Chapter 4-The Academy

2654 Words
Asia Naglakad kami mula sa Delphinium field. Sumabay na sa amin si Sora, yung lalaking sumalo sa akin mula sa pagbulusok namin mula sa outer space. Samantala, nakatanggap naman ng sampal si Aichi mula kay Sakura kaya naman nagmamaktol pa ito hanggang ngayon. "Bakit ako nasampal nang matindi? Hindi ba nagkaisa kayo na ako ang gagawa ng portal?" ang sabi ng nagmamaktol na si Aichi habang hawak-hawak ang kanyang pisnging namumula. "Pinayagan ka namin na gumawa ng portal dahil akala ko ay matino ka na gumawa ng portal! Hindi ko naman akalaing itatapon mo kami sa kung saan!" ang pasinghal na sabi ni Sakura. Nang makarating kami sa tarangkahan ay bumungad ang isang kastilyo na napakalawak. Nakita ko ang pagngisi ni Aichi. Hindi ko maiwasang mamangha dahil totoong kastilyo ang nasa harapan namin ngayon! "Seryoso! School ba talaga 'to?"ang sigaw namin ni Europe. Sumingit naman ang isang babaeng naka-school uniform na itim. "Yeah. Asia. This the school for controlling abilities. The ability we called chikara. And this school, this our beloved Chikara Academy.Let me discuss you the following,"ang sabi ng isang babaeng nakasalamin. Ang cute niya. Brown ang kanyang mata, maputi at nasa 5'2" ang kanyang height. Mahaba ang kanyang buhok at nakatirintas ito na umaabot hanggang bewang. "Sasabihin ko sa inyo ang patakaran ng academy na ito. Kaya lalaking ubanin makinig ka di ko na 'to uulitin,"ang sabi ni Akemi. Halatang nagpantig ang tenga ni Europe sa sinabi ng babaeng nasa harapan namin. Potek. Alam ko na ang kahahantungan ng usapang ito. Mukhang ito na ang simula ng panibagong digmaan sa pagitan ng estudyanteng kausap namin at ni Eu. "Okay. At isa pa may pangalan ako. So there's no need to call me,'lalaking ubanin. Besides, puti rin ang buhok ni Asia kaya hindi lang ako ang dapat mong i-pin point. Then why don't you continue what you are doing here, Miss Flat-chested?" ang sabi ni Eu. Nagpantig rin ang tenga ng babaeng kaharap namin ngayon. Isinuot niya ang kanyang singsing. "Gusto mo ba ng away, Mr. Ashbell?"ang tanong ng babaeng kaharap ko. "Bring it on, Miss Flat Chested," ang sabi ni Europe. Pinalutang niya ang mga buhangin at pinagsama-sama iyon kaya naging isang lance ito. "Aphrodite: Activate!" ang sabi ni Akemi at naging isang battle gear ang singsing na suot niya. Naging staff ito at napansin kong may ilaw ito sa gilid ng staff. Nagsimulang magsagupaan yung dalawa. Makita ang friction sa kanilang mga sandata. Sumingit na ako sa kanilang laban dahil lalo lamang nilang masisira ang magandang view ng eskwelahan. "Cut out this childish war! Miss, please continue what you are saying. And Europe Len Asbell bumalik ka dito kung ayaw mong makaranas nang isang matinding German Suplex mula sa akin!" ang sabi ko. Tumalon pabalik si Europe. Sa hindi malamang dahilan ay napansin ko ang pagiging seryoso ni Akemi. "I am Akemi Earl. Please to meet you, Miss Asia Rin Ashbell, "ang sabi niya at nagbow pa siya sa akin. Hindi na nakapalag itong si Eu kaya naman isang pamatay na tingin ang ipinukol nung dalawa sa isa't isa. Di na ako magtataka kung balang-araw ay magkakatuluyan ang dalawang 'to. Ipinagpatuloy ni Akemi ang pagpapaliwanag. "Gaya ng sinasabi ko, may rules ang school na ito. Unang-una bawal niyong puntahan yung Punishment room lalo na't delikado dun. Pangalawa, matuto kayong gumalang sa kinauukulan.Pangatlo, hiwalay kayong dalawa ng dorm lalo na't bawal pumunta ang boys sa girls dormitory and girls sa boys dormitory. Pang-apat, bawal rin kayong makihalubilo sa mga royalties," ang sabi ni Akemi. "Bakit?",l ang tanong ko. "Dahil na rin siguro,sa sagabal ka sa mga tungkulin nila," ang sabi ni Akemi na siya ikinataas ng kilay ni Europe. "Ah okay. Sino ba ang mga royalties?" ang tanong ni Europe. Napabuntung-hininga si Akemi sa tanong ni Europe. Tinitigan niya ang mga kasama namin kaya naman medyo nagka-ideya ako kung sino. Nag-iba ang aura sa paligid nang biglang banggitin isa-isa ni Akemi ang pangalan ng nga kasama namin. "Si Kaito,si Sakura,si Shin, si Akio, si Jin,si Heiji at si-,"ang naputol ang sinabi ni Akemi. "Si Aichi," ang sabi ko na parang nalulungkot. Nagulat si Akemi nang banggitin ko ang pangalan nina Aichi. "Huh? Kilala niyo na ba sila?"ang taka niyang tanong. Napabuga ng hangin si Europe. Halatang naiinis ito sa tanong ni Akemi. Hindi ba obvious? "Yeah. Siya kasi ang gumawa ng portal papunta rito," ang sabi ni Eu. "Ano? Basta lumayo kayo sa kanila!"ang sigaw ni Akemi. "Ok," ang malumanay na sabi ko. Halatang iritado si Aichi sa inasta ni Akemi. Kung sabagay, sa inasta ni Akemi ay para kaming mga mikrobyong may dalang sakit. "Oh bakit ka sumisigaw, Akemi? Hindi mo ba napapansin na magkakasama kami? Do we really need to tell that we really exist?" ang sabi ni Aichi. "Prince Aichi," ang sabi ni Akemi at saka nagbow. Sinamaan kami ng tingin ni Akemi kaya naman nagbow rin kami. Halata ko ang pagkadismaya nila sa sinabi ni Akemi. Kung sabagay, sino nga bang hindi maiirita kung yung bagay na ayaw mong gawin ay pilit na pinapagawa sa'yo. "Huwag na kayong magbow. There's no need for formality," ang sabi ni Aichi. Nakita kong ngumiti si Aichi at isang larawan ang dumaan sa isipan ko. Napahawak ako sa ulo ko. Parang may kuryenteng kumudlit sa utak ko. Napaluhod ako sa lupa dahil may isang pangyayari na naman akong nakikita. Ang hindi ko maintindihan ay kung nagmula ito sa nakaraan o sa hinaharap. Nasa isang eskwelahan kami. Base sa disenyo nito ay hindi ito nagmula sa Chikara Realm bagkus ay sa mundo ng mga mortal. Duguan na ito ngunit makikita ang mga ngiti sa labi nito habang pinagmamasdan ang langit. Nagulat ako nang bigla akong tapikin ni Europe sa aking balikat. Iminulat ko ang aking mata pero ramdam ko pa rin ang pagsakit ng ulo ko. "Ui Asia. Okay ka lang ba?" ang tanong sa akin ni Eu. "Okay lang medyo kumirot lang yung ulo ko"ang sabi ko. "Ah. Okay. Mukhang kailangan mo munang magpahinga," ang sabi ni Eu. Lumapit naman si Aichi at bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. Huminga ako nang malalim upang maibsan ang sakit.  Hindi kami pwedeng mag-aksaya ng panahon, hindi sa pagkakataong ito. "May nangyari ba? May nakita ka ba?" ang tanong ni Aichi sa amin. "Medyo kumirot lang yung ulo ko. Wala lang yun. I always experience this kind of headache after that accident that make our memories lost.  Anyway, we need to proceed to next place," ang sabi ko. Tumayo ako at umiling ako baka sakaling mawala ang sakit ng ulo ko. Binuhat ako ni Aichi kaya naman parang tumalon yung puso ko sa gulat. Ano bang trip nang isang 'to?  Nakaramdam ako ng hiya dahil buhat-buhat lang naman ako ng isang prinsipe! "You need to rest. Kailangan na kitang dalhin sa dorm, A-Asia,"ang sabi ni Aichi at tumingin siya sa ibang direksyon. "No. I'm fine. We'll just continue what we're doing. And please ibaba mo na ako!" ang sabi ko. "Hey! I think tama si Tanda. Magpahinga ka na muna,"ang sabi ni Eu. "I said no. We're going. Isa pa, baka kapag nalingat ako saglit ay mapasabog mo na ang academy ng wala sa oras," ang sabi ko and I smile sweetly to hide the pain. "Okay then," ang sabi ni Eu at tiningnan niya naman ng masama si Aichi kaya naman wala siyang nagawa kung hindi ang ibaba ako. "Salamat," ang sabi ko at saka naglakad ako palayo. Aichi Namimiss na kita Akari. I wish you will regain your memories. Hindi na ako sumunod sa kanila at pinanood lang sila na maglakad palayo. Kailangan kong gawin ang bagay na matagal ko na dapat ginawa. "Aichi di ka ba susunod sa amin?" ang tanong ni Sakura. "Dadalawin ko lang si headmaster. May kailangan lang kaming pag-usapan," ang sabi ko at agad akong naglakad papalayo. Agad akong nagpunta ng Headmaster's Office. Pagkabukas ko nang pinto ay bumungad sa akin si Satsuki na umiinom ng kanyang paboritong tsaa. Pinapaalala daw kasi nito ang matatamis na ngiti ni Akari lalo na't isa ito sa madalas ihain noon ni Akari. Naibuga niya naman ang tsaang iniinom niya kaya naman sinamaan niya ako nang tingin. "What do you want? Bakit mo ako ginagambala, this time?" ang tanong ni Satsuki at saka pinunasan niya ang kanyang bibig gamit ang table napkin na nasa table tray niya. "Oi Satsuki. Pwede bang alisin mo na ang rule na bawal makihalubilo ang katulad namin na royalties sa kanya. Isa pa, royalty din naman siya ah. Yun nga lang, "ang iritado kong sabi. Gusto kong makasama si Akari. At ayokong palampasin ang pagkakataong ito. "Yeah, I know but I'm not the one who create this rule. It's Master Cleo,"ang sabi ni Satsuki  at napatingala siya sa kisame. "Ano? Bakit nakikialam ang Celestial Council dito? "ang sigaw ko. Napabuntung-hininga naman si Satsuki. Alam kong iritado rin ito sa batas ng Celestial Council. Di ko alam kung anong trip ni Master Cleo at bakit ganito ang ginawa niyang batas. "Since wala pa rin si Akari hindi niya babaguhin ang rule," ang sabi ni satsuki at muli siyang humigop ng tsaa. "Teka nagtataka ako paano nga ba mabubuhay si Akari sa hinaharap?" ang tanong ko. Inalis niya ang suot niyang salamin at tiningnan niya ako nang seryoso. "Isa lang ang naiisip ko, may gagamit sa kanya ng forbidden spell," ang sabi ni Satsuki. ''Forbidden spell?"ang tanging tanong na lumalabas sa bibig ko. Ang forbidden spell na ginawa noon ni King Oblivion. Ang spell na ginamit upang buhayin ang pinakamamahal niyang si Queen Aquamarine, ang unang celestial prodigy. Ngunit sa pagkakaalala ko ay hindi nagtagumpay ang spell na iyon.  Nabalot ng katahimikan ang silid at wala sa aming dalawa ang nagbalak basagin iyon. Maya-maya may kumatok sa pinto kaya naman napalingon kaming dalawa sa pinto. "Come in," ang sabi ni Satsuki. Nagtataka kayo kung nasaan na si Headmaster Yuri? After kasing ilibing si Akari, siya naman yung naglaho. Dalawang taon na ang nakakalpas. Nandito kaming lahat sa puntod ni Akari. Hindi ko inakalang sa dalawang tao kami magpapaalam. Napansin namin na nagliliwanag ang katawan ni Headmaster. "Aba't mukhang natapos na ang misyon ko,"ang sabi ni Headmaster at isang ngiti ang umukit sa kanyang mga labi. "Hey! What do you mean? Don't tell me?" ang sigaw ko. Kahit na sabihin kong balahura ang bibig namin minsan, hindi namin kayang isipin na mawawala si Headmster Yuri. "Gusto mong malaman kung bakit buhay pa rin ako hanggang ngayon,hindi ba? Simple lang may koneksyon ako kay Serpentius. Bilang nakababatang kapatid niya kailangan kong ituwid ang pagkakamali niya. Dahil wala na siya it means kailangan ko ng umalis. Satsuki ikaw ang gusto kong pumalit sa posisyon bilang headmaster. Alam kong magagabayan mo sila sa tamang landas,"ang sabi ni Headmaster Yuri. Kitang-kita sa mga mata niya ang ngiti ng pagpapaalam.Naging mga paru-parong puti ang kanyang katawan at hiwa-hiwalay itong lumipad patungo sa kalangitan . Tsk. Nasaan na kaya ang matandang hukluban na yun? Siguro nagagawa na niya ang paborito niyang gawain. Napangiti naman ako nang mapakla habang inaalala si Tandang Yuri. Pumasok si Akari at si Eu. Natulala si Satsuki sa nakita niya. Tumulo ang mga luha niya. Masyadong masakit pa rin sa kanya ang pagkamatay ng kanyang lil' sis. "Good morning Headmaster," ang sabi nilang dalawa. Napatingin naman si Asia kay Headmaster at  iniabot niya ang hawak niyang panyo kay Satsuki. Napakagat sa kanyang labi si Satsuki at saka tumalikod siya upang punasan ang kanyang luha. Nang mahimasmasan na siya ay humarap siya sa amin. "G-Good Morning. I will enroll the both of you to the class of Royalties,"ang sabi ni Satsuki na siyang ikinagulat namin. "WHAT?" ang sigaw naming tatlo. Ang bilis niya naman ata magdecide? Sasapakin ko talaga 'to! Minsan di ko maintindihan ang hulog ng isip ng isang ito. "Pero Headmaster! Hindi kami Royalties!" ang sabi ni Europe. "Yeah I know. But one day, you'll be able to thank me," ang sabi ni Headmaster. Napakunot naman sila ng noo. Ano bang ginagawa ng tukmol na ito. Pero deep inside, naiintindihan ko ang plano niya. Mukhang nais niyang mapalapit ang dalawa sa kanya. "I don't think so. I never dream to be the part of a royalty," ang sabi ni Akari at akmang magwo-walk-out siya ng pigilan siya ni Europe. "Asia. Don't worry kung ano man ang nangyari sa Midnight Monarchy noon, hindi yun mangyayari ngayon," ang sabi ni Europe. "That's not what I mean, paano kung hindi ko magawa ang papel ng isang royalty! Paano? Paano kung may mapahamak ng dahil sa atin?" ang sigaw ni Akari. "There's no need to worry. You're here to improve you're abilities. Kung ano man ang nangyari sa inyo sa nakaraan ay hindi na muling mauulit sa kasalukuyan. Pangako yan," ang sabi ni Satsuki. Napatingin naman yung kambal kay Satsuki. We should never make promises. Lalo na kung hindi ito matutupad. "Asia,"ang pagtawag ko sa pangalan niya. Di talaga ako sanay na tinatawag siya na Asia. Mukhang sa pagkakataong ito, ay muli kong kakainin ang sinabi ko. I should never make promises. "Don't worry, we're here to protect you," ang sabi ko. Umurong siya ng ilang hakbang si Asia. Alam kong maiinis siya sa sinasabi ko. "That's not I want! Ang gusto ko, kayo ang protektahan ko!" ang sigaw niya habang umiiyak. Nagulat ako sa sinabi niya. Naikuyom ko ang aking mga kamao. That's not way we want. You already did your duty. And this time ikaw ang gusto naming protektahan. "Same as before. Please Akari. Hayaan mong kami naman ang prumotekta sa'yo,"ang sabi ko sa isipan ko. "Hay naku. You will be trained as hard as them so don't worry I'm sure magiging malakas ka," ang sabi ni Satsuki ng nakangiti. "Asia. Here," ang sabi ni Europe at inabutan siya ng tissue. Sinamaan ako ni Satsuki at nagcast siya ng Communication spell. "Hey! Bakit di mo sinabi na kasama mo si Akari?" ang tanong sa akin ni Satsuki sa isip ko. "Aren't you like surprises? Hahahaha I know you miss her,"ang sabi ko. "Moron. Even she is in the front of our eyes, I can't hug her tightly as I do before. She can't remember us,"ang sabi ni Satsuki at saka tumingin kami sa kambal. "Headmaster, thank you po,"ang sabi ni Asia habang nakangiti. "Asia and Europe, I have a favor on you. Don't call me Headmaster. Just call me kuya,"ang sabi ni Satsuki. "K-Kuya?" ang sabi ni Europe. "Fine. Gusto ko rin naman ng Kuya eh," ang sagot ni Asia. "May nakalimutan ba ako? Bakit parang pamilyar sa akin itong Europe?" ang sabi ko sa isip ko. "Hay naku, tanda wag ka ngang mag-isip ng malalim jan. Di bagay," ang sabi ni Europe. "Hoy! Europa! Manahimik ka nga jan! Baka nakakalimutan mo magiging senior mo ako!" ang sigaw ko. "I. Don't. Care. And my name is Europe not Europa!"ang sigaw ni Europa sa akin. "Would you please shut up! Both of you!" ang sigaw ni Asia at Satsuki. Nagkatinginan naman kami ni Europe at nagtawanan naman kami dahil dun. Iniabot ni Satsuki ang susi at registration cards. "Here are your keys, schedules and welcome to the academy," ang sabi ni Satsuki. "Thank you," ang sagot nung dalawa. Magalang naman pala itong si Europa eh. Sana nga lang everyday siyang di tinotopak. Pagkatapos nun, lumabas na sila ng Office ni Satsuki. "Ngayon, di na makakapalag ang council," ang sabi ni Satsuki. Pasaway talaga itong lalaking ito. Europe Nandito kami ngayon sa hallway. Hindi na kami sinamahan nina Sakura dahil mga pagod na rin sila sa kanilang mission. "Aichi Hamilton? Bakit parang pamilyar ka sa akin?" ang sabi ko sa isipan ko. "Ui Eu! Lalim ah!" ang sabi ni Asia. Tiningnan ko lang siya ng masama at medyo naulian ako nang makita ko ang mukha ni Asia. "Oh siya kalma!"ang sabi niya. "Asia, sa tingin mo bakit ganun ang mga ikinilos nila? Hindi ba parang may mali?" ang sabi ko sa kanya na ikinaseryoso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD