Chapter 31 Trisha’s PoV CONTINUATION OF FLASHBACK. . . Napagkasunduan namin ni Zebbie na magkita sa personal. Hindi ko inaasahan na makikita ko si Raven. Wala naman kasing sinabi si Zebbie na isasama niya si Raven sa meetup namin. Nakakainis. Kaya bago pa ako makita ni Raven ay dali-dali na akong tumalikod at hindi na lumingon pa. Halos patakbo akong humakbang papalayo sa fast food. Pag-uwi ko sa bahay, nagtaka si Mama Len kung bakit daw naka-uwi agad ako eh kaka-alis ko lang. Hindi ko masabi sa kanya ang totoo. Siguradong pangangaralan na naman ako ni Mama. Hindi pwedeng malaman niya ang mga pinag gaga-gawa ko. Sasabihin niya “I told you. Kaya tigilan mo na si Raven.” “Ma, masama po kasi ang pakiramdam ko.” Kita ko sa mga mata ni Mama Len ang pag- aalala. Nakaka- guilty na mag si

