Europe
Umaga na ngayon. Grabe ang mga nangyari noong isang linggo kaya ngayon heto at nakatigil kami ni Asia sa mansion nina Tanda. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala sa sinabi nina Sakura.Nalaman ko na ka-edad namin sila lalo na yung math teacher na yun. Tss. Kasing edad ko pero akala mo kung umasta parang nagmemenopause. At isa pa may kasalanan pa siya sa akin, ninakawan niya ng halik si Asia.
Pauli-uli akong naglalakad sa may veranda. Simula nang kupkupin kami ni Sakura, ay ganito na ang naging routine ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising si Asia. Tss. Yung matanda kasing yun, ayaw akong papasukin sa kwarto ni Asia. Duda pa naman ako sa hinayupak na yun. Baka mamaya ay ninanakawan na niya ng halik si Asia.
Napasabunot na lang ako sa aking sarili. Nahihibang na ata ako. Kinakabahan ako dahil mukha pa namang playboy si Tanda.
"Bakit ko ba iniisip yung matandang yun?"ang sigaw ko.
"Hoy Europe! Kasing edad mo lang ako! Kaya hindi pa ako matanda!" ang sigaw ni Tanda.
Napalingon ako sa pinagmulan ng boses. Si Tandang PMS lang pala. Humihigop siya ng black coffee sa kanyang coffee mug na black at may picture iyon ng teddy bear. Tss. Ano ba siya, isip-bata?
"Bakit naman hindi ka pwedeng tawaging tanda eh pag nagagalit ka para kang may menopause?" ang nang-aasar kong sabi.
Halatang nagpantig ang tenga ni Tandang PMS dahil nabasag niya ang kanyang coffee mug na hawak. Tss. Coffee lovers may hate him right now.
"Anong sinabi mo? Hindi ba't ikaw 'tong mukhang matanda sa atin? Lalaking ubanin!" ang sabi ni Tanda at akmang susugod siya kung hindi agad siya pinigilan nina Shin at Akio.
Ako ubanin? Hindi ako ubanin! Natural na kulay to ng buhok ko!
"O ano, Tandang PMS bakit di ka makalapit? Duwag ka pala eh! "ang pang-iinis ko.
Hindi magkaintidihan sa paghatak yung dalawa. He's too strong for those two.
"Europa! Wag nang asarin si Aichi! Baka mabura nito ang bansang 'to sa sobrang inis sa'yo! " ang pakiusap ni Akio habang hinahatak si Tanda.
Itinutulak naman ni Shin si Tanda dahil maaaring masira ang designer clothes ni Tanda.
"Kalma lang! Aichi! Bata yan!" ang sabi ni Shin.
Napantig ang tenga ko sa sinabi niya. Ako? Bata? FYI lang ang ayoko sa lahat ay yung tinatawag akong bata!
"Hindi ako Bata! Isa pa, twenty years old na ako! Kasing edad ko lang kayo! " ang sigaw ko at susugudin ko na sana si Shin.
Biglang lumabas sa veranda si Sakura at pinigilan akong sugurin ang boyfriend niya. Sumunod naman si Jin at tinitigan niya kami ng masama. Bigla akong kinilabutan sa titig ni Jin. Parang isang dragonang handa kaming tupukin ng kanyang apoy. Pero apoy nga ba ang ability niya?
"Kumalma nga kayong dalawa!" ang sabi ni Jin.
"Shut up, Walker di ka namin kausap!" ang sigaw namin ni Tanda.
Pakiramdam ko ay lumamig ang paligid ng mga oras na iyon. Sinamaan ko ng tingin si Tanda dahil siya lang ang alam kong gumagamit ng yelo dito. Napansin kong namutla si Tanda at doon na ako kinabahan. Kung ganun, hindi kay Tanda nanggagaling ang nararamdaman ko. Ang tanong kanino? Nakita kong niyugyog ni Sakura si Jin.
"J-Jin! Calm down! Hamilton! Ashbell! Mag-sorry na kayo! Please nagmamakaawa ako! Kung mahal niyo pa mga buhay niyo!" ang pakiusap ni Sakura.
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Sakura. Ano nga ba ang ability ni Jin? Curious ako. Namumula sa galit si Jin kaya naman nagulat kami ng makakita kami ng lavender na magic circle sa kanyang paanan.
"Shut up pala huh? Punishment of Disrespect!" ang sigaw niya.
Parang nag-echo ang boses ni Jin at kumalat sa kamay ko ang mga ancient runes na hindi ko maintindihan at pumaikot ito sa amin. Naramdaman ko na para akong nakukuryente at isa lang masasabi ko! I will never mess Jin again!
"AAAAAHHHHHH!" ang sigaw namin ni Tanda.
Damn! That hurts! So may kinalaman sa rules ang abilities ni Jin? Napaluhod naman kami ni Tanda sa sobrang sakit. Sinamaan naman ako nang tingin ni Tanda.
"That's what I like to tell you earlier. Jin spread her rule chikara around the mansion. And if you disrespect her rules by violating it, she'll give you the Punishment,"ang paliwanag ni Sakura na ngayon ay napatampal na lang ng noo.
"You should said that earlier. And anyway, di dapat Rule manipulator ang tawag sa chikara ni Jin. Torture dapat!" ang sigaw ko habang namimilipit sa sakit.
Napansin kong nagpantig na naman ang tenga ni Jin. Ano bang mali sa sinabi ko?
"Punishment for rudeness," ang sabi ni Jin.
Na naman? Ano naman ba'to? Pula na ancient runes naman ang bumalot naman sa amin ni Tanda. Nagpupumiglas naman si Tanda nang makita niyang nadamay siya sa Punishment ni Jin.
"Hoy Jin! Bakit ako nadamay? Wala naman akong sinabi na rude sa'yo! Hoy Europa! Kasalanan mo 'to!" ang sigaw ni Tanda.
Nakaramdam naman ako nang mainit na temparatura sa aking katawan. Lintian! Nasusunog ako!
"Asia!"ang sigaw ko.
Agad kong pinagpagan ang sarili ko dahil ayaw kong mamatay bilang isang inihaw!
Asia
"Asia!"ang narinig kong sigaw ni Eu.
Iminulat ko ang aking mga mata at natagpuan ko ang sarili ko sa hindi pamilyar na silid. Gold at Blue ang motif ng silid at ang kama na aking hinihigaan ay sobrang lambot.
Dahan-dahan akong bumangon at iniisip kung anong nangyari kagabi. Agad akong lumabas ng kwarto para tingnan kung anong nangyayari dahil matinding ingay ang naririnig ko mula sa labas. Ano ba kasing problema nila?
"Ang ingay! Ano ba? Umaga-umaga eh! Can please lower your voice cause I'm freakin' sleepy!"ang sigaw ko.
Natahimik sila sa sinigaw ko. Nakita kong nakaluhod sa sahig si Europe at Sir Fritz. Parang mga nakipagdigma silang dalawa dahil gula-gulanit ang kanilang mga damit.
"Asia? Buti naman gising ka na!" ang sabi ni Miss Sakura at saka yumakap sa akin.
"Teka? Ano bang nangyari kagabi?" ang tanong ko.
"Hindi mo maalala? Gumamit ka ng ilang spells kaya ka nahimatay ka. At saka Asia, it's been a week mula nang mangyari ang insidente sa mansion niyo," ang sabi ni Miss Sakura.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Hindi panaginip ang lahat ng yun? Pati yung paghalik ni Sir Fritz? Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha sa sobrang kahihiyan.
"T-Teka don't tell me hindi panaginip yun?" ang sigaw ko.
"Yeah. And it is one of the worst nightmare of all!" ang sigaw ni Eu.
Dahan-dahang tumayo si Europe. Gusto kong matawa sa mga hitsura nila. Kaya naman nagcast ako ng spell. Kawawang Europe. Paborito pa naman niya ang damit na iyon.
"Helberde,"ang sabi ko at ginamot ang mga pinsala nila sa katawan.
Nang makita kong gumaling na ang mga paso at sugat nila, sunod ko namang inayos ang mga damit nila para di naman sila magmukhang kinulang sa aruga.
"Restituet,"ang pagkacast ko ng restoration spell.
Muling nabuo ang damit na kanina ay gula-gulanit. Naalala ko bigla nasaan na kaya si Mom? Nakaligtas ba siya? Nasaan siya? Bakit hindi ko siya nakikita sa paligid.
"Nasaan si Mom?" ang tanong ko.
Kinagat ni Miss Sakura ang kanyang ibabang labi. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang hindi ako makarinig ng sagot. Maging si Europe ay hindi makatingin nang diretso. Ano ba talagang nangyari kay Mom? Buhay naman siya, hindi ba?
"Sumagot naman kayo! Para akong nakikipag-usap sa hangin! Wala ba talaga akong makukuhang matinong sagot sagot sa inyo? Kung ganun, aalis na lang ako! Hahanapin ko si Mom!" ang sigaw ko.
Pinigilan ako ni Miss Sakura. Umiling siya. Tinitigan niya ako nang seryoso. Inihanda ko ang sarili ko sa posibleng sagot ni Miss Sakura.
"I'm sorry to tell you that, she is dead. Pinatay siya ng phantom ng abutan namin siya sa bahay niyo," ang sabi ni Miss Sakura.
Napaupo naman ako sa sahig. Natulala ako sa narinig ko. Wala na si Mom? Paano na kami ni Eu?
"Mom,"ang sabi ko at nagsimula na namang pumatak ang luha ko.
Nakita kong lalapit si Sir Fritz ngunit binatukan siya ni Miss Jin. Nilingon ni Aichi si Jin at saka pinandilatan ng mata.
"Awww. Ang sakit nun Jin!" ang sigaw ni Sir Fritz.
"Subukan mong murahin ako Hamilton, baka gusto mong ibaon kita ng buhay?" ang pagbabanta ni Miss Jin kay Sir Fritz.
Nagtaka naman ako kung anong ginagawa ni Sir Fritz sa mansion na ito. Magkakasama ba sila dito sa mansion na ito?
"Teka ano nga palang ginagawa rito nina Sir Fritz?" ang tanong ko ngunit napansin ko na hindi ito ang aming mansion.
Actually never ko pa naging professor si Sir Fritz pero matunog ang popularity niya sa school kaya naman kilala ko siya. Kaliwa't kanan ang bulungan sa campus tungkol sa kanya. Lalo na't sa murang edad ay nagkaroon na siya ng Masteral Degree sa kursong Electronic Engineering. Kaya kumbaga, siya yung tipo ng pinagpala.
"Tinatawag mo na Sir Fritz si Tanda eh kasing edad lang natin siya!" ang sigaw ni Eu.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Eu? Si Sir Fritz? Same age lang namin?
"WHAT?" ang sigaw ko.
"Pasensya na! Kung hindi kami nagdisguise hindi kami magmumukhang mature baka pagkaguluhan kami ng mga estudyante kaya tinago na lang namin yung totoong hitsura namin,"ang sabi ni Sakura.
Inalis nila isa-isa yung mga prosthetics nila. Parang may dumaan larawan sa utak ko nung nakita ko ang totoong hitsura ni Sir Fritz. Para akong naistatwa sa nakita ko. Bakit parang pamilyar si Sir Fritz? Hindi ko nga lang maalala kung saan? Kumaway-kaway naman si Eu kaya nawala ako sa aking konsentrasyon.
"Asia! Natulala ka na jan?" ang sigaw ni Eu.
"Wala lang 'to. May naalala lang ako. Pero ang weird kasi may dumaan kasing larawan ng alisin ni Sir Fritz yung kanyang prosthetics,"ang sabi ko.
"Huh? Ano ka ba? Gutom ka na siguro,"ang sabi ni Eu.
"Siguro nga,"ang sabi ko.
Napansin ko na natulala sina Sir Fritz.
Pero infairness mas gwapo si Sir Fritz nung wala na siya prosthetics. I wonder if nagkaroon na siya ng girlfriend?
"Huh? May dumi ba sa mukha ko?" ang tanong ko.
Agad tinakpan ni Sir Fritz ang katawan ko gamit ang sweater na suot niya.
"Oh shoot! Asia go back to your room! You need to change your clothes!" ang sigaw ni Eu.
"Kaya naman pala natulala kayo!" ang sigaw ni Miss Jin at tumingin kay Sir Williams.
Tinakpan naman ni Miss Sakura ang mata ng isang lalaki at saka hinampas hampas ito.
"Oi Shin sa akin ka nga lang tumingin! Yari ka niyan kay Aichi eh!" ang sigaw ni Miss Sakura at tinakpan niya yung mata nung Shin.
Dahan-dahan akong napatingin sa suot kong Damit. Shoot! Bakit sa dinami-raming damit na isusuot sa akin ay ito pa ang napili nila? Masasapak ko talaga ang nagpasuot sa akin nito!
Paano ba naman kitang-kita yung black undies ko kasi naka-see through yung night gown na suot ko. Mahabaging baging! Sino nagpasuot sa akin nito?Pakiramdam ko ay namumula ako sa sobrang hiya!
"Ah. Eh. Balik muna ako sa kwarto!"ang sabi ko sabay balik sa kwarto.
Agad akong tumakbo at ni-lock ang pinto ng kwarto. Napasandal ako sa pinto at napakapit ako sa aking dibdib. Langhiya! Sa dinami-raming makakakita ay mga professors pa!
"Hay! Ang shunga mo, Asia!" ang sigaw ko.
Naligo na ako para mapalitan rin ang damit ko. Hindi ko alam kung paano ko nasuot ang damit na yun. Pero naalala ko na naman ang nangyari kanina. Imagination ko rin siguro yun. Sino ba naman sa buhay ko sina Sir Fritz?
Nang matapos na akong maligo. Nagtingin ako sa walk in closet nila. Namimiss ko rin maging simpleng dalaga kaya naghanap ako ng shorts at mini-skirt. Ang kaso di ata uso ang mini skirt at Shorts dito. Pero may isang damit na naka-agaw atensyon. Lavender ang kulay nito at may mga laces ito.
"Ang cute naman nito!" ang sabi ko kaya kinuha ko na.
Tinirintas ko ang aking buhok at gumamit ako ng sunflower na panali. Nang matapos na ako ay isinuot ko na agad. Agad akong lumabas ng kwarto at saka dumiretso sa living room.
"I'm ready," ang cold kong sabi.
Nakita ko na natulala sina Miss Sakura at Miss Jin. Nahulog naman yung lollipop na kakainin ni Sir Fritz. Nabitawan naman ni Sir Shin ang kanyang phone.
"Uh pangit ba? Papalitan ko na lang,"ang sabi ko at akmang babalik na ako ng hablutin ni Sir Fritz yung kamay ko.
"No its okay. You look pretty," ang sabi niya.
"Uhm. Okay," ang sabi ko.
"And don't you ever call me, Sir Fritz. That's not my real name. And were on the same age so no need for formality," ang sabi ni Sir.
Di ko alam ang real name niya eh. Di ko rin alam ang itatawag sa kanya.
"Then what is your name?" ang tanong ko.
"My name is Aichi Hamilton,"ang sabi niya.
Parang isang kidlat ang dumaan sa isipan ko. Parang may kung anong scenario ang nakikita ko sa aking isipan.
Nasa isang silid kami. Hindi ko maintindihan kung anong klaseng silid iyon ngunit napalawak nito. Mga walang malay ang ibang tao at nakikita ang isang babaeng duguan. Yakap-yakap siya ni Aichi.
"Ipaggawa mo ako ng snowman,"ang sabi ng isang babaeng nag-aagaw buhay.
Patuloy na tinatawag ni Aichi ang pangalang Akari. Hindi kalauna'y namatay ito habang yakap-yakap siya ni Sir Fritz.
Pumitik naman si Sakura kaya naman nawala ang isip ko sa nakita kong imahe.
"Natutulala ka Asia. I think need we should hurry. Baka gabihin tayo,"ang sabi ni Sakura.
"Okay,"ang sabi ko.
Naalala ko ay may isa pang lalaki silang kasama noong nakaraan. Mature ang hitsura niya at kayumanggi ang kanyang buhok. Luminga-linga ako sa paligid at nagbabaka sakaling makikita ko siya.
"Teka nasaan yung lalaking kasama niyo?" ang tanong ko.
"Alin dun? Si Satsuki ba? Ah. Umuwi na kasi siya. Siya kasi ang Headmaster ng eskwelahang iyon,"ang paliwanag ni Jin.
"Doon ba yun sa lugar na pupuntahan natin?" ang tanong ko dahil nahihiwagaan talaga ako sa taong yun.
"Ah oo,"ang sagot ni Shin.
"Let's go," ang pag-aaya ni Aichi.
Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa isang gubat. Nakakapagtaka dahil madaming sign na do not trespass sa paligid nito.
"Hindi ba pag tinungo mo ang gubat na 'to nasa restricted area na tayo?" ang tanong ni Eu.
"Yeah. Pero okay lang ako naman ang may-ari ng lupa na 'to kaya okay lang,"ang sabi ni Shin.
"Okay," ang nasabi na lang namin ni Europe.
Nang makarating kami sa puso ng gubat. Gumawa ng portal si Aichi. Nanlaki ang mga mata namin nang makita ko ang isang totoong portal.
"Whoa!" ang sabi namin ni Eu.
Totoo pala ang portal! Akala ko sa pelikula lang ako makakakita ng ganito. Sinundot ko ang paligid ng portal upang matiyak na safe ito.
"Mas maganda pa kapag pumasok kayo jan,"ang sabi ni Akio.
"Huh?"ang sabi namin ni Eu.
Nagtaka naman kami ni Eu dahil kakaiba ang ngiti nina Aichi pero agad kaming tinulak ni Shin kaya aksidente kaming nakapasok sa portal.
"WAAAAAAAAAHHHH!"ang sigaw namin ni Eu.
"Aichi!"ang sigaw ko.
Hindi ko alam kung bakit pangalan niya ang isinigaw ko. Pero sa pakiramdam ko, ang gaan. Pakiramdam ko siya yung taong makakatulong sa akin ng mga oras na yun. Nang makarating kami sa dulo ng Portal, ay parang gusto kong bumalik sa pinagmulan namin. Kasi sa totoo lang, palpak gumawa ng portal itong si Aichi!
"WAAAAAAAHHHH!" ang sigaw ko.
Nagmula lang naman sa outer space ay bumulusok kami pababa. Nang makita ko na ang mga ulap ay tumambad sa amin ang isang magandang tanawin. Punung-puno ng Delphinium ang paligid. May nakita akong lalaki na naglalakad sa malapit. Kaya naman sumigaw ako.
"Kuya umalis ka jan!"
Sana talaga naisip kong magsuot ng cycling shorts!
Sora
Naglalakad ako sa may Delphinium field dahil naalala kong ito ang paboritong bulaklak ni Akari at nais kong dalawin ang kanyang puntod nang bigla akong nakarinig ng sumigaw.
"Kuya umalis ka jan!" ang sigaw ng isang babae mula sa himapapawid.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Di naman ako nananaginip di ba? Si Akari 'to, hindi ba? At hindi rin ako nananaginip di ba? Kulay itim ang panty niya!
"Shoot! Si Akari!" ang sigaw ko at agad ko siya sinalo.
"Wooh! Muntikan ka na dun!" ang sabi ko at niyakap ko siya nang mahigpit.
"Ah eh. Salamat.Pero pwede mo na akong ibaba,"ang sabi niya.
Napalingon ako sa taas nang makita kong nagsisibagsakan ang mga hinayupak.
"WAAAAAAHHHH!" ang sigaw ng isang lalaki at bumabagsak ito mula sa langit.
"Bakit ba ang daming nahuhulog ngayon? Wag mong sabihing—!" ang sabi ko at ginawa kong multo ang sarili ko at si Akari.
At ang ending ng kasama niya, bagsak diretso sa lupa. Lumayo ako ng ilang hakbang at ibinalik ang mga sarili namin sa dati.
"A-Aray!" ang sabi ng isang lalaking ubanin.
"Palpak ka pa rin gumawa ng portal, Aichi!" ang sigaw ko.
Nakita ko na nagbabagsakan na sina Sakura.
"Floral Catcher!" ang sigaw ni Sakura at sinalo niya ang iba niyang mga kasama.
"Eu! Okay ka lang ba?",ang sigaw ni Akari dun sa lalaking kamukha niya.
"A–Aray! Hoy! Bakit di mo ako sinalo? Alam mo bang ang sakit ng pagbagsak ko sa lupa?" ang sigaw ng lalaking puti ang buhok.
"Para sa isang bata masyado kang talakitak," ang sabi ko.
"Hoy! Para sabihin ko sa'yo, twenty years old na ko!" ang sigaw niya.
"K. Fine. Pero ang sisihin mo yan si Aichi! Palpak pa rin gumawa ng portal! Yan tuloy nakakita ako ng," agad kong pinutol ang sinabi ko ng nakatingin sa akin ng masama yung dalawa.
"Anong nakita mo?"ang tanong nung dalawa.
"Ah. Wala.Wag niyo nang alamin,"ang sabi ko at saka tumingin ako sa ibang direksyon.
Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng dugo sa tuwing naalala kong kulay itim ang suot na panty ni Akari. Pero hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit si Aichi ang pinaggawa nila ng portal?
"Teka nga muna! Bakit nga ba hinayaan na gumawa ng portal 'tong si Aichi? Alam niyo naman na palpak gumawa 'to ng portal hindi ba?"ang tanong ko.
Pinagpagan ng magaling kong pinsan ang sarili niya bago siya nagsalita.
"Kaya nga practice makes perfect!" ang sabi ni Aichi.
"Hay naku! Wag mo nga akong lokohin jan! Nobody is perfect nga eh! Isa pa, ipapaalala ko lang na nasa orthopedic ward pa rin yung nabiktima mo ng ginawa mong portal!" ang sigaw ko.
"Gusto mo ba ng away?"ang sigaw naming dalawa.
Inawat kami nina Kaito na halatang naiirita na sa nangayayari.
"Ano ba? Titigil kayo o susunugin ko kayo?" ang sigaw ni Kaito.
"We don't care!" ang sigaw namin.
Sumingit naman sa usapan namin ang isang lalaking kamukha ni Akari.
"Tapos na ba kayo mag-away ni Tanda?" ang sabi nung lalaki na kamukha ni Akari.
"Teka sino ka ba? Bakit kasama ka ni Akari?" ang tanong ko.
"Oh by the way, I'm Europe Len Ashbell. Just call me Len. If you call me by my whole first given name, you're dead. And her name is Asia not Akari,"ang sabi niya.
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ng hinagupak na 'to. Europe as in kontinente sa mundo ng mga Hamstrung? Pambihira sinong nanay ang magpapangalan sa kanila nang ganun?
"Nah. I wont call you by that name. Mas trip kong tawagin kang MAPA," ang sabi ko.
"Ano? Gusto mo ba talaga ng away?" ang panghahamon ni Mapa.
"Shut up, both of you!"ang sigaw ni Akari.
"Shut up!" ang sigaw naming dalawa.
"Shut up pala huh? Fulmina!" ang pagkacast ni Akari.
Pinaulanan kami ni Akari ng lightning bolts kaya naman nagkanya-kanyang iwas kami. Inawat kami ni Sakura dahil halatang iritado na siya sa nangyayari.
"By the way nasa b****a na tayo ng Chikara Realm. Bumalik na tayo ng Academy para mai-enroll na natin 'tong dalawa,"ang sabi ni Sakura.
Napatingin naman sila sa magandang tanawin kaya naman napatingin ako kay Akari. Di mo man kami maalala ngayon, alam ko balang araw maalala mo rin kami.
"Akari. I love you so much even though it hurts,"ang sabi ko sa aking isipan habang pinagmamasdan ang babaeng kahawig niya.