M I L L E R “One hundred thousand pesos?!” magkahalong gulat at mangha na mutawi ng taga-singil na nakaharap ko ngayon sa opisina ng laundering corporation na pinag-utangan ni Dad. “Saan ka naman galing nito? Sigurado ka ba na ihuhulog mo ito lahat ng isang bagsakan lang?” Inamoy-amoy ng lalaking kalbo ang envelope na may lamang pera na para bang ito ang kauna-unahang pagkakataon niya na makahawak ng ganito kalaki na halaga. Tumango lang ako bilang sagot sa katanungan niya. “Hindi ba’t estudyante ka pa? Alam mo wala rito si Bossing, hindi mo kailangan magpa-impress ng todo-todo kaya pwede mo ‘tong bawasan at kumuha ng konti pang tuition mo. Hindi mo kailangan na pilitin ang sarili mo,” sulsol nito sa akin. But then again, it's not like that is the only money I have. May pera pa naman ak

