CHAPTER 4

1224 Words
Having someone following you around is really annoying. Unang araw palang ni Akiara pero ako na ng ako ang sinusundan niya. Kapag naman may klase ay kinakalabit ako at dinadaldal. Kagaya ngayon, break time namin. Nasa cafeteria ako ngayon bitbit ang tray ko na puno ng pagkain. I decided to eat vegetables and rice for today with iced tea and peaches. Nagmamadali akong naglakad papunta sa pinakasulok na lamesa sa loob ng cafeteria. Sanay na ako kumain mag-isa. Mas gusto ko nga 'yon. Dito kasi sa HCBU, kahit na mayayaman mga tao, napakaraming buraot. Kala mo mga hindi pinapakain ng mga magulang nilang puro foie gras with wine ang kinakain. Hinila ko ang isa sa mga upuan na nakapaligid sa lamesang iyon. Dalawa lang naman ang upuan doon kaya may isa pang bakante. Inilapag ko ang tray ko at mag-uumpisa na sana akong kumain nang biglang... "Konnichiwa, Xavier-kun! Is this seat taken? Are you taken too?" Napailing na lang ako sa tinis ng boses ng kaharap ko. Hindi ako sumagot at sumubo na lang sa gulay at kanin na binili ko. Narinig ko siyang bumulong. "Sus, sungit." Inilapag niya ang kanyang tray sa lamesa at umupo na rin. Umorder siya ng limang piraso ng malalaking tempura, dalawang scoop ng kanin, at sinigang sa miso. Tulad ko, iced tea rin ang kanyang inumin at dalawang slice ng brownies ang kanyang dessert.She clasped her hands as if she's about to pray and then said loudly, " Itadakimasu !" then started to eat as if she hadn't eaten for a week. A little annoyed, I told her. “Hey, slow down. Baka mabilaukan ka." Napatingin siya sa akin and then she smiled. Pagkatapos ay tumingin siya sa tray ko."Bakit ang konti ng kinakain mo, Xavier-kun? Puro gulay pa. Yikes," she said, acting as if she hates vegetables. I smirked."You told me I was a cow earlier, right? Cows need to eat greens to produce milk, you know." Sinamaan niya ako ng tingin."Baka means idiot in Japanese, mind you." I shrugged."I don't care." Nagpatuloy ako sa pagkain. Nagulat ako nang inilagay niya ang dalawang tempura sa plato niya papunta sa plato ko. Pagkatapos ay sumandok siya ng sawsawan na ewan ko kung anong tawag gamit ang kanyang kutsara at inilagay iyon sa nasa plato ko. Puzzled, I looked at her."Anong ginawa mo? Why are you giving me this?" She just smiled. Pagkatapos ay nagpatuloy sa pagkain. I sighed. "Thank you," I coldly said. Even though I said that coldly, she still smiled radiantly as if napakabait kong tao. "Welcome!" Nagpatuloy kami sa pagkain. Mukha siyang squirrel na punong-puno ang pisngi ng pagkain. Halos mamutok na ang pisngi niya. I was staring at her for full five minutes while eating when she realized that I was looking at her. Nilunok niya ang pagkain na nasa loob ng bibig niya at uminom sa kanyang iced tea. "May problema ba, Xavier-kun? Kanina ka pa nakatingin sa akin, ah. Baka magka-crush ka sa akin n'yan," confident niyang sabi. I just rolled my eyes."Asa. I'm not interested on romantic relationships. And besides, sino bang magkakagusto sa babaeng matakaw? Kaya siguro mukhang sumikip 'yang uniform mo kahit na pangalawang araw mo palang dito. Ang lakas mo kasing kumain eh." Inirapan niya ako. "Hoy, anong malakas kumain? Hindi kaya! Tsaka hindi ako tumaba, 'no!" Mas lumobo ang kanyang pisngi. Hindi ko na napigilan ang tawa ko. Mukha kasi siyang siopao na may pula sa ibabaw, kala mo special na siopao. "Tawa-tawa ka d'yan! Kala mo nakakatuwa ka? Hmph!" sabi niya bago nagcross-arms at mataray na umirap. "Naku, galit na yung siopao," pang-aasar ko pa lalo. Dinampot niya ang tissue na nakalagay sa gitna ng lamesa at ibinato iyon sa akin. Tawang-tawa pa rin ako at iniharang ang kamay ko para hindi ako tamaan ng tissue na ibinato niya. Napunta tuloy iyon sa sahig. Napatingin ako sa paligid. Lahat sila napapadaan ang tingin sa amin ni Akiara. Pagkatapos ay magbubulungan. Everything's still in monochrome. Their faces are still blurred. But once again, I became a center of attention because of this Japanese transferee.Tinignan ko siya. Parang nagtataka ang kanyang hitsura. "Bilisan mo," sabi ko pagkatapos ay inubos ko ang natirang pagkain sa plato ko. Ininom ko ang natira kong iced tea at naunang umalis. Narinig ko man ang pagtawag sa akin ni Akiara ay hindi ko iyon pinansin. Mabilis akong nakabalik sa room namin nang walang nangyayaring kung ano. Akala ko ako pa lang ang tao sa loob pero mali pala ako. May babae sa loob. Nakaupo siya sa pinakaunang upuan, nakadekwatro. Tumayo siya nang bigla kong buksan ang pinto at lumapit sa akin. Base sa hubog ng katawan at ayos, kilala ko na agad kung sino siya kahit na malabo ang mukha niya para sa akin. "Hi Xavier," bati sa akin ni Louise. Hindi ko siya pinansin at dali-dali akong nagpunta sa upuan ko para magpatugtog ng kanta gamit ang headphones ko. Narinig ko ang mga yabag ng paa niyang sumunod sa akin. "Xavier, hanggang kailan mo ba ako iiwasan? Minsan naiinis na rin ako sa iyo. Bakit ba bigla mo na lang akong hindi pinansin? Answer me!" sabi ni Louise na parang galit ang tono. Hinablot niya ang braso ko. Bilang natural na reaksyon, malakas kong inalis ang kanyang pagkakahawak sa akin na naging dahilan para paupo siyang bumagsak sa sahig as if she exaggerated it. " Ilang beses kitang dapat sabihan, Louise? Hindi ba sabi ko, layuan mo na ako?" kalmado kong sabi. My hands were shaking because it feels like deja vu. "I... I just want to ask why, Xavier..." "Ha! You're asking me why, Louise? You really want to know why?" Mas, lalong nanginig ang mga kamay ko. Alam ko kung saan patungo ang usapan na 'to. " You perfectly knew, Louise! You, don't need to f*cking ask me every single damn time why, because you f*cking knew!" madiin na sabi ko. Tumayo siya at akmang lalapitan ako. Hindi ko nakontrol ang sarili ko at naitulak ko siya. Tumama ang kanyang balakang sa gilid ng lamesa at natumba na naman siya. Hindi ko namalayan na habang nagtatalo pala kami ay nakapasok na sa loob ng classroom ang iba pa naming mga kaklase. Dali-daling lumapit sa akin ang bagong boyfriend ni Louise, si Brad, at sinuntok ako sa panga. Ang pagtama ng kamao ni Brad ay parang batong ipinukpok sa ulo ko ng sobrang lakas. Tumumba ako at tumama ang ulo ko sa upuan na nasa likuran ko. Nagdidilim na ang paningin ko nang marinig ko ang boses ni Akiara na parang nag-aalala. Nahawi ang mga taon nakapaligid sa akin at lumabas mula sa mga iyon si Akiara. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at maingat na iniangat ang ulo ko at sinapo niya iyon gamit ang isa niya pang kamay. Napatitig lang ako sa mukha niyang punong-puno ng pag-aalala. "Ayos ka lang ba, Xavier-kun? Huwag mong ipipikit ang mga mata mo, please!" Hilong-hilo na ako sa lakas ng pagkakatama ng ulo ko. I managed to weakly smile at her. "I told you, Akiara. I bring nothing but trouble. You shouldn't..." 'Yon ang huling katagang lumabas sa bibig ko at bago ako tuluyang mawalan ng malay, ang nag-aalala at gumagaralgal na tinig ni Akiara na tinatawag ang pangalan ko ang huli kong narinig. "Xavier-kun! "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD