Ace
Nandito ako ngayon Leisure District dahil naubusan na naman ako ng art materials at kailangan kong bumili upang maisubmit ko on-time ang activity namin sa professor namin. Ang malala kakabigay niya nga lang ng activity kahapon at ang gusto niya sa makalawa na ito ipasa. Anong akala niya sa kamay naming mga estudyante makina?
Pumasok ako sa La Àrte Staurare upang mamili ng high quality na mga materials. From vellum board to canvas ay meron sila at from pastels to guache ay meron sila. Feels like heaven! Napalingon ako sa may salamin na malapit sa mga manga tutorial books at pinagmasdan kung gaano ka-gwapo ang aking pagmumukha.
"I'm Anthony Cameron Eiverlann Malfoy, Ace for short at isa sa member ng Midnight Monarchy! Naniniwala sa kasabihang, walang makakapigil sa pagmamahal ko para kay Asia basta wala lang sa paligid ang kakambal niyang epal! Because that jerk always called me Alas!'' ang sabi ko sa salamin na parang isang baliw.
Halos iumpog ko na ang sarili ko sa pader dahil sa aking kabaliwang pinaggagawa sa store. Hay naku, Ace wag mo na ulit gagawin iyon! Mukha kang tanga! Napalingon naman ako sa katabi ko na tila nahihiwagaan sa aking pinaggagawa sa buhay.
''Ah. Miss isipin mo na lang na hindi mo nakita ang kabaliwan kong ginawa,''ang sabi ko at saka ngumiti yung babae at nalakad patungong counter.
Napalingon ako sa isang maliit na canvas. Kinuha ko yun at dahil sa canvas na iyon ay naalala ko ang blankong facial expression ni Asia my Loves. Kamusta na kaya si Asia my loves? Nakakamiss rin ang boses niya kahit may time na cold siya sa akin.
Nang matapos na ako sa aking pamimili ay napg-isip isip ko na dumaan muna sa Blue Shack. Namimiss ko na kasi ang Dark Java frappe nila. Nang makalabas na ako sa Blue Shack ay nakita ko sa di kalayuan ang isang nakakaakit na pigura. Ngunit hindi tulad ng dati, ang mga blangkong ekspresyon sa kanyang mga mata ay tila nagkaroon ng kulay. Mula sa pagiging manikang walang ka-emo-emosyon ay lumabas ang pagiging tao ni Asia. Hindi ko sinasabi na halimaw si Asia pero natutuwa ako na natunaw na ang yelong bumabalot sa puso ni Asia. Tumakbo ako palapit kay Asia katulad ng normal kog ginagawa.
"Asia my loves!" ang pagtawag ko sa kanya.
Akmang yayakapin ko na sana si Asia ngunit dahil may epal sa paligid ay agad hinila ni Len si Asia kaya ang nayakap ko yung poste ng kuryente.
"O Alas nandito ka pala. Naghahanap ka na pala ng ka-spark ngayon? Good choice! Alam mo ba na kayang magdistribute ng posteng iyan ng two hundred eight to two hundred twenty volts sa mga households?" ang sabi ni Len na nagtrivia pa.
Napabuntung-hininga na lang ako sa aking narinig. Walang hiya. Ang gusto kong yakapin ay si Asia! Hindi yung poste! Inakbayan ko si Europe at saka ginulo ang ubanin niyang buhok. Hindi ko nga alam sa lalaking ito kung bakit puti rin ang buhok niya. Siguro dahil sa genes ni Tita Clarisse na ipinamana niya sa dalawa. Nakita ko sa mukha ni Europe ang pagkairita lalo na't pinaka-ayaw niyang nagugulo ang pinakamaahal niyang buhok.
"Baliw ka talaga Europa! Dude alam mo bang mainit ang mata sa inyo ng ibang gang lalo na't karamihan sa gang events kayo ang inaasahan nilang darating. Alam niyo namang matinding sakit ng katawan ang binigay ni Asia sa self-proclaimed na pinakamalakas na grupo," ang sabi ko kay Len.
"I don't care. Baka gusto nilang makatikim ng isang matinding pagbalibag sa kanilang mga katawan?" ang sabi ni Europe.
Hindi nga maipagkakailang malakas ang tukmol na ito pero nag-aalala pa rin ako para sa knailang kaligtasan. Napansin kong nakatingin si Asia my Loves kaya naman ngumiti ako sa kanya. Ano ka ba Asia? Huwag kang tumitig nang ganyan! Baka lalo akong malunod sa mga tingin mo.
"Ace, kamusta na si King?" ang tanong ni Asia.
Nawala ang ngiti ko nang marinig kong binaggit niya ang pangalan ni King. Di ko siya masisisi. Masyadong madugo ang kinahinatnan ni King noong araw na nakalaban namin ang Luna's Serpent. Doon ko rin nakita kung paano magwala si Asia. Naalala ko na halos patayin niya na ang leader nito sa tindi ng mga suntok na ibinigay ni Asia. Kung hindi pa siya pinigilan ni Shinichi ay hindi ito titigil. Kaya simula nang mangyari iyon, ay lagi na silang target sa mga events. Natigil ang pag-iisip ko sa nakaraan nng pumitik si Asia. Ikinalma ko ang aking sarili
"Araouch naman My Loves! Ngayon na nga lang kita nakita Asia my Loves pero si King agad ang hinanap mo? Anyway nakalabas na si King nang hospital, pero yung kanang braso niya bali pa rin. Pero ang good news mabilis makarecover si King kaya baka after one month gagaling na yung injury niya,",ang sabi ko.
"Thanks Ace. That's good to hear," ang sabi ni Asia my loves na siyang kinakilig ng puso ko.
Napatingin ako sa aking relo at nakita kong higit apatnapu't limang minuto na akong nalilibang sa paglilibot sa Leisure district. Kailangan ko na nga palang bumalik sa hideout upang ayusin ang design lalo na't mamaya na ang discharge kay King mula sa ospital.
"Nga pala kailangan kayo sa hide-out mamaya. My Welcoming Ceremony mamaya," ang sabi ko.
Nagkatinginan naman ang dalawa at tila walang ka-ide-ideya sa nangyayari. Kung sabagay di ko sila masisisi. Kakamatay lang ni Tita Clarisse last month at halos isang buwan rin silang nawala.
"May bagong members?" ang sabi ni Len.
"Nope para kay King," ang sabi ko.
Nagliwanag yung mukha nilang dalawa. Alam kong na-miss nila si King. Lalo na't sila ang pinaka-close kay King. Alam kong sinisisi pa rin ni Asia ang sarili niya sa nangyari kay King. She became too soft after that fight. And I cannot blame the Luna's Serpent leader for his stupidity. He just unleashed the worst monster he ever encounter. And that's our queen, Asia. She is known as the Queen of Chaos all over the underground. Once you anger, Asia, expect the disaster.
"We're coming," ang sagot ni Asia.
Gustong kong tumalon sa tuwa dahil yes naman! Pupunta mamaya si My Loves! Lalo tuloy akong nagkaroon ng inspiration para magsipag sa pagdedesign ng hideout. Napasulyap naman ako kay Asia ngunit dahil nandiyan ang epal niyang kapatid. Umakbay sa akin si Europe na siya namang ikinabusangot ng aking mukha. Minsan panira talaga ng momentum ang hinagupak na ito.
"Oi Alas. I'm warning you, don't you dare to get closer to my twin sister or else," ang sabi ni Len.
"Fine. Fine. Oooohhh! Scary!" ang sarcastic kong sabi.
I wonder, kailan kaya kami pwedeng bumalik sa Chikara Academy?
Aichi
Halos mapudpod ang aking kuko sa hinlalaki dahil sa kakakagat rito. Halos tatlong oras na ang nakalipas simula nang magteleport sina Europe sa kung saan! Nakailang balik na ako sa magkabilang dulo ng aming silid dito sa dormitory. Ultimong hinatak na rin namin si Akemi mula sa Student Council meeting room upang tulungan kaming hanapin sina Asia.
"Pwede ba dude? Kumalma ka nga diyan?! Kanina pa kaming nahihilo sa ginagawa mo!", ang singhal ni Jun habang hinihilot ang kanyang sentido.
"Oo nga, dude. Malamang nagtampo lang yung dalawa kasi naglihim kayo," ang sabi ni Shin.
Sinamaan ko nang tingin si Shin. Bakit parang naging kasalanan pa namin ang hindi pagsasabi nang totoo kay Asia at Europe?
"Hoy! Bakit parang ako lang yung sinasabi mong may kasalanan? Remember, kasama rin si Sakura sa mga naglihim?" ang pagpapaalala ko kay Shin.
Tumayo si Shin at lumapit sa akin. Napapailing na lang si Shin sa aking sinabi. Bakit totoo naman na nagsinungaling si Sakura sa dalawa? At damay rin siya sa nangyari lalo na't kasama namin siyang nagtago ng lihim.
"Dude, ipapaalala ko lang ha, sinubukan kong sabihin sa dalawa pero nasiko lang ako ni Commander kaya hindi ko na nasabi nang tuluyan. Eh ikaw nga, nanakawan mo na nga't lahat ng halik, eh hindi mo rin nasabi na maaaring siya yung nabuhay mong nobya?" ang panunumbat ni Shin.
"Aba't teka? Anong kinalaman ng paghalik ko kay Asia tungkol sa pagsisinungaling ko?" ang batong tanong ko kay Shin.
Napailing na naman si Shin sa sinabi ko. At naririnig ko ang mala-butiking pagtunog ng kanyang dila.
"Ang punto dito dude, malapit ka na. Ayan na eh. Nasa harapan mo na pero bakit di mo sinabi ang totoo?'' ang sabi ni Shin.
''So, anong gusto mong gawin ko? Aminin agad ura-urada yung totoo sa kanya na, 'Hi, ako si Aichi Hamilton, ang prinsipe ng Glacier, at ikaw ang nabuhay kong nobya! Nice to meet you? Yung totoo, Shin, sabog ka ba?'' ang inis na sabi ko kay Shin.
Napatayo naman si Akemi at inayos niya ang kanyang salamin. Mahahalata mo sa kanyang mukha na iritado na ito sa aming sumbatan.
"I think kaya niyo lang ako kinaldkad rito ay para pakinggan ang inyong walang katapusang bangayan. Kung hindi pa kayo tapos mag-away, can I take my leave? I have to finish my duties," ang sabi ni Akemi.
Hinatak ko ang kamay niya bago pa man siya tuluyang makalayo.
"Akemi I really need your help!" ang sabi ko.
"Ano ba yun? Bilisan niyo at marami pa akong dapat gawin lalo na't natambakan kami ng gawain sa council!" ang tanong niya.
"Baka pwede mo ulit i-track si Asia?", ang pakiusap ko.
Nanlaki na naman ang mga mata ni Akemi lalo na't wala siyang alam sa nangyayari. Ni hindi niya nga alam ang nangyari sa Medius Regnum.
"What? Bakit ako na naman? ",ang sigaw ni Akemi.
"Di ba may nilagay ka na tracker sa choker ni Asia at Europe? At isa pa hindi pa rin sila ma-detect nina Akako at Kaito. Isa pa tumama ang location na trinack mo noong nakaraan. Napatunayan lang namin yun noong dumating si Miss Calen,"ang sabi ko.
Napabuntung-hininga na lang si Akemi lalo na't alam niyang kukulitin ko lang siya maghapon upang huntingin ang dalawa.
"Ok. Fine. Hay naku! Bakit kasi sila pa yung napagtripan kong lagyan ng tracking device na yun?" ang sabi ni Akemi
Nagsimulang i-track yung dalawa. Inilatag niya ang kanyang keyboard na animo'y gawa sa laser at nakalutang ito sa hangin. Inalis niya ang kanyang salamin at naggsimulang balutin ng luntiang liwanag ang buong dormitoryo. May lumabas na kable mula sa kanyang leeg at i-kinonekta niya ang kanyang mga kable sa sahig at ito ay nagmistulang cord na naka-konekta sa USB port. Ang kanyang mga mata ay nagliwanag habang trinatrack niya ang dalawa. Sa kasalukuyan ay parang hindi si Akemi ang kausap namin.
"Academy cleared. None of them found. Chikara Realm. None of them found.",ang sabi ni Akemi.
Napasabunot ako sa aking sarili lalo na't hindi ko alam kung saang lupalop sila hahanapin! Kung wala sila sa Chikara Realm, saang lupain o dimension ko sila hahanapin?!
"What?"ang sigaw ko.
"Oo nga wala siya. Pero may isa pa akong gagawin," ang sabi ni Akemi.
"Hamstrung World. Shoot?! Seriously? Ano naman ang gagawin nila doon?"ang sigaw ni Akio.
"Why?" ang tanong ni Akemi.
Sa lawak ba naman ng Hamstrung World saang lupalop ko siya hahanapin? Maituturing nang kontinente ang mga realm dito. At ang Hamstrung World ay binubuo ng pitong kontinente.
"They are located at 221 B Baker St. London England. Familiar ba kayo sa lugar na ito?" ang sabi ni Akemi.
"What?!" ang sigaw ko.
"Yun ang sinasabi ng signal," ang sabi ni Akemi.
"W-Wait? Seriously sa England?" ang sabi ni Shin.
Hindi ko alam kung anong ginagawa nila diyan. Pero alam kong may mali sa pagkakataong ito.
"Hey! Nalipat yung signal. Sa Japan?",ang sabi ni Akemi na ikinanuot ng noo niya.
"Japan? Seriously? Baka nahalata na nila? Kaya maaaring itineleport nila yung dalawang choker.",ang sabi ni Kaito.
"Mukha ganun na nga ang nangyari. Pero buti na lang naisahan ko ulit sila.",ang sabi ni Akemi at inilabas ang isang buhok.
"Oi Akemi don't tell me stalker ka ni Europe?",ang sabi ni Shin.
Napairap na lang si Akemi sa sinabi ni Shin. Mukhang malabong mangyari yun lalo na't isang malaking delubyo ang mangyayari kapag naasama yung dalawa. Isa mukhang kailangan munang magunaw ang mundo bago maging sila ni Europe.
"Duh! Kinuha ko yung sample ng buhok niya in case na pumalpak ang unang plano. Isa pa balak ko rin 'tong ipakulam kay Tyrone,"ang sabi niya.
"Talaga lang huh? Now anong gagawin mo sa kapirangot na buhok na yan para mahanap yung dalawa?" ang tanong ko.
"Just watch and learn, "ang sabi niya.
Inilagay niya sa isinummon niyang scanner yung buhok ni Europe.
Lumabas ang hologram screen at may parang tinaype si Akemi. Pumikit saglit si Akemi na paramg ikinokonekta niya ang sarili niya sa scanner. Naglabas ng vibration sa luntiang liwanag ang scanner at mula sa luntiang liwanag at naging malamlam na bughaw ang kanyang mata at hindi na namin makita ang gitnang bahagi ng kanyang mata dahil animo'y sclera na lang ang bumubuo sa kanyang mga mata.
"Gotcha!" ang sigaw ni Akemi.
Bumalik sa dati ang kanyang mga mata at isang ngiti ang makikita sa kanyang mga mata.
"Saan?",ang sigaw namin.
"Are you familiar with Blue Shack at the Leisure District?" ang tanong ni Akemi.
"Blue Shack? I know that place. I always order Blueberry cheesecake there," ang sabi ko.
"Dun kami unang nagkita ni Eu," ang sabi ni Sakura.
"Yeah. That means within the parameter sila," ang sabi ni Eichi.
Nagulat kami nang biglang sumulpot si Eichi. Teka akala ko ba nasa S Class mission ang lalaking 'to? Huling beses na narinig ko ay nasa Fulgur ito at kailangan nilang maka-kuha ng dagta ng Seolfor Flower para sa research ni Dr. Yuki. Ngunit mukhang sisiw lang sa lalaking ito ang mission dahil wala pang apat na araw ay nakabalik na agad ito. Iwinaksi ko ang pagkagulat at tinaasan ng kilay ang aking kakambal.
"W-Wait? Kailan ka dumating?" ang tanong ko.
"Ngayon lang," ang sabi niya.
"Natapos mo na ba ang misyon mo?"
"Yeah. Isa pa sisiw lang ang S mission," ang sabi niya.
Pumahalumbaba naman si Akako sa throw pillow habang nakaupo siya sa kanang bahagi ng couch.
"Wew! Akala ko ay wala nang mas lalakas Wind Chikara ni Akio, yun pala mas malakas rin pala yung hanging dala ng kayabangan nung kay Eichi!" ang sigaw ni Akako.
"As if I care. Isa pa, totoo naman ang sinabi ko eh," ang sabi ni Eichi.
"Psh. Let's go. I don't want waste any time just what I did before," ang sabi ko.
Lumapit ako sa likuran ng couch at kinuha ko ang mga gamit na gagamitin sa paghahanap kay na Europa at Asia. It may take many days bago ko sila mapauwi dito.
"Whoa! Boy Scout? Teka bakit hindi ko napansin yan kanina?" ang tanong ni Shin.
"Masyado kasi kayong naka-focus sa pagkain niyo. I gotta go," ang sabi ko.
"Aichi Lockheart Hamilton! Di ka aalis ng hindi ako kasama!",ang sabi ni Eichi habang nakahawak sa bag ko at may bitbit na rin na mga gamit.
"Fine. Let's hurry before it's too late for them," ang sabi ko at nagsimula na kaming maglakad palabas ng biglang may humablot na naman ng mga bag namin.
Bakit ba ang hilig manghatak ng mga tao dito? Lumingon na naman ako at hinanap ang garapal na humila ng bag ko at nakita ko na naman ang taong multo.
"Ano na naman ba?"ang sigaw ko.
"Hindi naman siguro kayo aalis at iiwan ako di ba?" ang sabi ni Sora at may dala na ring gamit.
At saang lupalop nagmula nga ito? Humagalpak naman ng tawa si Jun at napailing naman si Kaito sa pinaggagawa namin. Pinagmasdan na lang kami ni Akio na tila sumusuko sa pinaggagagawa namin.
"Hayup! Lahat yata ng tao dito ipinanganak na boy scout eh ano?" ang sabi ni Shin na lumalantak naman ngayon ng blueberry cheesecake.
"Pwera lang sa'yo!" ang sabi ni Sakura sabay pisil sa pisngi ni Shin.
"Aray ko naman My Loves! Isa pa, hindi ako sasama sa kanila kasi baka may mangyari sa academy!" ang sigaw ni Shin.
Nairita naman ako sa ka-sweetan ni Sakura at Shin. Kaya naman napailing na lang ako.
"Pag kami nagkalovelife, who you kayo sa amin!" ang sigaw naming tatlo.
"Umalis na nga kayo!" ang sigaw ni Akemi.
Seems another journey for Hamstrung World is adventurous.
Asia
Kagagaling lang namin sa Blue Shacks dahil inaya kami ni Ace. Pagkatapos nun ay dumiretso kami sa mansion. Napanatili pa rin pala ito ni Attorney Drey , maging ang mga business namin since nung namatay si Mom. Pinagmasdan ko ang bawat sulok ng mansion at pinapaalala nito ang mga masasayang alaala namin nina Eu at Mom.
"I miss Mom," ang sabi ni Eu.
"Me too. Gusto kong bisitahin natin siya before we move to the hide-out," ang sabi ko.
"Tara na. Hold my hand, tightly. Isa pa baka sa kung saang lupalop ka pa mapunta," ang sabi ni Eu at nagteleport na kami sa papunta sa puntod ni Mom.
Pagkarating namin dun, napansin ko na sobrang bigat ng atmosphere. Tanging tunog ng mga dahon na aming naapakan ang aming naririnig kasabay ng pagsayaw ng mga puno dahil sa malakas at malamig na simoy ng hangin.
"Brrrr! Too cold!" ang sabi ni Eu kaya inabot ko yung jacket ko sa kanya.
"No need. Isa pa baka lamigin ka," ang sabi niya.
"No need ka jan? May suot pa akong jacket dito pag ikaw nagkahypothermia, baka multuhin tayo ni Mom!" ang sabi ko at kinuha niya rin yung jacket.
Nakarating rin kami sa museleum ni Mom ay pumatak ang luha ko nang makita ko ang pangalan ni Mom. December is supposed to be a happy month but somebody sold their souls to devils and they had the guts to kill our beloved mom.
"Mom," ang nasabi na lang namin ni Eu at nagsimula na kaming mag-iyakan sa harap ng puntod niya.
Hindi dapat kayo namatay.
Ace
Katulad nga nang napagplanuhan ay nagawa naming lagyan ng dekorasyon ang hide-out. Naka-ayos na rin ang mga pagkain at tanging ang mga dadalo na lang ang kulang.
"O ano ayos na ba ang lahat?" ang tanong ni Shinichi sa akin.
"Okay na. Ang wala na lang ay si King at sina Asia my Loves at si Europa," ang sabi ko.
"Narinig ko ba yung pangalan ko?" ang sabi ni King.
Napalingon ako sa pinagmulan ng boses. Isang lalaking kulay dilaw ang buhok ang nakatayo ngayon. As usual, mukhang effective ang ginawa ni Dr. Yuki na high grade potion.
"King!" ang sigaw namin sabay damba namin sa kanya.
"Oi di niyo naman ako masyadong namiss? Teka maiba ako, nasaan ang Royal Continents?" ang tanong ni King.
"Narito na kami,"ang sabi ni Eu na kasusulpot lang sa harap namin.
Natulala kami sa nakita namin. Did we just see them teleport? Nabasag pa nga ni Meiko ang hawak niyang baso.
"Bro, can please slap my face?" ang sabi ni Shinichi.
Pero sa halip na sampalin ko siya ay sinuntok ko siya sa mukha.
"Aray ko naman dude! Ang sabi ko sampal! Hindi suntok!" ang sigaw ni Shinichi.
"Masyado kasing nakakabakla ang sampal kaya suntok na lang. Isa pa wag ka nang tumulad sa iba," ang sabi ko.
Ngumiti naman si King. It seems like we need to exposed our identity to them.
"Whoa! Did you just teleport in front of our eyes?" ang tanong ni King.
"Yeah. Katamad magcommute eh," ang sabi ni Europe.
"I think all of you, had a secrets. Can I ask one question?" ang tanong ni Asia My Loves.
"What is it?" ang tanong namin.
"Are you one of us? Did you also came from Chikara Realm?" ang tanong niya na ikinagulat namin.
How come on earth, did they know about that place?