Queen Akane
Dalawang taon na ang nakakalipas ngunit nakakaramdam pa rin ako ng pangungulila kay Hikari. Pinagmasdan ko ang larawan ni Hikari na siyang ipininta ng pinakamagaling na pintor na si Adam Malfoy. Pumatak ang aking luha habang hinahaplos ko ang frame ng larawan ni Hikari. Masakit pa rin sa kalooban ko na wala na si Hikari.
"Parang kailan lang nung una tayong nagkita. Kung wala lang sanang propesiyang nagdidikta sa iyong tadhana, eh di sana buhay ka pa at naririto sa aming piling," ang aking sabi habang pinupunasan ko ang aking mga luha.
Napaluhod ako at hindi maiwasang maglabas ng sama ng loob sa tadhana. Bakit ang anak ko pa?
Napapunas ako bigla ng aking mga luha nang marinig ko ang kaguluhan sa labas. Tumayo ako at naglakad papuntang pintuan upang silipin ang kaguluhan nangyari sa labas.
"Teka bitiwan niyo ko!" ang sabi ng isang babae.
Nang makalabas na ako nang silid ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang babaeng hinuli nila. Pero imposibleng buhay pa rin siya ngayon. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit. Ngunit may pumipigil sa akin na gawin iyon. Napalunok ako dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Kailangan kong ipakita na ako ang striktong reyna ng Medius Regnum. Lumapit ako sa kanya upang makita siya ng malapitan.
"Binibini anong ginagawa mo rito? Hindi mo ba alam na ipinagbabawal na silid yan ng palasyo?" ang sigaw ng kawal.
"Teka anong nangyayari dito?" ang tanong ko.
"Mahal na Reyna, pumasok po siya sa silid ni Princess Hikari nang walang pahintulot," ang paliwanag ng kawal.
Naistatwa ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ng malapitan ang babaeng kanilang hinuli.
"H-Hikari?" ang sabi ko.
Nangangatal pa sa takot ang babae at napaatras siya nang sinubukan ko siyang hawakan.
"Paumanhin po hindi po ako si Hikari. Ako po si Asia. Nagmula pa po ako sa Chikara Academy," ,ang sabi nung babae.
Humarang si Calen at binigyan ng isang malutong na sampal si Asia.
"Dalhin niyo na siya sa dungeon!" ang sigaw ni Calen,bang head knight ng palasyo.
"Pero!" ang sabi ko pero muling nagsalita si Calen.
"Mahal na Reyna. Marami po ang nagbabalat-kayo ngayon. At isa pa matagal nang patay ang prinsesa. At hindi namin maaaring ipagsapalaran ang mga buhay natin dito," ang sabi ni Calen.
Inilayo na ng mga kawal ang babae at para akong natigilan sa sinabi ni Calen. Nakita ko ang pagpupumiglas ng babae.
Dinala ng mga kawal ang babae sa dungeon habang paulit-ulit nitong sinisigaw na wala siyang kasalanan. Pakiramdam ko ay kinurot ang puso ko sa naririnig ko. Pakiramdam ko ay si Hikari ang umiiyak. Hinigpitan ko ang paghawak ko sa aking pamaypay.
Lumipas ang ilang oras, ngunit patuloy akong binabagabag ng sarili kong konsensya. Hindi ko na kaya! Kailangan kong malaman ang panig ni Asia! Tumayo ako sa aking upuan at naglakad palabas ng aking silid. Nakasalubong ko si Daisuke ngunit wala akong pakialam. Kailangan kong maka-usap si Asia.
Narinig ko ang pag-uusap ni Daisuke at Akira.
"Mukhang nagmamadali ang Mahal na Reyna.",ang pagpuna ni Akira.
"Hayaan muna natin siya. Mas mabuti na rin na may pinagkakaabalahan siya,"ang sabi ni Daisuke.
Nagpatuloy sila sa pag-uusap tungkol sa pagiging sentro ng kalakalan. Pagliko ko patungo sa pintuan na nagdurugtong sa ruta ng dungeon ay hinarang ako ni Calen.
"Mahal na Reyna , anong ginagawa niyo po rito?",ang tanong ni Calen.
"Calen, pasensya na. May kailangan lang akong malaman,"ang sabi ko.
"Mahal na Reyna, hindi kayo maaaring pumasok sa dungeon. Maaari niya kayong malinlang!",ang sigaw ni Calen.
Nagtagis ang aking mga ngipin. Nais kong makausap si Asia sa lalong madaling panahon.
Narinig ko ang pagsigaw ni Asia mula sa dungeon. At napatingin ako kay Calen. Naikuyom ko ang aking kamao.
"Anong ibig sabihin nito? Calen, Sagutin mo ang tanong ko!",ang galit kong sigaw kay Calen.
"Maaaring isa siyang phantom kaya naman pinahirapan ko siya sa mga kawal. Maaaring may nalalaman siyang impormasyon tungkol sa kuta ng mga phantom.",ang sabi ni Calen.
Nanlaki ang mga mata ko. Tinitigan ko nang malamig si Calen.
"Bubuksan niyo ang pintuan o papasabugin ko mismo ang dungeon?!",ang sigaw ko.
Hindi ko mapapalampas ang kalapastanganang ito! Walang sino man ang maaaring magpahirap sa tao hangga't hindi siya napapatunayang may sala! Nagmamadaling binuksan ng mga kawal ang pintuan ng dungeon at agad akong pumasok. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong duguan ang likuran ni Asia habang nakabitin ito. Nakita ko ang duguang latigo na ginamit upang pahirapan si Asia.
"Ibaba niyo siya ngayon din!",ang sigaw ko.
Nagmamadali ang mga kawal sa pagpapakawala kay Asia. Nakita ko ang pagtulo ng mga luha ni Asia.
"Aksidente lang po talaga ang lahat.",ang sabi ni Asia at tila nahirapan siyang magsalita.
"Anong ibig mong sabihin? May kinalaman ka ba sa kanyang pagkamatay?",ang tanong ko.
"Saglit lang po Mahal na Reyna. Tinatakasan ko lang po ang mga bantay ko sa Medical Department kaya po ako napadpad rito. Yung tungkol sa anak niyo di ko po alam ang sinasabi niyo. Ang plano ko lang talaga po ay magteleport malayo sa mga bantay ko.",ang pagpapaliwanag ni Asia kahit na nanghihina.
"Nagsasabi ka ba ng totoo?",ang tanong ko.
"Opo.",ang sabi niya.
"Pakawalan niyo siya. ",ang sabi ko.
"Pero Mahal na Reyna!",ang sabi ni Calen.
"Wag ka nang kumontra, Calen.",ang tanong ko.
Tumingin ako sa mga kawal na naroroon. Sinunog ko ang latigo na hawak ng isang kawal. Hindi ko na talaga mapapalampas ang pagmamalupit ng mga kawal.
"Makinig kayo dahil isang beses ko lang ito sasabihin! Walang sinuman ang maaaring lumapastangan sa mga hindi napapatunayang nagkasala! Ang sinumang lumabag ay makakatikim ng parusa! Naiintindihan niyo ba?!",ang sigaw ni Queen Akane.
"Opo, Mahal na Reyna!",ang sigaw ng mga kawal.
Tumingin ako sa isang kawal kaya naman naistatwa siya sa kanyang kinatatayuan.
"Tulungan mo akong dalhin siya sa aking silid.",ang sabi ko.
"Masusunod po, Mahal na Reyna.",ang sabi ng kawal at saka binuhat niya sa kanyang likuran si Asia.
"Mahal na Reyna, naniniwala po kayo sa akin?",ang tanong ni Asia.
"Naniniwala ako. ",ang sabi ko.
Tumitig siya sa aking mga mata at nakita ko sa kanyang mata ang uri nang pagtitig na maihahalintulad sa pagtingin ni Hikari noong una ko siyang nakita. Nawalan siya ng malay kaya naman nataranta ang kawal.
"Bilisan natin!",ang utos ko.
Napatakbo naman ako kahit na tatlong pulgada ang taas ng takong ng aking sapatos.
Nang makarating kami sa aking silid ay agad siyang ginamot ng pinatawag kong healer.
Ginamot niya ang sugat ni Asia. Bagamat nawala ang mga sugat sa likuran ni Asia ay bakas pa rin dito ang kanyang panghihina. Nakagat ko ang kuko sa aking hinlalaki.
"Nasaan si Calen?" ang tanong ko.
Biglang sumulpot si Calen at lumuhod ito sa aking harapan.
"Narinig ko po ang pagtawag niyo sa akin. Ano pong kailangan niyo, Mahal na Reyna?" ang tanong niya.
"Tumayo ka, Calen. At huwag na tayong magpaligoy-ligoy. Ano ang nagtulak sa iyo upang gawin ang bagay na ito? Sumagot ka!" ang sigaw ko.
"M-Mahal na reyna nais ko lamang na kayo ay ma-protektahan. Alam kong masakit ang pagkawala ni Princess Hikari pero wag niyo sanang ilagay sa kapahamakan ang sarili ninyo , Mahal na Reyna. Kapag nawala kayo, sino ang hahalili sa inyo?" ang tanong ni Calen.
"Ang anak kong panganay. Kilala siya bilang Dimensional Sorceress. Hindi mo man siya naabutan pero tiyak na makikilala mo rin siya balang araw.",ang sabi ko.
Nang matapos na ang manggagamot ay lumapit ito.
"Matindi ang pinsalang kanyang tinamo. Maaaring sa ngayon ay ramdam niya pa ang sakit na dulot ng latigo. Nanghihina pa rin siya lalo na't limampung hagupit ng latigo ang tinanggap ng kanyang katawan," ang sabi ng doktor.
Nagpakawala ako ng chikara dahil sa galit. Hindi dapat nangyari yun. Hindi sa ganitong paraan.
"Calen, hindi ko alam kung anong nagtulak sayo upang gawin ito pero dapat kang managot sa nangyari. Kaya naman suspendido ka muna ng anim na buwan mula sa serbisyo at ibaba ko ang iyong ranggo mula sa Head Knight sa pagiging Senior Knight.",ang sabi ko kay Calen.
Malaking bagay na rin ang pagbaba ng kanyang ranggo. May labindalawang ranggo ang knight sa kaharian. Magsisimula muna ang lahat ng knight sa pagiging Apprentice Knight. Sila yung mga uri ng kawal na sasalang sa preliminary examination. Sa oras na maipasa nila iyon ay saka palang aangat ang ranggo nila bilang Novice Knight. Sa oras na malampasan ng Novice Knight ang isang daang E class mission na iniatang sa kanila doon palang aangat ang ranggo nila bilang Junior Knight. Ang Junior Knight naman ay kailangang malampasan ang dalawang daang E class mission para maging Senior Knight sila. Para naman umangat ang ranggo ng Senior Knight kailangang matalo nila ang mga halimaw na matatagpuan sa Mt. Ingril sa kaharian ng Lacus. Sa oras na malampasan nila ang pagsubok doon palang sila magiging Superior Knight. Ang mga nais maging Head Knight ay kailangang makipagtagisan ng galing sa kapwa Superior Knight nila. I-aatang sa kanila ang bawat posisyon ng pagiging Head Knight depende sa kanilang abilidad na kanilang ipinakita. Pwede silang maging Head Knight ng bawat elemental squad.
Nang maikalma ko na ang sarili ko ay kinalma ko ang aking chikara.
"Pasensya na, Calen. Pero umalis ka muna sa harapan ko. Tatawagin na lang kita kapag humupa na ang galit ko.",ang sabi ko.
"Patawad po, Mahal na Reyna.",ang sabi ni Calen at saka umalis siya sa silid.
Nakalipas ang dalawang araw, ngunit nananatiling walang malay si Asia. Kasalukuyan akong nasa silid pagpupulong dahil nais kong pag-usapan ang tungkol sa kalakalan ng mga mataas na uri ng halamang gamot nang biglang bumukas ang pintuan at humahangos ang isang katulong.
"Mahal na Reyna!",ang sigaw ng katulong.
Dahil kita ko ang pangangatog ng katulong ay binasa ko na lang ang kanyang isipan.
"Nagising na po ang babaeng pinahirapan sa dungeon!",ang sabi ng katulong sa kanyang isipan.
Napatayo na lang ako sa aking kinauupuan at saka tumakbo patungo sa pintuan.
"Mahal na Reyna! Hindi pa po tayo tapos mag-usap tungkol sa kalakal na halamang gamot!",ang sabi ng representante ng Sierra.
Napabuntung-hininga ako. Di pwedeng walang maiiwan dito. Kaya naman tinawag ko ang aking mga Custos.
"Aether, Spriggan!"
Lumitaw ang dalawa kong Custos at para silang mga batang niyakap ako nang walang humpay. Dapat talaga hindi ko na sila pinapabalik ng Custodium.
"Master!",ang sigaw nung dalawa.
"Kayong dalawa! Nagmamadali ako! Nakikiusap ako. Kayo muna ang makipag-usap sa kanila. At pakiusap wag niyong hahayaang mauwi sa lahat ang pinagpaguran ng kahariang ito. May aasikasuhin lang ako.",ang sabi ko.
Tumakbo ako patungo sa aking silid at naabutan kong lumuluha na naman siya. Nakatulala siya may bintana at patuloy niyang binabanggit na wala siyang kasalanan.
"Wala po akong kasalanan. Maniwala po kayo sa akin Mahal na Reyna.",ang sabi ni Asia.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Parehas na kaming nakaluhod sa sahig.
"Naniniwala ako Asia. Wag kang mag-alala. Ligtas ka na.",ang sabi ko at hinaplos ko ang kanyang likuran.
Hindi ko siya masisisi. Matinding trauma ang dinulot sa kanya ng dungeon.
"Nagmula po ako sa Mortal World pero nagbago po ang lahat nang tangkain kaming dukutin ng mga naka-cloak. Iniligtas po kami ng grupo nina Headmaster Satsuki at agad kaming ipinasok sa Chikara Academy. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana hinayaan ko na lang sana hindi na lang sana ako tumakas.",ang sabi ni Asia.
Natulala ako sa sinabi ni Asia. Hinahanap na siya ng mga Phantom? Alam kong kamukha siya ni Hikari pero anong kinalaman ni Asia?
"What? Anong kulay ng cloak nila? Bakit ka nila hinahanap?",ang tanong ko.
"Itim po. Pero tinatawag nila akong Princess Selene kahit di naman ako yung taong yun. Hindi ko rin alam kung sino ba talaga ako. Nawala ang alaala ko dalawang taon na ang nakakalipas.",ang kwento ni Asia.
Natulala ako. Kung ganun, ang babaeng nasa harapan ko ngayon ay walang dudang si Hikari. Pero bakit inilihim ni Satsuki ang tungkol kay Asia? Kailangan kong makausap si Satsuki ngayon din! Napabuntung-hininga na lang ako nang maaalala kong nagalit ako kay Calen at ibinaba ko ang ranggo niya. Mukhang wala akong magagawa kundi ang ipagkatiwala sa kanya ang misyon na ito.
"Calen.",ang pagtawag ko sa kanya.
"Bakit po Mahal na Reyna?",ang tanong niya.
"Sa'yo ko lang maaaring ipagkatiwala ang bagay na ito. Calen, ipatawag mo si Satsuki ngayon din! May kailangan kaming pag-usapan.",ang utos ko.
"Masusunod po Mahal na Reyna.",ang sabi ni Calen at agad nagteleport.
Tumayo ako at hinanap ko ang presensya ni Daisuke. Kailangan niya itong malaman.
"Asia sumunod ka sa akin.",ang sabi ko.
Satsuki
Napatingala ako nang maramdaman ko ang isang nakakairitang presensya. Ikinalma ko ang sarili lalo na't kapag pinilit ko ang sarili ko na isipin siya ay mauuwi lang sa gulo ang lahat. Ano na naman kaya ang naisip nila at sa dinami-raming ipapadala rito ay itong babae pa na ito ang naisip nila?
"Prince Satsuki.",ang sabi ng isang pamilyar na boses.
Malamang nagteleport tong babaeng to. At eto ang isa sa pinaka-ayokong ability niya.
"Anong ginagawa mo dito, Calen? Kung narito ka para balaan ako tungkol sa estudyanteng pinapapasok ko wala ka na dun! Dahil sinasala ko silang maigi!",ang sigaw ko kay Calen.
"Hanggang ngayon ba naman mataas pa rin ang pride mo? Pwes, para sabihin ko sa'yo pinapunta ako ng Mahal na Reyna para sabihin sa'yo na kailangan ka niyang maka-usap. Minsan talaga ang hirap makipag-usap sa tukmol. Makaalis na nga!",ang sabi ni Calen at saka tumalikod.
Teka ano kayang kailangan ni Mom? Sa pagkakaalala ko may negosasyon siya ngayon sa mga taga-Sierra?
"Sandali. Anong kailangan ni Mom?",ang tanong ko.
Napasandal sa may pader si Calen habang nakahalukipkip ito. At alam kong hindi ito natutuwa sa nangyayari.
"Tungkol ito dun sa estudyante mong napadpad sa palasyo habang tinatakasan ang mga bantay niya sa Medical Department ng academy na ito.",ang sabi ni Calen.
Bakit naman naging big deal kay Mom ang estudyanteng yun?
"What? Bakit parang naging big deal kay Mom yung tungkol sa estudyanteng yun?",ang tanong ko.
"Well,kamukha niya si Princess Hikari. Isa pa, hinahunting na rin siya ng rebeldeng phantom. Aksidente ko ring napalatigo ang estudyanteng iyon. Kaya ngayon matinding trauma ang inabot ng batang iyon. Kaya ngayon suspemdido ako ng anim na buwan at ibinaba ang ranggo ko bilang Senior Knight.",ang sabi ni Calen.
"WHAT?!",ang sigaw ko at kinewelyuhan si Calen.
Nagtangis ang aking mga ngipin sa ginawa ni Calen. Bakit nga ba naging ganito ang kinahantungan ng lahat?
"Hindi ko mapapalampas ang ginawa mo, Calen.",ang sabi ko kay Calen.
Habang nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ay biglang sinipa ng mga mokong na kaibigan ng Mahal kong Kapatid yung pinto.
"NASA MEDIUS REGNUM NGAYON SI ASIA?",ang sigaw nila.
Napatingin ako sa mga mokong na tila ngumisi sa nakita nila. Nanatili kasi akong nakakapit sa kwelyo ni Calen.
"Huwag niyong sabihing kayo yung tinatakasan ni Asia na mga bantay niya?",ang tanong ko.
"Unfortunately,Yes. Dahil masyado syang nagpanic nung nalaman niya one week pa siya na magii-stay sa Medical Department.",ang sabi ng brother in-law ko na si Aichi.
Napansin ko na nakataas ang kilay ni Europe.
"Bakit Mr. Ashbell may problema ba?",ang tanong ko.
"Alam niyo Headmaster kung gagawa na rin lang kayo ng kabalbalan wag po dito sa opisina niyo. You should get a room at a hotel or else, di kayo makakabuo niyan.",ang sabi ni Europe.
Halos tumaas ang dugo namin ni Calen dahil sa sinabi ni Europe. Napabitaw naman ako sa kwelyo ni Calen at inis ko ay nabaling kay Europe.
"Ano bang pinagsasabi mo? Anyway, may narinig ba kayo?",ang tanong ko.
"Wala naman, nagkagulo kasi kami nung nalaman naming nasa Medius Regnum si Asia kaya naman di na namin napansin ang iba niyong pinag-uusapan.",ang sabi ni Akio.
"Alam niyo Headmaster, kung gagawa kayo ng milagro, siguraduhin niyong walang makakakita. Anyway, may ticket po ako dito ng magandang hotel sa Caden City. Pwede po kayong mag-Lovey Dovey dun.",ang sabi ni Shin.
"P-P-Pwede ba? Hindi ko kasintahan ang hinagupak na to! Kaya tigil-tigilan niyo ang kalokohan niyo!" ang singhal ng namumulang si Calen.
Iniba ko ang usapan dahil alam kong di kami titigilan ng mga ito. Tumikhim naman na ako kaya naman napalingon sila sa akin.
"By the way, pupunta na ako ng Medius Regnum para kay Lil' Sis.",ang sabi ko sa kanila.
"Sama kami!",ang sabi nung dalawa sa akin.
"Nope, you can't. Both of you stay here.",ang sabi ko.
Nagcast ako ng teleprotation spell upang hindi makasama yung dalawa.
"Ianuae Magicae!",ang pagcast ko ng spell.
Nakarating na rin ako, nope, kami pala sa Palasyo. Pesteng animala. Bakit kasama ko itong dalawang to?
"Aichi! Europe! Bakit kayo sumama!?",ang sigaw ko.
"Siyempre, si Asia ang pinag-uusapan dito kaya talagang sasama ako.",ang bulong sa akin ni Aichi.
"Malamang, talagang sasama ako dahil kakambal ko yung narito!",ang sigaw ni Europe.
"Now both of you, wag kayong lalayo sa akin or else ipapabugbog ko kayo kay Calen.",ang sabi ko.
"At talagang sa ex mo pa huh?",ang sabi ni Aichi.
"Ikaw huh headmaster di mo sinabi na may lihim ka pala huh.",ang sabi ni Europe.
"Ok. Fine. Ako na ang may past bakit Europe wala ka bang past?",ang tanong ko sa kanya na kanyang ikinaseryoso niya.
"Kung meron man akong nakaraan ibabaon ko na lang yun dun.",ang sabi niya.
"Ganun ba.",ang sabi ko.
Napabaling ang atensyon ko nang marinig ko ang yabag ng sapatos ng aming butler dito sa palasyo.
"Prince Satsuki. Kanina pa po kayong hinihintay ni Queen Akane.",ang sabi nung butler namin.
"Ok papunta na kami.",ang sabi ko.
Pagkadating namin dun, nakita kong natutulog na sa sofa si Asia. Mahahalata sa kanyang mukha ang pagod sa pag-iyak.
"Mukhang napagod siya.",ang sabi ko.
"Oo napagod siya sa kakalibot ng palasyo.",ang sabi ni Mom.
"Ganun po ba? Mom anong gusto niyong pag-usapan.",ang tanong ko kay Mom.
"Tungkol ito kay Asia.",ang sabi niya.
"Mom. Anong tungkol sa kanya?",ang tanong ko ulit.
"Satsuki, siya ba si Hikari?",ang tanong ni Mom.
Hindi agad ako nakasagot dahil sa hindi ko pa sa kanya nasasabi ang tungkol dun.
"Tita. Actually, siya po si Hikari pero nawala lahat ng alaala niya tungkol sa ating lahat,"ang walang kautal-utal na sabi ni Aichi.
"Aichi!" ang saway ko sa kanya.
"H-Hello! Yoohoo! Hindi ko maintindihan? Paano niyo nasabi na siya si Princess Hikari eh kakambal ko siya?" ang sabi ni Europe.
Napatayo si Mom sa kinatatayuan niya.
"S-Sino ka?" ang tanong ni Mom.
"I'm Europe Len Ashbell. Ang kakambal ng pinag-uusapan niyo,"ang sabi ni Europe.
Paulit-ulit kaming tinitingnan ni Mom. Alam kong naguguluhan siya sa nangyayari.
"What? Ang akala ko ba ay,"ang sabi ni Mom habang mababakas mo sa kanyang pagmumukha ang pagkalito.
Patay! Nakalimutan kong kasama nga pala namin 'tong si Europe.
"Ang prinsesa ng kalangitan at prinsepeng may angking kabutihan ay magkakatuluyan
Marami man ang hahadlang
Kanila itong ipaglalaban
Dadaan ang prinsesa sa kamatayan
Ngunit magbabalik sa kasalukuyan sa ibang katauhan.
Walang magbabago sa kanyang kaanyuan
Ngunit ang kanyang alaala ay patuloy aalisin ng itinuturing niyong kalaban.
Makakasama niya ang kanyang kakambal
Na may itinatagong lihim na kagimbal-gimbal
Magkakaroon muli ng kaguluhan
At tayong tatlo ang gagawa ng katapusan,"ang sabi ni Aichi.
"Oi di ba yan yung totoong propesiya?" ang sabi ko.
"Oo. Kaya siguro naman nasagot na yang tanong niyo,"ang sabi ni Aichi.
"Kung ganun,ikaw ang totoong kakambal ni Hikari?" ang tanong ni Mom.
"Huh? Hay naku! Di ako naniniwala sa propesiyang sinasabi niyo! Aalis na kami ni Asia,"ang sabi ni Europe at saka lumapit kay Asia.
Asia
Nagising ako ng may tumapik sa akin.
"E-Eu. Paano ka napunta rito?"ang tanong ko.
Hinatak niya ang kamay ko at inilapit ako sa kanya.
"Let's go Asia! Aalis na tayo!" ang sigaw ni Eu.
"W-Wait! Saan tayo pupunta?" ang tanong ko.
"Somewhere! Out of this place!"ang sigaw ni Eu.
"Wait! Europe! Calm down!"ang sigaw ni Kuya Satsuki.
"Calm down? How can I calm down kung malalaman mo na may ugnayan pala kami sa inyo at hindi niyo sinasabi kahit na three weeks na tayong magkakasama?" ang sigaw ni Eu.
"Ano ba talagang nangyayari?"ang sigaw ko at nabasag ang lahat ng salamin ng silid na kinaroroonan namin.
"Asia! Calm down!"ang sigaw ni Eu.
"Calm down?Paano ako kakalma eh nagsisigawan kayo? Plus hindi ko alam ang nangyayari!" ang sigaw ko.
"Asia please. Kumalma ka muna. Ipapaliwanag namin ang lahat,"ang sabi ni Aichi.
"Asia hold my hand. Simula ngayon sa araw na 'to puputulin na natin ang ugnayan sa kanila,"ang sabi ni Eu.
At nagteleport kami sa ibang lugar. Ang lugar na kinagisnan namin mula sa aming paggising.
Ang MORTAL WORLD.