Asia
Nagising ako sa isang gazebo. Puti ang haligi nito at ginto naman ang bubungan nito. Nakikita ko ang mga paru-parong nagsasabog ng Fairy dust kaya animo'y nasa ibang mundo ako maliban sa Chikara Realm. Pinagmasdan ko ang paligid at nakita ko ang mga matatayog na bulaklak ng Delphinium. Wala pa naman ako sa kabilang buhay hindi ba?
"Teka ano bang nangyari?" ang tanong ko.
Hahawakan ko na sana ang bulaklak nang may pumigil sa aking kamay.
"Kamusta ka na, Asia?" ang tanong nang isang babae.
Nang pagmasdan ko ang kanyang mukha ay nakaramdam ako nang pagkagulat. Hinila ko ang aking kamay mula sa kanya at agad akong lumayo ula sa kanya.
''Alam mo matagal na kitang hinihintay," ang sabi ng babae sa akin.
Pakiramdam ko para lang akong nananalamin dahil ang babaeng kaharap ko ngayon ay kamukha ko. Nananaginip pa rin ba ako.
"S-Sino ka?" ang tanong ko.
"Ako ay ikaw. Asia lagi mong tatandaan kailangan mo nang maalala ang lahat," ang sabi niya.
Wala akong maintindihan sa pinagsasasabi ng babaeng kausap ko. Ako ay siya? Isang malaking kalokohan ito.
"Hindi ko maintindihan. Anong ibig mong sabihin?",ang tanong ko ulit sa kanya.
"Ako si Akari. At ikaw ay ang aking kasalukuyan. Hindi ko masasabi sa'yo ang lahat lalo na' limitado lang ang aking oras. Pumunta ka sa library sa history section. Doon mo malalaman ang buong pagkatao mo," ang sabi niya.
"Sino ka ba talaga? Alam ko ang buong pagkatao ko! Kaya aalis na ako sa lintik na panaginip na ito!" ang sigaw ko.
Naglakad ako papalayo sa kanya. Isang ka-takot takot na panaginip ito kung ganun. Teka panaginip nga lang ba ito? Baka patay na ako? Sana talaga iniluwa ko na lang ang seafood pasta na isinubo ni Eu at Aichi!
"Teka nasaan ba tayo? Nasa kabilang buhay na ba ako? Anong lugar ba ito?! Sana talaga di na lang ako kumain ng seafoof pasta na iyon!" ang singhal ko at saka sinipa ang bato.
Lumapit naman sa akin yung babaeng nagngangalang Akari.
"Hindi ka pa patay. Pero kung natuloy ang paghawak mo sa delphinium, malamang nasa kabilang buhay ka na. At para sa iyong kaalaman, ito ang lugar na tinatawag na Träumerhafen," ang sabi niya.
"Paano ako makakaalis sa lugar na ito?", ang tanong ko.
Hinatak niya ang kamay ko at naglakad kami palayo sa gazebo. Ang kaninang maliwanag na lugar ay naging gabi. Ang paru-parong lumilipad ay naglaho ngunit napalitan ito ng mga alitaptap.
"Please alalahanin mo ang lahat, alang-alang kay Aichi," ang sabi niya.
Napatalon ako ng wala sa oras ng banggitin niya yung pangalan ni Aichi. Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ganito ang reaksyon ko para kay Aichi.
"I knew it. Your mind may forget but your heart it remembers the one you truly love," ang sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ko. Napaisip rin naman ako sa mga sinabi niya. Mahal ko nga ba si Aichi o infatuation lang 'to? Malamang isa lang itong paghanga! Magtatanong sana ako sa kanya ng bigla niya akong itinulak at nahulog ako mula sa Träumerhafen.
"Alalahanin mo ang tunay na ikaw, Asia Rin Ashbell. Mali, Akari Farhengart pala," ang sabi niya at saka naglaho ang katawan niya.
Iminulat ko ang mga mata ko. Pilit kong hinabol ang aking hininga.
''Sandali! Akari!'' ang sigaw ko at nahulog ako sa sahig.
Tumulo ang luha ko. Paano ko alalahanin ang lahat? Napakamisteryosa mo. Ano bang nangyari sa akin dalawang taon na ang nakakalipas? Mom paano ko malalaman ang nakaraan ko ngayong wala ka na?
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ngunit di ko pinansin iyon. Nagpatuloy lang sa paglandas ang luha sa aking mata.
"Asia!" ang sigaw nilang lahat.
Lumapit si Europe at tinulungan naman niya akong bumangon at bumalik sa aking kama.
"Are you alright?" ang nag-aalalang tanong ni Eu.
"I-I'm fine," ang sabi ko at pinunasan ko ang aking luha.
"Umiiyak ka ba?"ang tanong ni Aichi.
"Don't mind me. May napanaginipan lang ako," ang paliwanag ko.
Nagkatinginan naman sila at saka lumapit sa akin. Alam kong may nalalaman sila tungkol sa aking panaginip. Kaya naman naglakas loob akong magtanong sa kanila. Ngunit naunahan ako ni Aichi.
'"Ano naman napanaginipan mo, Asia?" ang tanong ni Aichi.
Tiningnan ko sila at bakas sa kanilang mukha ang pagkabahala. Alam kong dapat kong ikuwento ang napanginipan ko lalo na't hindi ko alam kung dapat akong mabahala o hindi sa napanaginipan ko.
"Napanaginipan ko ang isang babae. Nagpakilala siya bilang si Akari Farhengart. Nagkausap kami sa Träumerhafen," ang panimulang kwento ko sa kanila.
Nanlaki ang mga mata nila. Nabitawan ni Aichi ang basket niyang bitbit. Nangingilid naman ang luha ng mga kaibigan kong babae.
"W-Wait? Anong ginagawa niyo rito?" ang sabi ko.
Upang mabago ang kakaibang tensyon na bumabalot ngayon ay iniba ko ang topic. Kanya-kanya namang punas ng kanilang mga luha sina Jin at agad pinulot ni Aichi ang nabitawan niyang basket.
"Hindi niyo pa rin sinasagot ang tanong ko? Anong ginagawa niyo rito?" ang tanong ko.
Tumakbo naman si Sakura patungo sa bedside. Hinawakan niya ang kamay ko at napansin ko ang nagingilid niyang luha.
"Malamang binibisita ka! My god! One week ka na kayang walang malay!",ang sigaw ni Sakura.
Agad namang lumapit si Reina at dahan-dahan niyang inalis ang karayom na nakatusok sa aking kamay. Pinalitan niya iyon ng karayom na may bughaw na dulo at saka kinabit sa linya ng aking suwero. Pagkakalas naman ni Sakura ay naramdaman ko na may pumisil sa pisngi ko. Yung dalawang kolokoy na nagsubo sa akin ng Seafood pasta!
"T-Teka! A-Aray!" ang sigaw ng pisilin nung dalawa yung pisngi ko.
"Bakit di mo sinabi na may allergy ka sa seafood?" ang sigaw ni Aichi at Eu.
Lumapit si Kaito at Heiji sa dalawa at binigyan nila ng matinding pagbatok si Aichi at Eu.
"Aray! " ang sigaw nung dalawa.
"Paano yan makakasagot eh pinipisil niyo yung pisngi?" ang sigaw ni Jun.
"Aray! So ganun sila yung taga-batok ikaw ang taga-sermon?" ang sabi ni Eu.
"Hell I care!" ang sigaw ni Jun.
Nagcross arms si Jun at saka tumabi kay Akako. Di ko alam bakit mukha silang mga couple? I wonder kung talagang kamukha ko si Akari? Ngumiti ako at saka sinagot ang kanilang tanong tungkol sa allergy ko.
"Paano ko masasabi sa inyo eh nabili niyo na isa pa sayang, grasya din yan," ang sabi ko.
Hinampas naman ni Jin ang aking braso at saka sinamaan ako ng tingin. Napansin ko ang pagkahaggard niya.
"Grasya ka jan? Grasya ba yung makatulog ng isang linggo?" ang sigaw ni Jin.
"Oo na. Pero hindi ko kayang hindi tanggihan eh," ang sabi ko at napatungo ako.
Narinig ko ang isang pagkatok at nakita ko si Sora na nakasandal sa pinto. Lumapit siya sa akin at tinitigan ako sa aking mata.
"Minsan matuto kang humindi sa mga bagay na alam mong nakakasama sa'yo. You know what,you make us worried," ang sabi ni Sora na ikinagulat ko ang pagyakap sa akin.
Halos umakyat ang dugo ko sa aking mukha dahil sinabi ni Sora. Naamoy ko ang mabangong halimuyak na nagmumula sa kanyang damit. Pakiramdam ko ay naging secure ako sa kanyang ginawa. Gusto na sanang tumulo ng aking mga luha ngunit natatawa ako sa ginawa nina Eu kay Sora.
"Oi tama na yan! Tsansing ka na kay Asia!",ang sigaw nung lima na lalaki kay Sora.
If di niyo alam kung sinong lima. Yun ay si Jun,Aichi, Kaito, Eu, at Heiji. Actually,si Aichi at Eu nakahawak sa kwelyo ni Sora samantalang si Kaito at Jun ay sa ibabang bahagi ng damit ni Sora at si Heiji ayun sa mahabang buhok ni Sora nakahawak.
"Okay fine," ang sabi ni Sora at saka kumalas na sa pagkakayakap.
Nakita ko ang pagbusangot ng mukha ni Sora at nkipagtitigan naman si Sora sa grupo nina Aichi. anong bang trip ng mga ito?
"Dapat palang humindi sa mga bagay na alam mong nakakasama sa'yo pala huh! Oi Sora kanina ka pang hinahanap ni Shiro! Ano ba! Sasama ka sa akin o bibigwasan kita jan?" ang sabi nung babaeng medyo panlalaki ang buhok.
"A-Aray! Ang sakit Chiriko!" ang sigaw ni Sora at saka siya kinaladkad palabas ng clinic.
Grabe, nangangawit na ang katawan ko sa kamang ito. Nagtanong ako kay Reina.
"Siguro naman pwede na akong lumabas?",ang sabi ko.
"Nope,you can't.",ang sabi ni Reina ,ang babaeng mahaba ang buhok at naka-twin ponytail.
Napabuntung-hininga ako sa kanyang sinabi. Ayoko na rito. Gusto ko na ulit lumabas. Gust ko nang masilayan ang ganda ng mundong ito. Pero dahil sa pesteng pasta na ito ay napilitan akong humiga dito.
"Ugh! Ayoko ng magtagal rito," ang sabi ko.
"Yan kasi next time dapat sasabihin mo," ang sabi nila.
"Ok fine," ang sabi ko at saka bumuntong-hininga sa pangalawang pagkakataon.
Pinisil na naman ni Eu ang aking pisngi. Hindi ko ba alam sa lalaking 'to kung bakit ang hilig-hilig nitong mamisil ng mukha ng may mukha?
"Oi Asia nababasa ko diyan sa 'Ok fine mo' na may gagawin kang kalokohan ah?" ang sabi ni Eu habang pinipisil ang aking pisngi.
"T-Teka Eu! Tama na! Masakit!" ang sigaw ko.
Gusto kong ibalibag ang lalaking ito ang kaso masakit pa rin ang kaliwa kong kamay dahil doon ako tinusukan ni Reina ng karayom.
"Teka Reina hanggang kelan ba siya rito?" ang tanong ni Aichi.
"Siguro next week pwede na siyang lumabas," ang sabi nung Reina.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko kay Reina. Next week? Ayoko na! Tatakas na talaga ako rito!
"What?Next week? Ah ayoko na! Lalabas na ako at wala akong pake kung under observation ako basta makalabas lang ako lintik na kwartong 'to!" ang sigaw ko.
"Whoa! Asia! Calm down!" ang sigaw nila at pinipigilan nila ako alisin yung karayom na konektado sa linya ng suwero.
Tumulo ang dugo mula sa kamay ko. Kumuha naman siya ng malinis na gasa at saka ipinulupot niya iyon sa aking kamay.
"Ano ba? Magpagaling ka nga muna! Anong tingin mo sa sarili mo bakal?" ang sigaw ni Sakura.
"Anong bakal ka jan? Wala akong pake kung bawal akong lumabas basta ako hindi ako magtatagal sa kwartong 'to! Isa pa wag niyo akong pigilan!" ang sabi ko.
"Huwag ka ngang malikot jan! Babatukan ka talaga namin!" ang sigaw ni Akako.
Itinulak ko sila at saka tumakbo ako palabas ng aking kwarto. Hinabol naman ako nina Aichi hanggang makarating kami sa Garden Of Elements. Nagpakawala si Sora ng kanyang mga multo kaya naman hinila nito pataas ang aking paa.
"Ayoko! Palabasin niyo na ako!" ang sigaw ko.
"Manahimik ka jan! Wag kang OA! Isa pa! Para another one week ka lang namang maco-confine!",l ang sigaw ni Eu.
Nang mawala ang mga multo ay sinalo ako ni Aichi. Ang sweet na sana ang kaso ay binuhat naman niya ako na parang isang sakong bigas. Nagwawala ako sa kanyang balikat at pinaghahampas ang kanyang likuran.
"Pwede ba ibaba mo na ako!" ,l ang sigaw ko.
"Please, Asia. This is for you own good," ang sabi ni Akio.
"Okay! Fine!" ang sabi ko.
"Wew! Sa wakas! Tumigil ka rin!" ang sigaw nila at saka binitiwan ako.
Ngumisi ako at kapag umandar nga naman si kalokohan nagcast ako ng spell na pang-teleport.
"Ianuae Magicae!" ang sigaw ko at nagteleport ako.
Nang imulat ko ang aking mga mata ay napunta ako sa isang kwarto. Pero mas nagulat ako nang makita ko ang isang painting ng isang babae na kamukha ko. Pero where am I?
Europe
After nagteleport ni Asia sa kung saan. Kaya ngayon hindi ko alam kung saan siya hahanapin! Jusmiyo! Bakit po ba binigyan niyo ako ng kapatid na sakit sa ulo? Napasabunot naman ako sa aking sarili dahil wala akong ka-ide- ideya kung saang lupalop sila hahanapin.
"Hindi ko ma-track yung heat ng katawan niya," ang sabi ni Kaito.
"Kahit ako rin,"ang sabi ni Akako.
"Isa lang ang nasa isip ko ngayon. Maaaring nasa lugar siya ng academy na kung saan ay may nullification spell.",ang sabi ni Aichi.
"Nullification spell? Hindi ba dapat hindi niya magagamit yung powers niya dun?",ang tanong ko.
"Immune ang mga casters na katulad ni Asia kaya makakagamit siya ng powers niya dun," ang sabi ni Jun.
Napataas ang kilay ko. Ano pa banag mga bagay ang dapat kong malaman pa sa mundong ito.
"Oi wag niyong sabihing nahahati sa iba't ibang klase ang mga kapangyarihan dito?" ang tanong ko at napaupo ako sa sofa sa lounge ng Boy's Dormitory.
Tinitigan ako ni Shin. Ni hindi ko nga alam kung saan niya nakuha ang pulang salamin na suot niya ngayon.
"First of all, Chikara ang tawag sa kapangyarihan dito. Pangalawa, oo nahahati sa anim ang types ng mga Chikara User dito. Pinakamalakas ang tinatawag na Celestial Prodigy na kung saan kaya niyang kontrolin ang lahat. Sunod ay ang mga Multi-Elementalers , kaya nilang kontrolin ang four elements and take note may more than five sub-abilities pa sila. Sunod ay ang Elementalers kaya nilang kontrolin ang isang element lamang plus dalawang sub-abilities.Sunod ay ang Casters kaya nilang mag-cast ng mga spells na malalakas. ",ang sabi ni Shin.
"Whoa! Information unabsorbable!",ang sabi ko.
"Sana maabsorb mo pa ito. Ang Next ay ang Multi-Sub-Ability Chikara users. Three or more ang kanilang kayang kontrolin na kapangyarihan. Teleportation, Telekenesis etc. Ang last ay ang Sub-Ability Chikara users. Isang ability lang ang kaya nilang gawin.",ang sabi ni Sakura at saka naglagay siya ng cake sa mini table.
Napansin ko ang paglamig ng temperatura sa paligid. Kilala ko lang naman ang may mala-freezer na pag-uugali dito. Si Tandang akala mo ay may buwanang-dalaw. Sinamaan naman namin siya ng tingin dahil yung cake na inihain ni Sakura ay naging figurine na sa sobrang tigas.
"Oi tapos na ba ang discussion niyo jan? Kailangan na talaga nating mahanap si Asia!" ang sigaw ni Tanda.
"I know! Pero sa laki ng academy na 'to hindi ko alam kung saan siya hahanapin!" ang sabi ni Jun.
"Asia! Mas sumakit yata ang ulo ko nung napadpad tayo rito!" ang sigaw ko.
"Kailangan niyo ba ng tulong ko?"ang sabi ng isang boses na pinaka-ayaw kong marinig sa lahat.
Napalingon naman ako at nakita kong nakaplaster sa pagmumukha niya ang pinaka-nakakairitang ngiti na ayaw kong makita.
"Akemi?"