TIFFANY
Kanina pa tutok ang mata niya sa laptop para sa maghanap na naman ng mga maaaring maging kliyente niya. Ganito naman siya araw-araw yaman din lamang at may bakanteng oras. Time is gold nga kaya hindi dapat siya mag-aksaya nang panahon. Kailangang pagbutihan niya ang pagkayod lalo na ngayon. Para sa anak niya.
"Ate, pwede ka bang abalahin sandali?" tanong nang kapatd niyang si Joy na lumapit at tumabi sa kanya. Isang tango lamang ang ginawa niya habang ang mga mata ay hindi inalis sa ginagawa. "May nakapulot nito, sa 'yo raw." Ibinaba nito sa gilid niya ang hawak na nang tingnan niya'y napahinto siya sa ginagawa.
"A-akin nga ito, ah." Kinuha niya ang card holder at mabilis na binuksan. Kinakabahan siyang baka may nagkulang. "Teka, sino'ng nakapulot?" aniya habang iniisa isa ang pahina niyon.
"Isang Arnie Vasquez ang nagpunta sa shop. Sa Manila pa raw niya iyan napulot. Ilang beses ka raw niyang tinangkang tawagan pero hindi mo sinasagot. May mga messages din daw siya sa'yo," mahabang sabi ni Joy na nagpa-maang sa kanya. Paanong nangyari na hindi niya napansing wala na ito sa bag niya?
"God! Mabuti na lamang at mabuti ang loob nang nakapulot. Nandito na ATM cards ko gayundin ang kay Catie," aniya matapos makitang wala ni isang kulang sa loob niyon.
"Mabuti talaga, ate. Biruin mo, hinanap ka pa talaga para ibalik 'yan," iiling-iling na sambit ni Joy bago siya talikuran pero maya-maya ay bumalik ito. "Check mo 'yung mga messages niya ate. Say thank you na rin kay poging Arnie."
Pagkaalis nito ay saka niya kinuha ang cellphone niya at tiningnan ang sinasabi ng kapatid. Naalala niya na may tumatawag nga pala at nag-te-text sa kaniya nitong mga nakaraan pero hindi niya sinagot dahil ipinagpalagay niyang si Zach lamang. Binasa niya ang mga mensahe mula sa pinakauna hanggang sa pinakahuli.
UNKNOWN NUMBER:
•Miss, please, hindi ako masamang tao. Sagutin mo 'yung tawag ko.
•I know that this is really important to you.
•Please, answer my call. Hindi ako matatahimik hanggang hindi ko ito naibabalik sa'yo.
•Hi! My name is Arnie Vasquez. I accidentally found your card holder and I know how important this is to you. I'm very much willing to help and return it back. Just answer my call.
Bahagya siyang nakaramdam ng hiya dahil sa mga mensahe nito. Ito na nga ang nag-ma-magandang loob na ibalik ang bagay na hindi niya alam na naihulog niya pero hindi man lang niya ito nasagot. Natatandaan pa nga niyang minsan ay pinagpatayan niya ito ng cellphone dahil sa pag-a-akala na si Zach ito.
Naisip niyang tawagan ang numero nito. Tama si Joy. Nararapat lamang na pasalamatan niya ang Arnie na ito. Apat na pag-ring ang kaniyang narinig bago nito sagutin.
"Hello?" aniya.
"Hi! Sa wakas ay sumagot ka na Miss Gonzales," anito sa kabilang linya.
"S-sorry kung hindi ko nareplyan ang mga messages mo, Mr. Vasquez. Pero sobrang thank you talaga. Mabuti at ikaw ang nakapulot ng card holder ko," sinserong sabi niya. Sa isip ay baka nayakap niya ito kung nasa harap niya dahil sa sobrang pasasalamat.
"Wala iyon. Mag-ingat ka na lang sana sa susunod."
"Salamat talaga."
"You're welcome. And I just want you to know pala, tuwang-tuwa ang Mama ko sa mga pastries mo," maya-maya ay sabi nito. Natuwa naman siya dahil may bagong costumer na naman na satisfied sa product nila.
"Tell you Mom that I really appreciate her compliment, Mr. Vasquez."
"I will. And by the way, Tiffany, can I order a cake for my inaanak? She's turning seven and 'yon na lang siguro ang regalo ko sa kaniya.
"Ofcourse! Tell me the details kung ano ang gusto mong theme. Ilang layer etc. Ako'ng bahala." Nangiti siya dahil nagtiwala na kaagad ito sa gawa niya gayung hindi pa naman niya ito na-me-meet ng personal.
Sophia the first at Moana ang napiling theme ni Arnie na gawin niya dahil iyon daw ang mga paborito ng inaanak nito. Ayon dito ay kukuhanin nito dalawang araw mula ngayon ang mga cake na ipinagawa.. Four layers ang mga iyon at matagal gawin pero naisip niyang hindi na niya iyon pababayaran para iyon man lamang ay maiganti niya sa pagsasauli nito ng mga cards niya.
EXCITED SI ARNIE nang umagang iyon. Ngayon ang araw ng punta niya kay Tiffany para kuhanin ang order niya at dalhin sa birthday ni Bea. Bago sumakay ng kotse ay naisipan niyang i-text muna ito.
ARNIE:
Good morning, Tiffany! I'm on my way there, is everything okay?
TIFFANY:
Yes, Arnie. Everything's alright, pwede mo ng kunin dito.
ARNIE:
Good to hear that. Thank you!
TIFFANY:
You're welcome!
Ngunit tatlong oras na ang nakararaan ay wala pa ring Arnie na nag-claim ng order nito. Nagsisimula na siyang kabahan. Baka pinagtripan lamang siya nito at for the last minute ay cancelled pala. Kahit kasi balak niyang huwag na itong pabayaran, nanghihinayang naman siya sa mga ingredients na ginamit.
"Nasaan na ang lalaking 'yon? Ginogoyo lang yata ako nitong lalaking 'to, ah!" bulong niya sa sarili. She was about to text Arnie para tanungin kung nasaan na ito nang bigla niyang marinig ang pagbukas ng pinto.
"Hi! Good morning! Can I pick up my cakes?" anang isang lalaking hindi niya namalayang nakapasok na sa loob ng bakeshop. Awtomatikong umangat ang kanyang ulo at tiningala ito buhat sa pagkakaupo sa likod ng mesa niya. The guy in front of her was so hard to ignore na sa tingin niya ay nasa flat six ang taas. The body was firm especially the chest and the shoulders. Super black hair, pointed nose, clean face, beautiful eyes and lashes. And his lips, God! Walang kapalaran ang labi ni Gabby Concepcion! She's not aware that her lips are slightly open.
"Y-you must be Mr. Arnie Vasquez?" pagkatapos ng dalawang kurap ay nagawa niyang sabihin.
"Yeah. It's me. And I'm sure that you are Tiffany, right?" nakangiting sagot nito na nagpalitaw sa malalalim na biloy nito sa magkabilang pisngi.
"Yes."
"It so nice to finally meet you, Tiffany!" anito na pagdaka ay inilahad ang isang palad.
"S-same here, Mr. Vasquez! Natutuwa ako na mapapasalamatan na kita ng personal," aniya na tinanggap ang pakikipagkamay nito. Kay init ng hatid ng palad nito na ngayon ay sakop ang buong kamay niya. Naramdaman din niyang bahagya itong pumisil doon kaya dagli niyang binawi ang kamay.
"Don't mention it. Kagaya nga ng sabi ko sa'yo sa phone, mag-ingat kana lang sa susunod. Anyway, pwede ko na bang makita?"
"Oh! Sure, this way please," aniya at iginiya ito sa maliit na product room nila.
"Well, I must say na hindi ako nagkamali na dito mag-pagawa. Thanks, Tiffany!" papuri nito pagkakita sa mga ginawa niya.
"Salamat naman at nagustuhan mo, Mr. Vasquez."
"Hey! Once na tawagin mo akong Mr. Vasquez, hindi na ulit ako mag-o-order dito." natatawang sabi nito.
"Gano'n? Okay sige, A-Arnie."
"Good. Pasensiya ka na nga pala kung ginahol ka sa oras ah. Napagod ka yatang masyado dahil dalawa ang ginawa mo."
"Okay lang 'yon. Gano'n talaga ang trabaho. Kung willing kang mag-grow, matuto kang mag-tiyaga."
Napatitig si Arnie sa mukha ng kaharap. Humahanga siya dito dahil nakikita niyang napaka-seryoso at dedikado nito sa buhay. At ngayong pormal na niya itong kausap, napagtanto niyang napakaganda lalo ni Tiffany sa personal. Hugis puso ang mukha nito na tinernuhan ng mga matang tila nangungusap na may malalantik na pilikmata. Matangos na ilong at perpektong hugis ng mga labi. Ang buhok nito na natural na alon-alon ay hanggang gitna ng likod na lalong nagbigay dito ng innocent look.
"H-heto nga pala 'yung napag-usapan natin. Dinagdagan ko na 'yan para sa puyat mo," nakangiting sabi nito habang iniaabot sa kaniya ang isang sobre.
"Naku hindi na kailangan! Ang totoo niyan libre na 'yan para makabawi man lang ako sa'yo," nakangiting sabi niya pero sa pagtataka ay seryoso ito.
"No, I insist, okay? Accept it, pinaghirapan mo 'yan." Kinuha nito ang kamay niya at ito na ang nagkagay ng sobre roon.
"A-are you sure?"
"Oo naman. Sige na, tanggapin mo na."
Nagulat pa sila pareho nang maya-maya ay bumukas ang pinto at iniluwa si Joy.
"Hi, ate! Good mor---" natigilan ito pagkakita kay Arnie. "Oh my God! Nagkakilala na kayo??" OA na sabi nitong napatutop pa sa bibig.
"Yeah."
"Hi, Joy!" bati ng binata.
"Oh! what can you say? Ang hot 'di ba? Hmmmm...yummy!" patuloy sa panunukso ito at sinadya pang panginigin ang katawan para kunwari ay kinikilig. Mabuti na lamang at si Arnie ay nasa cake na ulit ang atensyon.
"Tumigil ka! Baka marinig ka!" sermon niya rito at pinanlakihan ng mata.
"Hey! What's wrong?" natatawang tanong naman ni Arnie na napansin na yata ang pagbubulungan nila.
"Ahhmmm...wala. 'Di ba kasi nung first time mo dito wala si ate. Nagulat lang ako na magkakilala na kayo," ani Joy.
"Ahh...nagkakilala na kami, Joy. Actually nandito ko para kunin yung first batch ko ng order kay Tiffany," sabad ni Arnie.
"What?? E ibang klase ka din pala sa bilis e 'no?"
"Joy!" muli ay pinandilatan niya ito.
"Okay, sorry na ate. Nagulat lang talaga ko."
"So, thank you again for choosing us, Arnie. Ayan ha, hindi na Mr. Vasquez. Baka kasi hindi ka na bumalik dito," seryosong sabi ni Tiffany habang inaayos ang mga box ng cake.
"Oh my! Hindi ko kinakaya 'to! Bakit ate, ayaw mo bang hindi na bumalik si Arnie?" si Joy na patuloy pa rin sa kapilyahan.
"I said stop it, Joy!!" bulyaw na niya rito dahil bigla siyang nahiya sa binata.
"Ahmmm...excuse me girls. But I have to go, baka kasi hindi umabot sa party 'yung mga cakes na dala ko," singit ni Arnie sa kanilang dalawa.
"Go ahead, baka nga hindi umabot 'yan. Thank you ulit," aniya.
"You're welcome, Tiffany. Gotta go, bago pa kayo mag-away dalawa. Bye, Joy!"
"Bye! Thanks!"