CHAPTER 1
DENISE JOY
Nagmamadali, nagmamadali na talaga ako dahil male-late na ako sa trabaho ko. Ayaw ko na ma bulyawan ako ng boss ko. Hangga’t maaari ay sinisikap ko talaga na maging on-time lagi sa trabaho ko. Isa sa pinakasikat at matagumpay na kumpanya ang Hoffman Corporation kaya naman strict sila pagdating sa mga employees nila. Maayos silang magpasahod kaya dapat lang talaga na maayos ang lahat.
“Good morning po,” bati ko sa guard pagpasok ko sa loob ng Hoffman Building.
“Good morning po, Ma’am. Dahan-dahan lang po at baka madapa ka,” sabi niya sa akin dahil halos takbuhin ko na papasok sa loob ‘wag lang ako mahuli sa trabaho ko.
“Late na po kasi ako, kuya.” sabi ko sa kanya at nagmamadali na akong pumasok sa elevator.
Mabilis kong pinindot ang CEO’s floor at nang magsasara na sana ang elevator ay may bigla na lang pumigil dito. Nagulat ako dahil si Sir DA pala ito. David Ace Hoffman pero mas tinatawag siyang DA ng lahat.
“Good morning, Sir.” bati ko sa kanya pero wala man lang siyang tugon.
Kahit kailan talaga ay tahimik lang siya. Wala man lang akong narinig na kahit na ano mula sa kanya. Ganito siya everyday at sanay na ako. Wala naman kasing bago. Six months na akong nandito sa company na ito. At parang lagi akong naninibago dahil na rin siguro sa pabago-bago na mood ng lalaking ito. Gwapo pero ubod naman ng sungit at pagka-seryoso. Ni hindi man lang siya marunong ngumiti.
Nang bumukas na ang elevator ay una siyang lumabas at nakasunod lang ako sa kanya. Binati siya ng mga employees niya pero no reaction pa rin talaga siya. Ang laki ng bawat hakbang niya lalo na ang laki niyang tao.
Nakarating agad siya sa pintuan ng office niya kaya naman pumasok na ito at ako naman ay nandito na rin ngayon sa table ko sa labas ng office niya.
Inilapag ko lang ang bag ko sa table ko at mabilis akong pumasok sa may pantry para gumawa ng coffee niya. Mabilis ang bawat kilos ko hanggang sa natapos na ako. Hindi na ako kumatok at pumasok na lang ako dala ang kape niya.
“Here’s your coffee, Sir.” Sabi ko sa kanya.
“Thank you,” sabi niya kaya lihim naman akong napangiti dahil nagpasalamat siya.
Ayaw kong magtagal dito dahil may trabaho pa ako kaya naman nagpaalam na ako sa kanya na lalabas na ako. Bumalik ako sa table ko at nagsimula na akong nagtatrabaho.
Araw-araw ay ganito lang lagi ang routine ko. Hindi naman ako napapagod dahil sanay na ako. Nagsimula na akong magtrabaho at umilaw ang phone ko kaya sinilip ko kung sino ba ang nagpadala sa akin ng message.
Mommy: Anak, dito na kayo magdinner sa bahay.
Me: Itatanong ko sa asawa ko, mom.
Mommy: Masyado ba siyang busy ngayon?
Me: Medyo po, text you back later, mom. Magtatrabaho po muna ako. Love you, mom.
Mommy: Love you, baby. Sana ay makarating kayo. Magluluto ako ng paborito niyo.
Napangiti na lang ako dahil sa totoo lang ay miss ko na rin ang parents ko.
Me to Hubby: Si mommy, nag-iimbita sa atin na sa kanila tayo magdinner. Okay lang ba?
Me: Kung busy ka at kung may gagawin ka ay sasabihan ko na lang sila na busy ka. Ako na lang ang pupunta.
Me: Sorry kung iniisturbo kita.
Hubby: K
Bigla na lang akong na lungkot dahil wala man lang nagbago sa kanya. Lagi na lang one word ang sagot niya sa akin. Pero mas okay na ito kaysa hindi siya nagrereply sa akin. Alam ko kasi na busy ang asawa ko kaya talagang may mga kailangan pa ako lagi na itanong sa kanya para alam niya. Hindi ko alam kung ano ba ang K na reply niya. Hindi ko alam kung pumapayag ba siya o hindi.
Hindi na ako nangulit pa sa kanya. Mas pinili ko na lang na ayusin ang records ng boss ko. Para sa buong week niyang schedule's. Habang nakaupo ako dito sa table ko ay may bigla na lang dumating. Ang anak ng isa sa mga shareholders dito sa company. Masamang tingin agad ang binigay niya sa akin na para bang may kasalanan ako sa kanya. Hindi ko na lang siya pinansin at hinayaan ko na lang siya. Bumaba na lang ako para pumunta sa accounting department at ibigay ang mga documents na tapos ng pirmahan ng boss ko. Wala naman akong ginagawa kaya ihahatid ko na lang para hindi na sila umakyat pa dito sa taas. Alam ko rin kasi na busy silang lahat.
“Hi, Miss Sexy.” bati sa akin ng isang employee dito.
“Good morning, ito na pala ang mga papers na kailangan niyo.”
“Naku, thank you so much, Miss Sexy. Nakakahiya naman na hinatid mo pa dito. Napagod ka pa tuloy, next time ay kukunin na lang namin doon.”
“Okay lang, walang problema at isa pa hindi naman ako busy. Tapos ko na ang iba kong trabaho. Sige, balik na ako sa taas. Baka kasi mamaya ay may iutos ang boss ko,” sabi ko sa kanila.
“Sige, nand’yan pa naman ang suitor ni Sir na hanggang ngayon ay hindi pa rin sumusuko. Ginagamit talaga ang shares ng tatay niya para lang malayang magpabalik-balik dito,” sabi pa ng isa sa kanila.
“Hayaan niyo na lang siya. Sige na, alis na ako.” paalam ko sa kanila.
Alam ng lahat ang tungkol sa babaeng ‘yon at sa obsession niya sa boss ko. Sanay na rin naman ako sa presensya niya. Weekly ba naman siyang pumupunta dito para dalawin ang boss ko. At kapag nandito siya ay panay ang utos niya sa akin. Minsan ay naiinis na ako pero pinipili ko pa rin na gawin ang trabaho ko.
Nang makabalik na ako sa table ko ay papunta na sa meeting room ang boss ko. Ako naman ay naiwan lang dito dahil wala naman akong gagawin doon. May mga times na kailangan ako doon at mayroon naman na hindi na. Hindi ko alam kung nakaalis na ba ang babaeng ‘yon.
Nang tuluyang makaalis ang boss ko ay pumasok ako sa loob ng office niya at kaagad na kumunot ang noo ko sa nakita ko.
“What are you doing?” tanong ko sa babae na halatang nagulat nang makita niya ako.