Chapter 2

1316 Words
Natagpuan ni Tiffany ang sarili sa coffee shop malapit sa building na iyon. Magulo pa rin ang utak niya at walang patid pa rin sa pagpatak ang kaniyang mga luha. Hindi niya alam ang gagawin ng mga oras na iyon at kailangan niya ng makakausap. Naisip niya ang ate ni Zach, marahil ay nasa opisina pa ito ng mga oras na iyon. Kaagad niyang tinext ang hipag. TIFFANY: Goodmorning, ate! Please! I really need your help! ATE ARRA: Hey, Tif! Why? What happened? TIFFANY: Puntahan mo ako ate, please? I'm here sa coffee shop malapit sa office n'yo. ATE ARRA: What?? What are you doing there?? God! Kinakabahan ako sa'yo. Okay, just a few minutes. I'm coming. Tila walang katapusan ang luha ni Tiffany na patuloy na naglalandas sa kaniyang mga mata. Batid niyang namamaga na ang mga ito dahil sa maliit na bisyon niya sa mga bagay. Naisip niyang maganda ang motibo niya sa pagpunta roon pero ito pa ang napala niya. Ang tanging gusto lang niya ay mapasaya ang asawa pero sa ibang babae pala ito masaya. Inisip na lamang niya na mabuti na rin at pumunta siya roon at nalaman ang lahat. Kung hindi'y baka habangbuhay siyang lokohin ni Zach. ATE ARRA: Pababa na ko, Tif. Pag-usapan natin kung ano man ang problema mo. Maya-maya pa ay pahangos na dumating si Arra sa coffee shop. Kaagad siyang nakita nito na nasa bandang dulong bahagi niyon at patuloy na umiiyak. Nag-aalalang lumapit ito sa kaniya. "What happened?" "I-I saw him ate. I saw them," aniya sabay singhot. "Ha? Sino?" "Si Zach. With his mistress, ate." Suminghot siyang muli bago nagpatuloy. "Anniversary namin ngayon kaya gusto ko siyang i-surprise. Nahuli ko sila ng babae niya ate. Nakakatawa 'di ba? Ngayong araw pa talaga kaya ang sakit sakit!" Her shoulder was shaking while telling to Arra what happened. "Oh my God, Tif!" Napatutop ito sa bibig dahil sa pagkagulat. "Where is Zach? Kakausapin ko siya." "No need, ate. Ayoko na ng paliwanag. What I saw earlier is enough." She wiped away her tears before she continue. "Now tell me, ikaw ba hindi mo napapansin na may babae siya? Hindi mo ba alam kung kailan nagsimula ang relasyon nila? Magkasama kayo sa trabaho at sa bahay. Wala ka bang alam, ate?" naniniguro niyang tanong rito. "Tif, a-ang totoo kasi n-niyan---" "Please don't tell me na alam mo ang lahat ng 'to ate Arra??" kinakabahan siya. Parang alam na niya kung ano ang sasabihin nito. "Tiffany, pakinggan mo muna ako, okay? Matagal na namin siyang sinasabihan nila Mama, Tif. Pero ayaw kaming pakinggan ni Zach. Sarado ang tainga niya, wala siyang pinapakinggan pagdating sa babaeng 'yo---" "Wait, ang ibig sabihin alam n'yong lahat 'to?! Seriously?! Ate, naman! So, sinadya n'yong hindi sabihin sakin?! For God's sake, ate!" Napatayo siya at naitukod ang dalawang kamay sa mesa na hinarap si Arra. Lalo siyang nanlumo sa narinig. Tahimik itong nakayuko kaya naupo siya't nagpatuloy. "Now tell me, kailan nagsimula ang affair nila??" tuluyan ng napasigaw si Tiffany dahil sa tindi ng sama ng loob. Pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya ng itinuring niyang ikalawang pamilya. "Tif, I'm so sorry! H-hindi ko rin alam kung kailan nagsimula ang affair nila," nakatungong sabi nito. "Pinagmukha n'yo kong tanga ate! Mga manloloko kayo!! Pare-pareho kayo!! Kahit sana hindi na kayo naawa sakin, pero sana inisip n'yo man lang ang anak ko!" aniya bago tumayo at malalaki ang hakbang na lumakad palayo. "Teka muna sandali, Tif! Tiffany!" tawag nito ngunit desidido siyang makalayo. Tiffany was about to leave and go back to province pero natagpuan niya ang sarili sa isang mall malapit doon. Nagpunta siya sa comfort room para ayusin ang sarili dahil nakaaagaw na ng atensyon ang hitsura niya. Ipinagpasalamat niya at siya lamang ang naroon ng mga oras na iyon bukod sa comfort room attendant na abala sa pag-mop ng sahig. Sinuklay niya ang mahabang buhok at naglagay ng pulbos sa mukha pagkatapos ay matagal na tinitigan ang sarili. Noon ay tila wala ng luha ang kayang lumabas sa mata niya dahil naubos na. Maya-maya pa ay ipinasya na niyang lumabas at naghanap ng mauupuan. Nakakaramdam na rin siya ng gutom ngunit wala naman siyang ganang kumain. Nang makakita ng bakanteng upuan sa harap ng isang fastfood ay umupo siya roon. Ngunit saktong pagkaupo ay muli na namang tumulo ang mga luha niya. Naalala na naman niya ang lahat at lihim na nahiling na sana'y nasa gitna lamang siya ng isang panaginip. Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan niya para mapaluwag ang dibdib. Maya-maya ay ipinasya na niyang kalmahin ang sarili, pispisin ang luha at lisanin ang lugar na iyon. KANINA PA NAKATAYO si Arnie sa harap ng isang botique sa loob ng mall na kinaroroonan. Noon ay hinihintay niyang lumabas ang ina na sinamahan niyang mag-shopping kahit ang totoo ay pinilit lamang niya. Ang katwiran kasi nito'y hindi na dapat mamili ng mga bagong damit at gamit, ang isang ginang na kagaya nitong nakapirmi na lamang raw sa bahay sapagkat malapit ng mag-pitumpung taong gulang. Magmula kasi ng mamatay ang papa niya at mag-migrate na sa ibang bansa ang dalawang kapatid niyang babae, siya na ang laging kaagapay ng ina. Kahit pa nga ang totoo'y gusto naman itong petisyunin ng dalawa niyang kapatid, sa tingin niya ay ayaw lang nitong lisanin ang mansyon na saksi sa pagmamahalan nito at ng papa niya. Kaya naman kung ganitong weekend at libre lamang din siya ay inilalabas niya ang ina, kahit pa nga magpipilitan muna sila. Siya na pipilitin itong isama at ito na tigas ang tanggi. Sa huli'y sasabihin niya ritong dadaan sila sa bahay ampunan pagkatapos at doon na magbabago ng pasya ang ina. Ang totoo'y hindi na niya mabilang kung ilang bahay ampunan ang iniisponsoran ng mama niya. Sadyang mahilig kasi ito sa bata at abot ang parinig sa kanya na sana'y magkaroon sila sa bahay. Pero sa ngayon ay tanging pagbisita muna sa bahay ampunan muna ang maihahandog niya sa ina. Nang manatili itong hindi lumalabas pagkatapos ng may kalahating oras ay naisip niyang marahil ay nakakita na naman ito ng kakilala. Madalas kasi na mangyari iyon, minsan pa nga ay kilala ang kanyang ina ngunit ito ay hindi naman natatandaan ang kausap. Dahil siguro 'yon sa hindi mabilang na asosasyong kinabibilangan nito kaya maraming nakakakilala. Kung minsan nama'y pati mga saleslady ay hinuhunta rin nito at tinatanong ng kung anu-ano. Ganoon ka-simpleng tao ang mama niya. Marami rin ang nagsasabi na wala ito kahit kaunting ere kahit pa nga sabihing nabibilang ito sa mga prominenteng pamilya sa bansa. Dahil batid niyang medyo matagal pa siyang maghihintay, inokupa muna niya ang isang bakanteng upuan na nakita niyang iniwan ng isang babae sa harap ng fastfood di kalayuan sa botique. Pagkaupo naman ay hindi iilang babae sa paligid nito ang nakita niyang nagkandahaba ang leeg kakatingin sa kaniya. Hindi siya mayabang, pero aware siyang malakas ang dating niya sa opposite s*x. He's one of the hottest bachelor in town. Gwapo, matipuno, edukado at mapera. 'Yun nga lang, siya rin yata ang pinakamailap. Kaya naman sa huli'y inabala na lamang niya ang sarili sa pag-check ng kanyang cellphone kahit hindi naman talaga interesado roon. Bakit nga e nagagawa nga niyang hindi gumamit nito maghapon lalo't wala siya sa opisina. Sampung minuto pa ang itinagal bago niya mamataang palabas na ang ina. Tumayo siya at isa-isang kinuha sa sahig ang tatlong paper bag ng mga pinamili ng may makaagaw ng kanyang pansin. Sa ilalim kasi ng mga ito ay naroon ang isang kulay lilang bagay na sa tingin niya ay card holder. Nangunot ang kanyang noo dahil sigurado siyang hindi kanya iyon. Hindi niya rin ugaling pumulot ng kung anu-ano at balak ng 'wag pansinin ang nakita pero tila may nagbulong sa kaniyang kuhanin ang bagay. At bago nga makalapit ang ina ay mabilis na niya iyong nailagay sa bulsa ng kanyang Onesimus pants.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD