Chapter 1
VALENCIA General Hospital is one of the biggest and most expensive facility in the city of Catagona. Limang taon na akong nagtatrabaho dito at sanay na ako sa maingay na tunog ng ambulansya, call bells, overhead paging ng mga nasa admin pati ang mabilis na lakad takbo na ginagawa ng mga nurses at doctors. Bakit kamo? Isa rin ako sa kanila. Bilang nurse, hindi na bago sa akin ang amoy ng antiseptic na may kahalong amoy ng mga bulaklak. Pati nga ang mga daing ng pasyente, sigaw at takot, patak ng dugo at mga hindi gumagaling na sugat ay natural na sa akin. It's like having second skin.
Nandito ako ngayon sa harap ng vending machine at naghuhulog ng barya para bumili ng chips. I know -- it's bad for me health. But I didn't have the energy to pack my food, at kahit naman ipag-prepare ako ni Nanay ay madalas hindi ko rin makain. Papagalitan lang n'ya ako dahil hindi ako marunong magtake ng break. Nurse din kasi s'ya dati.
Actually, that's why I was born. My mother was the private nurse for Senator Mosqueda's only daughter. Well, oldest daughter -- Diamond or should I say, Ate Dye. Namatay ang ina n'ya sa panganganak at simula noon ay si Nanay Esme na ang nag-alaga sa kanya. Minahal n'ya ito na parang tunay na anak. Hindi naiwasan ng aking ina na hindi mahalin si Senator dahil napakabait daw nito.
Nagkaroon sila ng lihim na relasyon pero naging tapat daw ito sa kanya mula't simula na hindi s'ya pakakasalan. Ang apelyido ay naialay na n'ya sa unang asawa at walang balak na ibigay pa sa iba. Bilang isang babaeng nagmamahal, namag-asa pa rin s'ya na balang araw ay mapapagbago pa n'ya ang isip nito. Pero makaraan ang dalawang taon hanggang sa ipinagbuntis ako ay walang nangyari sa hinangad n'ya. Ayaw man n'yang iwan si Ate Dye, hindi na n'ya kayang makasama pa sa iisang bahay ang lalaking patuloy na minamahal pero hindi kayang ibigay ang hinihingi n'ya.
That's why my last name is ---
"Paging Miss Emerald Elcano to the Director's office, suite eight hundred," sabi ng admin.
Dalawang beses pa n'yang inulit ang announcement. Bitbit ang chips ko at soda ay tinungo ko ang floor na nabanggit. Trenta minutos na lang ang break time ko ay nabawasan pa. May mga nakasabay pa akong ilang staff sa elevator at mukhang kilig na kilig sila. May dumating daw na pogi sa ospital at bihira daw 'yong magpunta dito. Okay. My love life has been zero since college. Nagkaroon ako ng isang boyfriend pero wala, niloko din ako at ipinagpalit sa iba noong hindi ko ibigay ang sarili ko sa kanya.
Nang marating ko ang opisina ng direktor ay kumatok ako. Hindi nagtagal at nakarinig ako ng boses.
"Come in," sabi ni Mr. Ochoa.
"Good morning po," bigla tuloy akong napatingin sa oras at baka alas dose na. S'yempre good afternoon na 'yon.
"Have a seat, Miss Elcano."
"Thank you," naupo ako at inilagay ang chips at soda sa kandungan ko. Buti na lang malinis pa ang scrubs ko.
"Mr. Valencia requested the top Registered Nurse of this hospital and your superior recommended you to him," panimula nito.
"This -- this is unexpected, Sir. Maraming salamat po at narecognize ang katangian ko bilang isang nurse sa hospital na ito."
I am one of the nurses in the Emergency Department at maraming beses na akong nacommend dahil sa mabilisang assessments ng mga pasyente. Being a nurse in this particular department requires a lot of energy. Bawal ang mabagal kung hindi, mamamatayan ka ng pasyente. Mabilis rin dapat ang critical thinking mo at hindi sapat na magaling ka lang sa theory -- you have to be able to apply it too.
Ngumiti ito at tumango tango. "That's why he is here today to speak with you. S'ya na ang magbibigay ng mga detalye tungkol sa ibibigay n'yang trabaho sa 'yo," tumayo ito at kumatok sa adjoining room sa kabila. "Mr. Valencia, the Miss Elcano is here. Whenever you're ready," tumango pa ito at sumenyas sa akin na pumunta ako sa kabilang kwarto. "He is ready for you. Good luck."
Ang naiisip kong Mr. Valencia ay ang matandang may-ari ng hospital na ito. His huge picture is in the lobby pero bukod doon ay wala na. Sa tingin ko ay nasa edad sisenta na s'ya at kahit may kulubot na ay bakas pa rin ang gandang lalake nito noong kabataan n'ya. Balita ko ay mabait din ito at kwela.
Ay, may isa nga palang rebulto n'ya doon sa may lounge area. That part of the hospital has high ceilings and made of glass. Paborito itong tigilan ng mga family members na naghihintay at hindi kalayuan ang cafeteria na kung titingnan mo ay hindi regular ang mga pagkain. This hospital has a good cook at balita ko ay well trained ng isa sa mga well-known chef ng food industry. The connections you have when you are in position and the money are endless.
Nakatalikod ang lalake at may kausap sa telepono. Hindi naman boses matanda. Ah! Baka assistant n'ya ito at nasa washroom si Mr. Valencia. Mauupo na sana ako ng bigla kong naisip na hindi pa pala ako iniimbitahan kaya nag-hintay ako dito sa may pinto.
Inis ang boses nito sa kausap. "I told you, Eula. You either come home this month or we are done. Take your pick," pagkasabi ay yamot na pinatay nito ang cellphone. Naawa ako sa end button, kulang na lang ay tirisin n'ya.
Nang humarap s'ya ay nagulat ako. S'ya 'yong lalake na muntik ng makasagasa sa akin sa bayan. Walk pa ang sign ay gusto ng lumiko pakanan. Bwiset na 'to.
"Ikaw?!" gulat na tanong ko sa kanya.
"Oh, it's you. Hi,"simpatiko s'yang ngumiti sa akin.
Pakiramdam ko tumigil na ang pagtibok ng puso ko. Am I having a cardiac arrest or what? Hindi ako makahinga. Noong una ko s'yang nakita ay ubod ng suplado porke mamahalin ang kotse n'ya. Nagcommute kasi ako dahil nasira ang kotse ko. Nasa talyer pa at hindi pa natatapos i-repair.
Lumapit ito sa akin at tumitig sa ID ko sa may dibdib. Tumaas ang gilid ng labi at saka tumitig sa akin.
"Emerald... Elcano." Those two words rolled out from his tongue naturally... and sensually.
Nang makabawi ako ay nakapagsalita rin ako. "Yes, that's my name. I'm here to talk to Mr. Valencia and I believe it's not you. Would you mind calling your boss for me, please? My break is going to be over soon and I'm hungry. Thanks!" pairap kong sabi sa kanya.
"Inuutusan mo ako?" tumaas ang isang kilay nito at amused na nakangiti sa akin.
"Hindi 'yon utos dahil may please."