Asia
First day namin ngayon ni Eu sa College dito. Yeah. We're in college. Nalaman ko na nahahati sa tatlo na section ang college. Una, ang Royalty section, Pangalawa, ang Knight section at ang huli ay ang Support section.
Hindi ko alam kung bakit ganun na lang si Headmaster este si Kuya Satsuki. Pala-isipan pa rin sa akin ang kanilang mga kilos. Sa ngayon, ay nandito ako sa aking kwarto sa Girl's dormitory. Sa totoo, lang ay hindi ko inakalang napakalaki nito para sa akin at sobrang lambot ng kama rito. Nagbago ang hitsura nito nang hawakan ko ang door knob nito. Mula sa pagiging plain white ay naging rainbow galaxy ang kulay nito.
It's six-thirty am at pakiramdam ko ay parang hindi ako nanggaling sa puyatan. I slept one-thirty AM and woke up six-fifteen AM.
"Hindi talaga ako sanay na tinatawag siya na Kuya," ang sabi ko at napabuntung-hininga na lang ako.
Agad akong naligo para makapasok sa klase. Di ko alam kung matatawag na dormitoryo ito dahil may walk-in closet sila dito. From hats to shoes at kahit mga designer bags ay narito. Pagpasok ko sa bathroom ay bumungad sa akin ang iba't ibang scent ng bath bombs, liquid soap at saka shampoo. Napansin ko ang blueberry scent na bath bomb, shampoo at liquid soap kaya naman agad ko iyong pinagkukuha.
Nagsimula na akong magshower. Pakiramdam ko ay para akong nasa bahay. Ganito rin kasi yung scent na binibili ni Mom noong nabubuhay pa siya. Di ko nga alam kung anng meron sa scent na ito at napakahilig ko pa rin dito.
Napatitig naman ako sa dibdib ko. Nakita ko ang maliit na peklat na hindi ko gusto. Pero ang sabi ni Mom dahil daw yun sa operasyon ko sa puso nung bata pa ako. Di ko nga alam na nagkasakit ako sa puso ko noon. Pero may isang panaginip ako noon na parang totoong-totoo. May isang lalaking naka-puting cloak at hawak nito ang isang espada na may itim at puti. Ang espadang iyon ay dapat itatarak niya sa lalaking kamukha ni Aichi ngunit humarang ang isang babae. At ang babaeng iyon ay kamukha ko. Pero baka yun ang nakaraang buhay ko at isa lamang akong reincarnation?
Napailing na lang ako. So anong gusto mong palabasin Asia? Na soulmate mo si Aichi? Huwag kang ambisyosa. Napalingon na lang ako sa dibdib ko at sa pangalawang pagkakataon ay napabuntung-hininga.
"Hay naku. Sana hindi na lang ako nagkasakit noon," ang sabi ko.
Agad akong nagbutones ng aking white long sleeve at saka sinuot ang black vest ko. Kinuha ko ang aking coat na black na may white linings. May crest ito sa left side ng coat . Araw at buwan na magkayap at may koronang bituin. At ang kulay nun, ginto lahat. Sabi nila ang gold ang sinisimbolo ng royalty, silver naman sa knight at bronze naman sa support.
Itinali ko ang aking ribbon na kulay itim. Itinali ko ang aking buhok at kinuha ko ang bag ko. Nagtungo ako sa kusina upang kunin ang niluto kong bacon,egg, at clubhouse sandwich. Nagulat ako nang makita kong nakaupo sa couch si Eu.
"Asia! Hurry up! Malelate na tayo!" ang sigaw ni Eu.
"Hey! Paano ka nakalusot sa dorm ko?! Di ba bawal ka rito?" ang sigaw ko.
Nagulat ako nang biglang pumasok si Akemi mula sa bintana. Walang kamalay-malay ang kapatid ko sa nangyayari kaya sinenyasan ko pero patuloy pa rin siya sa pagdada. Hanggang sa nasabi niya ang pinagbabawal na salita. Ang laitin ang isang babae.
"Just hurry up! Baka ako maabutan ng babaeng gorilla! A-Aaahhhh! Aray! Akemi ano ba?" ang sigaw ni Eu.
"Di ba pinagbawalan kita na bawal kang pumunta rito? At sino ang tinutukoy mong babaeng gorilla ha?" ang sigaw ni Akemi.
Gusto ko sana silang panooring magtalo na para bang magkasintahan dahil parehas may toyo sa ulo yung dalawa. Ang kaso may hinahabol kaming oras kaya pinili ko na lang awatin yung dalawa.
"Tapos na ba kayong magtalo?" ang sigaw ko.
Napatigil naman yung dalawa sa pag-aaway kaya naman lumayo si Akemi. Inayos ni Akemi ang kanyang salamin at niluwagan ni Eu ang kanyang necktie.
"Ah. Oo?" ang sagot nung dalawa.
"Now let's go,"ang sabi ko.
Naglakad ako palabas ng kuwarto ko nang biglang napasigaw si Akemi.
"Oh shoot!" ang sigaw ni Akemi.
"What?" ang sabay na sabi namin ni Eu.
"Isang minuto na lang bago magsimula ang klase!",ang sigaw niya.
"Hold tight, Gorilla girl!" ang sigaw ni Eu.
Nagulat si Akemi nang biglang hawakan ni Eu ang kanyang braso.
"Wait? Bakit kailangan kong humawak sa'yo?" ang sigaw niya.
"Magteteleport tayo!" ang sigaw ni Eu.
"Alam mo ba kung saan?" ang sigaw ni Akemi.
"Of course alam ko! Tatawagin ba kaming Royal Continents kung di namin alam!" ang sigaw ni Eu.
Agad kaming nagteleport papuntang room. Pagdating namin sa room sumalubong agad sa amin ang nagtataasang kilay ng Professor namin. Tumakbo naman si Akemi palabas room dahil kabilang siya sa Knight section. I have a doubt na late ang orasan ni Akemi. Naglakad papunta sa amin ang Professor namin at umikot ito sa palibot namin.
"You're late about two minutes , thirty four seconds and zero point two milliseconds," ang sabi ng Professor namin habang nakatingin sa Pocket watch niya.
"We're so sorry," ang sabi namin.
"Next time bawal kayong ma-late, understood?" ang sabi niya.
"Yes Sir," ang sabi namin.
Gusto ko sanang magtaas ng kilay kaso huwag na lang dahil baka madagdagan ang sentensya namin.
"Since nasa Royalty section, dapat maging huwaran kayo ng ibang section. Dapat kumilos kayo as a royalty," ang sabi niya.
"Yes Sir," ang sabi ulit namin.
"Now introduce yourselves," ang sabi niya.
"I'm—," naputol ang sasabihin ko ng makita ko ang mga reaksyon ng mga classmates ko.
Karamihan sa kanila ay natulala. May ibang naiiyak na at yung iba ay parang napapatingin sa ibang direksyon wag lang nila kaming makita. May isa pa ngang sumuka kaya naman inalo siya ng kanyang katabi. Yung iba ay parang nangangatog pa sa takot. Ah ewan, mukha ba kaming patay?
"Ahm. May dumi ba sa mukha ko?" ang sabi ko.
Nagulat ako nang biglang sumigaw ang isang babae. Matangkad ito at balingkinitan ang katawan. Mala-porselana ang kutis ng kanyang balat. Aakalain mong naligo ito sa gatas dahil sa kaputian niya. Kulay lila ang kanyang mga mata na may mahahabang pilik. Tumakbo siya sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit. Nakita ko ang reaksyon nina Aichi na tila hindi natutuwa sa nangyayari.
"WAAAAAAAHHH! Classmate ka namin! Akari we miss you so much!" ang sabi nung babae.
Kumalas ako sa pagkakayap nung babae. Nakailang hakbang ako patalikod dahil never pa akong nayakap nang ibang tao maliban sa mga miyembro ng Midnight Monarch.
"W-Wait! Pasensya na. Nagkakamali ka. My name is not Akari. I'm Asia Rin Ashbell, "ang sabi ko.
Bigla siyang nalungkot at pinunasan niya ang kanyang nangingilid na mga luha.
"Ah. I'm sorry," ang sabi niya.
"Miss Williams go back to your proper seat," ang sabi ni Sir.
Sunod naman na nagpakilala si Eu. Halos napuno ng nakabibinging sigawan ang room kaya naman sinamaan sila ni Eu ng tingin. He hates noises.
"Hi I'm Europe Len Ashbell. Nice to meet you. Call me Eu or Len. If you call me in my whole first given name,you're dead," ang cold na sabi ni Eu.
Nagsigawan yung mga babae naming classmate pero agad din silang sinaway ni Sir. Tingnan mo nga 'tong mga babae dito. Parang wala lang yung nangyaring reaksyon nila nang makita nila ako. Napakabait kong nilalang tapos may susuka lang sa gilid kasi nakita nila ang pagmumukha ko? Tapos nung nag-introduce na si Eu, biglang titili? May mga sapak ba sila?
"By the way, I'm Sir Mitsui Crimson. And I am your professor in Defenses and Weaknesses Lecture. Since kadadating lang ninyong dalawa mukhang no choice ako kaya i-start ko sa simula yung lesson," ang sabi ni Sir.
Magsasalita na sana siya ng biglang umentrada ang isang tanong mula sa isang babae. Maikli ang kanyang luntiang buhok na umaabot hanggang balikat at magkaiba ang kulay ng kanyang mga mata. Rosas ang kulay ng kanyang mata sa kaliwa at kulay luntian naman ang kanan. Maputi ito at katamtaman lang kanyang pangangatawan.
"Wait lang bakit sila nandito? Di ba dapat nasa Knight section kayo? Kasi nakita ko na lahat ng royalty except sa inyong dalawa.",ang sabi ng isang babaeng kulay green ang buhok.
Sa totoo lang di rin namin alam kung bakit kami narito. We don't have our own kingdom. And we don't deserved this kind of treatment from Headmaster. Sasagot na sana ako nang biglang barahin ni Eu ang babaeng nagtanong
"Why don't you ask the headmaster? Nagtataka rin kami kung bakit kami nilagay rito," ang sabi ni Eu na siyang ikinainis ng babaeng kausap namin.
"Anong karapatan mong utusan ako? Hindi mo ba ako kilala? Ako ang prinsesa ng Terra Kingdom!"ang sigaw niya.
Patay. Ang ayaw pa naman ni Eu sa lahat ay yung mga spoiled brat. Kaya kaysa maimbyerna si Eu, ay sumagot na ako.
"As if I care. If you are a princess, you should know how to give respect to others. If you can't, your honor or status in the society is like a piece of trash," ang sabi ko.
Hinampas niya ang kanyang desk dahil sa pagkairita. Totoo ata kasabihang may bigla na lang kukulo ang dugo kahit wala ka pang ginagawa.
"Then sinasabi mo sa akin na hindi ako karapat-dapat na maging royalty? You're just a princess without your own kingdom!" ang sabi niya.
I blankly stared at her. Mukha kasing sinapul eh. Wala akong panahon makipag-away sa bitchesa.
"Hindi ako ang nagsabi niyan kung di ikaw," ang sabi ko.
Pero di ko inexpect na sasagot si Eu. Usually ay hindi siya nakikisali sa away ko. Mukhang ayaw niya ring i-tolerate ang ugali ng babaeg kausap namin.
"You know what, your beauty is for a royalty but your attitude it's for a trash. Maybe we are a royalty without our own kingdom but if you show your kindness and braveness for others ituturing ka nila na isang royalty. Alam mo libre ang magpaganda ng ugali kaya ayusin mo yan. At para naman sa tanong mo kanina didiretsuhin na kita hindi ka bagay sa posisyon mo dahil ang tunay na royalty hindi ipinagmamalaki ang posisyon niya bagkus nagpapakababa siya," ang sabi ni Eu.
Bakas sa mukha niya ang panggagalaiti. If only she could use a mirror this time, malamang ay makikita niya ang flushing sa kanyang mukha. Sobrang pula na kasi ng kanyang mukha dahil sa panggagalaiti sa amin.
"Aba't talagang!" ang sabi niya at hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin dahil sa panggagalaiti sa amin.
Sumingit na sa bangayan namin si Sir Mitsui. Halatang hindi siya natutuwa sa mainit na argumento sa pagitan namin at ng babaeng may luntiang buhok.
"Stop this non-sense childish war! Both of you, you may take you seats," ang sabi ni Sir.
Nag-apir kami ni Eu kaya ayun lalong nainis yung classmate namin. Umupo ako sa tabi ni Aichi samantalang si Eu ay katabi ang babaeng masungit. Patay mukhang papatayin ata ni Eu sa inis yung babae. Kilala ko si Eu, kaya niyang paiyakin or pag-walk-outin ang isang tao. Bago nagsimula si Sir Mitsui ay lumingon siya kay Aichi.
"Mr. Hamilton okay lang ba?" ang tanong ni Sir.
"I'm fine," ang sagot niya.
Ano kayang ididiscuss ni Sir? Masyado atang big deal ang topic na ito para kay Aichi?
"Two years ago, It was March 23. Noong mismong kaarawan ng Prinsesa ng Medius Regnum, pinatay si Princess Hikari Selene Moonlight,ang kasalukuyang Celestial Prodigy sa panahong iyon. Siya rin ang fiance ni Mr. Aichi Hamilton, dahil sa tradisyon ng Lockheart at Moonlight. Hanggang ngayon hindi pa rin nalalaman ang pagkakakilanlan ng pumatay sa kanya,"ang sabi ni Sir.
Fiancé?
Pinigilan kong lumandas ang luha ko sa aking mukha. Nakaramdam ako ng awa para kay Aichi. Imagine malapit na siyang ikasal sa babaeng mahal niya pero hindi nauloy dahil sa damuhong na pumaslang sa babaeng pinakamamahal niya.
"March 23? Sa mismong araw pang birthday niya? Sino nga ba si Princess Hikari? Bakit parang ang big deal niya sa akin? Tapos fiance rin siya ni Aichi? Pakiramdam ko sumisikip dibdib ko dahil sa nalaman kong may fiance si Aichi.",ang sabi ko sa utak ko.
"Jelly much?"ang pang-aasar sa akin ni Eu sa pamamagitan ng telepathy.
Anak ng tokwa? May telepathy ability na siya? At kailan pa?
"Shut up," ang sabi ko sa kanya gamit ang aking isipan.
Muli kong itinuon ang pakikinig kay Sir Mitsui at ipinagpatuloy naman ni sir ang kanyang pagdidiscuss.
"Sabi rin nila mabubuhay siya sa kasalukuyan ayon sa sulat niya. Yung sulat niya para sa kanyang minamahal na si Aichi ay may kasamang propesiya. Sinabi doon na magbabalik siya dahil may misyon pa siyang hindi nagagawa," ang sabi ni Sir Mitsui.
Kung ganun, babalik siya. Mabuti naman, para di ko na nakikita ang lungkot sa mga mata ni Aichi. Siguro maganda siya at mabait. Napalingon ako kay Eu dahil itinaas niya ang kanyang kamay upang magtanong. Binigyan naman siya ng permission ni Sir Mitsui upang magtanong.
"Sir hindi po ba namatay siya nung mismong birthday niya? Paano siya mabubuhay?" ang tanong ni Eu.
"Tungkol jan, sa Chikara Realm walang impossible. May spell dito na tinatawag na forbidden spells. Na-develop ang forbidden spell dahil kay Oblivion. Lalo na't more than six thousand years ago nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga Vampyr at Celestials," ang sabi ni Sir.
"Anong connect naman nun? Sir ang tinanong ko lang po ay paano mabubuhay si Princess Hikari hindi po ang history ng forbidden spell,",ang sabi ni Eu habang nakapoker face.
"Since magalang ka naman, ganito yan. Hanggang ngayon di pa rin namin alam ang totoo. Pero isa lang ang naiisip namin. Maaaring gumamit ang bumuhay sa kanya ng isa sa forbidden spell na tinatawag na revixisse," ang sabi ni Sir Mitsui.
"Revixisse?",ang sabay na sabi na namin kay Sir Mitsui.
"Kailangan ng matinding concentration para magawa ang spell na 'to. Ang kaso may kapalit ang spell na 'to,"ang sabi ni Sir Mitsui.
Napalingon naman ako nang biglang natumba ang upuan. Nagbago ang ekspresyon nang mukha ni Aichi at tila hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.
"Bakit parang di mo naman na-discuss ito?" ang tanong ni Aichi.
Magsasalita na sana si Sir Mitsui nang biglang nagring yung bell.
"I think that would be your assignment since tapos na ang period na 'to at bihira ka lang pumasok sa subject ko," ang sabi ni Sir kay Aichi at saka umalis ng room.
Nagsimula na akong ligpitin yung gamit ko. Lumapit naman yung babaeng yumakap sa akin kanina. Nahihiya pa nga siyang magsalita kaya namang nginitian ko siya.
"Ah. Ano. I'm Akako Williams. Pasensya na kanina huh. Akala ko kasi ikaw yung kaibigan ko," ang sbi niya habang nilalaro niya ang kanyang mga daliri.
"Kapatid ka ni Sir— este ni Kaito?",ang tanong ko.
"Yeah. Kapatid ko itong madaldal na ito,",ang sabi ni Kaito.
Sinamaan naman siya nang tingin ni Akako.
"Wow huh. Ipasalvage kaya kita kay Jin," ang sabi ni Akako.
"Bakit ko naririnig dito yung name ko?" ang sabi ni Jin.
"Ah. Wala," ang sabi ni Kaito at tinakpan ang bibig ni Akako.
"Hay naku. Oh be ready next na ang P. E.," ang sabi ni Sakura.
"Pero in fairness huh, nainis niyo yung pinsan kong si Frith," ang sabi ni Shin.
"Huh? Pinsan mo yung bruhildang yun?",ang sigaw ko.
"Yeah," ang sabi ni Shin.
Piningot naman ni Sakura ang tenga ni Shin. Kawawang Shin.
"Anong pinsan ka jan? Baka kakambal mo na kinaiinisan mo!" ang sigaw ni Sakura.
Napa-ismid na lang si Shin sa sinabi ni Sakura. Parang ikinahihiya niya na may kapatid siyang bruhilda ah.
"Tch. Wag mo na ngang ipaalala na may kapatid akong bruhilda," ang sabi ni Shin.
"Hindi ko nga expected na kapatid mo yun. Magkalayo yung ugali niyo eh," ang sabi ni Eu.
Napatingin ako sa aking relo. Malapit nang magsimula ang sunod na klase at sapat nang makaranas nang isang sermon mula sa isang professor para sa araw na ito.
"Tayo na sa next class!" ang sigaw namin at umalis na sa room.
Frith
Nabwisit ako sa kambal na yun! I'll make sure pagbabayarin ko sila sa ginawa nila sa akin. At ang bwisit kong kakambal ay hindi man lang ako nagawang ipagtanggol. Kaya naman sa pagkakataong ito ay gagawa na ako nang paraan upang mawala sa landas ko ang magkapatid na yun. Pumitik ako at lumabas ang talong estudyante na siyang galamay ko sa Knight section. Kinuha ko ang aking supot na naglalaman ng salapi.
"Oh. Eto. Make sure matuturuan niyo ng leksyon ang mga Ashbell na yun," ang sabi ko sa tatlong estudyante at binayaran ko sila ng tig-one thousand Chi.
"Masusunod po, Princess Frith," ang sabi nung inutusan ko.
Sapat na ang salaping iyon upang buhayin sila sa loob ng isang buwan kaya naman alam kong hindi nila ako bibiguin.
"Matitikman niyo, ang galit ng Terranian Princess! Hahahahaha!" ang sabi ko at dinurog ang hawak kong baso.