Kabanata 22 (Linnea)

1749 Words
Pinanonood ko ang nangyayari sa aking harapan ngayon, habang ako ay nagtatago sa isang parte ng aking tahanan na alam kong hindi ako makikita nina Alana at Ambrose, na ngayon ay magkayakap pa rin at nag-uusap sa mababang boses. Patuloy ko silang pinagmamasdan, habang hindi mawala sa aking isipan ang mga bagay na nakita ko sa aking isipan nitong nakaraang gabi. Hindi ko maiwaksi sa aking isipan ang pangitain na iyon na alam kong para sa lalaking kayakap ni Alana ngayon - ang misteryosong lalaking iyon na alam kong may koneksiyon sa nangyayari sa mundong ito. Hindi ko matanggal sa aking isipan ang mga nakita kong mga pangitain kagabi, na alam kong kailangan kong sabihin sa kaniya ngunit hindi ko alam kung paano ko sisimulan iyong sabihin sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan at sasabihin ang lahat ng mga nakita ko roon, sapagkat maraming mga bagay ang magbabago sa oras na iyon ay sasabihin ko sa kaniya. Nais ko ngang sabihin sa kaniya iyon noong nag-uusap kami kanina, ngunit naramdaman ko na si Alana ay gising na at papalabas na ng kaniyang silid, kaya naman hindi ko na tinangka pang sabihin sa kaniya kung ano man ang mga bagay na iyon - hindi na ako nagpumilit pang sabihin sa kaniya ang mga bagay na iyon. Muli akong napa-hinga nang malalim nang muli na namang pumasok sa aking isipan ang mga bagay na nakita ko kagabi. HIndi ko talagang maiwasang mag-isip, sapagkat napaka-seryoso ng bagay na iyon sa mga nangyayari ngayon sa kaniya - sa kanilang lahat dahil hindi lamang ito pagkakataon na sila ay nagsama-sama sa iisang lugar lamang. May isang lalaki ang muling magbabalik, ang muling kukuhanin ang nararapat na sa kaniya. HIndi niya iyon mawari ngayon, ngunit sa oras na maksama niya ang mga taong karapat dapat sa mga trono na maiiwan ng mga namumunong iyon, siya ay titindig at muling ipaglalaban ang tama. Siya... Siya ang susi upang bumalik sa dati ang lahat, upang magbalik ang kapayapaang pilit na kinuha at ninakaw sa mundong ito, upang muling maranasan ng lahat ang tunay na ibig sabihin ng salitajng kaligayahan. Siya ang taong magliligtas sa lahat, ngunit hindi iyon magiging madali sapagkat maraming mga bagay at mga tao ang maghahangad na siya ay bumagsak at hindi makamtam ang kaniyang mga ninanais. Kaguluhan... Pagsasakripisyo... Kamatayan... Labanan para sa mga nararapat... Ilan lamang iyan sa mga bagay na kailangan niyang pagdaanan. Ilan lamang iyan sa mga bagay na dapat niyang malagpasan upang tuluyang makalaya ang mundong ito mula sa mga kamay ng mga taong sakim - mula sa mga namumuno na mas piniling pairalin ang kanilang kasakiman kaysa ang pamunuan ang lahat. Iyon lamang ang mga bagay na nakita ko sa aking pangitain kagabi, at kahit na hindi tukoy kung sino ang taong iyon, alam ko na sa isang tingin pa lamang ay si Ambrose ang taong sinasabi sa pangitain na iyon. Siya ang taong magliligtas sa lahat, ngunit hindi ko rin mawari kung paano niya iyon magagawa sapagkat ang pagkakaalam ko ay isa lamang siyang hamak na normal na taong nagnanais na malaman ang kaniyang nakaraan. Wala akong ideya kung sino bang talaga siya. Hindi ko mawari kung ano ang nasa kaniyang nakaraan, ngunit isa lamang ang aking masasabi; at iyon ay siya ang nararapat na taong makapagliligtas sa lahat - sa tulong ng mga taong kaniyang makakasama sa kaniyang paglalakbay, sa mga taong hindi lamang nagkataon na nakasama niya sa mundong ito. Kumuyom ang aking kamao sapagkat hindi ko inakalang ang taong kasama ni Alana ngayon ay may napaka-laking responsibilidad upang mailigtas ang mundong ito - upang maiayon na ang lahat at wala nang kaguluhan pang mangyayari. Ang akala ko kasi ay ang taong kasama niya ngayon ay isa lamang normal na tao, ngunit tila ba nagkamali talaga ako nang isipin ko iyon sapagkat ito na ang patunay na siya ay may kakayahang mailigtas ang lahat mula sa kanilang kinasasadlakan. Siya ang magiging susi upang maiahon na ang lahat mula sa kanilang paghihirap. “Mukhang mali ang aking pagkakakilala sa iyong kaibigan.” Hindi ko mapigilan ang aking pagsinghap nang may bigla na lamang nagsalita sa aking likuran, sapagkat hindi ko inaasahan na may ibang tao pa pala ang nasa aking gawi at pinagmamasdan ang mga nangyayari ngayon sa aming harapan. Lumingon ako sa taong nagsalita na iyon, at hindi na ako nagulat pa nang makita ko si Demetrius, ang isa sa mga taong kasama nina Ambrose sa kanilang paglalakbay sa mundong ito - at hindi ko na kailangan pang isipin na siya ay isa sa mga taong tinutukoy ng pangitain ko na iyon, na tutulong kay Ambrose upang mailigtas ang lahat sa kanilang kinasasadlakan ngayon. Siya ngayon ay nakatingin sa gawi nina Alana, na ngayon ay naghiwalay na sa kanilang pagkakayakap at nag-uusap na lamang sa kanilang mababang boses. Ako rin ay ginaya ang ginagawa ni Demetrius, habang patuloy pa ring tumatakbo sa aking isipan ang mga pangitain ko nitong nakaraang gabi at nadagdagan pa ang aking iniisip nang dahil sa mga sinabi ni Demetrius sa akin. “Bakit?” tanong ko sa kaniya habang patuloy pa rin akong nakatingin kina Alana at Ambrose. “Ano ba ang iyong pagkakakilala sa aking kaibigan?” Alam ko kasi na may hindi pagkakaintindihan ang dalawang ito, nasabi na sa akin ni Alana noong nag-usap kami kahapon. Sinabi niya sa akin na tinanong siya ni Demetrius tungkol sa kaniyang tunay na katauhan, ngunit hindi niya ito sinagot kaya naman mas pinaghinalaan pa nito ang aking kaibigan tungkol sa tunay nitong balak kaya magkasama sila ni Ambrose ngayon. “Ang akala ko ay may masama siyang balak kay Ambrose.” Napatigil ako nang marinig ko ang bagay na iyon mula sa kaniya. “Hindi ko alam kung bakit, ngunit kung iisipin ko pa lamang na may mangyayaring masama sa kaniya, hindi ko na agad malaman kung ano ang aking dapat gawin.” Doon lamang ako lumingon sa kaniyang kinaroroonan, at doon ko lamang nakita na sapo-sapo na niya ang kaniyang ulo na para bang hindi na niya alam kung bakit nais niyang gawin ang bagay na iyon kay Ambrose. Nakikita ko na naguguluhan siya kung bakit nais niya itong protektahan, kahit na kakikilala pa lamang niya sa taong pinag-uusapan na’min ngayon. “Hindi ko mawari kung bakit, ngunit gusto ko talaga siyang protektahan sa abot ng aking makakaya.” Mahina siyang natawa at napailing-iling pa. “Hindi ko alam kung bakit, ngunit nais kong masigurado na siya ay ayos lamang at walang mangyayaring masama sa kaniya – kahit na kailan pa man.” Pinakatitigan ko siya nang maigi, bago ako napalabi nang maalala ko na naman ang mga nais ipahiwatig ng aking pangitain sa akin. ‘Hindi lamang ito pagkakataon na sila ay nagkakasama-sama sa iisang lugar.’ Nais ko sanang si Ambrose ang unang taong makaaalam ng nga nangyari, sapagkat alam kong siya ang taong tinutukoy sa mga pangitain kong iyon, ngunit babang pinagmamasdan ko si Demetrius na para bang nalilito sa nangyayari, hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Hindi ko na napigilan pa na sabihin sa kaniya, “Paano kung sabihin ko sa iyo na kaya mo ito ginagawa dahil may koneksiyon kayo sa isa’t-isa?” Napatigil siya sa kaniyang pag-iisip, habang unti-unti siyang napatingin sa aking gawi ngunit hindi pa rin ako tumigil at pinagpatuloy ang aking sinasabi. “Paano kung sabihin ko sa iyong magiging misyon mong protektahan ang taong magliligtas sa lahat?” Naguguluhan siyang napatingin sa akin, habang ipinilig pa niya ang kaniyang ulo sa kabilang panig – na para bang labis siyang naguguluhan sa aking mga sinasabi. “Ano ang ibig sabihin ng iyong mga sinasabi, Linnea?” May kunot sa kaniyang noo nang tanungin niya ako noon, ngunit nagkibit balikat lamang ako at lumabas sa aming pinagtataguan upang lumapit kina Alana at Ambrose, na mukhang tapos na ring mag-usap sa ngayon. Naramdaman ko naman na sumunod si Demetrius sa akin, ngunit wala na itong sinabi pa sa akin o tinanong at tahimik lamang siyang naglalakad sa aking likuran. Sina Alana at Ambrose naman ay nagtatakang napatingin sa aming gawi, na para bang hindi nila inaasahan na kami ay malapit lamang sa kinaroroonan nila. Mukhang hindi nila naisip na babalik kami rito sa parte ng tahanan kong ito. Hindi ko na lamang pinansin ang mga nagtataka nilang tingin, at kalmado na lamang akong bumaling kay Ambrose nang mapagdesisyunan kong sabihin sa kaniya ang mga nangyari – sa paraang alam kong hindi ako makagugulo sa mangyayari at hindi ko magugulo ang kaniyang isipan sa mga nangyayari. Hindi ko iwinaksi ang aking tingin sa kaniyang mga mata, bago ko sinambit sa kaniya, “May nais akong sabihin sa iyo, Ambrose.” Nagkatinginan silang dalawa ni Alana nang sabihin ko iyon sa kaniya, bago siya muling bumaling sa aking gawi nang may kunot sa kaniyang noo. “Ano iyon?” naguguluhan niyang tanong – na para bang hindi niya mawari kung ano ang aking dapat na sasabibin, at bakit hindi ko pa iyon sinabi kanina noong nag-uusap kaming dalawa. Huminga akong muli nang malalim, hanggang sa muli na namang bumalik sa aking isioan ang mga bagay na nakita ko nitong nagdaang gabi. Inisip ko kung paano ko masasabi sa kaniya ang mga bagay na nais kong sabihin nang hindi ako nakagugulo sa mga bagay na nangyayari ngayon. Iniisip ko pa rin kung paano ko magagawang sabihin sa kaniya ang mangyayari nang hindi ko nagugulo ang kaniyang kasulukuyan. Sinuri ko ang aming paligid, pati na rin ang mga taong kasama na’min ngayon – na malaki ang magiging koneksiyon sa kaniya sa mga susunod pang araw na sila ay magkakasama, sa mga araw na unti-unti na niyang malalaman ang katotohanan at walang lihim ang hindi mabubunyag. Ibinalik kong muli ang aking tingin sa kaniya, bago ko kalmadong sinabi ang mga bagay na alam kong kakailanganin niyang itatak sa kaniyang isipan – mga bagay na kailangan niyang panghawakan sapagkat iyon ang makatutulong sa kaniyang pagtindig muli. Hindi ko na inalis pa ang aking tingin sa kaniyang mga mata, bago ko kalmadong sinabi, “Kailangan mo nang alalahanin ang mahika na iyong taglay, Ambrose.” Mas lalong lumalim ang gatla sa kaniyang noo nang marinig niya ang bagay na iyon sa akin, ngunit hindi ako nagpatinag at nagpatuloy pa rin ako sa aking mga nais na sabihin, sapagkat alam ko nang kailangan na niya talaga itong malaman. “Sapagkat ang mga susunod na araw na darating sa iyong buhay ay siyang hahamon sa iyong katatagan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD