Bree Xena Lagdameo-Zamora's P.O.V. Nandito kami ngayon ni Vian sa mall. Nag-iikot ikot at tumitingin tingin ng mga gamit. "May bibilhin ka ba?" tanong ko sa kanya. "Gusto kong bumili ng mga damit," sagot niya at tumingin sa mga nagtitinda ng mga damit. "Punta na lang tayo sa department store. Para rin marami kang pagpipilian," suggestion ko. Napatango siya. "Sige. Tara na," hinila na nga niya ako papunta roon. Pagkapasok namin sa department store ay tumingin siya kaagad sa mga damit na nandoon. Ako naman ay pinapanood lang siya. Bonding kasi naming dalawa ngayon. Inaya naman namin ang dalawa pa naming kaibigan. Ang kaso ay busy ang mga ito at hindi makakasama sa amin. Habang nakatayo roon ay pumasok na naman sa isipan ko iyong nangyari sa amin ng asawa ko. Tatlong araw na ang lumil

