Bree Xena Lagdameo-Zamora's P.O.V. "Ibang iba ka ngayon kumpara sa dati," pansin sa akin ni Shin habang nagluluto ako. Tumingin lang ako saglit sa kanya. "Bakit naman?" tapos ay bumalik na ang tingin ko sa aking niluluto. "Matamlay ang istura mo dati. Isa pa mukhang problemado ka," usisa niya. "Ngayon?" tanong ko habang nilalagay ang mga sangkutsa. "Hmm... blooming!" saad niya at pumalakpak ng mahina. Napatango ako at napangiti. Siguro nga blooming ako dahil sa wakas hindi ko na pinoproblema ang paghihiwalay naming mag asawa. Umalis na siya sa tabi ko dahil may gagawin pa siya. Pagkatapos kong magluto ay nagpahinga muna ako. Tinanggal ko ang suot kong apron at nagtungo sa may counter. Patuloy pa rin ang magandang takbo ng restaurant. Mas lalo pa ngang dumadami ang mga kumakain di

