Panay ang irap sa akin ni Ellie, pilit din siyang gumagawa ng kalokohan na maari akong mapaamak, at gumagawa ng paraan upang masagad ang aking pasensya pero kahit anong gawin niya ay wala siyang napapala. Simula bata pa lang kami ay alam ko na ang kanyang ugali, kung papatulan ko siya sa kanyang ginagawa ay ako din ang mapapahamak.
Alam ko din naman ang rason niya kung bakit niya ito ginagawa. Iyon ay para hindi ako payagan na umalis at siya ang sasama kay tito sa darating na lingo. Hindi ako magpapatalo, hanggang sa kaya kong pagtimpian siya ay gagawin ko, kailangan ko din magkaroon ng magandang imahe kela papa ngayon mas lalo na’t malapit na ang pasukan at sira na din ang aking sapatos.
“Nakahanda na ba ang mga gamit mo?” tanong ni Tito na kumukuha ng mainit na tubig sa dispenser. “Ilagay mo na ang lahat sa bag mo para hindi na tayo pabalik-balik dito sa umaga.” Dagdag pa nito.
“Naayos ko na ang iba, to. Bibili ako ng tsinelass, sinira ni Ellie ang isa ko eh.” Usal ko. Sumang-ayon lang ito at nagpaalam na babalik sa kanila.
Bukas na ang alis namin, sabi ni tito ay sa laguna daw kami magpupunta. Sobrang excited na ‘ko dahil ito ang unang beses na byabyahe ako na ganon kalayo at pinayagan akong sumama sa mga ganito. Sa tuwing may outing sila papa sa trabaho ay madalas na si Ellie lang ang sinasama.
Nang matapos ko na ang lahat ng trabaho ko sa salas ay bumalik na ‘ko sa kwarto. Kakalinis ko pa lamang pero puno na ng papel ang sahig, ang gamit ni Eliie na nagkakalat sa kama, at ang damit niyang kung saan-saan nakapatong.
“Bakit ba sa lahat ng maaring maging kapatid ay isang burara pa na katulad niya ang naging na punta sa akin?” tanong ko sa sariili bago muling inayos.
Nakakasawang maglinis ng bahay kung sa tuwing walis mo ay maya-maya lang ay puno na ng kalat at kung sino pa ang nagkakalat ay siya pang malakas na magalit kahit wala naman ginagawa. nang maligpit ang lahat ng kalat ay inilabas ko ang lahat ng aking gamit na maganda sa akin paningin. Iniligay sa school bag na siyang gagamitin sa pag-alis.
Walang tao sa bahay, umalis at kumain sa labas. Isang himala ang bagay na ‘yon pero ayaw kong sumama—hindi ko ugaling makipagplastikan, na magkukunwaring na isa kaming masayang pamilya sa labas. Mas gusto ko din ang mapag-isa, tahimik at walang gumugulo sa akin.
LUMIPAS ang oras at masaya ang lahat na umuwi, wala akong narinig na reklammo mula sa kanila dahil buong bahay ang aking nilinis. Dumiretso ang lahat sa pagpapahinga at ako ay nanatili sa salas upang doon magpalipas ng gabi.
Ako lang ang magigising sa umaga, hindi naman sila papayag na istorbohin sila sa bagay na katulad nito. “Ayan, para bukas hindi na kailangan mag-akyat baba.” Sabay inilagay ang bagong tsinelas na pinadaan ko kay mama kanina. Hindi ako nakatulog kaagad sa sobrang excited pero di din nagtagal ay hinila na ‘ko ng antok.
Malakas na alarm ang gumising sa akin, nag-ayos na ‘ko ng sarili at nagluto ng para sa umagahan ng lahat bago magpunta kela tito. Pero bago pa ‘ko makaalis ay wala na sa pinaglagyan ko ang tsinelas na pinabili ko.
“Dito ko lang inilagay ‘yon eh.” Naiiyak kong ani bago tinignan kung saan-saan ang aking gamit pero wala, wala sa lahat ng pinaglalagyan ko ng gamit.
“Oh, bakit hindi ka pa umaalis?” tanong ni mama na lumabas ng kanilang kwarto. “Anong oras na, nakakahiya sa iba niyong kasama kung magpapahintay ka pa ng matagal.” Dagdag pa nito.
“Nawawala ang tsinelas ko, ma, dito ko lang inilagay ‘yon eh.” Hindi pa din ako tumigil sa paghahanap at si mama ay nag-umpisa na din na tulungan ako.
“Siguradong tinago na naman ‘yan ng magaling mong kapatid, kahit kailan talaga walang ginawa kundi ang mamerwisyo sa iba at dinagdagan pa ng kakatihan ng kamay.” usal ni mama bago umakyat sa kwarto namin para doon maghanap.
Magkakalahating oras na ang lumipas, dumating na din si tito upang sunduin ako at sabay na kaming lalabas pero hindi pa din mahanap ang gamit kong itinago ng impakta.
“Dapat sa anak niyo na ‘yan tinuturuan ng desiplina, hindi lang isasama ay ipapahamak pa ang kapatid niya.” naasar na usal ni tito.
Hindi umimik si papa sa narinig nito, kakalabas lang din nito sa kwarto nila dahil maaga pa ang kanyang pasok. Maya-maya lang ay bumababa si mama, hawak ang aking hinahanap bago inabot sa akin. “Grabe na talaga ang ugali ng bata na ‘yan. Tinago niya ang gamit ng ate niya para hindi makasama, yari ‘yan sa akin mamaya.” Pagsusumbong ni mama.
“Baka naman kasi pakalat-kalat ang gamit mo?” baling sa akin ni papa.
Gusto kong sumagot ng pabalang pero mas nanguna ang pagsakit ng aking dibdib, kailan kaya niya ‘ko paniniwalaan? “Inayos ko po lahat ng gamit ko tanghali pa lang, bago ako matulog kagabi ay inilagay ko na sa tabi ng bag ko ang lahat ng dadalhin ko.” paliwanag ko.
“Tara na, hinihintay na tayo.” pag-aaya ni tito bago kinuha ang mga gamit ko.
Mabigat ang aking dibdib ng lumabas kami ng bahay—hindi, isa iyong impyerno at kahit kailan ay walang makakapagpabago non. Pati simpleng bagay na makakapagpasaya sa akin ay gusto pa mawala, si papa na kait kailan ay hindi naniniwala kahit harap-harapan at sinasampal na sa kanya ang katotohanan.
“Maldita talaga ‘yang kapatid mo, kaya ayaw ko ‘yan na nasa bahay.” Komento ni tito ng malayo-layo na kami sa bahay. “Ito naman papa mo ay parang timang, hindi nakikita ang pagkakamali na ginagawa ng isa, kung sabagay, kamalian niya nga ay hindi niya matanggap.” Dagdag pa nito.
Sa lahat ng kapatid ni mama ay ayaw kay papa, pinapakisamahan lang sila nila tito para walang gulo na mangyari pero sa tuwing nakikita nila kung gaano ako pakisamahan ni papa ay nagagalit ang mga ito. “Sanay na din naman ako sa ganyan, to, kaya nga gusto ko na maka-graduate para makaalis na dyan sa kanila.” Tugon ko.
Nang makarating kami sa sasakyan ay kami na lang ang hinihintay, kasama namin ang pamilya ng asawa ni tito. Mabait naman ito pero naglalagay ako ng distansya sa amin dalawa, masyado silang malapit ni Ellie kaya ayaw ko din maging malapit kami.
MABILIS na umikot ang oras, matapos namin makarating ay pinakain muna kami ng mga nakakatanda bago tumalon sa swimming pool. May mga kakilala ako sa mga kasama ngunit hindi naman ako malapit sa kanila, bukod sa maangas sila kumilos ay taong bahay lang ako para makilala sila ng sobra.
Isa na doon sa kasama ay si Jaycee, magmula ng mga bata kami ay madalas na kaming magsabunutan at mag-away, tanda ko pa noon na ginamit ko ang notebook na binigay niya sa akin at sa bandang huli ay piangbayad niya ‘ko dahil sinulatan ko ang biniga niya. May pagkainggitera din ang isang ‘to, galit na galit siya sa tuwing ako ang nanalo sa beauty pageant sa lugar namin at ang mga magulang na kahit mali na ang ginagawa ay panay pa din ang kampi.
Sa buong oras ay madalas akong nasa gilid, gustohin ko man mag-arkela ng salbabiida ay kulang ang dala kong pera, ayaw ko din naman manghingi kay tito dahil siya na ang sumagot sa lahat pagdating sa akin. Nag-eenjoy na magbabad mag-isa sa sulok habang lahat sila ay nagkakasiyahan sa gitna.
Nang mapagod ay dumiretso na ako sa cottage, mag-isang kumakain at nagbabantay ng gamit nila. Sumapit ang hapon at nagbanlaw na ang lahat, naghahanda para sa pag-uwi at inaayos na ang mga lasing na kasama. Saktong alas-kwatro ay dumating na ang service, marami na din ang nagtitinda sa labas ng resort kaya bago sumakay ay naglaan muna kami ng kalahating oras upang mamili.
Napatingin ako sa limang-daan na binigay sa akin, buo pa din ‘yon kaya nagpunta ako sa isang ale at bumili pangpasalubong—buko pie na isa sa aking paborito.
“Oh, si Hazel, hindi pa ata busog.” Pang-aasar ng asawa ng kapatid ni tita ng makita ang aking hawak.
Nagtawanan ang lahat at senegundahan ang pang-aasar. “Para ‘to sa bahay.” Paliwanag ko pero mukhang walang epekto pa din ito sa kanila.
Hinayaan ko nalang silang tumawa hanggang sa napagod sila. Buong byahe ay natulog ang lahat, nang makauwi ay kanya-kanyan buhat ng gamit. Ang mga kasing edad ko na tuwang-tuwa sa mga souvenir na kanilang nabili samantala ako ay tuwang-tuwa sa pagkain na aking napili.
“Andito na ‘ko.” anunsyo ko ng makapasok sa loob ng bahay.
Agad na sumalubong si mama at kinuha ang hawak ko habang malaki ang ngisi ni Eliie na mukhang may masamang gagawin na naman. Sana, masama man pakinggan pero bilang kapatid niya sana may karma na magtuturo sa kanya ng leksyon.
“Ang sabi mo kay papa, ako ang nagtago ng gamit mo? May proweba ka ba na ako ang nagtago. Ikaw, gagawin mo talaga ang lahat para mapagalitan ako ni papa ‘no?!” sigaw niya.
Walang respeto. “Baka ako ang nagtago, aalis kasi ako kaya tinago ‘ko. Sapat na ba iyon?” tanong ko.
“Sumbungera. Sapakin kita dyan eh!” sabay amba ng kanyang kamay.
Ngumisi ako bago binangga siya. “Palibhasa inggitera ka, kaya hindi ka sinama dahil ang sama ng ugali na meron ka. Karmahin ka sana, karmahin ang tunay na nagnanakaw ng pera dito sa bahay, at sana mamatay na ang tunay na nagsisinungaling sa atin dalawa.” May diin kong usal.
“Oo, talaga, uunahin kita.” Pagbabanta niya.
Inirapan ko siya bago nagpunta na as kwarto. Sobrang haba ng naging byahe ko, wala na ‘kong lakas para makipagtalo pa sa katulad niyang walang kwenta. Matapos ayusin ang gamit at muling linisin ang sarili ay iniiwasan ko ng makita pa si Ellie.
Ayaw ko na siyang patulan, hahayaan ko na lang na ibang tao ang maging karma niya. At hindi ako ‘yon pero siguradong meron.