Tinitigan ko nang maigi si Alana na para bang inoobserbahan ko siya sapagkat hindi ako makapaniwala na narinig ko iyon mula sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na narinig ko mula sa kaniya na nais niya akong samahan sa paglalakbay na ito – ang paglalakbay na gagawin ko lamang dahil hindi niya nais sabihin sa akin ang kaniyang nalalaman.
Gulong-gulo ang aking isipan sapagkat hindi ko talaga inaasahan na maririnig ko ito mula sa kaniyang mga bibig. Hindi ko inaasahan na maririnig niyang sasabihin niya sa akin na nais niyang sumama sa aking paglalakbay sa kadahilanang hindi niya pa binabanggit sa akin.
Akala ko ay umalis siya ng kaniyang tahanan kanina sa kadahilanang hindi niya nais na makita akong lumisan sa kaniyang lugar, ngunit tila ba pinag-iisipan lamang niya kung siya ba ay sasama sa akin o hindi – tila ba pinag-iisipan lamang niya ang susunod niyang mga hakbang at ito ang kaniyang nais na gawin.
Pinagmasdan ko pa siya nang mabuti – umaasang makikita ko ang kasagutan sa kaniyang mga mata. Umaasang maaari kong maipaliwanag sa aking sarili kung bakit bigla na lamang siyang nagdesisyon nang ganito sa hindi ko malamang dahilan.
Pinagmasdan ko siya nang mabuti, ngunit wala akong makitang mabuting paliwanag kung bakit niya gagawin ang bagay na ito. Ang tanging nakikita ko lamang sa kaniyang mukha ay ang ngiti sa kaniyang mga labi na tila ba may nais siyang iparating sa akin – ngunit inaaamin ko na mas naguluhan pa ako habang ako ay nakatitig sa kaniyang mga ngiti.
Ako ay mas lalo pang naguluhan nang dahil sa ngiti na kaniyang ibinibigay sa akin habang patuloy kong iniintindi kung bakit kinakailangan niya itong gawin – habang iniisip ko pa rin kung bakit bigla na lamang niyang nais na sumama sa paglalakbay na aking gagawin.
Ilang minuto pa kaming nagtititigan, hanggang sa umiwas na lamang siya nang tingin at naglakad nang mas nauuna pa sa akin. Tinititigan ko pa rin siya habang ginagawa niya ang bagay na iyon, sapagkat patuloy ko pa ring hinahanap ang bagay na makapagpapaliwanag sa akin kung ano ang nangyayari ngayon, ngunit bigo akong malaman iyon hanggang sa makita ko na lamang kung paano muling lumingon si Alana sa akin na para bang siya ay nagtataka kung bakit hindi pa rin ako gumagalaw sa aking kinaroroonan.
“Ano pa ang iyong hinihintay, Ambrose?” tanong niya sa akin na para bang naguguluhan siya kung bakit bigla na lamang akong napatigil nang bigla na lamang siyang sumulpot sa kung saan at sinabi ang mga katagang nakapagpagulat sa akin. “Akala ko ba ay nais mong agad na makarating sa kabilang bayan bago magtakipsilim?”
May labis na kaguluhan sa kaniyang mukha habang sinasabi niya iyon, na para bang walang mali sa nangyayari ngayon – na para bang normal lamang sa kaniya na naririto siya sa aking tabi, kahit na sa katunayan, ako ay labis na naguguluhan sa nais niyang gawin sapagkat hindi ko talaga inaasahan ang bagay na ito.
Naglakad ako papalapit sa kaniya, na nakapagbigay ng ngiti sa kaniyang mga labi, ngunit agad din iyong nabura nang makita niya ang kaguluhan sa aking mukha. Agad na napalitan ang mga ngiti niya ng pagkunot ng kaniyang noo na para bang hindi niya mawari kung bakit ako nagkakaganito ngayon – na para bang mas naguguluhan pa siya sa akin nang dahil sa inaakto ko ngayon.
“May mali ba akong nagawa, Ambrose?” tanong niya sa akin, kaya naman agad akong umiling sapagkat hindi ko gustong sisihin niya ang kaniyang sarili kung bakit ako nagkakaganito. Mas lalo pang kumunot ang kaniyang noo nang dahil sa aking marahas na pag-iling. “Kung gayon, bakit gan’an ka makatingin sa akin?”
Tinitigan ko siyang muli habang hindi ko inaalis ang tunay na emosyon na nararamdaman ko ngayon sa aking mukha. Titigan ko siya nang mabuti, na para bang iniisip ko kung ano ang itatanong ko sa kaniya – kung ano ang aking maaaring sabihin na hindi siya masasaktan at hindi siya mapapahiya.
“Paumanhin, Alana,” sambit ko sa kaniya, na nakapagpatuon sa kaniyang atensiyon habang may kunot pa rin sa kaniyang noo. “Ngunit ako lamang ay naguguluhan kung bakit nais mo akong samahan sa aking paglalakbay? Sa anong kadahilanan?”
Hindi ko pa rin maisip kung bakit nais niya akong samahan. Hindi ko maintindihan kung bakit nais niya na maglakbay din kasama ako. Hindi ko mahinuha kung bakit kailangan niyang sumama sa akin kahit na isa siya sa mga dahilan kung bakit ko ito gagawin – isa siya sa dahilan kung bakit nais kong maglakbay upang malaman ang aking totoong katauhan.
Ginawa ko ito sapagkat alam kong magiging tikom pa rin ang kaniyang bibig kahit na ano pa ang aking gawin. Maglalakbay ako upang malaman ko ang katotohanan sa aking sarili, ang totoong nangyari sa akin kung bakit nawalan ako ng alal-ala, at ang dahilan kung bakit pilit pa rin niya itong inililihim sa akin, kaya naman labis ang aking pagtataka kung bakit nais niyang sumama sa paglalakbay na aking gagawin.
Labis ang kaguluhan sa aking isipan sapagkat sa tingin ko ay hindi normal sa isang tao na sumama sa isa pang tao na maglalakbay nang dahil sa ayaw nitong sabihin ang kaniyang nalalaman. Alam ko na hindi normal na magdedesisyon siya nang ganito kahit na isa siya sa dahilan kung bakit kailangan ko itong gawin, kaya naman itinanong ko na ang bagay na iyon.
Upang malinawan ang aking isip. Upang malaman ko ang daholan kung bakit nais niya akong samahan – upang mahinuha ko kung bakit bigla na lamang siyang nagdesisyon nang ganito kahit na nitong mga nakaraang araw, siya ay patuloy pa rin sa pag-iwas sa akin.
Nakita ko kung paano siya ngumiti – ang ngiti na may kaakibat na lungkot – kaya naman agad akong nagpaliwanag kung bakit ko natanong ang bagay na iyon sa kaniya. Agad kong ipinaliwanag sa kaniya kung bakit ako labis na naguguluhan.
“Alam mo naman kung bakit ko ito kailangang gawin, hindi ba?” pagtatanong ko siya sa malumanay na boses, na para bang natatakot ako na masasaktan ko ang kaniyang damdamin – na para bang natatakot ako na basta na lamang siya aalis nang hindi pinapatapos ang aking pagpapaliwanag.
“Oo naman,” pagsagot niya sa akin, habang nakatingin pa rin sa aking mga mata nang may maliit na ngiti sa kaniyang mga labi. “Gagawin mo ito dahil nais mong malaman ang katotohanan tungkol sa iyong nakaraan.”
Napa-buntong hininga na lamang ako sapagkat hindi ko inaasahan na aakto siya nang ganito. Hindi ko inaasahan na aakto siyang para bang walang alam sa nangyayari kahit na alam na naming pareho kung bakit ako nagdesisyon nang ganito kahit na hindi ko naman talaga nais noon na lisanin ang kaniyang tahanan.
Hinawakan ko ang kaniyang magkabilang balikat at marahan siyang niyugyog na para bang nais ko siyang matauhan – na para bang nais kong malaman niya kung bakit ako gulong-gulo ngayon.
“Alana,” pagtawag ko sa kaniyang pangalan, na naging sanhi upang mapatingin siya sa akin nang may nagtatanong na kislap sa kaniyang mga mata. “Hindi ko lamang ginagawa ito upang maalala ang lahat ng nangyari sa aking nakaraan! Ginagawa ko ito dahil…”
“Dahil hindi ko nais sabihin sa iyo ang aking nalalaman.” Siya na ang nagtapos ng aking sasabihin. Siya na ang nagsabi sa akin ng mga katagang hindi ko nais sabihin sa kaniya, ngunit nang dahil sa inaakto niya kanina, nagawa ko ang bagay na ito sa kaniya. “Dahil mas pinili kong ilihim sa iyo ang aking nalalaman kaysa sabihin ang katotohanan.”
Nakita ko ang pagtalim ng kaniyang tingin sa akin, bago niya binaklas ang pagkakahawak ko sa kaniyang mga balikat. Huminga pa siya nang malalim na para bang pinapakalma niya ang kaniyang sarili – na para bang alam niya na kung hindi niya gagawin ang bagay na iyon, may masasabi siya sa akin na kailanman ay hindi niya mababawi – mga salitang alam kong makasasakit lamang sa aming dalawa.
Muli siyang tumingin sa akin makalipas ang ilan lamang mga minuto. Wala na roon ang talim sa kaniyang mga tingin. Wala na roon ang emosyon na nakita ko kani-kanina lamang sa kaniyang mga mata na para bang hindi talaga iyon nangyari – na para bang imahinasyon ko lamang ang lahat.
“Alam ko, Ambrose,” sabi niya sa akin sa tono ng kaniyang boses na hindi ko mawari kung ano. Iyon ay tila pinipigilan niya ang magalit – na para bang pinipigilan niya ang kaniyang sarili na makasakit ng aking damdamin. “Alam ko na ginagawa mo ito nang dahil sa katigasan ng aking ulo. Alam kong napilitan kang gawin ito dahil kahit nasa harapan mo na ang katotohanan, hindi mo pa rin makuha ang iyong inaasam.”
Napalabi ako nang marinig ko iyon mula sa kaniya. Iniisip ko kung ano ba ang nararapat kong sabihin sa kaniya, ngunit tila ba sarado ang aking isip dahil basta ko na lamang sinabi sa kaniya ang mga nasa aking isipan – basta na lamang ako nagsalita nang hindi man lang iniisip ang susunod na mangyayari.
“Kung ganoon na alam mo naman pala,” sambit ko sa kaniya, habang patuloy akong tumitingin sa kaniyang mga mata. “Bakit ka naririto? Bakit nais mong sumama sa aking paglalakbay? Bakit kailangan mong gawin ang bagay na ito?”
Sa anong kadahilanan? Bakit kailangan pa niyang sumama sa akin na para bang wala siyang kaalam-alam sa akin? Na para bang wala siyang tinatagong lihim sa akin at nais niya talaga akong tulungan na alalahanin ang lahat? Na para bang hindi niya alam ang katotohanan kaya naman mas minabuti na niyang sumama sa akin upang mapadali ang aking paghahanap sa aking nakaraan?
Nakita ko ang pagbalatay ng sakit sa kaniyang mga mata – ang dahilan kung bakit ako nagising at agad na sinisi ang aking sarili sapagkat hindi agad ako nag-isip nang itanong ko sa kaniya ang mga bagay na iyon. Nakita ko kung paano niya nais itago ang kaniyang nararamdaman, ngunit siya ay nabigo dahil kitang-kita ko pa rin ang mga emosyon na kaniyang nararamdaman ngayon.
“Nais kong sumama sa iyo sapagkat alam ko na hindi mo makakaya ang paglalakbay nang mag-isa ka lamang.” Hindi siya makatingin sa akin habang sinasabi niya ang mga katagang iyon, ngunit ramdam na ramdam ko ang mga emosyon na kaakibat ng mga salitang kaniyang binibitawan.
Gusto kong lumapit sa kaniya. Gusto kong sabihin na hindi ko sinasadya na sabihin ang mga katagang iyon, ngunit pinigilan ko ang aking sarili sapagkat nakikita ko sa kaniyang mga mata na hindi siya nasisiyahan sa aking nagawa. Nakikita ko na nasaktan ko na siya at wala na akong magagawa pa.
“Hindi mo pa naaalala ang iyong mahika, Ambrose,” sabi niya sa akin na para bang iyon ang magiging sagot sa lahat ng kaniyang ginagawa ngayon – na para bang iyon ang dahilan kung bakit nais niyang sumama sa aking paglalakbay. “Sa tingin mo ba ay magiging maayos lang para sa iyo ang lahat? Sa tingin mo ba ay hindi ka pupuntiryahin ng mga kawatan sa mundong ito?”
Patuloy lamang ako sa pag-iisip ng mga katagang kaniyang sinabi. Hindi ko pa nga namalayan na nakalapit na pala siya sa akin at ngayon ay hawak-hawak na niya ang aking kamay na para bang labis na ang kaniyang pag-aalala para sa akin, kahit na hindi pa naman ako nakalalayo sa bayan kung nasaan ang kaniyang tahanan.
“Nag-aalala lamang ako sa’yo, Ambrose.” Nakita ko kung gaano siya nag-aalala sa akin sa iisipin kung ano ang maaaring mangyari sa akin sa oras na malaman ng mga tao rito na mag-isa lamang akong naglalakbay. “Iniisip ko ang iyong kalagayan, kaya nais kong sumama sa iyong paglalakbay. Nais kong makita ng mismong aking mga mata na wala talagang mangyayari sa iyo, at ang natitirang maaari kong gawin upang magawa ko talaga ang bagay na iyon ay ang sumama sa iyo.”
Nakita ko kung paano siya tumingin sa akin. Nakita ko na labis talaga siyang nag-aalala sa akin – sa maaaring mangyari sa akin. Nakita ko kung paano siya mag-alala kaya naman hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin.
Hindi ko na alam kung sasabihin ko ba sa kaniya na bumalik na lamang siya sa kaniyang tahanan at hintayin ang aking pagbabalik, o papayagan ko siyang sumama sa akin kahit na naguguluhan pa rin ako kung bakit nais niyang sumama sa aking gagawing paglalakbay.
“Naiintindihan mo ba ako, Ambrose?” tanong niya sa akin na nakagpa-gising sa akin at nakapagkuha ng aking atensiyon. “Ginagawa ko ito para sa iyong kapakanan. Ginagawa koi to dahil labis ang aking pag-aalala para sa iyo.”
“Kung nais mo talaga akong matulungan, at kung labis talaga ang iyong pag-aalala sa akin,” sabi ko sa kaniya, habang patuloy akong tumitingin sa kaniyang mga mata. Hindi rin siya umiwas ng tingin, ngunit nagbago iyon nang marinig niya ang sumunod na aking sinabi. “Hindi ba dapat noong una pa lamang ay sinabi mo na sa akin ang katotohanan? Hindi ba dapat noong una pa lamang ay sinabi mo na sa akin ang iyong mga nalalaman tungkol sa akin?”
Nakita ko kung paano siya nag-iwas ng tingin. Nakita ko kung paano siya nagbaba ng tingin na para bang hindi niya alam ang kaniyang isasagot sa akin – na para bang hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin sa akin.
Nakita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao na para bang pinipigilan niyang sabihin sa akin ang dahil kung bakit kailangan pa niyang gawin ang bagay na ito – na para bang alam niyang may sasabihin siyang iba kung niya gagawin ang bagay na iyon.
“Hindi ko maaaring sabihin sa iyo kung bakit kailangan pang humantong sa ganito ang lahat, Ambrose.”
“Alana…”
Tumingin siyang muli sa akig mga mata bago niya sinabing, “Hindi ko masasabi sa iyo ang dahilan kung bakit kailangan kong ilihim sa iyo ang lahat ng aking nalalaman – kung bakit nais kong sumama sa iyong paglalakbay.”