* * * Silid na papalit-palit mula pula, puti, asul, dilaw, berde, lila, rosas, at iba’t iba pang klase ng kulay ang sumalubong kay Axel sa pagdilat niya ng kanyang mga mata. Imbes na masapot, maalikabok, at mabaho na abandonadong bodega ay isang malamig, mabango, at malawak na silid ang nakikita niya sa paligid. Hindi ito tahimik, at malamang ay hindi rin tagong lugar. Naririnig niya ang tawanan at pag-uusap ng mga tao sa loob at labas nito. May iba na sinusubukan pa na bumulong, at may iba naman na parang may gamit na mikropono sa lakas ng boses. Nangingibabaw ang amoy ng alak sa loob. Matamis at medyo nakakahilo. May natatanaw rin na usok ang nanlalabong paningin ni Axel. Mabigat ang kanyang pakiramdam at namamanhid ang kanyang mga braso at mga paa. Naasiwa rin siya sa tila masikip niy

