M I L L E R Hindi na ako nagdalawang-isip pa na buhatin papasok ng boarding house ko si Axel. With the amount of bleeding he is having tumulo na pati sa sahig ng pintuan ko ang dugo niya. Nagmadali akong ihiga siya sa kama saka bumalik sa labas para punasan ang pulang likido. Baka kasi may makakita pa ato kung ano pa ang isipin. Pagkatapos ng saglit kong paglilinis ay binalikan ko na si Axel sa kama. Hindi pa rin siya nagigising at tila ba hindi humihilom ang mga sugat niya. Hindi kagaya ng gabing ‘yun ay mas maputla ngayon ang mukha ng lalaking ito. Tagaktak din ang pawis sa kanyang noo at maya’t maya siya kung umubo. His situation is worse than that first night. “Haa… Ngh!” Eto na naman siya sa mga nasasaktan niyang pag-ungol. I quickly grabbed a glass of water the moment I noticed h

