa lahat.