Kabanata 7

2691 Words
Nang makita ko ang determinasyon sa mukha ni Alana na indikasyon na hindi ko na mababago pa ang kaniyang desisyon, wala na akong nagawa pa kung hindi ang pumayag na sumama siya sa aking paglalakbay. Wala na akong nagawa pa kung hindi ang payagan siyang samahan ako sa paghahanap ng katotohanan – kahit na alam kong nakakatawang isipin na may alam siya ngunit ayaw lamang niyang magsalita. Hindi ko na lang din ipinunto ang bagay na iyon at hinayaan siyang gawin ang kaniyang ninanais sapagkat alam ko na wala na rin naman akong magagawa kung hindi ang tumango at pagmasdan siya sa lahat ng kaniyang gagawin. Alam ko na wala na akong magagawa pa kung hindi tanggapin na ang taong may alam tungkol sa aking nakaraan ay nandito sa aking tabi at tinutulungan akong hanapin ang katotohanan na para bang wala siyang alam. Pinigilan ko ang aking pagbuntong hininga sapagkat hindi ko nais na mapahiya siya nang dahil sa mga naiisip ko. Wala na lamang akong ginawa na alam kong makasasakit lamang sa kaniya, at minabuti ko na lamang na piliin ang manahimik kaysa ang magsalita pa nang kung ano man – mas pinili ko na lamang ang pagtuunan ng pansin ang lugar kung saan kami pupunta sapagkat hindi ko nais maligaw nang dahil sa lamang sa aking mga iniisip. Mabuti na lamang talaga at sinaulo ko ang mapa na hiningi ko kay Alana sapagkat ang mga kailangan pa lang daanan sa susunod na bayan na kalapit ng lugar kung nasaan ang kaniyang tahanan ay napakaraming puno ang nakapaligid. Napakatatayag ng mga ito kaya naman napakahirap tuntunin ng tamang daan, ngunit dahil nga nasaulo ko na ang mga daan na dapat naming tahakin, hindi na kami nagkaroon ng problema habang naglalakad. Naging maayos naman ang aming paglalakbay at ngayon ay malapit na kami sa bayan na ninanais kong mapuntahan. Wala kaming naging problema habang kami ay nasa daan – maliban na lamang sa wala sa aming dalawa ang nagsasalita habang tinatahak namin ang daaanang iyon. Hindi man lang siya umimik na para bang napakalalim nang kaniyang iniisip, ngunit alam ko rin na ganoon siya nang dahil sa pagtatalo na nangyari kanina. Alam ko na dinamdam niya ang aking pinagsasabi sa kaniya kanina, at hindi ko alam kung ano ang aking dapat sabihin sa ngayon. Hindi ko alam kung ano ang nararapat kong sabihin sapagkat hindi ko na mababawi na siya ay aking nasigawan. Hindi ko na mababawi pa ang mga bagay na aking ginawa, at ang natitira na lamang na aking dapat gawin ay humingi ng patawad sa kaniya. Alam ko na hindi magiging madali iyon para sa akin. Alam ko na hindi agad niya ako mapapatawad sa isang beses na paghingi ko ng pasensiya, ngunit kahit na sa gayon pa man, nais ko pa ring makapag-usap kami tungkol sa nangyari kanina sapagkat nakapagbitaw kami ng maaanghang na salita sa isa’t-isa – nakapagbitaw kami ng salitang hindi na naming mababawi pa kahit kailan. Hindi ko nga lang alam kung paano ko sisimulan na kausapin siya. Hindi ko alam kung paano ko bubuksan ang usapin na iyon, sapagkat nararamdaman ko na hindi niya gusto na kausapin ako – nararamdaman ko na nais niyang umiwas sa akin, ngunit hindi rin naman niya iyon magawa sapagkat napakadelikado ng lugar na ito kung kami ay maghihiwalay ng tatahaking daan. Muli akong napa-buntong hininga nang dahil sa iniisip kong mga bagay, at sa pagkakataong ito, hindi ko na napigilan ang aking sarili sapagkat alam ko na magiging malaki itong problema kung hindi pa kami makakapag-usap. Malapit na kami sa susunod na bayan, at nasisigurado ko na mananatili muli kami sa iisang tahanan sapagkat alam ko kung gaano kalaki ang aming magagastos kung kami ay maghihiwalay pa. Kailangan naming magtipid, at iyon ang pinaka mabisang paraan upang gawin iyon – na hindi ko naman maaaring gawin kung parehas kaming aakto nang ganito hanggang hindi pa kami nag-uusap. Kailangan ko na talagang ibuka ang aking bibig upang makausap siya. Kailangan ko na talagang gumawa ng paraan upang mapag-usapan namin ang bagay na ito, ngunit bago ko pa man iyon magawa, narinig ko ang mga salitang nakapagpagising sa akin. Ang mga salitang nais ko sanang sabihin sa kaniya ngayon. “Nais kong humingi ng patawad sa iyo, Ambrose,” sambit niya sa akin, na naging dahilan upang mapatingin ako sa kaniya nang may labis na gulat at pagtataka sa aking mukha na para bang hindi ko mawari kung bakit siya nahingi ng paumanhin sa akin. Akmang magsasalita ako upang itanong kung bakit bigla na lamang siya nagsasabi nang ganoong klaseng bagay kahit na hindi ko mawari kung bakit kailangan niya iyong gawin, ngunit itinikom ko na lamang muli ang aking bibig nang makita ko ang kaniyang porma habang nagsasalita siya. Siya ay nakatungo lamang na para bang hindi siya makatingin sa akin nang dahil sa kadahilanang hindi ko naman mawari kung ano iyon. Nakikita ko rin kung paano niya nilalaro ang kaniyang mga daliri na para bang isa siyang bata na napagalitan at ngayon ay humihingi ng tawad sa akin. Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking mga labi sapagkat hindi ko inaasahan na aakto siya nang ganito, ngunit agad ko ring sinuway ang aking sarili dahil alam ko na hindi ito ang tamang oras upang mag-isip nang ganito. Alam ko na kailangan ay magseryoso ako sa bagay na ito sapagkat nakikita ko na nais talaga niyang humingi ng tawad sa akin, kahit na inaamin ko na hindi ko alam kung bakit kailangan niyang gawin ang bagay na ito. “Alam ko na gustong-gusto mong malaman ang katotohanan tungkol sa iyong nakaraan,” sabi niya sa akin, na naging dahilan upang tumingin ako sa kaniya nang may emosyon na hindi ko rin mawari kung ano iyon. Para bang naghahalo-halo ang mga emosyon na nasa puso at isipan ko ngayon sapagkat alam ko na ang kaniyang sasabihin. Alam ko na ang mga salitang kaniyang bibigkasin, ngunit wala pa rin naman doon ang mga bagay na aking inaasam. Alam ko na hindi ko na talaga malalaman sa kaniya ang totoo – matagal ko na iyong natanggap kaya nga ako naririto ngayon – kaya alam ko rin na hindi na niya kailangan pang humingi ng patawad nang dahil doon. Hindi ko na siya sisisihin sapagkat alam ko na kung bakit siya nagkakaganoon. Alam ko na kung bakit kailangan niyang gawin ang bagay na iyon, kahit na pilit pa niyang tinatago sa akin ang totoong dahilan – kahit na binibigyan niya lamang ako ng mga salitang labis na nakagugulo sa aking isipan. Muli pa sana siyang magpapaliwanag sa akin, ngunit bago pa man niya iyon nagawa, hinawakan kong muli ang kaniyang buhok at marahan ko iyong ginulo na para bang pinapagaan kong muli ang kaniyang loob. Nakita ko kasi noong huli ko itong ginawa sa kaniya, naramdaman ko na kumalma siya na para bang iyon lamang ang kaniyang hinihintay sa akin. Naramdaman ko na para bang nawawala ang kaniyang pag-aalala sa tuwing ginagawa ko ang bagay na ito sa kaniya, kaya naman sa pagkakataong ito, muli ko iyong ginawa sa kaniya. Nakita ko na para bang nagulat siya sa aking ginawa, na para bang hindi niya muling inaasahan na gagawin ko ang bagay na iyon sa kaniya, ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin at nagpatuloy lamang ako sa marahang paggulo ng kaniyang buhok. Nagpatuloy lamang ako sa aking ginagawa habang unti-unting sumilay ang ngiti sa aking mukha. Dahan-dahan pa kaming tumigil sa paglalakad habang hindi namin inalintana ang tila ba nakakatakot na kapaligiran. Hindi na lamang namin pinansin na medyo malayo pa kami sa kabihasnan at maaaring may mga hindi magandang bagay ang mangyayari kung magtatagal pa kami sa lugar na iyon. Wala kaming pakialam sa nangyayari sa paligid namin na para bang kami lamang ang dalawang taong natitira sa mundo. Hindi na namin binigyan pa ng pansin ang mga bagay na nasa paligid namin habang patuloy lamang kaming nakatingin sa isa’t-isa na para bang iyon na lamang ang pinaka importanteng bagay para sa amin – na para bang wala nang saysay ang iba pang bagay para sa aming dalawa. Ilang minuto ko pa siyang pinagmasdan habang patuloy pa rin ako sa marahang paggulo sa kaniyang buhok, bago ko napagdesisyunan na magsalita na upang hindi na siya umakto nang ganito sa akin. “Hindi mo na kailangan pang humingi ng paumanhin sa akin, Alana,” sambit ko sa kaniya nag may malambot na tingin sa aking mga mata at may ngiti sa aking mga labi. “Naiintindihan ko na kung bakit kailangan mong ilihim ang mga nalalaman mo tungkol sa akin. Naiintindihan ko na kung bakit kailangan mong itikom ang iyong bibig tungkol sa nakaraan ko.” Habang naglalakad kami patungo sa bayan na karatig lamang ng bayan na kinaroonan naming kanina, napag-isip-isip ko na ang mga bagay na ginawa ko at ang mga bagay na kailangan niyang gawin para sa akin. Napag-isip-isip ko na may isa siyang malaking dahilan kung bakit niya ito ginagawa, kaya naman naisip ko na hindi ko na siya kailangang sisihin sa kaniyang mga desisyon. Naisip ko na wala na rin namang magiging saysay kung sisihin ko lamang siya. Magiging magulo lang ang lahat at alam ko na makaaapekto iyon sa bagay na mayroon kami ngayon. “Ayos na lamang sa akin iyon, Alana.” Ngumiti muli ako sa kaniya nang makita ko na para bang hindi siya naniniwala sa akin na ayos lamang ang lahat. “Ang mahalaga ngayon ay may makakasama akong alam ko na hindi ako ipapahamak sa mga bagay na maaaring gagawing ko sa hinaharap. Ang mahalaga sa akin ay naririto ka sa aking tabi at hindi mo piniling iwasan ako kahit na alam kong ganoon ang gagawin ng iba kung nasa katulad silang situwasyon na’tin.” Alam ko na kung ibang tao ang nasa tabi ko ngayon, hindi sila katulad ni Alana na handang gawin ang lahat para sa akin. Alam ko na hindi sila magiging katulad niya na naririto pa rin sa aking tabi, kahit na ang situwasyon naming dalawa ay kakaiba. Alam ko na magiging iba na ang kanilang pakikitungo sa una pa lamang, kaya naman malaki ang aking pasasalamat na siya ang nasa aking tabi. Malaki ang aking pasasalamat na si Alana ang nagligtas sa akin at hindi ang ibang tao. Malaki ang pasasalamat ko na siya ang unang nakaalam ng nangyari sa akin, dahil kung hindi siya ang unang nakakita sa akin, alam ko na malaki ang posibilidad na magiging iba ang pakikitungo ng mga ito sa akin. Nakita ko na para bang nag-aalangan siya kung ayos lamang ba talaga para sa akin ito. Nakita ko na para bang hindi siya naniniwala na tanggap ko kung ano mang desisyon niya para sa akin, at para bang napakalalim ng kaniyang iniisip habang patuloy pa rin siyang nakatitig sa aking mga mata. Nakikita ko na para bang malalim talaga ang kaniyang iniisip, kaya naman minabuti ko na na ipagpatuloy ang aking sinasabi kani-kanina lamang. Minabuti ko nang sabihin ang aking nasa isipan sapagkat nakikita ko na dapat niya talaga iyong marinig mula sa akin. “Ang mahalaga ay hindi ka pa rin sumuko sa akin kahit na hindi kita maalala, Alana.” Nakita ko ang bahagyang pagtigil niya sa paggalaw nang dahil sa aking sinabi. Nakita ko kung paano siya para bang nagulat nang dahil sa mga katagang sinambit ko sa kaniya, ngunit hindi ko iyon babawiin kahit kailanman. Hindi ko babawiin ang aking mga sinabi, sapagkat alam ko na masakit sa kaniyang parte na hindi ko man lang maalala ang kahit isang pangyayari na kasama ko siya. Alam ko na nasasaktan siyang isipin na nasa tabi siya ng taong hindi man lang siya maalala, kahit na ano pa ang kaniyang gawin. Oo, at alam ko na napakahirap na hindi ko maalala kung ano mang nangyari sa aking nakaraan. Alam ko na masakit isipin na wala man lang akong natitira kahit na isang ala-ala sa aking isipan. Alam ko na mahirap na para bang wala akong alam na kahit ano, ngunit alam ko rin na mahirap iyon sa parte ng isang taong kilalang-kilala ako ngunit hindi ko naman magawang maalala. Alam kong mas masakit para sa isang tao ang hindi siya maalala ng isa pang tao na mahalaga para sa kaniya, at kahit na hindi nagsasalita si Alana tungkol sa kaniyang nararamdaman – kahit na tikom ang kaniyang bibig tungkol sa relasyon naming dalawa – alam ko na nasasaktan siyang isipin na ako ay nasa harapan niya ngunit wala akong maalalang iba. Alam ko na nasasaktan siyang isipin na napakalapit ko sa kaniya, ngunit tila ba napakalayo ko rin sapagkat hindi ko siya maalala. Nakikita ko sa kaniyang mga mata na siya ay nahihirapan din sa aming situwasyon, ngunit hindi iyon naging dahilan upang lumayo siya sa akin. Hindi iyon naging dahilan upang talikuran niya ako, at kung ako ay tatanungin, kabaligtaran pa nga niyon ang kaniyang ginawa. Mas pinili pa niya ang manatili sa aking tabi. Mas pinili niya ang isakripisyo ang kaniyang sarili kahit na alam niyang mahihirapan lamang siya. Mas pinili niyang samahan ako sa lahat ng aking nais gawin, kaysa ang lumayo kagaya ng dapat naman talaga niyang gawin. Tumagal pa kami nang ilan pang mga minuto pagkatapos noon, at napatigil lamang kami sa pagtititigan nang marinig ko siyang napa-buntong hininga at nagbaba ng tingin na ikanakunot ng aking noo. Akala ko ay wala nang mas nakakapagtaka pa sa bigla na lamang niyang ginawa, ngunit mas lalo pa akong naguluhan nang marinig ko na mahina siyang natawa na para bang may naisip siya – isang bagay na hindi ko mawari kung ano sapagkat hindi ko makita ang emosyon na nasa kaniyang mga mata. Malapit na akong mag-alala sa kaniya, dahil pagkalipas nang ilang mga minuto ay hindi pa rin nagbabago ang kaniyang porma, ngunit nagulat na lamang ako nang muli siyang tumingin sa akin nang may kakaibang kislap sa kaniyang mga mata. May ngiti siya sa kaniyang labi, ngunit may hilam na luha sa kaniyang mga mata na mas lalo pang nakapagpagulo sa akin. Akmang magtatanong ako kung ano ang kaniyang problema, ngunit napatigil ako nang marinig ko ang kaniyang sasabihin. “Hindi ka pa rin nagbabago, Ambrose.” Mas lalo akong nagtaka nang marinig ko iyon mula sa kaniya, ngunit bago pa man ako makapagtanong ay nakaalis na siya sa kaniyang kinatatayuan kanina na para bang hindi siya nagbitaw ng mga salita na may kinalaman sa aking nakaraan. “Saglit, Alana,” pagkuha ko sa kaniyang atensiyon, ngunit hindi siya tumigil sa kaniyang paglalakad. Lumingon lamang siya sa akin nang may mapaglarong ngiti sa kaniyang mga labi, habang ako ay may kunot sa aking noo habang pilit na iniisip ang kaniyang sinambit sa akin kanina. “Ano ang iyong ibig sabihin sa iyong sinabi sa akin?” Mas lalong lumapad ang ngiti sa kaniyang mga labi, bago siya nagkibit balikat at muling binilisan ang kaniyang paglalakad patungo sa bayan na nais kong unang puntahan. “Wala lamang iyon.” “Alana!” pagsigaw ko sa kaniyang pangalan sapagkat alam ko na hindi lamang wala iyon dahil nakita ko ang kislap ng kaniyang mga mata. Tumawa lamang siya bago siya umiling sa akin. “Kalimutan mo na lamang ang aking sinabi kanina.” Patuloy lamang siya sa paglalakad, bago siya muling umiling sa akin at sinabing, “Bilisan mo na ang iyong paglalakad. Malapit nang magtakipsilim ngunit nandito pa rin tayo.” Nang dahil sa kaniyang sinabi, nagpatuloy na muli ako sa aking paglalakad hanggang sa maabutan ko na muli siya. “Sabihin mo sa akin kung ano ang iyong ibig sabihin nang sambitin mo ang mga salitang iyon, Alana!” Sinubukan kong magseryoso, ngunit tila ba alam ni Alana na ginagawa ko lamang iyon upang malaman ako nang kahit kaunting kaalaman niya tungkol sa akin sapagkat narinig kong muli ang kaniyang pagtawa. “Malapit na rin naman tayo sa kabilang bayan kaya naman bilisan mo na ang iyong paglalakad, Ambrose,” pag-iiba niya sa aming usapan kaya naman wala na akong nagawa pang iba kung hindi ang sundin siya. Wala na akong nagawa pa kung hindi ang maglakad patungo sa bayan na aking nais na puntahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD