Chapter 3

1301 Words
ARNIE "TIFFANY Marie Gonzales, Bulacan," bulong sa sarili ni Arnie habang iniisa-isa ang mga I.D na laman ng napulot niyang card holder. Noon ay nasa sariling kwarto na siya at kasalukuyang nag-checheck ng email ng maalala iyon na hindi lang I.D's ang laman. Naroon din ang dalawang ATM cards at isang credit card. "Maganda ka sana, Miss. Kaso hindi ka maingat," tila hibang na kausap niya sa wallet size picture nang bababe na kalakip doon. As if naman na makikita siya nito sa pag-iling iling niya habang sinasabi iyon.  PAGDATING SA BAHAY ay kaagad napansin ng mga magulang ni Tiffany na tila wala siya sa sarili. Lihim na nagkakatinginan ang mga ito at tinatantiya siya kung magkukwento. Pero hindi nakatiis ang mga ito ng nanatili siyang tahimik.  "Kumusta ang lakad mo, anak? Ba't ganyan ang hitsura mo?" tanong ni Mang Leo. Nagpasalamat siya't tulog na ang kanyang anak ng dumating siya dahil hindi siya titigilan nito ng kakatanong tungkol sa ama, baka hindi lang niya mapigilan ang sarili sa muling pag-iyak. Ikinwento niya sa mga magulang ang nangyari at wala siyang nilagpasan kahit isang detalye, nagalit ang mga ito ngunit hindi kasing tindi ng galit niya. "Ano ngayon ang plano mo, anak?" anang papa niya. "Pa, 'di ba sabi n'yo nung nagpapaalam palang kaming magpapakasal, kapag umiyak ako sa kanya, hinding-hindi na kayo papayag na magsama pa kami. Bakit ngayon po tinatanong n'yo pa ko?" "Dahil mahirap ang sira ang pamilya, anak. Ang bata ang higit na mahihirapan kaysa sa inyong dalawa."  "Kung sinasabi n'yo na balikan ko si Zach at kalimutan ko na lang ang ginawa niya, hinding-hindi ko 'yan gagawin, pa. Lahat ginawa ko para sa kaniya, pero hindi niya pinahalagahan 'yon!" napabuntung-hininga na lamang ang mga magulang niya at wala ng nagawa ng tumayo na siya at pumasok sa kwarto nilang mag-ina. Muling tumulo ang luha niya pagkakita sa anak. Dahan-dahan niya itong nilapitan sa pangambang magising ito. Isang halik sa noo nito ang iginawad niya habang hindi niya maalis ang mata sa napaka-among mukha ng bata. Sadyang napakabata pa nito para makaranas ng sirang pamilya.  Hindi siya makatulog ng gabing 'yon. Patuloy siya sa tahimik na pag-iyak ng bulabugin ng tunog ng kanyang cellphone. Dali-dali niya iyong kinuha sa bag at inilagay sa silent mode dahil baka magising ang anak. Sigurado naman siyang si Zach lang ang tumatawag pero mali siya. Unknown number. Pero pwede rin namang iba ang ginamit nito para sagutin niya ang tawag kaya ipinasya niyang i-off na lang ang telepono.  Mabilis na lumipas ang isang linggo. Tinatawagan siya ni Zach, tinetext pero lahat ng 'yon ay hindi niya sinasagot. Sobrang sakit pa rin ng nararamdaman niya. Sariwa pa rin sa alaala niya lahat ng eksenang dinatnan nang umagang iyon ng mahuli niya ito. Nagtatanong na rin ang anak niya kung bakit hindi umuuwi sa bahay ang ama. Sinabi na lang niya na na-assign sa malayo si Zach at matatagalan bago makauwi.  Sa paglipas ng mga araw ay ibinuhos ni Tiffany ang oras at panahon sa kaniyang bakeshop. Katuwang ang kapatid na si Joy, unti-unti ay nalilimutan niya ang mapait na karanasan kapag nagbe-bake na siya. Ito ang talagang nakatulong sa kaniya para kahit papano ay makalimot. Dito niya ibinuhos ang lahat ng panahon kasabay ng pagpapalaki sa anak niya na si Catie.  TEXT CONVERSATION ATE:  Joy, goodmorning! Medyo ma-la-late ako ng dating diyan ha? May pupuntahan lang ako. Customer din 'to. Sayang naman. JOY: Go ate. Ako ang bahala dito. But too bad for you. Hindi mo makikita ang new customer natin. Shocks ate! Ang HOT! ATE: So?? I'm done with men! Umayos ka!  JOY: 'To naman panira ng kilig e. No kidding ate, ang gwapo. ATE: Enough! Hindi dapat ako ang sinasabihan mo ng mga ganyang bagay!  JOY: Sinasabi ko lang, 'to naman. Anyway, ang dami niyang binili ha, infairness! ATE: Talaga? E di mabuti. Sige na, nandito na ko kila Carla. JOY: Okay ate. Ingat ka. Oh my God! super hot talaga!! ATE: Wala kong PAKE! JOY: Ang kj naman neto! Akin na lang bahala ka!! ATE: E di sayo! Sumbong kita kay Arthur e.  JOY: Kainis 'to, hindi mabiro. "MISS, ito ba ang shop ni Tiffany Gonzales?" tanong ng lalaki habang nagbabayad na kay Joy ng mga pinamili. Baritono ang boses na kapag nagsalita ay hindi pwedeng hindi ka lilingon. Tama ang sabi niya sa ate niya, hot and sexy pati ang boses nito. Pinigil niya ang mangiti dahil sa naisip.  "Yes, sir. Ito nga po." Naisip niyang marahil ay kliyente ito na itinuro ng mga past clients ng ate niya.  "Will you please let me know kung nasaan siya?"  "Ahhmm...nasa meeting with clients po si ate right now. May I know po kung bakit n'yo siya hinahanap?" "So, Tiffany is your sister I guess?" seryosong tanong nito.  "Yes po. I'm Joy, and Tiffany is my sister." Nag-uumpisa na siyang mahiwagaan sa kaharap pero hindi niya ipinahalata. Lalo na ng dumukot ito sa bulsa at may inilabas na tila maliit na wallet na pamilyar sa kanya.  "My name is Arnie Vasquez. I accidentally found this somewhere in Manila and I think sa ate mo 'yan. I tried to call her many times pero ayaw niyang sagutin e." Isang tipid na ngiti ang pinakawalan nito bago ibaba sa cashier table ang hawak.  "K-kay ate kamo 'yan?" aniyang hindi kumbinsido sa sinabi nito.  "Well, I think so." Kibit balikat na sagot nito.  "Pwede ko bang buksan? You know, just to make sure kung kay ate nga 'yan." Gusto niyang makatiyak dahil parang imposible namang mapunta rito ang pag-aari ng ate niya.  "Ofcourse! Go ahead, check it."  "Thanks!" Kinuha niya iyon at maingat na binuksan. Inisa isa niya ang pages na unang tatlong I.D ng ate niya ang nakalagay. Dalawang ATM cards at hindi na niya tiningnan pa ang iba. "S-sa ate nga ito ah, teka paano napunta 'to sa'yo?" nagtataka dahil hindi naman mukhang mandurugas ang kaharap.  "Isang linggo na sa akin 'yan. Napulot ko sa mall. I wonder kung hindi ba niya 'yan hinahanap? Hindi man lang kasi niya naisip na baka tinatawagan ko siya para diyan, and I texted her also but she didn't replied. Importante pa naman ang lahat ng 'yan." "Well, mukhang hindi pa niya alam na nawawala 'to dahil hindi pa siya nagtatatalak sa bahay. For the unreplied messages of yours, hindi kasi nagbubukas ng phone ngayon 'yun. Umupo ka muna, Arnie." Itinuro niya ang kahoy na upuan sa gawing gilid niya.  "Salamat. Mukhang sobrang busy naman pala ng ate mo," anito nang makaupo.  "These fast few days, yes. Uy! pero thank you, ha! Sayang hindi mo inabutan si ate, nakapag-pasalamat man lang sana siya sa 'yo." "Okay na 'yon, Joy. Makisabi na lang mag-ingat siya sa susunod." "Makakarating. Pero paano mo nalaman itong address ng shop?" "Well, madali naman magtanong lalo't importante ang pakay mo," kibit balikat muling sagot nito. "Sabagay! Grabe, buti na lang ikaw ang nakapulot nito! Kung iba siguro hindi na hahanapin pa si ate. Teka, tatawagan ko siya para makausap mo."  "Hindi na, Joy, ayos na 'yon." Tumayo na ito at kinuha ang mga pinamili. So paano? Mauna na ko. Nice meeting you, by the way." inilahad nito ang palad sa kanya na malugod naman niyang tinanggap. "Same here, Arnie." "Gotta go." "Ingat! Salamat ulit! 'Pag gusto mo mag-order just give us a call, here." Iniabot niya rito ang calling card ng ate niya.  "Yeah. May inaanak ako na mag-ce-celebrate ng birthday, malay mo sa inyo ako um-order ng cakes," anito habang kinukuha ang iniaabot niya.  "Wow! Good to hear that!" "Bye, Joy!" anito at tuluyan ng lumabas. Maya-maya pa ay lulan na ito ng kotse. Hindi niya maiwasang mapailing. Isang gwapong lalaki ang napadpad sa tindahan nila para isauli ang bagay na mukhang hindi naman alam ng ate niya na nawawala. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD