Chapter 2

1181 Words
Chapter 2 Raven’s PoV Narito na ako, Love. Matapos ang limang taon ng pag-iisa, ng paghihintay, ngayon ko na tutuparin ang lahat ng ipinangako ko sa’yo. Hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko. Pero hindi ito luha ng lungkot, kundi luha ng tagumpay at labis na pananabik. Pero nang dahan dahan kong binuksan ang pinto, narinig ko ang malambing na boses ni Zebbie. Ang hagikgik niyang nakaka kiliti ay nagbigay ngiti sa aking labi… Ngunit may kasama siyang iba… Si Trisha Yuson, ang aking kababata. Binuksan ko na ang pinto at nang makita ko ang kasama niya ay pare pareho kaming nagitla sa eksena. “Rav,” ang tanging sambit ni Zebbie. Akala ko pa naman ay abot langit ang kanyang ngiti at patakbo niya akong sasalubúngin, yayakapin at hahagulgol. Ngunit kabaliktaran lang ang lahat ng kanyang reaksyon. Marahil ay sobra lang siyang nagulat sa aking pagdating ngayong araw. Ako na ang nagkusang lumapit at niyakap siya ng ubod nang higpit. Akala ko ay gagantihan niya ako ng mas mahigit na yakap ngunit nanatili lang siyang naka tayo at naka tulala. “Hindi ka ba masaya, Love? Nandito na ako at hindi na aalis,” bulong ko sa kanyang tenga, umaasang babalik na siya sa wisyo. “Rav, ano kasi eh, nabigla talaga ako,” sagot niya at kumalas na sa pagkaka yakap ko. Napa tingin ako sa likuran niya, naroon si Trisha. Seryoso lang siyang naka tingin sa akin. “Ah, Trish, nandito ka pala,” sabi ko ay napansin kong naka pambahay lang siya at naka indoor na slippers. Wala naman akong napansin na sandals o sapatos sa front door. “Hi Raven. Naka uwi ka na pala. Hindi ka man lang nag bigay ng abiso,”sabi niya. Medyo napa kunot ang noo ko. Bakit ko naman siya aabisuhan? “Rav, upo ka muna. Upo muna tayo. Siguradong pagod na pagod ka na. Tama si Trish, bakit wala ka man lang abiso? Di sinsana’y nakapaghanda kami,” sabi ni Zebbie. Kami? Nino? Ni Trisha? Hindi ko na pinansin ang mga kaka-iba kong nakita dahil mas sabik akong maka-bonding si Zebbie at ma-solo sana siya. Hindi ko naman inaasahan na narito si Trish. Baka masyado nang naiinip si Zebbie na mag-isa rito sa bahay kaya narito si Trish para kahit papaano ay may makaka-usap siya. Nilapag ko sa center table ang pasalubong kong maliit na balikbayan box na puno ng chocolates at kung ano ano pa. Nagmadali si Zebbie na buksan ang karton. Nakakatuwa dahil para pa rin siyang bata na nasasabik sa mga surprise. “Rav, thank you! Alam na alam mo talaga mga paborito ko!” bulalas niya at sinunod niyang buksan ang malaking maleta na nasa tabi ko. Lalong lumawak ang ngiti niya nang makita ang isang jewelry box. “Oh wow!” hiyaw niya habang kumikinang ang mga mata. Bigla ring nawala ang kinang sa kanyang mga mata nang mabasa ang tag na nakalagay sa jewelry box. Ate Arlene. Napalitan ng simangot ang mukha niya na kanina ay abot tenga ang ngiti. Hinalukay niya pa ang laman ng maleta. Habang pa-lalim nang palalim ang nahuhukay niya ay lalong lumalala ang pag simangot niya. Nanay, Tatay, bunso, Kuya Neil. “So, wala ako?” naka nguso niyang sabi. Alam kong galit siya. Tinabihan ko siya at hinuli ang kanyang baba upang magtama ang aming tingin. “I love you, my Love. Para ‘yan sa family ko–” Hindi ko na napaliwanag ang sinasabi ko dahil nagta-tantrums na siya. Pa-balibag niyang ibinalik sa maleta ang mga gamit na hawak niya. “Love, ito kasi ang para sa’yo,” sabi ko at inilabas ang isang golden bracelet na may diamond mula sa aking bulsa. Bumalik ang matamis niyang ngiti at kinang ng mga mata. Ang bilugan niyang mga mata ay lalo pang lumaki dahil sa excitement. “Ang ganda, Love! Gustong gusto ko ito. How much is this?” tanong niya na titig na titig sa akin na tila hindi makapaniwala. Ngumiti lang ako dahil ayaw kong sabihin ang presyo lalo na sa harap ni Trisha. May kamahalan ang bracelet na regalo ko. Pero para kay Zebbie ay walang katumbas itong halaga. “Huwag ka na magtampo, Love. Matagal ko ng hindi nakikita ang pamilya ko. Maliit lang ang pinapadala ko sa kanila. Kahit man lang sa ganyan ay maka-bawi ako.” Napa-irap na lang siya pagkatapos ay ngumiti. Ok sige.” Nagyaya na lang siya na kumain. “Tamang-tama Love, kakaluto ko lang. Let’s eat,” sabi niya at hinila na ako patayo papuntang kusina. Nabigla ako dahil marunong na pala siyang magluto. Pina-upo rin niya si Trish sa kanyang tabi habang naghahain si Zebbie ng aming kakainin. Mas lalo akong nagulat dahil hindi lang mukhang masarap ang niluto niya kundi masarap talaga. Tahimik akong kumakain, pinagmamasdan ang dalawang babaeng nasa harapan ko. Si Zebbie, na ngayon ay tila ibang-iba sa dati, at si Trisha, na komportableng-komportable na sa bahay ko. Ang daming nagbago. Naging maasikaso na si Zebbie. Noon, ako ang laging gumagawa ng lahat, nag-aalaga, nagluluto, nag-aasikaso sa kanya. Pero ngayon, natuto na siyang magluto, mag-alaga… pero bakit kay Trisha niya ito ginagawa? "Rav, okay ka lang, Love?" tanong ni Zebbie, pero hindi niya ako tinapunan ng tingin. Sa halip, abala siya sa paglagay ng ulam sa plato ni Trisha. Napakasakit tingnan. Ayaw kong mag-isip ng masama, pero hindi ko kayang ipagkaila ang nararamdaman ko. Selos. Isang matinding selos na ngayon ko lang naranasan, at ang mas masakit, hindi ko alam kung may karapatan ba akong maramdaman ito. Dati, kapag magkasama kami ni Zebbie, ako ang inuuna niya. Ako ang iniintindi niya. Pero ngayon… parang mas may puwang sa buhay niya si Trisha kaysa sa akin. "Hmm? Ayos lang ako," sagot ko, pilit na nilulunok ang biglang pait sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Baka dahil pagod lang ako. Tahimik lang akong nagmamasid habang kami ay kumakain. Tahimik lang hanggang matapos. Maingat kong kinalabit si Zebbie sa braso habang naghuhugas si Zebbie. "Love…" bulong ko, sabik na sabik na sa kanya matapos ang limang taong paghihintay. Gusto ko na siyang masolo, mayakap, mahalikan, at baka sakaling ngayong gabi ay pero bigla akong natigilan nang mapansin kong hindi siya tumitingin sa akin. Sa halip, nakatingin siya kay Trisha, at ganoon din si Trisha sa kanya. Isang kakaibang tinginan, isang titig na hindi ko maintindihan. Parang may alam silang dalawa na ako lang ang hindi nakakaalam. Napaatras ako, biglang nanlamig ang katawan ko. "Ano 'to, Zebbie?" tanong ko, pilit na pinapanatili ang normal na tono ng boses ko. "Ano ‘to Love? Bakit nandito pa rin si Trisha?" Tahimik lang siya. Hindi makatingin sa akin. Samantalang si Trisha… may isang matamis ngunit makahulugang ngiti sa kanyang labi. At doon ako nakaramdam ng kaba. "Rav…" Sa wakas, nagsalita si Zebbie, pero mahina, hindi diretso. "Si Trisha… dito na siya nakatira." Parang may kung anong sumabog sa loob ko. Ano? Dito? Sa bahay na binuo ko para sa amin? At bakit hindi ko ito alam? ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD