bc

Makasalanang Tanghali ni Savih

book_age18+
694
FOLLOW
7.0K
READ
escape while being pregnant
second chance
neighbor
single mother
heir/heiress
drama
childhood crush
secrets
like
intro-logo
Blurb

BLURB

WARNING! NAGLALAMAN NG MGA PAKSANG HINDI NABABAGAY SA MGA MINOR.

-childhood sweetheart -taguan ng anak

-love triangle -yellow flag ML

SI ERA SAVIH MATIMTIMAN, anak ng kusinera sa Hacienda Villoria. Kababata niya ang unico hijo na si Senyorito Tomas Michael Villoria. Naging matalik silang magkaibigan, palaging naglalaro sa tubuhan, naliligo sa batis, at bumubuo ng pangarap.

Hanggang sa sila ay lumaki na, kung kailan namumuo na ang pagtitinginan nila sa isa’t isa ay bigla na lang umiwas si Era kay Tom.

Dumating ang isang gabi, nagkaroon sila ng one night stand. Pagkatapos noon ay tuluyan nang lumisan si Era at naiwan si Tom na wasak at sawi. Apat na taon ang lumipas, muling nag krus ang kanilang landas, si Era ay kilala na bilang Savih. May anak na ito na edad ay tatlong taon. Napag-alaman ni Tom na iniwan si Era ng fiance nito sa mismong araw ng kasal sa harap pa ng altar. Isa na itong single mom. Ngunit nakatagpo ulit ng lalaking mamahalin si Era at ang anak nito.

‘Bakit Era? Bakit mo ‘ko iniwasan?”

“Muchacha lang ako, Tom—”

Muli, nag alab ang naudlot na pag-iibigan. Maituloy kaya ni Tom ang pinangako niya noon na–

“Sinusumpa ko, Era. You will pay for breaking my heart. Hahanapin kita at paparusahan. A sweet revenge na hindi mo malilimutan.”

Dito nagsimula ang makasalanang tanghali ni Era Savih.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 SI ERA SAVIH MATIMTIMAN, anak ng kusinera sa Hacienda Villoria. Kababata niya ang unico hijo na si Senyorito Tomas Michael Villoria. Naging matalik silang magkaibigan, palaging naglalaro sa tubuhan, naliligo sa batis, at bumubuo ng pangarap. Hanggang sa sila ay lumaki na, kung kailan namumuo na ang pagtitinginan nila sa isa’t isa ay bigla na lang umiwas si Era kay Tom. Dumating ang isang gabi, nagkaroon sila ng one night stand. Pagkatapos noon ay tuluyan nang lumisan si Era at naiwan si Tom na wasak at sawi. Apat na taon ang lumipas, muling nag krus ang kanilang landas, si Era ay kilala na bilang Savih. May anak na ito na edad ay tatlong taon. Napag-alaman ni Tom na iniwan si Era ng fiance nito sa mismong araw ng kasal sa harap pa ng altar. Isa na itong single mom. Ngunit nakatagpo ulit ng lalaking mamahalin si Era at ang anak nito. ‘Bakit Era? Bakit mo ‘ko iniwasan?” “Muchacha lang ako, Tom—” Muli, nag alab ang naudlot na pag-iibigan. Maituloy kaya ni Tom ang pinangako niya noon na– “Sinusumpa ko, Era. You will pay for breaking my heart. Hahanapin kita at paparusahan. A sweet revenge na hindi mo malilimutan.” Dito nagsimula ang makasalanang tanghali ni Era Savih. 1. SAVIH ERA POV Ako si Era Savih Matimtiman, anak ng kusinera sa Hacienda Viloria. Naging kasambahay din. Ang dami kong napagdaanan sa buhay. Masaya, malungkot, masalimuot. Pero sa lahat ng memories, ang kay Senyorito Tom ang hindi ko malilimutan. Naging childhood bestfriends kami at hindi ko naman sinasadya na mahulog sa kanya. Sinong babae ba ang hindi mahuhulog kay Senyorito Tom? Noong mga bata pa lang kami ay mabait na siya, mapagmahal, magalang, gwapo. Wala akong maipintas sa kanya, sa itsura man o pag uugali. Kaya hindi ako naniniwala na porque altace ciudad ay matapobre at masama ang ugali. Ganid at walang puso. Hindi ganun sila Don Ramon at Donya Sevi kaya pinagpala talaga ang buhay nila. Mapagmalasakit sila sa at hindi nag aagrabyado ng mga trabahador. Si Senyorito Tom, bagaman step son lang ni Don Ramon, busog naman sa pagmamahal at pangaral kaya lumaking maginoo at uliran. Bonus na lang talaga ang pisikal niyang anyo. Pero sobrang laking bonus dahil siya ang tipo ng lalaking papangarapin mo talaga, sa itsura pa lang. Isa siyang half Bahraini at Pinoy kaya siya ay matangkad, maputi, matangos ang ilong, makapal ang kilay. Kabalktaran ang piskal naming itsura. Nagkatulad lang kami sa matangos na ilong pero ang mga mata ko ay bilugan, ang balat ko ay kulay kayumanggi, morena ika nila, hindi gaanong katangkaran dahil hanggang dibdib lang niya ako. Lalo na sa katayuan sa buhay, sobrang layo ng aming agwat. Siya ay isang haciendero at ako ay isang muchacha. Kaya alam kong hanggang magkaibigan lang kami at hindi na hihigit pa don. Masaya naman akong maging kaibigan niya. Kuntento na ako. Ganun pa man, wala naman talaga sa mga bagay na iyan ang importante kapag puso na ang tumibok. Palagi kaming nasa tubuhan naglalaro, sa batis naliligo, sa kusina tumutulong sa pag handa ng pagkain. Halos araw araw kaming magkasama. Alam kong nahulog na rin ang loob niya sa akin pero kailangang supilin ang damdamin. Ayaw kong masaktan. Hindi kami para sa isa’t isa. Hindi kami nababagay. Sinampal ko ng katotohanan na langit at lupa ang agwat namin. “Isa ka lang muchacha. Hindi ka namin ka-uri. Huwag kang managinip ng gising. Hindi kayo bagay ni Tom” Paulit-ulit iyon na umi-echo sa isip ko. Simula nang sinabihan ako ni Donya Sevi ng ganun ay hindi na mawala sa isip ko at sumugat sa aking puso. Si Donya Sevi na mabait, mapagmahal, at hindi nanghahamak ng tao ay pinasabihan ako ng ganun. Hindi ko talaga inaasahan. Sadyang hindi lang ako ang gusto niya para sa kanyang unico hijo. Kaya simula ng araw na iyon ay naging malamig na ang pakikitungo ko kay Tom, iniwasan ko siya sa abot ng aking makakaya. Nasaktan man ako nang may ibang babae na siyang nagustuhan, ang nawawalang heredera na step sister niya na si Frenzy, pero anong magagawa ko kung may iba na siyang gusto? Mas mainam nga siguro iyon para tuluyan nang magkalimutan na kami. Pero nananadya yata ang tadhana. Masyadong mapaglaro sa amin. Dahil isang gabi, pagkatapos ng bagyo, handa na akong lisanin ang Hacienda Villoria pero sa hindi inaasahan na pagkakataon ay may nangyari sa amin ni Senyorito Tom. Kapwa namin naisuko sa isa’t isa ang aming puri. Pagkatapos ng wild night na yun, iniwan ko na si Tom. Akala ko ay iyon na ang huling araw na magkiita kami. Hindi ko inaasahan na makalipas ang apat na taon ay muli kaming magkikita. Sa pinagta-trabahuan kong restaurant, doon pa napiling idaos ni Frenzy ang kanyang wedding reception kaya hindi ko na naiwasan pa si Senyorito. “I’m not drunk. Pero sige aalis ako. But I’ll wait for you sa shore mamaya.” Ito ang sinabi nya matapos ang wedding. Ayaw ko sana dahil may manliligaw na rin ako pero sadyang hindi mapigilan ang puso, pumayag na rin kahit labag man sa loob ko. Siguro for closure na rin dahil ilang taon na niyang binabagabag ang puso ko. Panahon na para magpa-alam. Magkalimutan. Mag move on. Pero nang makita ko siya sa tabing dagat na naka-upo sa buhanginan, umiinom… parang bumalik lahat lahat ng pag ibig na pilit kong pinipigilan. Ang init na aming pinagsaluhan ng gabi na yun. “Kinasal na rin pala si Frenzy at Miguel. Sila pa rin pala talaga ang nagkatuluyan,” sabi ko. “Well, kung kayo talaga at the end, I guess, fate would find its way para kayo magkatagpo. Gaya sa atin ngayon…” Parang ang lalim naman ng sinabi niya. Natahimik tuloy ako.Inalok niya ako ng beer, tatanggihan ko sana dahil ayaw ko siyang malasing. Last time kasi na nalasing siya ay doon nangyari ang hindi dapat mangyari. Pero wala naman kami sa kwarto kaya hanggang usap at inuman lang kami. Kaya tinanggap ko na ang alak na inabot niya. Pag lagok ko ay gumuhit agad ang alkohol sa aking lalamunan. Hindi pala ito beer kundi hard drink. Hindi rin ako umiinom ng hard drink. “Let’s spend the night together, gaya dati, wild hot night,” bulong niya na napaka senswal talaga. Lasing na yata siya. Napatingin ako sa labi niya. Ang mga labi na unang humalik sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko. Matagal tagal na ring walang s*x. Hindi ko makalimutan ang ginawa niya sa akin. Halos gabi gabi siya ang laman ng pantasya ko. Sobrang gwapo ni Tom, hindi ko akalain na magugustuhan niya ang isang tulad ko. "I miss you, Era. I know you miss me too. Don’t you?" Tumango tango lang ako dahil totoo naman. Sabik na sabik ako sa kanya. Binuhat niya ako at dinala sa cabin niya. Hiniga sa kama at hahayaan na muli niya akong angkinin. “Era Savih, this time hindi na kita papakawalan. I will make you mine again… over and over…” ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA. NAROON PO SA MASAKIT, MAHAPDI ANG PAHAPYAW NA KWENTO NILA TOM AT ERA. PAKI DAGDAG PO SA INYONG LIB. SALAMAT.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.7K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.2K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.1K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook