That was the first time in two years that someone wanted to be my friend. But I can't. I've given up on personal relationships. Touring that transferee around school was merely to comply with Mr. Policarpio's request. But the truth is, I don't want to involve myself with anyone. Everyone wants to have someone on their side but I'm different. I don't want to trust anyone anymore. I don't want to call someone a friend anymore. In the end they're just going to betray me. Everyone's going to leave me.
I smirked. "You shouldn't involve yourself with me, Ms. Matsubara. I'm not like who you think. Go bug someone else," I said before I turned my back.
She shouted. "No, I'm not going to give up on you, Xavier-san! From this day forward, I'm going to be your friend! End of discussion!"
I almost laughed. Ang tigas ng ulo. Strange because I don't feel pissed. I don't feel anything. Ayoko lang na baka sa huli, makasakit ako because of my SPD. I'm emotionless and I don't want to involve myself with anyone.
" Whatever. Do what you want. I don't give a f*ck." I said as I waved my hand dismissively bago ako naglakad palayo.
She shouted again. "Ja-ne, Xavier-kun! O genki de!"
I turned around and shouted back. "Hey, Akiara! Stop talking in your alien language! I'm not Japanese! And you know what, don't bug me!"
I saw her giggle. "Xavier-kun is so kawaii! Baibai!" she said as she turned around and ran in the opposite direction, towards the school hospital where college students taking medicine are having their work immersion.
"Tsk," I said to myself before I turned around and headed home.
Pagdating ko sa bahay nagpalit agad ako ng pajama at humiga sa higaan ko. Inaantok na ako. Ipinikit ko na ang mga mata ko at nag-imagine ng isang linya ng mga tupa na isa-isa kong binilang para unti-unti akong antukin.
"One… Two.. Three…" pabulong kong bilang habang nagpapaantok.
"Konnichiwa, Xavier-kun!"
Napabangon ako sa pagkakahiga ko nang biglang sumagi sa isip ko ang nakangiting mukha ni Akiara. Napa-facepalm ako at pigil na nanggigil sa sarili ko.
P*ta.
Dali-dali akong lumabas ng kuwarto para uminom ng tubig. Pagkatapos ay bumalik ako. Hindi na ako makatulog at kahit na anong pilit kong mag-imagine ng mga tupa ay si Akiara ang sumasagi sa isip ko.
I've managed to sleep for a few hours bago gumising nang maaga kinabukasan. Uminom nalang ako ng kape para labanan ang puyat at dali-daling pumasok sa eskwelahan. As usual, ako na naman ang pinakamaaga. Umupo ako sa upuan ko ang nagsuot ng headphones pagkatapos ay lumingon sa quadrangle at pinanood ang mangilan-ngilang taong grupo-grupong naglalakad papasok sa main building ng HCBU.
Sa kakaisip ko ng mga tupang ini-imagine ko kagabi, hindi ko namalayan na may nakapasok na palang tao sa loob ng room. Halos huminto ang pintig ng puso ko nang may malamig na kamay na humawak sa balikat ko.
"AY, TUPA!" namumutla akong napasigaw at napalingon sa may-ari ng kamay.
I saw Akiara giggling hard. Namumula siya at parang hindi na makahinga sa kakatawa. Lalong naningkit ang kanyang mga mata at nakahawak siya sa kanyang tiyan habang ang isa niyang kamay ay nakapatong sa ibabaw ng kanyang bibig.
I removed my headphones. A little bit embarrassed, humarap ako sa kanya. "What the f*ck, Akiara? Ang aga-aga and you decided to startle me? Paano pala kung may hawak akong matulis na bagay or marunong ako ng self-defense? E 'di nasaktan ka?"
She smiled but I can still see her giggling a little. "Ohayu Gozaimasu, Xavier-kun!" she said before giggling again. "Did I startle you?"
Punong-puno ng sarcasm ang sagot ko. "Ay hindi, Ms. Matsubara!Hindi ako nagulat! Hindi talaga!"
Akiara pouted and placed her bag on the chair beside me. "Tinatawag po kasi kita, hindi ka sumasagot. Malay ko bang magugulatin ka," sabi niya bago tumawa ulit.
Umupo ulit ako at nagsuot ng earphones. Pagkatapos ay lumingon sa quadrangle. Pero this time, I didn't played any song. Naririnig ko si Akiara na parang nag-aayos ng gamit. Pagkatapos ay naglakad siya at umupo sa upuan sa tapat ko.
"Woaaaaaaaah, ang ganda ng view dito! Pero mas maganda ako, 'di ba Xavier-kun?"
Naririnig ko siya pero hindi ako sumasagot. Gusto kong matawa na ewan pero poker face lang ako.
I saw her pout in my peripheral vision. And then she crossed her arms. Pero mayamaya ay nangalumbaba siya at tumitig sa akin.
" Alam mo Xavier-kun, pogi ka. Siguro gupitan ka lang ng kaunting-kaunti tapos i-style mo lang yung buhok mo, maraming mga babae magkakandarapa sa'yo. Tapos bawas-bawasan mo lang yung pagiging masungit mo. Hehe. Kawaiiiiiii~"
Gusto kong masuka na matawa na ewan habang pinapakinggan ko siya. Ako, pogi?
Put*ngina, nakakasuka.
Nakatingin pa rin siya sa akin na akala mo e pinag-aaralan bawat detalye ng mukha mo. Hinubad ko ang earphones ko pagkatapos ay humarap sa kanya. " Ms. Matsubara, bakit ba ginugulo mo ako? First of all, sabi mo nga, masungit ako. Second, nakikita mo naman na loner ako palagi. At pangatlo, hindi mo ako gaanong kilala. Paano kung g*go pala ako tapos bigla kitang gawan ng masama d'yan?"
She crossed her arms again and then pouted. Pinagsalubong niya ang mga kilay niya. Pagkatapos ay ginaya ako. " Xavier-kun, first of all, hindi kita ginugulo. Pangalawa, wala akong pakielam kung masungit ka. Pangatlo, pwede naman kitang kilalanin kapag close na tayong dalawa. At pang-apat, uhm— ano yung ibig sabihin ng g*go?" nahihiya siyang napatingin sa akin.
Sobrang natawa ako sa huling sinabi niya. Halos maluha-luha ako sa kakatawa. Seryoso? Medyo fluent siya sa Filipino pero hindi niya alam ibig sabihin ng salitang g*go? I had watched so many videos about foreigners speaking in our language and most of them learned the bad words first.
Nagsalubong ang mga kilay niya habang tumatawa ako. And then she pouted again. "Xavier-kun baka! Baka, baka, baka! Yabai!"
Lalo ko siyang inasar. "If I am a cow then do I produce milk? You wanna try?" sabi ko bago ako lumiyad para mas lumitaw ang man boobs ko kahit wala naman ako n'on.
Namula ang pisngi ni Akiara. "Baka!"
Jokingly, I replied. "Mooo, mooo."
Inirapan niya ako pagkatapos ay bumalik sa upuan niya. "I told you already, Akiara. Don't involve yourself with me. Magugulo lang utak mo." I crossed my arms as I looked at her.
She sticked her tongue out and glared at me. "Bahala ka d'yan! Mas lalo kitang guguluhin. Bleeeh!" sabi niya bago mag-heads down.
I just smirked and wore my headphones again as I played my favorite song in full volume. Lumingon ako sa may pintuan at napansin ko si Louise na nakatayo doon at nakatingin sa amin. Pagkatapos ay dali-dali siyang umalis.
Thank God. Buti naman hindi ako ginulo.
I calmly watched people walking outside as I waited for the start of the class. But internally, nakikipagtalo ako sa sarili ko. I shouldn't have teased Akiara. I shouldn't have involved myself.
I shouldn't have any connection with other people.