TINAWAG n'ya ako para kumain. May dining area ang kwarto na ito at mukhang madalas pag-dausan ng mga private meetings ng mga malalaking tao. It's very elegant at kahit yata sampung taon kong pagtrabahuhan ay hindi ako makakapagfurnish ng bahay namin ng katulad sa mga kagamitan na ito.
Habang kumakain kami ay hindi ko naiwasang mapansin ang pino n'yang kilos. Naisip ko tuloy, nakakain na kaya s'ya sa mga turo turo? Street foods? Pang-masa lang kasi ang kaya kong kainan lalo na noong pumapasok ako pa ako sa eskwela. Kaya sa murang edad, natuto akong magluto. Hindi ko pwedeng asahan ng asahan na lang si Nanay dahil may trabaho din s'ya. Lumaki akong wala kaming kasambahay. Noong maliit pa ako ay sina Lola ang kasama ko pero nasa unang taon na ako ng elementarya noong maaksidente sila ni Lolo at sabay na pumanaw.
Life was hard financially kaya pinagsikapan kong mag-aral ng maayos. Para maging scholar at kahit paano ay makatulong sa aking ina, lalo at single parent s'ya. Noong unang taon ko ng high school ay hindi ko sinasadyang makita ang isang passbook. May kung ilang milyon ang nakalagay na halaga doon at buwan buwan ay may pumapasok pero walang nababawas. My mother's name was on it... and mine. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ginagalaw ang pera na nandoon at nagpapakahirap si Nanay magtrabaho pero hindi n'ya sinagot ang tanong ko.
"Penny for your thoughts?" tanong nito sa akin.
Tipid akong ngumiti sa kanya. "Ah, wala naman. Iniisip ko lang kung ano na ang nangyayari sa ER. Ganitong oras kasi ay busy kami at halos hindi na maupo o makagamit man lang ng washroom," pagsisinungaling ko sa kanya.
"Do you need more nurses there to lend a hand?"
"Like a float nurse?" tumango ito. "Oh yes, that would be great. May mga pasyente kasi na hindi kaagad mabigyan ng atensyon dahil kakaunti kami sa ER," paliwanag ko sa kanya.
Tumango tango ito. "I'll take your suggestion to my father and make it happen. Don't worry."
Napanganga ako. "Are you serious?"
"Yeah. For now, let's talk about my job offer while we're eating para naman hindi masyadong pormal. I need you to be comfortable with me," sabi nito.
Tumango ako at mataman na nakinig sa kanya. "Okay."
"My mother recently had a stroke and as a result, kinailangan n'ya ng private nurse. I'm telling you right now, she's the not the easiest person to be with. Malayong malayo sa personalidad n'ya na masayahin at friendly before she had a stroke. Palagi s'yang nagkukulong sa kwarto o kaya naman ay sa loob lang ng bahay. Ni hindi s'ya maaya sa garden. Dati rati ay madalas s'ya doon dahil sa mga orkidyas n'ya," he paused for a second at uminom ng tubig.
Mukhang challenging ang magiging pasyente ko. Hindi pa ako nakapagtrabaho sa labas ng hospital. Since I graduated, sa ER na ako nadestino dahil noong OJT ko ay doon rin ako nag-assist sa mga nurses. Kaya ko bang mag-alaga ng isang pasyente lang at nasa loob ng bahay? Walang adrenalin na required sa environment na 'yon.
"Walang tumagal na nurse sa kanya. They last for mostly twenty four hours at ang huling nurse n'ya ay sumuko na rin after almost seven days. Before you decide, the salary is one hundred thousand per month. The work requires fifteen hours for six days. Sunday will be your day off," sabi nito.
Fifteen hours? Is that for real? Walong oras nga lang ay ngarag na ako at mukhang losyang. Pero fifteen hours? Well, it's one hundred thousand a month at sa palagay ko ay stay in ang trabahong ito.
"You have to live in the house. We will provide you a furnished room with a private bathroom. It's on the same floor as my parents' bedroom para mas mabilis kang makapunta sa kanya. When you leave on Saturday night, ang driver ang maghahatid sa 'yo sa bahay n'yo or kung saan mo gusto. You can eat whatever you like in the house and feel free to use the amenities. There's a pool and gym. Of course, kapag tapos na ang trabaho."
That offer is tempting. Siguro kung anim na buwan akong magtatrabaho sa kanya ay mabilis akong makakaipon at makakapagtayo kami ng shop ni Nanay. I love to draw at ganoon din s'ya. Marunong s'yang manahi kaya hindi problema. Ako ay walang talent pagdating doon pero pwede naman kaming kumuha ng ibang pwedeng magtahi ng designs. It would be a boutique and a sewing shop at the same time.
"Do you have any questions?"
"One," sabi ko sa kanya.
"Ask away," nagpunas ito ng table napkin sa labi.
"If your mother and I don't click, do I still have a job to go back to here in the hospital?"
Seryoso ako doon. Tempting nga kasi ang sahod sa mother n'ya, pero s'ya na rin ang nagsabi na hindi ito madaling pakisamahan. Paano kung hindi n'ya ako magustuhan?
"Of course. Makakabalik ka any time sa hospital. That's not going to be a problem. So, what do you say?"
Mag-iisip pa ba ako? Para sa pangarap namin ni Nanay ay kukunin ko ang trabahong ito.
"Okay, susubukan ko."
"Great. Let me call Mr. Ochoa so we can sign the contract. Your benefits will continue for you and your dependents. Do you have any special request? I really need you to start after our conversation."
Ngayon na?! Agad agad? "But I don't have my thing, I --"
"Don't worry, I'm free today. I will take you to your house so you can pack. Kung may maiwan ka man ay pwede ko namang ipakuha sa driver at ipadala sa bahay. Anything else?"
Umiling na lang ako at wala ng masabi.
"Your full monthly pay will be deposited before the end of today. Itatawag ko lang sa sekretarya ko at bahala na silang mag-usap ng head ng payroll ng ospital. Tatlo lang ang kwarto sa second floor at tatlo sa third floor. But since you have to be on the same floor as your patient, there would only be one room available for you. And it's next to mine, so try to keep it low. Is that understood?"
Tango na lang ang nagawa ko. Tuluyan na yata akong napipi. Problema ko na nga kung paano papakisamahan ang nanay n'ya, problema ko pa na katabi ko ang kwarto n'ya. At bakit naman ako mag-iingay? Ano ako, paslit? This man will be my downfall.