Isang Mukha, Dalawang Puso (SSPG)Updated at Oct 1, 2025, 02:39
Ako si Sobia Paras isang dating secret agent. Meron akong kambal at ang pangalan niya ay Shobi Parayni. We are exactly look-alike because we are identical twins. Mga bata pa lang kami ay pinag hiwalay na kami ng tadhana. Wala na ang mga magulang namin. Si Shobi ay napunta sa matandang mag-asawa na ubod ng yaman. Habang ako naman ay nanatili sa bahay ampunan at napunta sa organisasyon ng mga secret agent kalaunan.
Muli kong nahanap ang kambal kong si Shobi, ngunit huli na ang lahat dahil natagpuan ko na lang siya na wala nang buhay. Namatay siya sa isang car accident sa araw mismo ng kasal niya. Hindi ako naniniwalang aksidente lamang ang pagkamatay niya. Pinlano ang lahat. At ang salarin ay walang iba kundi ang ka-live in partner niyang si Drei Parayni. Isang manloloko, mapang-abuso, at notorious gangster. Hindi ko alam kung ano ang nakita ng kambal ko sa lalaking iyon. Marahil, gwapo kasi ito at matipuno. Bukod do’n ay wala na akong ibang makita pa na kagusto-gusto sa lalaking ‘yun.
Napunta kasi sa aking mga kamay ang diary ni Shobi. Dito niya sinulat ang lahat ng mga saloobin na hindi niya masabi. Simula nang makilala niya ang lalaking nagpatibok ng puso niya, si Drei, naging impyerno na ang kanyang buhay. Bulag nga ang pag-ibig. Mahabang panahon siyang nag-tiis. Sa kabila ng mala-demonyong pag uugali ni Drei, nakuha pa ring mahalin at pagtyagaan ni Shobi ang lalaking iyon, all for the sake of love at dahil may anak sila. Naniniwala si Shobi na magbabago pa ang kinakasama niya.
Hanggang sa isang araw, nag-bago nga raw si Drei, nagpa-rehab, nagpa counsel, at naging mabait at mapagmahal simula nang malaman nitong magiging ama na siya. Naging masaya naman ang mga huling sandali ng buhay ng kambal ko. Kahit papaano ay naranasan niyang maging masaya. Kaya nga napag pasyahan nila ni Drei na magpakasal na. Ngunit matapos nilang ikasal ay siyang araw din ng trahedyang ikinasawi ni Shobi. Napunta ang anak nilang two years old sa aking pangangalaga. Habang si Drei ay nagbalik sa kanyang bisyo, sa pagiging kilabot na masamang tao.
Alam kong kagagawan ni Drei ang lahat dahil gusto niyang mapa- sa kanya ang kayamanan ni Shobi. Paanong pareho silang sakay ng kotse pero si Drei lang ang nakaligtas? In the first place, kaya lang nito sinuyo at inuto ang kambal ko ay para sa kayamanan nito. Ganid at masamang tao talaga ang hinayupak. Kaya matapos ang dalawang taong anibersaryo ng pagkamatay ni Shobi ay nag desisyon na ako na magpakita kay Drei at maghiganti. Bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ng kambal ko. Si Shobi lang ang nag-iisa kong kapamilya, kinuha niya pa. Babawiin ko ang lahat ng dapat ay kay Shobi.
Nagpanggap ako bilang si Shobi. Inaral ko mula sa kanyang diary at mga video ang kanyang mga gawi, kilos, at hilig. Pinalabas ko na hindi talaga namatay si Shobi,kundi nagka amnesia lamang. Kapani-paniwala naman dahil sumabog ang kotse at pwede kong palabasin na walang bangkay na nakuha.
Nakita ko kung paanong lumaki ang mga mata ni Drei sa gulat nang magpakita ako isang araw bilang si Shobi, ang namayapa niyang maybahay.
“Shobi, Love… buhay ka! Nananaginip ba ‘ko? I miss you so much, Love! God heard my prayers. I love you. ”
Humagulgol siya habang yakap ako ng mahigpit. Hindi ko ito inaasahan. Nang magsama kami sa isang bubong, naramdaman ko ang pag-aalaga ni Drei. Nagbagong buhay na ba talaga siya? Minahal niya ba talaga si Shobi?
Paano kung pati ako ay mahulog na rin sa lalaking pinakasusuklaman ko? Paano na ako maghihiganti?
Isang mukha lang kami ni Shobi pero magkaiba ang puso namin. Paano kung ang dalawang puso namin ay iisang lalaki rin ang itinitibok?