M I L L E R The smell of lavender essential oil in a form of mist welcomed my morning as soon as I opened my eyes. This felt like my old home. ‘Yung amoy mayaman. Amoy ng bahay na araw-araw nililinis at inaasikaso ng kasambahay. Ang amoy ng fabcon ng bagong labang bedsheet, at kurtina. Ang amoy ng aircon ng ka-spe-spray lang ng air freshener. ‘Yung amoy malamig. Amoy malawak. Amoy malinis. That is how I felt the moment I woke up and consciously breathed the air around me. “Mom?” I uttered as I suddenly got the urge to call her. Ah~ This really felt like home. Kagaya noong mga panahon na malaya pa akong gawin ang lahat. Noong nakukuha ko pa ang mga gusto ko. Noong maayos pa ang buhay ko. How… strange. Kailan pa naging ganito kaaliwalas ang paligid ko? Ang bahay ko? No matter how much

