Chapter 3

983 Words
Chapter 3 Raven’s Pov "Rav…Si Trisha… dito na siya nakatira." Napatigagal ako sa sinabi ni Zebbie. Paanong nakatira si Trisha sa bahay namin? Sa bahay na ako ang bumili? Matiyagang hinulugan buwan buwan para sa amin at aming magiging mga anak. Bakit pinatira niya rito ang kababata ko na pilit kong nilalayuan? Ang pinaka masakit pa ay nag desisyon siya nang hindi man lang kumukunsulta sa akin. Nakaka-sama ng loob. Hindi lang naman ito minor decision na pwede kong palampasin. Iyon kasi ang masakit. Madali lang naman magpa-alam sa akin. Parang by-passed niya ako, parang winalang-bahala niya ako. Ano ba ako sa buhay niya? “Kailan pa?” tanong ko, mariin at matigas para malaman niyang hindi ako natutuwa sa ginawa niya. “Matagal na/ Kailan lang,” sabay na sagot nina Zebbie at Trisha. Nagkatinginan sila at si Zebbie na ang nagsalita. “Rav, hindi ko lang nasabi pero kailan lang kasi talaga. Wala pang buwan. Sorry na. Akala ko naman kasi ay sandali lang siya. Saka ‘di ba magkababata naman kayo? So, ok lang siguro sa’yo. Saka mag-isa lang ako sa malaking bahay na ito, Love. Nakakatakot at nakaka-inip. Mabuti na ‘yung may kasama ako sa bahay.” Hindi na ko nag salita pa. Kung gusto pala niya ng kasama ay bakit ibang tao ang pinatuloy niya? Bakit hindi ang pamangkin ko na ubod ng bait? Walang atraso sa kanya ang pamangkin ko. Naki usap ako sa kanya na dito muna makikitira dahil nag rereview ito sa isang reviewing center at walang matuluyan. At tutal may dalawa pang bakanteng kwarto na pwedeng tulugan. Pero hindi niya ako pinagbigyan. Masama pa rin ang loob ko. Pinatuloy niya ang ibang tao haba ang pamangkin ko ay parang basang sisiw na nag titiis sa masikip at magulong boarding house. Ang akin lang naman ay ipaalam sa akin na pinatira niya si Trish. Mahirap bang sabihin ‘yun? Dahan dahan akong nilapitan ni Zebbie at niyakap. “Sorry na, Love. Sasabihin ko naman sana kaso dumating ka naman agad. Kaya wala na akong pagkakataon na sabihin pa sa'yo,” mahabang paliwanag ni Zebbie. Bakit ganun, bagamat yakap niya ako at tila walang init? Walang kuryente… Basta wala akong maramdaman. “Sige na,” iyon na lang ang nasabi ko. Ayoko makipag talo dahil pagod ako. Ayokong sirain ang kasiyahan ko. Babawian ko na lang si Zebbie mamaya sa kwarto. Pumasok ako sa master's bedroom para magpalit ng damit ngunit pag bukas ko ng aparador ay wala akong damit ni isa. Lahat ay pambabae. Ang hirap pala kapag umuwi ng walang abiso. Bago matulog ay lumabas muna ako ng bahay para bumili ng mga gamit ko dahil puro kasi pasalubong ang dala ko at wala na para sa aking sarili. Inaasahan ko kasi na may mga gamit naman ako na naiwan pero wala ni isa. Pati iyon ay pinalagpas ko na lang. Mag-isang bumili ng mga gamit sa pinakamalapit na mall sa Townhouse namin. Maaga pa naman at bukas pa ang bilihan. Pagkatapos kong mamili ay dahan dahan akong pumasok sa bahay dahil baka tulog na sila Zebbie at baka magising ko pa. Nakasilip ako mula sa siwang ng pinto, napahinto ako sa natagpuan kong eksena. Wala naman silang ginagawang kababalaghan pero mukha seryoso ang kanilang usapan. Si Zebbie at si Trisha ay magkasama, magkausap sa kwartong dati ay amin lang ni Zebbie. Sa una, hindi ko agad naintindihan ang pinag-uusapan nila, pero nang bumigkas si Zebbie ng mga salitang hindi ko kailanman inakala na maririnig ko mula sa kanya, parang binuhusan ako ng malamig na tubig. “Wala na siyang halaga sa akin, Trish… Ikaw lang ang mahalaga.” Nanlaki ang mga mata ko. Parang sinaksak ang puso ko ng paulit-ulit. Napa pikit ako saglit, baka kako ay ako lang ay nananaginip o pagod lang dahil sa byahe. Minulat ko muli ang aking mga mata, pero naroon pa rin sila, nagbubulungan. Pinakinggan ko pa ang kanilang mga susunod na sasabihin. Pero lalo lang akong nalugmok sa aking narinig. “Babe–” “Sabi nang huwag mo muna akong tawaging ‘Babe’ saka huwag ka muna dito sa kwarto namin. Dun ka muna sa guest room,” natatarantang sabi ni Zebbie. “Sige, pero kailan mo ba balak sabihin ang tungkol sa atin? O may Balak ka pa ba?” “Trish, saglit lang naman. Kakarating lang ni Rav. Saka hindi pa niya totally binibigay sa akin nang buong buo ang bahay. May isang taon pa siyang huhulugan. Kaya tiis tiis muna tayo. Ok? Malapit na Trish, kaya behave lang ha? Lalambingin ko muna si Rav.” Hindi ako makapaniwala sa lahat ng narinig ko. Para akong nagpatira ng ahas sa sarili kong pamamahay para ako ay lingkisin, traydurin, at tuklawin hangga't hindi pa ako namamatay. Napakasakit na nagpaka hirap ako para lang gaguhin. Gusto kong sugurin sila, iparamdam kay Zebbie ang sakit na dulot niya sa akin. Pero, ano ang laban ko? Bukod sa hindi ako nananakit ng babae, hindi ko rin alam kung paano ko itatayo ang sarili ko sa harap ng pagtataksil na ito. Pinagpalit ako. Sa ibang lalaki? Hindi. Mas matindi. Sa isang babae na kababata ko pa. At kailan pa naging tomboy si Trisha? Kailan pa ang relasyon nila? Tama pala ang sinabi ng pamilya ko tungkol kay Zebbie at bulag akong nagmahal. Kinalaban ko pa ang sarili kong pamilya para ipaglaban siya. Ganito lang pala ang igaganti niya? Pinawi ko ang mga luha ko gamit ang likod ng aking kamay. Hindi ito ang oras para magpatalo sa emosyon. Oo, durog na durog ako, pero hindi ako mawawasak ng ganito lang. Huminga ako nang malalim, pinakalma ang sarili. Hindi ko ito dadaanin sa init ng ulo, pero isang bagay ang sigurado, lintik lang ang walang ganti. ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. SALAMAT PO . PAKI ADD NA RIN PO ANG IBA ko PANG MGA ESTORYA. MARAMING salamat po.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD