PROLOGUE
BLURB
In the game of love and revenge, who is the winner and who lost the battle?
Ang istoryang ito ay mas magulo pa sa buhay mo. Kasing labo ng iyong hinaharap. Pero puno ng pag-asa at magtuturo sa’yo na ano man ang dagok na dumating sa iyong buhay, kayang kaya mong baguhin ang takbo ng buhay mo. Nasa iyo na lang kung mabuti o hindi ang napiling mong daan na tatahakin. .
Para kay Raven Del Fuego, ang buhay niya ay punong-puno ng pag-asa at planong matatag, a stable job- an architect by profession, at isang tiyak na hinaharap. May mapagmahal na fiancée na si Zebbie Sarmiento. Tila perpekto na ang kinabukasan ni Raven.
Ngunit isang hindi inaasahang laro ng pag-ibig ang bumago sa lahat. Ang babaeng akala niyang mahal siya ay isa palang cheater. Ang masaklap pa, pinagpalit siya sa isang tomboy. Ang kababata niyang si Trisha Yuson.
Sa sakit at galit, bumuo si Raven ng isang mapait na plano ng paghihiganti, aagawin niya si Trisha, ang tomboy na umagaw sa fiancee niyang si Zebbie. Sa una, laro lang ito, paghihiganti, ang ugat ay galit. Hanggang sa hindi na namalaya ni Raven na nahulog na siya sa sariling patibong. Sila ni Trisha ay nahulog sa isa’t isa. Naiwan si Zebbie na luhaan at nag-iisa.
Ngunit hindi pa tapos ang laban. Hindi papayag si Zebbie na ganoon matatapos ang istorya nilang tatlo. Siya naman ang maghihiganti kina Raven at Trisha.
Sa gitna ng gulo, isang bagong pag-ibig ang nagbukas ng panibagong pintuan para kay Zebbie. Pipiliin niya kayang magmahal pang muli? O mananatili siyang bihag ng nakaraan? Kahit pa may ika-apat na darating sa kwento ng kanilang magulong buhay.
Kulang ang isa at dalawa, sa tatlong nagmamahalan, dahil APAT DAPAT.
= = = = = = = = = = = =
CHAPTER 1
RAVEN’S POV
Ako si Raven Del Fuego, 30 years old, isang OFW. Limang taon akong nagpaka-hirap sa bansang Kuwait para i-ahon ang pamilya ko sa kahirapan. Isa akong architect at nag sumikap para makapag tapos ng pag-aaral. At sa kabutihang palad ay nakapag tapos ng Architecture with high honors.
Tiniis ko ang limang taon na mawalay sa aking pamilya. Lalo na sa aking mahal na girlfriend na si Zebbie. Sa limang taon na pamamalagi sa Kuwait, isang beses lang akong naka-uwi ng Pinas. Pinangako ko kay Zebbie na sa susunod kong pag-uwi ay magpapakasal na kami.
Ngayon ay kakalapag lang ng eroplanong aking sinasakyan. Gusto kong lumuha habang tinititigan ang larawan ni Zebbie. Sabik na sabik na akong makita siya at mayakap.
“Hintayin mo ako, Zebbie. Malapit na ako. Magsasama na tayo,” bulong ko sa isip ko habang palabas ng eroplano.
Agad akong pumila sa taxi lane dahil wala naman susundo sa akin. Walang pamilya na nag aabang sa labas ng airport. Ang totoo kasi niyan ay sa huli kong pag-uwi sa PInas, nagkaroon kami ng hidwaan ng pamilya ko. Sinabi kasi nilang ayaw nila kay Zebbie, may kinahuhumalingan daw itong iba. Alam kong paninira lang at fake news iyon kay Zebbie dahil ako lang ang mahal ng girlfriend ko. Marami ang inggit kay Zebbie sa paligid dahil bukod sa maganda siya ay sustentado ko siya. Sa kanya ko pinagkatiwala ang townhouse na kinuha ko at buwan buwan kong hinulugan hanggang sa fully paid ko na ngayon. Para may ipanghawakan siya na babalikan ko siya at magiging tapat ako sa kanya at tanging sa kanya lamang.
Ipinaglaban ko si Zebbie dahil mahal ko siya at mahal niya rin ako. Sapat na iyon para pagkatiwalaan siya ng buong-buo. Kahit pa ang kapalit noon ay ang sigalot na namagitan sa amin ng pamilya ko. Alam ko naman na maayos din ang lahat, sa tamang panahon. Handa akong lumuhod, humingi ng tawad at magpakumbaba sa aking pamilya, lalo na sa mga magulang ko.
Habang binabaybay ko ang daan pabalik sa lugar kung saan ko siya unang nakilala, hindi ko maiwasang magbalik-tanaw sa nakaraan. Ang araw na nangako ako kay Zebbie—ang babaeng minahal ko nang higit pa sa buhay ko.
FLASHBACK. . .
"Maghintay ka, Zeb. Babalik ako, at pagbalik ko, tayo na habambuhay."
‘Yon ang pangakong binitiwan ko, kasabay ng paglalagay ko ng singsing sa kanyang daliri, isang simbolo ng pangako kong hindi mabubura ng panahon o distansiya. Nakita ko sa kanyang mga mata ang ligaya at tiwala, ang paniniwalang walang makakapagpabago sa amin. We will wait for the right time. I will be faithful even though how far apart we are. I swear with all my heart na hindi ako mambabae.
Naalala ko rin ang araw ng aking paglisan, ang sakit sa puso ko nang makita siyang umiiyak sa airport habang sinusubukan niyang ngumiti. Ako naman, pilit na pinatatag ang sarili. Kailangan kong lumayo para sa kinabukasan namin. Kuwait ang naging destinasyon ko, ngunit sa kanya naiwan ang puso ko.
"Rav, mag-iingat ka ha? Kapag bumalik ka, siguraduhin mong ikaw pa rin 'yung lalaking mahal ko."
Nginitian ko lang siya noon at hinaplos ang kanyang pisngi. "Love, ikaw lang ang dahilan ng lahat ng ito. Pagbalik ko, ako pa rin 'to at ikaw pa rin ang gusto kong makasama habang buhay."
END OF FLASHBACK. . .
Pero ngayon… habang bumalik sa kasalukuyan, napansin kong mahigpit kong hawak ang bag ko. May kung anong kirot sa puso ko. Hindi ko namalayang may luhang pumatak mula sa aking mata.
"Zebbie, Lovel... andito na ako. Natapos na ang paghihintay natin. Tutuparin ko na ang pangako ko."
Pinawi ko ang luha ko, inayos ang sarili, at hinanda ang puso ko. Hindi ko alam kung paano niya ako sasalubungin… pero ang sigurado ako, handa akong ipaglaban siya kahit anong mangyari.
Sa wakas, makikita ko na ang bahay na matiyaga kong hinulugan sa loob ng limang taon. Bahay na dugo’t pawis ang puhunan ko para sa amin ni Zebbie. Hindi ko maiwasang mapangiti habang unti-unting bumagal ang andar ng taxi sa harapan nito.
Napakaganda. Mas maganda pa sa mga larawan na madalas kong tinitingnan noong nasa Kuwait pa ako. Ang bawat pader, bintana, at pintuan, ang lahat ng ito, bunga ng sipag at sakripisyo ko.
Huminga ako nang malalim bago bumaba ng sasakyan. Narito na ako. Nandito na ako sa tahanan namin.
Nanginginig ang kamay kong itinulak ang maliit na gate, dahan-dahan para hindi marinig ni Zebbie, at nang humakbang ako papasok, agad akong natigilan. Dahil sa loob ng bahay na matagal kong pinangarap, naghihintay ang babaeng pinakamamahal ko.
Si Zebbie.
Narito na ako, Love. Matapos ang limang taon ng pag-iisa, ng paghihintay, ngayon ko na tutuparin ang lahat ng ipinangako ko sa’yo.
Hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko. Pero hindi ito luha ng lungkot, kundi luha ng tagumpay at labis na pananabik.
Sa wakas, uuwi na ako.
Pero nang dahan dahan kong binuksan ang pinto, narinig ko ang malambing niyang boses… ngunit may kasama siyang iba.
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. PAKI ADD PO ANG IBA KO PANG STORY SALAMAT PO.