Maraming pang-aakit ang sumubok sa akin, kanya-kanyang mga aya na mahirap tanggihan ang aking na lampasan, at sa wakas ay tapos na ang buong bakasyon na walang ibang nangyari at paulit-ulit na pangyayari. Suot ang lumang uniform, bag, at sapatos ay maaga pa lang nakarating na ako sa unang araw ng pasukan, kahit ang aking medyas ay lumang-luma na di kayang mapalitan dahil sino ba naman ako?
Katulad ng inaasahan sa unang araw, maraming mga estudyante ang maagang nagsipasukan, nagpapagandahan ng mga bagong gamit at nagkwekwentuhan patungkol sa kanilang mahabang naging bakasyon. Samantala, magkatabi kami ni Mariel, kumakain ng dala niyang chocolate na pinadala pa ng ate niya.
“Ang dami naman atang pinadala ni Ate She, saan galing ‘to?” tanong ko. Madalas na wala si Ate She sa bahay nila, mas gusto nito ang manirahan sa tahimik na probinsya kesa sa syudad na puno ng busina at mapamatay na usok mula sa mga pabrika.
“Binigay iyan ng manliligaw niyang seaman, isang malaking bag ang binigay sa kanya. Kung uubusin niya ‘yon mag-isa siguradong magkaka-diabetes siya kaya namahagi.” Paliwanag niya bago inilibot ang tingin. “Malapit na mag-time pero wala pa sila, wala naman ata silang balak na magpalate sa first day ng klase ‘di ba?” tanong niya.
“Ewan. Kung si Jean, wag mo na asahan. Hindi pumasok ng maaga ‘yon at mamaya ay mukhang gising pa.” sa halos isang taon na inoobserbahan ko si Jean ay bibilang lang sa daliri ang pagpasok niya ng isang buwan. Hindi na ‘ko aasa pa na magbabago siya ngayon taon dahil hindi ko naman nakita ang pagka-interesado niya sa unang subject na ‘to.
“Oo nga pala. Nasa ibang section na sila Angela at Lyka pero atleast magkasama pa din sila, hindi katulad ni Joven na mag-isa sa ibang section.” Aniya.
“At mabuti na lang ay magkasama pa din tayo.” dagdag ko. Hindi ko kakayanin na makita si Mariel na may kasamang ibang kaibigan, madalas pa naman ay nakakalimot ang iba ng pinagsamahan kung may panibago na silang kaibigan na nakilala.
Ayaw ko mangyari ‘yon, dapat ako lang at maipapangako ko na si Mariel lang.
“Kung sakaling mangyari ‘yon, pipilitin ko si mama na magpunta dito at ipalipat ako sa section na ‘to. Papayag naman ‘yon, mas lalo na ‘t ikaw lang ang pinagkakatiwalaan niya na naging classmate ko.” aniya.
“Yiee. Baka sa susunod na makakilala ka ng mga bagong kaibigan ay makalimutan mo na ako.” pang-aasar ko. Hindi iyon malabong mangyari, darating ang panahon na kailangan na namin maghiwalay upang makamit ang mga pangarap namin.
At sa oras na ‘yon, hahayaan ko siyang lumipad sa sarili niyang mga pakpak upang matuto sa hirap ng buhay na walang ibang inaasahan. Kakayanin ko kaya?
“Asa. Baka ikaw ang unang makalimot sa ating dalawa, ang bilis mo makahanap ng kaibigan at makasundo ang mga tao kaya siguradong ikaw ang unang makakalimot sa ating dalawa. Naku, kung dumating ang oras na ‘yon sasapakin kitang babaita ka.” Pagbabanta niya sabay yakap sa braso ko.
Hindi namin namalayan ang oras at halos mapuno na ang buong classroom. Familiar ang mukha ng karamiihan pero may iba din sa amin paningin ang iilan na nasa gilid at tahimik na nagmamasid sa buong lugar.
“Mga transfer ata.” Aniko bago tinuro ang dalawang magkatabi sa gilid.
Nag-uusap ang dalawa at may sariling mundo habang ang iba ay napapaingin sa kanilang pwesto. Maya-maya lang ay kasabay na pumasok ni Jean ang unang teacher sa araw na ‘to at tatawa-tawang naupo sa likod namin.
“Muntik na ‘ko ma-late!” reklamo niya.
“Nakakapagtaka na pumasok ka ng maaga.” Sagot ko sa kanya. Binatukan niya lang ako at nakinig na sa harap.
Masyado akong bida-bida kaya nasa unahan ako naupo, samantala ang lahat ay nagsisiksikan sa likod upang di mauna sa pagpapakilala katulad ng nakasanayan sa unang araw ng klase. Bago mag-umpisa ang lahat ay nagkaroon ng pagbabago sa seating arrangement kaya nahiwalay ako sa dalawa kong kaibigan at nakatabi ang pinakaayaw ko sa klase.
Nag-umpisa na din ang introduce of self at umagang-umaga ay marami ng napahiya dahil kailangan English speaking ang lahat, isa na sa napahiya ay ang dalawang transferee na babae dahil mayroon accent ang kanilang pananlita. Joana Reyes, mukha siyang tomboyin at namihinhin samantala ang isa naman ay mukhang may sariling mundo.
Mabuti na lamang at mabiis ang oras sa umaga at natapos kaagad ang klase niya. Sunod, ang adviser namin, beks ito at madaling pakisamahan, sobrang bait at maintindihinsa amin lahat.
“Sino ang gusto niyong maging President?” marami ang nagtaas ng kamay at iisa lang ang pangalan na kanilang binanggit. “Rossana for president.” Dagdag ni Sir. Nagpalakpakan ang lahat at ang Rossana ay masama ang mukha dahil tutol sa nangyayaring botohan.
Nagtuloy-tuloy ang botohan na napuno ng kalokohan. Karamihan sa mg ana elec ay dating hindi nagpapasok sa klase, isa na si Jean na naging Vice President at ang muse at escort ay bakla ‘t tomboy na galit na galit. Samantala ako ay hinatak ni Jean bilang secretary.
Ang dami kong hawak na papel, isa na doon ang buong attendance namin, mahigpit na pinamomonitor ang lahat ng pumapasok sa tuwing klase, at mga nagcucutting. Kailangan kong pakisamaan ang lahat kahit na hindi ko gusto pakisamahan ang iba.
“Maayos na po ang lahat.” Anunsyo ko.
Wala kaming ginawa sa buong unang klase kundi ang walang katapusan na pagpapakilala sa isa ‘t isa, pagsasabi ng patakaran sa bawat subject. Nang malapit na ang uwian ay hindi nagpakita pa ang huling teacher namin kaya nagkaroon ulit ng pagkakataon na mag-ingay ang lahat.
“Hello. Pwede ba ako sa inyo sumama?” tanong ni Joanna na siga maglakad. “Transferee lang ako, wala akong ibang kakilala at hindi pa ako familiar dito lugar.” Dagdag pa niya.
Nagkatinginan kami nila Jean. “Walang problema. Tumabi ka lang sa amin kung gusto mo, hindi kami nangangagat kaya wala ka dapat ipag-aalala.” Anito.
Lumaki ang ngiti ni Joana bago na upo sa tabi ni Jean. Nag-umpisa na din makipag-usap ang iba namin katabi na kanina lang ay tahimik at hindi nakikipag-usap kahi may kakilala sa loob ng kwarto. Sa sandalling panahon ay unti-unti ko silang nakilala, hindi naman masama at sa tingin ko ay mas lalo pang lalaki ang numero ng mga kaibigan ko.