Chapter 7-Allergy

1997 Words
Asia Nandito kami ngayon sa cafeteria. Nakapila kami sa may harapan ng counter. Tinitingnan ko ang mga pagkain doon ang kaso ay nakita ko na may mga seafood silang isineserve. Ang kaso may isa akong problema, allergic ako dun especially sa mga pagkaing may "BAGOONG". Nagtingin-tingin ako ng something sweet. luckiliy madami sila nun dito. Ah! Buti na lang talaga! Tumingin ako kay Aichi na tila naghihintay. Si Ateng nasa counter naman ay namumutla habang tinitingnan ako. "Ahm. Ang mamahal naman. Aichi sigurado ka ba?" ang tanong ko. "Ok lang.Wala akong problema," ang sabi niya habang nakangiti. Mula sa parfait hanggang churros ay may available sila. Kaya naman, minabuti kong pumili ng dalawang slice ng cake at isang juice dahil nakakahiya kung ga-bundok na pagkain ang ipapalibre ko. Hindi ganun ka kakapal ang mukha ko paralubus-lubusin ang libre. "Okay then. Yung strawberry shortcake, blueberry cheesecake na lang at saka yung iced tea," ang sabi ko. Npataas ng kilay si Aichi. Sinasabi ko na nga ba may mali sa sinabi ko! Ngumiti naman si Aichi. At heto naman ang malandi kong puso "Sure ka? Ang konti kasi eh. Miss dagdagan niyo pa po ng seafood pasta," ang sabi niya na ikinagulat ko. "W-Wait! Ayoko ng seafood! Di ako mahilig!" ang palusot ko. Yan nga ang pinaiiwasan ko sa restaurant. Tsk. Hndi rin sinasabi ni Mom kay Eu kasi ayaw niyang mag-aalala si Eu. Sinusundot naman ni Eu ang tagiliran ko at inaasar ako na bansot. Nagsalita ang matangkad. "Kaya pala di ka tumatangkad. You need that. Isa pa di mo kailangang mahiya," ang sabi ni Aichi. Yari ako nito! Bakit nga ba di ko kayang sabihin na may allergy ako sa seafood?! "A-Ano? May allergy kasi ako sa seafood kaya bawal sa akin ang mga seafoods lalo na yung pagkain na may bagoong," ,ang sabi ko. "O Asia anong problema mo? Allergy? Wala ka naman nun ah? Palusot mo lang yun kapag ayaw mong kumain ng seafood!",ang pang-aasar ni Eu. Isa pa 'tong lalaking 'to! Di niya rin alam na may allergy ako sa seafood dahil nung time na inatake ako ay nasa ibang bansa siya nun. Isa pa,alam niyang nandidiri ako sa hipon kaya akala niya ay nagpapalusot lang ako. "W-Wala!",ang sabi ko kaya napabuntong-hininga na lang ako. Badtrip! Lord kayo na po ang bahala sa akin. Agad kinuha ni Aichi ang seafood pasta at dinala sa table namin yung mga pagkain. "Oh Eu? Nagkabati na ba kayo ni Akemi?" ang tanong ko habang kumakain ng strawberry shortcake. "Problema ko yun ngayon. Nagagalit pa rin siya sa akin ngayon lalo na't sa m******s ko daw siya binato. Eh yung mokong na binagsakan ni Akemi nagpasalamat sa akin kasi nakakita daw ng heaven," ang sabi niya. Napansin ni Akako na hindi ko ginagalaw ang seafood pasta. Please baka may gusto pa sa inyo kumain? Kunin niyo na po ang pasta! "Oi tama na yan. Asia kainin mo na yang seafood pasta mo. Di na masarap ang lasa niyang pasta mo kapag di mo kinain yan," ang sabi ni Akako. "Oo nga. Gusto mo lagyan mo ng Bagoong para masarap," ang sabi ni Jin. Napangiwi naman ako nang marinig ko ang salitang bagoong. Bakit naman kasi nabuo pa ang mga pagkaing ito? Kakaiba naman kasi ang pagkain at ang food taste ng mga tao dito. "Ano? Di ba ang parang weird nun?" ang sigaw ko. Langya. Parang gusto ko na lang magteleport sa mundo ng mga Hamstrung at magtago mula sa mga ito. "Kaya ka nagkakasakit kasi di ka kumakain ng seafoods eh," ang sabi ni Eu. Sinamaan ko naman nang tingin si Eu pero di siya nagpatinag at kinuha niya ang seafood pasta sa mesa at inilapit ito ni Eu sa aking pagmumukha. Lumayo ako sa kanya at tumabi ako kay Aichi. "Asia. Open your mouth! Say ah!" ang sabi ni Aichi. "Wait! Ayoko!" ang sigaw ko. "Asia. Eat that. Or else you want me to put that in your mouth?" ang sabi ni Aichi. Lumamig ang paligid at nakita ko ang pagyelo ng sahig. Ang gusto ko lang naman ay tahimik na tanghalian. Gusto ko lang naman kumain ng matiwasay. Pero kung kapalit naman ito ang aking buhay ay teka bakit naman ako hinayaan mabuhay? Last lunch ko na ba ito? Napatingin naman ako sa aking mga kaibigan. Kaya naman napabuntung-hininga na lang ako. "Okay. Fine," ang sabi ko. Diyos ko po! Wag naman sana ako bumagsak sa clinic. Napansin ko ang pagbalik ng temperatura sa normal. Napalingon naman ako sa pasta na may malaking hipon sa ibabaw. Nakikita ko pa ang orange na balat nito at ang nguso nitong napaatulis. Pakiramdam ko tuloy ay ipinagdarasal nito ang kaluluwa ko patungong kabilang buhay. Nakita kong kong kumuha ng tinidor si Europe at Aichi. "Hay naku! Ang bagal mo!", ang sabi ni Eu at ni Aichi sabay subo sa akin ng pasta. Napatayo ako sa kinauupuan ko. Nginuya ko ang kanilang sinubong pasta. Langya! Mukhang hindi ako sa allergy mamamatay kundi sa pagsubo nang dalawang ito. Agad kong nilunok ang pasta. At patuloy kong hinabol ang aking hininga. Nakikita ko na ang mga pantal sa aking katawan. Naramdaman ko ang pagsikip ng daluyan ng aking hangin. Napahawak ako sa aking leeg. "Guys! Pahinging tubig!",ang sabi ko. Nakita ko ang paglapit ni Europe. Hinawakan niya ang aking balikat at inalog-alog ang aking katawan. "Asia? Ano bang nangyayari sa'yo?",ang sigaw ni Eu. "Asia. Here!",ang sabi ni Sakura at iniabot sa akin yung baso kaso nabitawan ko iyon. "Guys. D-Di ako makahinga,"ang sabi ko. Naramdaman ko na nawalan ako ng balanse kaya naman sinalo ako ni Europe. Naramdaman ko na ang pagbigat ng aking pakiramdam at doon na nagsimulang dumilim ang paligid ko. Aichi Tinapik ni Europe ang pisngi ni Asia pero wala pa rin siyang response. Nagulat ako nang marinig ko ang sunod na sinabi ni Europe. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa aking kinatatayuan. "Hey! Asia! Asia! Huwag kang mamamatay!" ang sigaw ni Europe. Parang nagflashback sa isip ko ang nakaraan kung saan namatay si Akari. Ang nakaraang ayaw ko nang balikan pa. Tumulo ang luha ko nang maalala ko na naman ang nakaraan. Agad kong binuhat si Asia at tumingin kay Europe. "Dalhin na natin siya sa Medical department!" ang sigaw ni Europe. "Pero nasa West Wing ang Medical department!" ang nagpapanic na sabi ni Sakura. Kumapit naman sa balikat ko si Europe. Mukhang magteteleport na naman kami sa kung saan. "Hold on tight! Pupunta tayo sa clinic!" ang sigaw ni Europe. Parang hinatak ng chikara ni Europe ng aking mga bituka. Pero wala akong panahon para sa kahinaan kong ito dahil ang nais ko sa ngayon ay ang maisalba ang buhay ni Asia sa lalong madaling panahon! Wala na akong pake kung siya man si Akari o hindi! Lumitaw kami sa harap ng Medical Department! Hinahabol namin ang aming mga hininga dahil sa tindi ng teleportation. Tumakbo kami papasok ng Medical Department. Since si Europe ang nangunguna nakita namin na naka-lock sa ngayon ang kwarto ni Dr. Yuki dahil sa lunch break ang mga ito sa kasalukuyan.. Sinipa ko yung pinto at halatang nagulat si Dr. Yuki at ang intern na si Reina. Nakikita ko ang pamumula ng mukha ni Asia. Pasensya na po sa mga magagalit na mga construction elves! "Whoa! Guys! Anong meron?" ang tanong ni Reina. "Nawalan siya ng malay after niyang kumain ng seafood," ang paliwanag ni Europe. Sana naniwala na lang kami sa sinabi ni Asia kanina na may allergy siya sa seafood. Kaya ko lang naman nagawa iyon ay nais kon makumpirma kung siya si Akari lalo na't may allergy rin si Akari sa seafood at bagoong. ''Mukhang nagkaroon siya ng anaphylactic shock," ang sabi ni Dr. Yuki. Kinuha naman sa akin ni Dr. Yuki si Asia at inihiga sa hospital bed. "Guys! Labas muna kayo!",ang sigaw ni Reina at itinulak kami palabas. Nang makarating kami sa labas ay binato ko ng ice blades si Europe pero agad siyang gumawa ng psychic shield. "Bakit di mo sinabi sa akin na may allergy siya sa seafoods?" ang sigaw ko kay Europe. "Ano? Hoy bakit ako ang sinisisi mo eh ako nga na kakambal niya walang alam na allergy siya sa seafoods eh!" ang sigaw niya sa akin. "Kasalanan mo 'to eh! Eh di ba magkasama kayo sa bahay bakit di mo alam na may allergy ang kakambal mo?" ang sigaw ko. "Anong kasalanan ko? Eh ikaw nga ang laki laki nga ng isinubo mo sa kanya! Kaya kasalanan mo!" ang sigaw niya sa akin. Pero bago man siya makasagot ay pareho kaming umaray nang may kung anong matigas ang tumama sa ulo namin. "Kasalanan niyo pareho!" ang sigaw ni Akemi at Sakura. "Ano bang problema niyo?" ang sigaw namin ni Tanda. "Anong problema namin?! Kayong dalawa! Kung hindi niyo sana ipinilit yang lintik na seafood pasta na yan di sana mangyayari 'to?" ang sigaw ni Akako. "Wow! Just in Wow! Eh kayo nga tinakot niyo si Asia kaya napilitan eh!" ang sigaw ni Europe. "Anong kami? Si Aichi kaya ang nanakot!" ang sigaw ni Jin. "Guys! Ano ba? Tapos na ba kayong magsigawan? Magigising yung pasyente namin ng wala sa oras!" ang sigaw ni Reina na kalalabas lang ng clinic. "Buti. Nagawan namin ng paraan. Kung hindi mapupunta siya sa coma. Hay pambihira! Libre niyo akong seafood ramen! Nabitin ako sa kinakain ko kanina ng sipain niyo ang pinto!" ang sigaw ni Dr. Yuki. "Ayaw namin!" ang sigaw namin. "Hay naku! Ang ingay niyo!" ang sigaw ni Reina. "You'd better go back to your dormitories. Kami na ang bahala sa kanya," ang sabi ni Dr. Yuki na halatang pinagpawisan. "Babantayan ko na lang si Asia," ang sabi ni Europe. "Magbabantay rin ako kay Asia," ang sabi ko. "Nope. None of you. Katulad nga ng sinabi ko. Ako na ang bahala kay Asia. At isa pa, Aichi may assignment ka kay Sir Crimson," ang sabi sa akin ni Reina. Para akong nabagsakan ng sampung hollow blocks sa kanyang sinabi. Paano ba nalaman ni Reina? Pwera na lang kung dumaan ang matandang hukluban na iyon? "Paano mo nalaman ang tungkol dun?" ang tanong ko. "Ahh. Yun ba? Dumaan siya sa akin kanina. Kapag tumambay ka daw sa clinic wag daw kitang payagan kasi baka di ka daw pumasok sa subject niya bukas ," ang paliwanag ni Reina. "Teka bakit ako nadamay?" ang tanong naman ni Europe. "Kasi naman, kay bago-bago mo pa lang dito sa academy eh aabsent ka na agad!" ang sabi ni Akemi. "As if I care! Kapatid ko yung nandun!" ang sigaw ni Europe. "Pwede ba manahimik nga kayo! Tanghaling tapat nambubulabog kayo! Eh kung wag kayong magsigawan! Ang iinit ng mga dugo niyo! Eh samantalang malapit ng magpasko! Dapat nga malamig eh ang kaso dahil sa lintek na sigawan niyo magigising yung iba naming pasyente kaya nakakapag-init ng bait! Kaya utang na loob oh manahimik kayo!" ang sigaw ni Reina. "Ok. Fine. Pero bibisitahin—!"naputol yung sasabihin ko ng magsalita siya ulit. "Layas! Mamaya niyo muna siya bisitahin! Alam kong kapag ipinagpabukas niyo ang pagbisita ay wawasakin niyo na naman ang pinto!" ang sigaw ni Reina. "Oi kalma! Lalabas na yung litid mo eh,"ang sabi ko. "Let's go guys! Mamaya na lang natin bisitahin si Asia. Isa pa baka maalis yung vocal chords ni Reina kasisigaw," ang sabi ni Heiji. "Okey then," ang sabi namin at naglakad paalis. Lilingon pa sana ako nang sumigaw si Reina. '' Huwag kang lumingon dito Hamilton! Or else isusumbong kita kay Sir Crimson! Magpakatino ka na sa buhay mo! Utang na loob! Huwag mo nang dagdagan ang trabaho ng construction elves! Aawayin na naman kami ng mga iyon kapag nalaman nilang nasira niyo ang pinamamahal nilang pinto!'' ang paalala ni Reina. Natawa na lang kami sa kanyang sinabi. Ang lakas talaga ng trip ni Reina. "Get well soon,Asia. Nope,My Future Queen," ang sabi ko at saka naglakad paalis ng Medical Department. I really miss her. I hope she'll regain her memories.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD