Chapter 15: Rebelde

2436 Words
Mainit at tirik ang araw ngunit hindi iyon iniinda ng mga nakapila. Maaga pa lang ay nagpunta na kaming lahat upang mag-enroll sa huling taon namin bilang junior high, kasabay ng balitang hindi namin inaasahan. “Bakit hindi niya kaagad sinabi sa atin na lilipat na siya?” tanong ko kay Jean na kanina pa walang imik. Nalaman namin mula kay Joven na lilipat na ‘to ng paaralan, ang pagpunta namin sa kanila ang huli naming pagkikita dahil ang kasama nila sa bahay ang nag-aayos ng kanyang mga papel. Wala kaming kaalam-alam, hindi namin alam kung ano ang tunay niyang dahilan. “Magmula ng matapos ang klase ay madalas siyang magsabi sa akin, ayaw niyang ipaalam ‘to sa inyo pero bilang kaibigan ay kailangan niyo din malaman. Ngayon sa probinsya na siya, kung na saan ang mama niya. Mukhang magiging masaya naman siya doon, ‘di ba sabi niya dati ay gusto niya ng presensya ng magulang niya.” tugon ni Joven bago na upo sa harap namin. Lahat kami ay tahimik. Hindi ko akalain na ang masayang pangyayari na ‘yon ay siyang magiging huling beses na makokompleto kaming lahat sa iisang lugar, kung malayo na siya ngayon ay siguradong hindi na kami muling mabubuo pa. “Isipin natin na ganon na nga.” Pagpapagaan ko sa loob nila. Atleast doon, kung kasama niya ang ina niya ay magiging masaya siya kesa ang mag-isa siya sa syudad na ito, nakukuha ang lahat ngunit nangungulila naman sa atensyon at pagmamahal. “Hindi kasi siya nagpaalam sa akin, nakakasama ng loob.” naluluhang usal niya na agad din pinunasan. “Pero hayaan na, mas mabuti ng isipin natin na ganon na nga kesa ang magmukmok tayo at magalit sa kanya.” pahabol niya. Sumang-ayon kaming lahat at tinapos na ang pag-eenroll, inabot pa kami ng ilang oras bago matapos ‘yon at naging masaya din ang kinalabasan. Kasama din namin si Mariel na tahimik lang sa aking tabi, pilit na tinatago ang balat niyang nangingitim dahil sa pagbabad sa dagat. “Kamusta ang naging bakasyon mo? Malapit na naman ang pasukan, nakakatamad pero excited ako para makatambay ulit sa inyo.” Nakapulupot ang aking kamay sa kanyang braso. “Tabi tayo para walang mang-away sa iyo.” dagdag ko pa. Madalas na ma-bully si Mariel dahil sa buhok nito, hindi nila makita ang tunay na ganda niya dahil lagi itong nakayuko at nakatakip ng kanyang mukha. Kung mag-ayos ‘to, siguradong maraming magkakagusto sa kanya at makikipagkaibigan mas lalo na ‘t maayos din ang pamumuhay ng pamilya nito. “Ikaw lang naman ang dinaig pa supervisor sa pag-iikot sa classroom.” Sabay irap. Nakapakamot na lang ako ng batok at tumawa. Iyon ang madalas niyang daing pero pagbalik ko naman sa upuan namin ay kompleto na ang sagot ko sa papel. Para sa akin ay madaling makisama sa iba, kailangan mo lang maging mapagbigay para may makuha ka sa kanila. Ang mga mararamot na tao ay walang paparatingan, mas lalo na ang mga tao na gusto lang makinabang at di kayang magbigay. “Sige, hihinto ako sa pwesto natin basta ikaw ang humanap ng—omg! Iyong crush ko paraa dito.” hindi ko matapos ang sasabihin ko ng mapansin kung sino ang papalapit sa aming pwesto. Bakit sila magkasama? Hindi ko akalain na magkaibigan silang dalawa. Isip-isip ko habang nakatingin sa dalawang crush ko sa school na ‘to. Ang isa ay isang football player at ang isa ay galing sa star section na kilala dahil sa talino nito. “Ayan ka na naman, Hazel,” suway niya bago kumaway sa pwesto ng dalawang lalaki na kumaway din pabalik sa kanya. Maya-maya ay lumapit ito sa amin. “Yel, akala ko tapos ka na bumili, kanina ka pa andito sa school sabi ni Ninang.” Ani Marcus, ang taga-star section. “Sinasamahan ko pa siya,” turo nito sa akin. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko ng ngumiti siya sa akin attumango ng dumapo naman sa isa ang tingin ko ay kumaway din siya sa akin. Naalala ko kung paano siya mangulit sa akin ng para manligaw pero dahil mataas ang pangarap ko, nasa isip lang ay kung paano ako makakaalis sa amin at makapaunta ng japan ay hindi ko siya pinayagan at sinabing maghintay hanggang sa dumating ako sa tamang edad. At ngayon ay para akong timang na crush na crush siya matapos kong busted-in pero wala akong pagsisi sa ginawa kong iyon. Mas ayos na ang paghanga na muna ang maramdaman ko, masakit na sa puso ang ginagawa ni papa para humanap pa ‘ko ng isa na mananakit sa akin. “Sige, mauuna na kami.” Paalam ni Marcus at muling tumango sa akin. Nang makalayo na sila ay dali-dali kong hinampas ang braso ni Mariel. “Akala ko ba ay hindi kayo malapit sa isa ‘t isa?!” Kinakapatid ni Marcus ang babaeng ‘to pero lagi niyang sinasabi na hindi sila malapit at minsan lang mag-usap. “Hindi nga, pero hindi ko naman sinabi na hindi kami nagbabatian daawa.” Nakataas ang kilay niya bago hinala na ‘ko palayo sa aming pwesto. “Tara na, sabi mo ay pupunta pa tayo kela Joven baka hinihitay nila tayo.” “Nagmamadali ka ata?” usal ko bago sinabayan siya sa paglalakad. Marami ang naglalakad sa kalsada, mga estudyante na nagpa-enroll na hindi pa umuuwi at nagplaplano pang gumala. Ganon naman paghigh school ka, marami kang oras para maggala pero ang problema ay walang pera kaya mas mabuting sa bahay na lang ng classmate tumambay. “Ang taas at ang laki ng bahay nila, gusto ko ulit umakyat sa rooftop nila,, ang presko at maganda ang tanawin.” Paliwanag niya. “Mas maganda ang bahay nila Jazz. Kung samama ka lang sa amin ay siguradong isa ka sa nganga sa desenyo ng bahay nila. Sobrang lawak, maaliwalas at kahit saan ka pumwesto ay halatang pinaggastusan.” Pagkwekwento ko. Hindi talaga ako maka-move on sa bahay nila, Jazz. “Sayang. Umalis na siya ngayon, hindi na ‘ko makakaputa sa kanila. Mukhang mabait pa naman ang isang ‘yon at hindi kuripot katulad mo na panay ang buraot.” Pambabara niya. Inirapan ko siya bao na una nang pumasok sa bahay nila Joven. Katulad sa bahay nila Jazz ay madalas na walang tao sa bahay nila, nasa trabaho ang mga kapatid nito at magulang kaya amadalas na siya lang ang natitira sa malaking bahay na ‘to. “Ano ang gagawin natin?” tanong ni Mariel sa kanila na abala sa paglalatag sa rooftop. “Mag-iinom, inggitin natin si Jazz dahil bigla nalang siyang umalis ng walang paalam.” Direktang sagot ni Jean na mukhang na saktan sa pag-alis ni Jazz. Paano ba naman na hindi? Paulit-ulit itong umamin kay Jean, sa mga araw na magkakasama kaming lahat ay silang dalawa ang madalas na magkasama kaya may karapatan si Jean na magalit at masaktan dahil kait magpaalam ay hindi nito ginawa. “Nag-iinom ka?” hindi makapaniwalang tanong ni Mariel. Nag-aalinlangan akong tumango, sumama ang tingin niya sa akin pero ngitian ko lang siya. Para siyang isang nanay, na hindi makapapayag na mawala sa landas ang isang anak pero hindi naman nakakawala ng landas ng alak basta sa tiyan ito ilagay hindi sa utak. “Kaunti lang,” sagot ko. Hindi niya ‘ko pinansin at na upo sa gilid, nang makabili sila ay kami lang ang nag-iinom at si Mariel ay nagcecellphone lang habang nakikinig sa pinag-uusapan namin. “Akala mo hindi ko alam na hindi ka nag-inom nakaraan, sabay ngayon ay mag-iinom ka na naman. Nag-aadik ka ba?” tanong niya. “Nag-eenjoy lang ako, minsan lang maaging bata kaya gusto kong subukan ang lahat ng pqedeng subukan. Hindi naman porket nag-iinom ka ay masama ka ng tao, minsan ito lang ang ginagawang daan ng iba para makalimot ng problema.” Pangangaral ko. “Pero ang mag-inom a wala pa sa tamang edad ay kamalian, Hazel. Sabihin mo nga sa akin, nagrerebelde ka ba ngayon kaya mo ginagawa ang mga bagay na ‘to? Hindi ka naman ganito dati, kahit sa dami mong problema na kinahaharap ay mas pinili mo ang matulog, humanap ng soluson, at hindi mag-inom.” Aniya. Nagrerebelde? Mukhang magandang pakinggan sa isang katulad ko na binagsakan ng langit at lupa. Ang isang katulad ko na gusto lang naman makattanggap ng support amula sa tao sa kanyang paligid pero pinagkaitan, pinagbibintangan sa bagay na hindi ginawa, at madalas pa pagmalupitan. “Pwede mong sabihin ‘yon.” Kibit balikat kong tugon. Itong ginagawa ko, hindiman ako nag-aadik pero hindi ko maitatanggi na umiinom ako para makalimot sa lahat ng problema. Sa tuwing nasa labas lang ako nakakapagsaya ng ganito dahil kung nasa bahay kahit hindi ko ginawa ay kasalanan ko pa din. “Hazel, kung balak mo magrebelde dahil sa nararanasan mo ngayon ay isipin mo ang kinabukasan mo. Kung magrerebelde ka, sige mag-inom ka at gawin mo ang gusto mo ngayon pero sa tingin mo ba kung may magandang kakahinatnan ang pagrerebelde mo ngayon? No. Mas lalo kang ma-stock sa bahay na itinituring mong impyerno, mas lalo mong pinatunayan sa papa mo na tama ang sinasabi niya patungkol sa iyo, at bibiguin mo lang ang mga taong naniniwala sa iyo na kakayanin mo lahat ng pinagdaraanan mo.” sermon at pangungumbinsi niya. Hindi ako makapagsalita sa kanyang sinabi dahil kahit pagbalik-blaiktarin ay tama siya. Kung itutuloy ko ang pagbabalak kong magrebelde ay mas lalo kong inatunayan na isa akog pariwarang babae, na wala silang maasahan sa akin. Ngunit, ito lang ang nag-iisang paraan ko para makalimot, hindi naman ako mag-aadik pero— “Hazel, alam ko na ginagawa mo ‘to para mapansin ka nila, o makalimot ka sa bahay nniyo pero intindihin mo ang kinabukasan mo. Hindiman magiging madali ‘to ngayon, ilugmok ka man nila sa lupa pero andito ako na naniniwala na kakayanin mo ang lahat. Tutulungan naman kita, basta tulungan mo ang sarili mo na makabangon at huwag mong mas lalong ilugmok. Walang ibang tutulong sa iyo, kundi ang sarili mo mismo, huwag mong intindihin ang sinasabi nila at patunayan mo na mali sila sa paraan na alam mong tama, At hindi sa ganitong bagay.” Dagdag pa niya. Mas lalo akong natahimik. Hindi ko naisip ang bagay na sinabi niya, akala ko ay tama itong nais kong pasukin at gawin pero ito pa pala ang maaring makapagpahamak sa akin. Muntik ko ng pasukin ang bagay na hindi ko kayang panindigan hanggang sa huli, hindi ko gusto na magsisi pero ito lang ang naiisip kong paraan para makalimot sa sakit. Naluluha akong yumakap sa kanya. “Gusto ko ng sumuko, dumarating na ‘ko sa punto na gusto ko na lang saktan ang sarili ko para doon maibaling ang sakit na nararamdaman ko. Alam mo ba ‘yon sakit? Hindi siya naghihilom, sa tuwing naiisip at naririnig ko ang walang katapusan niyang sinasabi ay mas lalo lang lumalalim. Ayaw ko magtanim ng galit pero hindi ko mapigilan pa ang sarili, hindi ko alam kung saan ako lulugar, pakiramdam ko ay wala naman talaga akong lugar dito.” humihikbi kong usal. Masyado akong nadadala ng emosyon, hindi ko ugaling umiyak sa ganitong bagay dahil sanay na ‘ko pero siguro dahil sa epekto ng alak ay nasasabi ko ang lahat ng ito. Walag tigil sa paghikbi habang aka psi Mariel. Ilang minuto akong umiiyak, hiyaan niya lang ako at ng matapos ay pakiramdam ko ay nabawasan na ang bigat ng aking dibdib. “Hazel, huwag mong sarilihin ang problema at ipunin ang sakit dyan sa puso mo, pwede ka naman umiyak sa akin kung hindi mo na kaya. Willing akong makinig sa lahat ng problemang kinahaharap mo, kaya naiipon ang sakit dyan, kaya minsan napapagod ka dahil wala kang pinagkakatiwalaan sa tunay mong nararamdaman. Natatakot kang sabihin at lumabas mismo sa bibig mo.” aniya ng makitang kumakalma na ‘ko. Inabutan niya ‘ko ng tubig at doon ko na pansin na nakatingin sa akin ang lahat ng kasama namin. Nawala sila sa isip ko ng magkausap kami ni Mariel. Nakakahiya, nakita nila ang pag-iyak ko kanina at mukhang narinig pa ang lahat ng pinag-usapan namin magmula ng una. Ayaw pa naman nilang malaman kung ano ang hinaing ko, pinatigil nila ‘ko ng nasa bahay kami ni Jazz. “P-pasensya na,” usal ko bago dali-daling pinunasan ang luha na nasa pisngi ko. “Nalasing na ata ako.” dagdag ko pa. “Ayos ka lang ba?” tanong ni Lyka bago lumapit at inalo ‘ko sa likod. “May punto si Mariel sa sinabi niya, kung may problema ka ay sabihin mo sa amin, huwag mong sarilihin dahil ikababaliw mo ‘yan sa bandang huli.” “Huwag mong isipin na magrebelde, wala kang mapapala doon at sisirain mo lang ang lahat ng bagay na naumpisahan mo. Hindi ka din naman namin hahayaan, ayos ng si Joven ang mukhang rebelde sa atin, hindi ikaw na may inosenteng mukha.” Segunda ni Mel. Nag-umpisa na silang mag-asaran at ako ay pilit na kinalma ang sarili sa tabi ni Mariel. Si Mariel ang isa sa sobrang nagtitiwala sa akin kaya kahit kailan ay hinding-hindi ko siya bibiguin. Pangako ‘yan. Malapit na magdilim ng naisipan na naming umuwi, isang bote lang ang pinagsaluhan namin kaya ang lahat ay nasa tamang pag-iisip. Katulad ng nakasanayan ay hinatid ko si Mariel hanggang sa gate ng bahay nila at ako naman ay hinintay niyang makasakay bago pumasok sa kanila. “Kung may problema ka ay sabihin mo sa akin, papakinggan ko. tsaka kung may oras ka, pwwede bang mag-update ka? Ang tagal ko ng naghihintay sa sunod na parte libro mo.” reklamo niya. Ngumiti bago ako tumango. “Mamaya, pag-uwi sa bahay ay i-publish ko na ang sunod.” “Tapusin mo lahat ah? Ang dami pa naman naipupublish sa libro na mga gawa ngayon, hindi malabong isa ka sa mapili nila sa dami mong readers at commentor.” Aniya. “Sana.” Pag-aasam ko. Ang magkaroon ng sariling libro ang pinakaasam ko, hindiman ngayon pero darating din ang panahon na ‘yon at tunay na makakaa-appreciate ng gawa ko. Nang may dumaan na jeep ay nagpaalam na ‘ko kami sa isa’t isa, habang nasa byahe ay binabasa ang mga komento sa librong ginagawa ko. Sa kahit ganito lang ay nabubuo na ang araw ko, sila ang nagtutulak sa akin na patuloy na magsulat at ang talento ko na ‘to ang magiging susi sa kinabukasan ko. Sana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD