Chapter 17.2: Tiwala

1438 Words
Si Papa na kanina pa humahanap ng paraan para malamang kung ‘paano’ daw namin kinuha ang pera niya. Tahimik ang buong bahay at tanging paghikbi lang ni mama ang aking naririnig habang si papa ay panay ang dabog sa kwarto nila na hindi mapakali sa paghahanap ng pera. Kinain na ang buong sistema niya ng pera, sinasamba kung sino ang nakaaangat at kung sino ang tingin niyang mayakaya. Na humantong na sa ganitong bagay, walang habas na hinuhusgahan ang sariling pamilya na walang muang sa perang kanyang binibintang. Nilingon ko ang pwesto ni mama na walang tigil ang pagpatak ng luha. Naawa ako sa kanya, na sinapit niya ang ganitong bagay dahil sa pagpili kay papa, kahit na madalas na hindi niya ‘ko paniwalaan at pag-initan ay masakit pa din sa akin ang makita siyang nasasaktan—siguro dahil kahit gawin ko ay hindi magbabago na ina ko siya. Masama ang loob ko sa inasta at pagbibintang ni papa pero alam na mas matindi ang nararamdaman niya ngayon. Lahat ay ginawa niya para makatulong sa bahay, ang hirap niya sa pag-aalaga sa amin, ang gawaing bahay at sa dulo ay aawayin lang siya ni papa ‘t pagbibintangan na hindi naman ginawa. Isang ina? Hindi ko yata kakayanin ang haba ng pasensya ni mama. Ayaw ko mag-asawa o gumawa ng pamilya na isang katulad ni papa ang makakasama ‘t magiging ama ng anak ko. Ayaw ko mamging katulad ni mama at mas lalo ayaw ko na maging katulad ko ang magiging anak ko. Ang hirap pero ayaw ko sumuko. Dahil kahit gaano pa kahirap, kasakit, at kabigat ang nararamdaman ko ngayon ay hindi ko dapat biguin ang mga taong naniniwala sa akin, sila ang dapat kong isipin sa tuwing sa sukong-suko na ‘ko sa lahat. UMAKYAT ako sa kwarto, sa pagsilip sa labas ay kita ang tumpukan ng mga taong naghihintay na makasagap ng balita patungkol sa nangyayari sa loob. Ang mga taong walang ginawa kundi ang bantayan ang mga buhay ng tao at problema ng iba. Nagpalit ako ng damit at pinipigilan ang pagpatak ng luha. Walang magagawa ang pag-iyak, hindi naman makakatulong ‘yon para sagutin ang pangbibintang ni papa. Impossibleng may makakuha non mula sa loob, at kahit pinaglagyan niya ay hindi namin alam. Walang may gumalaw sa loob ng bahay, ang mga basag na gamit ay andoon pa din. Marami ang nasira dahil sa pag-aaway nila, wala na nga kaming gamit ay ‘yon pa ang napagdikitahan nilang gawin. Nang makarting ang mga kapatid ko—isa na doon si Ellie ay tila natural na lang sa kanila ang nanagyari. “Wala talagang aamin sa inyo kung sino ang kumuha ng pera?!” galit na sigaw muli ni papa. Walang umimik, kahit si mama ay napagod na din sa kakapaliwanag at pagtatanggi. Nang walang sumagot sa kanya ay nagpatuloy ito sa pag-iingay na kinalabasan na mas lalong walang kumilos at hindi kami naghapunan. “Oh, Ellie, ito na ang allowance mo bukas.” Napalingon kaming lahat ng magsalita si papa at binigay ang pera. “Ingatan mo ‘yan, baka mawala sa bahay na ‘to na puno ng mga magnanakaw.” “Opo pa.” sagot nito na tuwang-tuwa bago dumila amin na hindi binigyan. Naiiyak ang bunsong babae pero hindi siya sumubok na lumapit kay papa dahil alam niya ang susunod na mangyayari. Si Ellie lang ang may karapatan, siya lang ang dapat bigyan ng lahat ng kanyang pangangailangan dahil kami---sa buong magkakapatid ay siya lang ang nag-iisang pinagmamalaki. “May pera pa ‘ko dito, ito nalang ang gamitin mo.” usal ko sa bunso namin bago inabot sa kanya ang barya. “Salamat, ate.” Malaki ang ngiti nito. Tumango ako sa kanya at tinignan ang laman ng wallet. Sakto na lang iyon sa pamasahe, kung hindi ako sasakay bukas ng umaga at pag-uwi ay wala akong magagastos nap era. Siguradong aabutin ng ilang araw ang topak ni papa at pagbibintang niya. Kumakalam ang sikmura na natulog kami nila mama, ang tanging kumain lang ay si papa’t si Ellie dahil ito lang ang may ganang kumain sa ganitong sitwasyon. Paggising ko kinaumagahan ay wala akong mailuto, walang bigas o ulam kaya nagtiis akong walang kain magmula kahapon ng tanghali. “Nahihilo ako.” usal ko na patuloy ang pagkalam ng sikmura. Sobrang sakit na ng tyan ko pero wala akong ibang magagawa. Akmang tatayo na ‘ko para kumuha ng attendance, isa-isang binilang ang lahat ng nasa klase ng biglang umikot ang aking paligid at bago pa ‘ko bumagsak sa sahig ay malakas na sigawan ang aking narinig. Nang imulat ko ang aking mga mata ay puting kisame ang agad na bumungad at napapaikutan ng kurtia ang aking kinahihigaan. Akmang tatayo ng ‘ko ng biglang; “Hmmm” ungol ko at nag-umpisang mamilipit sa sakit. Ang tyan at ulo ko na siyang nagsasabay at pakiramdam ko ay papatay sa akin. Maya-maya lang ay biglang bumukas ang kurtina at nakita sila Mariel at Jean kasama ang nurse na nakatingin sa akin. “Gisin ka na.” usal ng nurse bago lumapit. “Ano ang nararamdaman mo?” tanong nito. “Masakit po ang ulo ‘t t-tyan ko.” sabay biglang pagtunog ng aking tyan. Nagkatinginan sila sa isa’t isa at iiling-iling si Mariel nang magtagpo ang aming mga mata. Alam niya na kung ano ang dahilan, sa ganong asta niya ay siguradong matinding sermon na naman ang aabutin ko sa kanya. “Hindi ka kumain bago ka pumasok?” “Magmula pa po kahapon ngg tanghali.” Pagtaatama ko bago pinikit ang mga mata. Walang nagsalita at naghihintay sila sa ibang detalye pero hindi ko na sinabi. Ayaw ko na kaawaan nila ‘ko sa sitwasyon na meron ako ngayon, hindi ko kailangan ng awa nila dahil wala din naman mapapala. Napansin nila na wala na ‘kong balak magsalita kaya umalis na sila at nagpaalam si Mariel na aalis. “Wala bang klase?” tanong ko kay Jean. Teka, ang attendance pati na din ang ibang nasa gym ay hindi ko na napuntahan at nagawa, baka hinihintay nila ‘ko. “Pinapunta kami ni Sir para bantayan ka dito. Ayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong niya. Tumango ako. “Ayos na ‘ko, kumakalam lang ang sikmura ko dahil sa gutom at sakit ng ulo dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.” Walang pagsisinungaling kong tugon sa kanya. Tumango siya bago hinawakan ang kamay, “Kug may problema ka huwag kang mahiyang magsabi sa amin, baka makatulong kami at mabawas ang nararamdaman mo.” payo niya. “Nagugutom ako at wala na akong pera.. Iyon ang problema ko.” usal ko. “Walang pagkain sa bahay, wala akong maluto at wala din tirang kanin mula kahapon ng umaga.” Napabuntong hininga siya. “Kaya ka siguro nahimatay dahil sa gutom. Kung ikaw ay magkasakit mas mahal pa sa pagkain ang bibilhin mong mga gamot.” Anito. “Kung ako magkasakit, hindi ako bibili ng gamot dahil wala naman akong pambili.” Kibitbalikat kong tugon na kinasama niya ng tingin. Iyon naman ang totoo. Sa ngayon nga ay ang pangkain namin ay hindi maibigay ng maayos, iyon pa kayang gamot? Siguradong sisigawan lang ako ni papa, sasabihin na pahirap, at gastuhin. Baka sumama lang ang loob ko, hindi naman ako bida at di ako martir para di makaramdam ng sama ng loob at hahayaan nalang ang lahat. “Ito,” inilapag ni Mariel ang tatlong pinggan na puno ng kanin. “Nanghingi ako sa iba ng kanin, ang mga madalas mong sinusundo sa gym ay nasa canteen kaya pinadala na din nila ito sa iyo. Kumain ka na bago pa ‘ko mas masa sa iyo at makotongan kita.” Anito. Mahina akong napatawa at kinuha lahat sa kamay niya, hindi na ‘ko nag-alok sa kanila dahil alam kong kulang ito sa akin. Kahapon pa ‘ko walang kain, naglakad papasok upang makatipid kaya kulang na kulang ‘to. “Salamat.” Usal ko. Akmang susubo na ng kanin ng bigla kong maalala ang bunso at si mama sa bahay. Kumain na kaya sila o baka nahihilo na din sila sa gutom? Pero sigurado naman na makakahanap si mama ng paraan para sadmakahanap ng makakain. “Bakit ka tumigil?” tanong ni Mariel bago binuksan ang juice na bagong dating. “Wala. Naisip ko lang ang kalagayan ng attendance ko.” pagsisinungaling ko bago pekeng ngumiti. Ang mahimatay dahil sa gutom, nakakatawa isipin pero ang bagay na ‘to ay hindi malabong maulit muli. Bakit ba pinarurusahan kami ng ganito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD