Chapter 4
Raven’s Pov
Love? Love? I’m home!
Sigaw ko nang nasa pinto na ako sabay tulak para kunwari ay kakarating ko lang. Gulat na gulat si Zebbie na makita ako habang si Trish ay seryoso lang na nakatingin sa akin. Nagtagisan kami ng titig. Alam kong may masama siyang balak kaya niya ito ginagawa.
"O Love, kanina ka pa ba nariyan? Halika na at matulog ka na. Alam kong pagod ka," sabi ni Zebbie at hinila na ako sa kama.
"Ah sige, matutulog na rin ako. Doon sa guest room," sabi naman ni Trish at buti naman at nakaramdam naman na gusto ko na rin masolo si Zebbie at magpahinga na.
Nagpalit na ako ng pantulog habang si Zebbie ay abala sa cellphone niya, naka higa patagilid. Pagtingina ko sa kanya ay tulog na pala siya. Tinabihan ko siya at niyakap. Hinalikan ang kanyang leeg. Ngunit agad niyang tinabig ang aking bisig nang siya ay magising.
"Love, sabik na sabik na 'ko sa'yo. Ilang taon na 'kong naghihintay sa'yo. Sa wakas, nandito na 'ko. Please pag bigyan mo na 'ko," pagsusumamo ko ngunit bumngon siya at humarap sa akin.
"Rav, 'di ba sabi ko naman sa'yo, gusto ko sa honeymoon na natin iyan gawin? Malapit na tayong ikasal. Konting tiis pa," sabi niya na naiirita pa.
"Kailan ba tayo magpapakasal?" tanong ko.
"Kapag natapos mo nang hulugan itong bahay at nasa pangalan ko na rin. Conjugal property natin. Hindi ba 'yun ang usapan natin?"
"So, ayaw mong makipag siping sa akin?"
"Kapag nasa pangalan ko na ang bahay at ibang ari-arian mo,' sabi niya at bumalik sa pagkaka-higa patagilid. Tuluyan na niya akong tinulugan. Mas pagod pa siya kaysa sa akin. Obviously hindi siya nasasabik sa akin. Dahil hindi niya ako mahal. Bakit hindi ko naramdaman? Ganun ba ako naging kamanhid at bulag sa pag-ibig?
Gusto ko sanang sabihin na tapos ko nang hulugan itong bahay at balak ko na sanang ipangalan sa kanya ang titulo. Kaya nga naka-uwi na rin ako agad dahil sapat na ang naipon ko at maari na kong makipagsapalaran naman dito sa Pinas dahil may iba't ibang negosyo na rin akong naipundar bukod dito sa bahay, Iyon sana ang pag-uusapan namin ngayon at lalakarin sana namin sa mga susunod na araw ngunit dahil sa natuklasan ko ay nawalan na ako ng gana.
Mabuti na lang din at hindi pa kami nakakasal. Mabuti at natuklasan ko agad habang pwede pa akong umatras. Pero bago ako kakalas sa kanya ay mag-hihiganti muna ako. Ibabalik ko sa kanya ang sakit na binigay niya sa akin.
Bibili ako ng kotse bukas sana at kasama ko siya sa pag-pili. Regalo ko sana sa kanyang kaarawan. Pero, naubos na ang swerte niya at nauntog na ako sa katotohanan.
"Love..." tawag ko sa kanya at tanging hmmm lang ang narinig kong tugon niya. Wala siyang gana sa akin. Ayaw niya akong kausapin. Ayaw niya sa akin. "Love, birthday mo bukas 'di ba? Kaya ako napa-uwi ngayon kasi bibilhan kita ng kotse---"
Narinig lang niya ang salitang kotse ay agad siyang napabangon at humarap sa akin. "Talaga ba Love? Totoo ba? Kotse? Bukas?" tanong niya habang kumikinang pa ang mga mata. Halatang mas excited pa siya sa kotse kaysa sa magbibigay ng kotse.
Tumango lang ako, walang bahid ng kung anong emosyon ang aking boses at mukha. Ang gusto ko lang ay bawian siya. At dahil sa pagiging sakim at materialistic, 'yan ang gagamitin ko laban sa kanya.
Dito niya ako niyakap at genuine ang kanyang saya. Sige, lang. Magpakasaya ka ngayon at bukas ay iiyak ka na.
"Tulog na Love. Happy birthday," sabi ko at humiga na nang patagilid. Nakatalikod sa kanya.
Pinikit ko na ang aking mga mata at dinig ko ang pag tipa ng daliri niya sa kanyang cellphone. Malamang ay si Trisha ang kanyang kachat.
Hindi ako iiyak.
Hindi deserve ni Zebbie ang luha ko.
Pero kahit anong pilit kong magpakatatag, tumatarak sa puso ko na parang kutsilyo ang sakit. Kahit ipikit ko ang mga mata ko, ang mukha ng dalawang babaeng nanakit sa akin ang nakikita ko. Binabangungot yata ako. Nagising ako sa gitna nang pagtulog. Pagtingin ko sa orasan ay alas diyes pa lang ng gabi. Ilang oras pa lang ako nakakatulog. Akala ko ay madaling araw na. Gusto ko sanang bumalik pa sa pag tulog pero natatakot akong baka bangungutin ulit.
Dahan dahan akong bumangon at lumabas ng kwarto. Nagtungo ako sa kusina at nag hanap ng beer. Mabuti naman at may limang beer in can. Pwede na ito at pwede na akong malasing at pansamantalang limutin ang sakit.
Doon ako sa rooftop pumwesto. Tanaw ko ang mabituing kalangitan sa itaas at bulubundukin na tanawin sa bandang silangan habang ang buhay na buhay na city lights ang makikita sa buong paligid. Napaka ganda ng view. Kaya ganito kamahal ang bahay na binili ko ay para ma-relax kasama si Zebbie matapos ang nakakapagod na araw sa pagtatrabaho. Pero ang lahat ng iyon ay sinayang niya.
Umupo ako sa mahabang upuan na nasa gilid at inubos agad ang isang bote. Itinaas ko ang isang paa habang naka upo at sinandal ang pagod kong katawan sa sementadong pader. Hindi alintana kung malamigan ang likod ko. Pinikit ko ang aking mga mata imbis na lumuha ay kailangan ko itong pigilan. Iipunin ko ito para maging sandata at kalasag sa mga susunod na araw.
Gawa yata ng alak kaya ako ay napapa-balik tanaw sa nakaraan. Noong mga unang taon sa Kuwait kung saan naranasan ko ang matinding hirap para lang magkaroon ng magandang kinabukasan.
FLASHBACK
Sa bawat patak ng pawis ko noon sa bansang Kuwait, sa bawat gabing pagod na pagod akong bumabagsak sa higaan, hindi ko akalain na darating ang araw na babalikan ko ang lahat ng ito na may bigat sa puso.
Nagsimula ako sa pinakamababa, isang construction laborer sa isang kumpanyang hindi ko man lang alam kung paano ko napasok. Bawal magreklamo, bawal huminto. Kahit tagaktak na ang pawis ko sa init ng araw na dumadampi sa aking balat. kahit punong-puno ng alikabok ang mukha ko, kailangan kong magpatuloy. Isang bagitong arkitekto pa lang ako, fresh grad. Ilang taon ko rin tinapos ang kursong ito habang nag-aaral. Puro hirap ang dinanas ko bago makarating sa Kuwait, kaya kahit papaano ay naitawid ko ang bawat araw na hirap sa Kuwait.
Pinagta-trabaho kami nang higit sa oras, binibigyan ng pinakamabibigat na gawain. Madalas, hindi ko na maramdaman ang katawan ko dahil sa pagod. May mga araw na halos hindi ako makabangon, pero iniisip ko si Zebbie, ang pangako kong babalik ako para sa kanya, na bubuuin ko ang pangarap namin. Iniisip ko rin ang hulog ko sa bahay at sa sasakyan at itatayo kong mga negosyo. Ang dami kong iniisip. Ang daming umaasa sa akin sa Pilipinas. Hindi ako pwedeng sumuko.
Nagsimula ako sa paghahalo ng semento, pagbubuhat ng mabibigat na materyales, hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na mag-drawing ng plano para sa isang project. Doon nila nakita ang talento ko. Doon ako unti-unting umangat. And the rest was history. Hindi ako sumuko dahil marami ang umaasa sa akin, marami akong pangarap.
END OF FLASHBACK
Pero ngayon, habang iniisip ko ako ang kataksilan ni Zebbie, parang binura ng isang iglap ang lahat ng sakripisyong ginawa ko. Lahat ng pagpapagod ko, lahat ng tiniis ko, walang halaga sa kanya. Sinayang niya ang lahat.
Bakit gising ka pa?
Nagulat ako nang marinig ang pamilyar na boses. Hindi ito kay Zebbie. Pinawi ko ang luha na bumuhos mula sa aking mga mata bago ako nagmulat at tumingin kay Trisha.
Umupo siya sa aking tabi na waring nang-aasar pa. “Umiyak ka ba?” tanong niya.
Gusto ko sana siyang saka*lin. Kung pwede nga lang sana siya saktan pero kinalma ko ang sarili ko. Kung gusto niya ng laro, sige lang. Tumingin lang ako sa kanya at ngumisi. “Tears of joy kasi. Ikakasal na kasi kami ni Zebbie. Magsasama na kami habambuhay,” sabi ko at nawala ang mapanloko niyang tingin.
Inabot ko sa kanya ang isang bote ng beer. Agad niya itong nilagok at straight niyang inubos. Bakit parang mas galit pa siya kaysa sa akin?
“Sigurado ka ba?” tanong niya sa akin na parang umiikot na ang paningin. Tipsy na ba siya agad? Hindi ako umiinom kaya ang isang bote ay tinatamaan na agad ako. Nag-iinit na agad ang pakiramdam ko.
Tumayo na ako at ayaw ko na siyang patulan. Tinalikuran ko na siya at sa pag hakbang ko sana ay bigla siyang nagsalita, dahilan kaya ako natigilan.
“Bakit ang manhid mo? Ganyan ka ba ka-bulag? Hindi ka naman bobo. Bakit si Zebbie pa rin!” hiyaw niya na parang hirap na hirap ang kalooban.
“Bakit ako pa rin, Trish?” iyon lang ang sinabi ko at umalis na. Iniwan ko na siya at dumiretso sa bathroom para mag shower. Mainit kasi ang pakiramdam ko.
Habang dumadampi ang malamig na tubig ng shower sa aking balat, hindi pa rin mapawi ang init na aking nararamdaman. Ibang init yata ang nararamdaman ko. Kaya ayaw ko ng umiinom ng alak, kung ano ano ang naiisip ko.
Pagkatapos kong mag shower, tahimik akong nagtungo sa guest room. Nadatnan ko si Trisha na nakahiga na sa kama pagbukas ko ng pinto.
Dahan-dahan ko siyang ginapang at nang maramdaman niyang nasa ibabaw ko na siya ay napa-igtad siya at bago pa siya maka sigaw ay agad kong tinakpan ang kanyang bibig at kinulong sa aking mga bisig.
Nakipag buno siya, ngunit alam niyang wala siyang laban sa akin kaya tumigil na siya sa pag piglas.
“Ito ang gusto mo di ba? Sige, pagbibigyan kita,” bulong ko sa tenga niya at nagpa-ubaya na siya sa akin. Hinayaan niyang hubarin ko ang kanyang damit. Wala akong iniwang saplot. Tinitigan ko ang kanyang kahubaran at magsisimula na ako sa aking paghihiganti.
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER.