Asia
Nagpunta na kami sa locker room at nagsimulang magbihis. Gaya nga nang nabanggit namin kanina P.E. ang sunod naming subject. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang P.E. uniform ko.
"Hay. Sure ba kayong P.E. itong gagawin natin? Bakit tayo nakaleather uniform? Isa pa saan kayo nakakita ng P.E. na nakapalda?" ang sigaw ko habang pinagmamasdan ko ang P.E. uniform na susuotin namin.
Long sleeve na black tapos nakapalda na two and one-half inches above the knee ang haba kaya nga nakacycling ako then nakaboots kaming mga babae. Feeling ko di P.E. ang gagawin namin. Feeling ko ay magsasayaw kami ng kung ano dito.
"Hayaan mo na cute naman eh!" ang sabi ni Sakura.
Teka nag-iisip ba siya? Naisip niya bang maaari kaming masilipan sa uniform naming ito? Binilisan ko ang pagbibihis dahil baka mas malupit pa kay Sir Mitsui ang sunod naming professor. Mahirap na, baka pagpasok palang namin ay paliparin kami nito palabas ng training grounds.
"Asia let's go!" ang sigaw ni Sakura.
"Sige papunta na jan!" ang sigaw ko.
"Asia hurry up!" ang sigaw ni Akako.
"Oo susunod na ako jan!" ang sigaw ko.
Agad kong inilock yung Locker ko at saka lumabas na ng locker room. Pagkaabas ko ay bumungad agad ang mukha ng impaktita. Ano na naman kayang kalangan nang isang 'to?
"Ahm. Asia? Can I talk to you?" ang sabi ni Frith.
Nakutuban ko na parang may mali. Kanina bruhilda ngayon naman ay ang lakas ng loob para magmukhang anghel.
"What do you want?" ang tanong ko.
"I just want to say sorry," ang sabi niya.
May nararamdaman akong pagbabalat kayo sa kanyang kilos. Gusto niya ng laro, pwes makikipaglaro ako sa kanya. Nagkamali siya ng niloko. Kahit kelan talaga oh! Ang mundo di mawawalan ng PLASTIC.
"Ok then. Sabay na tayo," ang sabi ko.
Agad kaming nagpunta ng arena. Natulala sila sa amin at based na rin sa mga reaksyon nila mukhang napagbuksan kami ng langit at lupa. If you know what I mean.
"Sakura, pakisampal nga?" ang sabi ni Shin pero upper cut ang binigay ni Sakura kay Shin.
I feel pity for him. Hinimas ni Shin ang kanyang mukha dahil sa tindi ng suntok ni Sakura.
"O ayan gising ka na?" ang sabi ni Sakura.
"Aray naman! Ang sabi ko sampal di ko sinabing upper cut!" ang sigaw ni Shin.
Lumapit sa akin si Sakura at saka sinipat-sipat ang aking noo. Tiningnan niya rin ang aking pulso na siya namang ipinagtataka ko. Ngumiti ako kay Sakura upang hindi na siya mag-alala pa.
"Asia may lagnat ka ba?" ang tanong ni Sakura sabay hila niya sa akin palapit sa kanya.
Tiningnan niya yung temperature ko gamit yung dala niyang thermometer gun. Malamang siguro ay hindi niya pa nakukuha na nakikipaglaro ako kay Frith. Nagtaka pa nga ako at may dala siyang thermometer gun. Teka saan niya ba nakuha ito?
"Wait. Where did you get this thermometer?" ang tanong ko.
"Secret. Mukha ka naman palang walang lagnat 35.4 degrees Celcius ka lang naman eh.",ang sabi niya at saka hinagis kay Shin ang thermometer gun na hawak niya.
Agad naman iyong sinalo ni Shin at namumutla pa si Shin habang hawak niya ang thermometer. Nagcross arms pa si Frith habang pinagmamasdan kami ni Sakura. Huwag niya akong mataray tarayan kung ayaw niyang ibalibag ko siya pabalik ng Terra! Tinaasan kami ni Frith ng kilay at huminga siya nang malalim bago siya nagsalita.
"Parang pinapalabas niyo na hindi ako mabait ah?" ang sabi ni Frith.
But I accidentally read her mind. Tsk. Sinasabi ko na nga ba, hunyango ang babaeng 'to.
"Hoy! Asia maniwala ka sa akin. Sana lang handa kang mamatay sa mangyayari sa'yo mamaya. Hahahahaha!" ang sabi ni Frith sa kanyang isipan.
Lumapit ako kay Sakura. Hindi ko talaga gusto ang ugali ni Frith. Ipagdarasal ko na lang ang kanyang kaluluwa sa kanyang mga gagawing kasalanan. Basta bahala siyang mapahiya.
"Psh. Ang plastic niya," ang bulong ko kay Sakura.
"As usual, yung huli ngang kumalaban sa kanya di pa din nagigising hanggang ngayon,"ang bulong ni Jin.
"Balita ko nabulag rin daw ang isang mata ng isang yun.",ang dagdag pa ni Sakura.
"So I have to play with her seriously.",ang sabi ko.
Naantala ang pag-uusap namin nang marinig namin ang pagbukas ng pinto at nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng dark blue na leather combat uniform.
"Princess Hikari? At last,your back!" ang sabi ng isang gwapong nilalang sa harap ko at saka niyakap ako nang napakahigpit.
Shoot! Bakit di nawawalan ng gwapo ang academy na 'to? Napaturo naman ako sa sarili ko. Nagulat ako sa kanyang ginawa. Naamoy ko ang lavander scent na nagmumula sa kanyang scarf.
"Ah,wait. I'm not Princess Hikari," ang sabi ko.
Bakit ba napagkakamalan akong ibang tao? I look at them at pansin kong may mga itinatago sila. Ayokong i-invade ang mga privacy nila. Wala akong karapatang silipin iyon.
"Ah. Well. I'm sorry. Kamukha mo kasi siya," ang sabi ng lalaking kararating lang.
He clears his throat and his calm expression turn into serious one. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.
"Ah. Ok then," ang sabi ko at dumistansya ako ng ilang hakbang dahil pakiramdam ko ay napaka-awkward ng sitwasyon rito.
"By the way, I'm Xerxes Elric. Your P.E. and Combat professor," ang pagpapakilala niya.
"Okay. Nice to meet you sir," ang sabi ko.
Naglakad-lakad siya habang nasa kanyang likuran ang kanyang mga kamay. Nakaramdam ako ng kakaibang tensyon mula sa mga kaklase namin. Mukhang hindi ito ang tamang oras para maglaro.
"By the way, I'm going to teach you, how to defend yourselves sa mga kalaban niyo. Sa araw na ito dapat kayong makagawa ng combo. It's either mano-mano o kaya i-cocombine niyo yung abilities niyo sa mga weapons na napili niyo. By the way, kasama niyong magprapractice ang mga taga-Knight Section," ang sabi ni Sir Xerxes at isa-isang pumasok ang mga estudyante.
Pumasok sa arena ang buong Knight Section. Base sa kanilang mga mukha ay tila gusto na nitong sumabak sa laban. Nakita ko si Akemi na tila gusto nang patayin sa tingin ang kakambal kong si Eu.
"Now, select your weapons," ang sabi ni Sir.
Lumapit kami sa mesa kung saan nakalatag ang mga weapon. Agad kong kinuha ang katana. I unsheath the katana at nakita ko ang aking reflection doon. I remember my former self. Walang kahinaan. Pero simula ng mangyari yung kay King, doon na ako nagsimula magkaroon ng pagdududa sa aking sarili. Hinigpitan ko ang kapit sa katana. Ito na ang simula ng pagbabago.
Napatingin ako kay Europe na kanina pa akong sinusundot sa aking tagiliran. Sinamaan ko siya nang tingin kaya naman tumigil siya sa pagsundot sa aking tagiliran. Nang mapikon na si Eu sa hindi ko pagpansin sa kanya ay sumigaw si Eu.
"Hey Asia! HEY RIN!" ang sigaw ni Eu.
"Anong problema mo, Europe?" ang sigaw ko sa kanya.
Umakbay sa akin si Europe at nakita ko ang ngisi sa kanyang mga labi. Ngayon ko na lang ulit nakita ang gising iyon. Inihanda niya ang kanyang lance at nakita ko ang mga seryosong mukha ng mga estudyanteng nabibilang sa Knight section.
"It's looks like we need to return as Royal Continents of Midnight Monarchy," ang sabi niya habang nakangisi.
"Just make sure walang dugong dadanak dito just like what we did before," ang sabi ko.
"Oo naman," ang sabi ni Eu.
May tiwala namanako sa salita ni Eu. Pumalakpak naman si Sir Xerxes kaya naman nakuha niya ang aming atensyon.
"Simple lang naman ang rules. You need to fight them as long as you can. Bawal patayin ang kaklase ninyo," ang sabi ni Sir.
"Asia be ready," ang sabi ni Eu.
"Asia galingan natin huh?",ang sabi ni Sakura habang hawak ang whip.
"Okay," ang sabi ko.
"You may start! NOW!" ang sigaw ni Sir at hinpan niya ang kanyang pito.
Tumakbo ako ng mabilis at pinuntirya ang vital area ng mga kalaban ko. Pero agad siyang tumalon palayo. Nakita ko ang mga kalaban ko na nakikipaglaban ng sabay-sabay kina Aichi.
"What a weak! Hindi niya sinusugatan ang mga kalaban niya," ang sabi ng isang kalaban ko.
"We are not weak. We decide first before we move. Oh I think you're the weak because you can't think properly," ang pang-iinsulto ko sa kanya.
At nilipat ko yung energy sa katana na hawak ko. Sinugod niya ako pero hinarangan ko siya ng katana. Nagpatuloy sa pag-atake hanggang sa makarating ako sa isang sulok.
"Cornering your opponent? What a pity!" ang sabi ko sa kanya.
Ngumisi siya at nakita ko ang pink na energy sa kanyang mace. Isang uri ito ng staff na may spike at ginagamit ito noon upang ipangwasak ng mga armor.
"Huh? Nasasabi mo yan kahit na-corner na kita?" ang sabi ng babaeng kalaban ko.
"Mukhang kulang ka pa sa practice," ang sabi ko at saka ngumisi ako.
Attacking from th corner is my forte. Kinuha ko yung sheath nung katana at hinagis ko iyon sa tiyan niya. Tumama ang dulo ng kaluban sa kanyang tiyan at iyon ang dahilan para sumuka ng dugo ang kalaban ko. Pinuntirya ko rin yung kanyang balikat para hindi siya makakilos. Agad ko siyang tinulak at ang ending ay tumalsik siya sa bleachers.
Europe
Napalingon ako sa pinagmulan ng pagsabog. Nakita ko ang usok sa may bleachers. Nakita ko ang pagbalik ng sheath ng kanyang katana sa kanyang mga kamay. So she's reclaiming her title as the Queen of Katana.
"Aww. Hanggang ngayon ba naman wala pa rin siyang patawad?" ang sabi ko.
Nakita ko na nagsimula na sa pakikipaglaban pa yung iba. Mukhang hindi Training grounds ang arena kung hindi isang matinding battlefield. Inaantok na ako dahil puro hangin lang ang alam ng kalaban ko.
"Hoy! Tumingin ka sa kalaban mo!" ang sabi nung hambog kong kalaban.
"Eh di titingin," ang sabi ko at inilapag ko ang aking lance sa sahig.
Umupo ako sa sahig dahil hindi ko inakalang napakahambog nang makakalaban ko. Wala man lang ka-thrill -thrill ang isang ito.
"Ang yabang mo!" ang sigaw niya at umatake sa siya sa akin.
Tutal hindi ako natutuwa sa kalaban ko ay naisip ko na lang na asarin si Frith sa pamamagitan ng paggaya sa boses niya.
"Ganyan ba ang tamang paggalang sa isang royalty?" ang sabi ko kaya naman napahaglpak si Asia ng tawa.
Napahawak si Asia sa kanyang tiyan katatawa dahil gayang-gaya ko pati ang pagpiyok ng boses ni Frith. Sinamaan naman ako ng tingin ni Frith at patuloy siyang nakikipaglaban sa mga taga-Knight section.
"Pwede bang magtigil ka, Europe!" ang sigaw ni Frith.
Tumayo na ako at saka tumingin sa kalaban ko. Tatapusin ko na ang pakikipaglaro sa kaniya. Isa pa baka ibagsak ako ni Sir Xerxes kapag hinayaan ko na lang na talunin ako ng isang ito.
"Kung sabagay," ang sabi ko.
Umatake siya gamit ang ball and chain na hawak niya. Iwas lang ako ng iwas sa bawat atake niya dahil hindi ko talaga trip kalabanin ang isang ito. Nang mapagod na ako ka-iiwas isinangga ko muna yung lance ko at saka humikab.
"Akala ko exciting kang kalaban. Yun pala puro ka lang iwas!" ang sabi niya.
Pag ito napikon, yari 'to sa akin. Ngumiti ako at sumenyas ako ng thumbs up to thumbs down. Hindi ako natutuwa sa hambog na ito. Kaya naman ibabalik ko sa kanya ang kanyang sinabi kanina. Ready na po akong mang-inis ng tao.
"Akala ko rin exciting kang kalaban yun pala puro sablay yung atake mo," ang sabi ko.
"Anong sinabi mo?" ang sigaw niya.
"Ang ayoko sa lahat ay yung paulit-ulit," ang sabi ko.
Nagteleport sa likod niya at natatawa ako sa reaksyon niya na tila isang siraulong naghahanap sa kawalan. Bumulong ako sa kanyang tenga at tila naestatwa siya sa kanyang pwesto.
"Aren't you ashame? Tumanggap ka ng suhol para pagtangkaan ang buhay ng kakambal ko? At alam mo ang nakakatawa? Tumanggap ka ng suhol na alam mo naman ang kapalit ay hindi kaya ng abilidad mo? Tandaan mo kapag may nangyari sa kakambal ko, sisiguradin kong dugo mo lang ang walang latay," ang bulong ko sa kanya.
Nagteleport ako sa kanyang harapan at bago pa man siya makapagreact ay hinampas ng dulo ng lance sa kanyang tagiliran. Sa sobrang lakas ng tama ng lance ay napasuka siya at nawalan ng malay. Agad namang dinala ng mga healer yung mga injury.
Nakakadiri naman. Nagkalat ang kanyang sinuka sa sahig. Pinunasan ko ang aking sarili gamit ang panyong nasa bulsa ko dahil pakiramdam ko ay kumapit sa uniform ko ang kanyang suka.
"Eu! Sa likod mo!" ang sigaw ni Asia.
Isasangga ko sana yung lance ko pero takte lang walang nagsabi na two on one pala ang labanan?! Paano ko nasabi? Yung isa ay pinipigilan ang aking lance gamit ang kanyang chain whip samantalang yung isa yung aatake sa akin gamit ang kanyang bow and arrow.
Agad akong nagteleport at sumulpot ako sa harap ng kalaban ko at ibinato sa kanya yung babaeng pumipigil sa akin na ipangsangga ko ang aking lance. Eh di ayun, nakakita ng heaven yung may hawak ng bow and arrow.
"Dude! Wag mo na akong pasalamatan! Token of appreciation ko yan para sa pagpapaexcite ng dugo kong sabik sa laban! Hahahaha!" ang sabi ko habang tumatawa.
Nagteleport akong muli at hinatak sa kanyang kwelyo ang lalaking may bow and arrow at ang babaeng may chain whip. Inihagis ko sila sa may bleachers kung saan naroon ang babaeng nakalaban ni Asia. Kawawang nilalang, hindi pa man nakakarecover sa atake ni Asia ay muli na namang makakatulog nang dahil sa akin.
"Whoa!" ang sigaw nung mga classmates namin.
"Whoa! Kalmahan mo lang Eu, babae yan!",ang sigaw ni Shin.
"I don't care. Gender equality pa rin, mga hangal!" ang sigaw ko.
Piningot naman ako ni Sakura kaya naman natahimik ako at namimilipit ako sa sakit.
"Wala man lang kayong galos? Nice one. At ikaw naman Europe, wala akong pake kung kabilang ka sa bloodline ng mga naniniwala sa gender equality, ang sa akin lang ay igalang mo ang mga babae or else baka mamatay kang single," ang sabi ni Sakura.
"Ah. Oo," ang nahihiya kong sabi at saka kumalas ako sa pagpingot ni Sakura.
Akmang babatukan ko si Sakura ang kaso ay sinamaan ako ng tingin ni Shin kaya naman di ko na lang tinuloy.
Napalingon kami nang pumito si Sir Xerxes. Iyon na ang hudyat na tapos na ang ang training para sa araw na iyon.
"A great start for a beginner! All of you! You can take your lunch.Now class dismissed," ang sabi ni Sir at umalis na.
Lalabas na sana ako nang makatanggap ako ng isang malutong na sampal mula sa babaeng inihagis ko kanina. Aray! Napakalutong ng sampal ng babaeng 'to! Napahawak naman ako sa aking pisngi dahil ramdam ko pa yung init ng pagkakasampal niya. Napansin ko ang pamumula ng kanyang pisngi.
"Hoy! Loko ka ah! Bakit mo ako binato sa lalaking 'to?" ang sigaw nung babaeng ibinato ko kanina.
"Bakit nagustuhan mo rin naman eh?" ang pang-aasar ko.
"Ano ba Akemi tama na!",ang sigaw nung lalaki na nakakita ng heaven.
Nanlaki ang mata ko nang malaman kong si Akemi ang babaeng kaharap ko ngayon. Ibang-iba ang kanyang hitsura ngayon kumpara sa nakaraan niyang ayos. Mula sa naka-bun at may suot siyang salamin ay mukha itong masungit. Naka-waterfall braid siya ngayon at wala siyang suot na salamin.
"Weh? Ikaw pala yan Akemi? Pero in fairness huh mas bagay sa'yo yang ganyan mong ayos," ang sabi ko.
"W-Wag mo nga akong bolahin!" ang sigaw ni Akemi.
Lumapit si Asia at napansin ko ang kanyang pagngisi.
"Are you blushing? I can't distinguish if namumula ka dahil sa galit o namumula ka dahil sa sinabi ni Eu. So which one?" ang pang-aasar ni Asia.
"O-Of c-course not!" ang sigaw niya.
"Hahahahahahaha Of course you do!" ang pang-aasar ko at agad akong nagteleport sa likod ni Asia.
"Let's go! Gutom na ako!" ang sabi ni Asia.
"Let's go to Cafeteria. Libre ko kayo!" ang sabi ni Tanda.
Napansin ko na wala rin siyang galos. Malakas pala talaga si Tanda. Sumama na rin ako sa kanila tutal gutom na ako.
Frith
Nandito ako ngayon sa locker at nanggagalaiti ako ngayon nang dahil sa galit! Ang kambal na yun, ang lakas naman ng loob nilang inisin ako!
"Kainis!" ang sigaw ko at napahampas ako sa locker ko.
Nakaluhod ngayon yung tatlong estudyanteng binayaran ko.
"Mahal na Prinsesa! Patawad! Di naman namin alam na sobra pala nilang lakas!" ang sabi nung babaeng umatake kay Asia.
"Di ko rin naman inexpect na gagamitin rin nung Europe yung kahinaan ko," ang sabi nung lalaking ipinatapat ko kay Europe.
"Hay! Mga wala kayong silbi! Lumayas na kayo sa harapan ko!" ang sigaw ko.
Pagbabayaran nila ito!