Asia
Nakarating na kami ni Eu sa bahay. Di ko pa rin maalis sa isipan ko yung mukha ni Miss Sakura. Parang may lungkot sa kanyang mga mata. Isa pa sa lahat ng ipinakilala ni Eu, sa kanya lang ako nakaramdam ng kakaiba. Parang ang tagal ko na siyang kakilala. Napaka-misteryosa niya, gusto ko pa siyang makilala.
Isa pa itong si Eu. May nakuha siyang tip kay Ace na may magaganap na events sa underground. Pero nag-aalangan ako kung pupuntahan namin yun dahil sa insidente na nangyari kay King. At ayoko nang may muli pang masaktan sa mga kasamahan. Pero may kakaiba rin sa kanya ngayon, usually ay aawayin pa ako nito kapag may gusto siyang puntahang events. Pero sa halip ay nanahimik ito.
Napabuntung-hininga ako at inisip na kamustahin si Mom. Masyado siyang busy sa pagtatarabaho at masyado niya nang pinapagod ang sarili niya para maitaguyod kami ni Eu. Ginulo-gulo ko ang aking buhok at saka bumangon sa aking kama.
"Aish! Wag ko na nga lang isipin yun!" ang sigaw ko.
Bumaba ako sa kwarto at dumiretso sa study room ni Mom. Pagdating ko doon nakita kong may kausap siya na lalaki. Di ko maidescribe ang mukha niya dahil sa may mask ito. Nakacloak rin siya na color black. Tag-init ngayon ah? Bakit naka-cloak sila. At saka di naman ako ininform ni Mom na may costume party siya ngayon. Sumilip ako at saka pinakinggan ang kanilang pinag-uusapan.
"Bring them to us now!"ang sabi nung naka-cloak.
"No, I can't! Please ibalik mo muna ang pamilya ko! Nakikiusap ako," ang sabi ni Mom.
Ang weird? Ano ba kasing pinag-uusapan nila? May iba pa bang pamilya si Mom?
"Oh my dear friend Clarisse. Dapat tumupad ka muna sa usapan bago mo mabawi ang pamilya mo! Aminin mo na sa kanila na hindi mo sila anak! Na sila ang!"pinutol ko na ang sasabihin niya ng pumasok na ako.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng lalaking naka-cloak. Hindi kami tunay na anak ni Mom? Kung ganun, sino ang totoo naming mga magulang? Bakit kami nasa puder ni Mom? At anong pakay ng mga lalaking ito sa amin? Nang hindi na ako makapgtimpi ay pumasok na ako sa study room at nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Mom. Ngumisi naman yung lalaki sa biglaang pagpasok ko sa study room.
"Mom? Sino ba 'tong lalaking 'to? Mom totoo ba yung sinabi niya? Na hindi mo kami mga anak?" ang tanong ko kay mom at nakita ko ang pagluha niya.
Kung ganun, sino ang magulang namin ni Eu? Bakit interesado ng mga lalaking 'to sa amin? Ano nga ba ang misteryong bumabalot sa pagkatao namin? Sino ba talaga kami? Lumapit ang lalaki at inikutan ako na parang may pinagmamasdan.
"Nandito na pala ang isa sa kambal," ang sabi nung lalaking naka-cloak at akmang hahawakan nito ang aking mukha ng bigla ko itong tinabig.
"What do you want? Bakit ka ba nanggugulo?" ang tanong ko at sinamaan ko siya ng tingin.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at sa pangalawang pagkakataon ay naglakad siya paikot siya sa paligid ko. Ano bang trip ng lalaking 'to? Nakakahilo ang kanyang ginagawa. Ang taong 'to, hindi siya isang ordinaryong nilalang. Nakita kong nakabaliktad ang aking imahe sa kanyang mga mata.
"Dalawang taon na ang nakakalipas nang paslangin ka ng isang di kilalang tao sa araw mismo ng kaarawan mo. At kasama mo noon ang iyong kabiyak, magulang at kaibigan,"ang sabi niya at hinawakan niya ang hibla ng buhok at inamoy iyon.
Kinilabutan ako sa kanyang ginawa kaya naman sa pangalawang pagkakataon ay tinabig ko ang kanyang kamay.
"Ano ba? Hindi ako yung hinahanap niyo! Lalong lalo na't hindi Selene ang pangalan ko! It's Asia!" ang sigaw ko at nagsimulang magtalsikan ang mga gamit sa loob ng study room.
Nanlaki ang mga mata ko sa nangyari. Teka lumindol ba? Ngumisi siya at kasunod nun ang isang halakhak na nakakairita.
"I think you are really Princess Selene,"ang sabi nung lalaki at biglang lumabas ang itim na usok sa paligid niya at naging tao ito.
"Shut up!",ang sigaw ko.
Humarang si Mom at kinontrol niya ang katawan ng lalaking kausap namin at ibinalibag sa pader. Lumapit sa akin si Mom at niyakap ako.
"I'm sorry, Asia. Itinago ko ang totoo sa inyo. Natatakot ako na baka may mangyaring masama sa inyo kaya ko nagawa iyon. Patawad,",ang sabi ni Mom at lumandas sa kanyang mukha ang luhang ngayon ko lang nasilayan sa taon na inilagi ko rito.
Maya-maya biglang lumitaw yung kakambal ko na si Eu at saka itinago ako sa likuran niya. Paano niya nagawa yun?
"Eu! How did you do that?"ang tanong ko kay Eu at akmang hahatakin ko si Mom nang bigla siyang umiling.
"I'll explain later!" ang sabi niya at tinitigan niya ng masama ang mga kaharap namin.
"Europe! Tumakas na kayo ng kapatid mo! Ako nang bahala rito!"ang sigaw ni Mom kaya naman hinatak ako ni Eu.
"Asia c'mon!" ang sigaw ni Eu at nagulat ako nang bigla kaming napunta sa likurang bahagi ng bahay namin.
Nakaroon ako ng pagdududa sa pagkatao namin. Bakit nila kami hinahabol? Nakaramdam ako ng pag-aalala kay Mom. Masyado silang marami para kalabanin. Hawak pa rin ni Eu ang aking kamay at patuloy kaming tumatakbo sa loob ng kagubatan.
"Eu, sino ba ang mga yun? Isa pa! Balikan natin si Mom!" ang sigaw ko pero umiling si Eu.
"Hindi ko kilala yung mga yun! Pero isa lang ang masasabi ko! Mga masasama sila! At isa pa may tiwala ako kay Mom! Alam kong kakayanin niya ang mga yun!" ang sabi ni Eu at muli ay nagteleport na naman kami.
Nagulat ako nang makarating kami sa aming private forest.
"Eu! How come you have teleportation power?" ang tanong ko sa kanya habang tumatakas kami.
"I discover this when I was walking in the park last night!" ang sigaw niya at inaalis ang mga sangang nakaharang sa dinaraanan namin.
Sinuong namin ang gubat basta wag lang kaming maabutan ng sira ulong yun.
"Eu! Pwede ba tayong tumigil sa pagtakbo?" ang sabi ko sa kanya dahil talagang pagod na ako.
Binuhat naman ako ni Eu na parang isang sakong bigas at saka tumakbo.
"Nope! Nasa likod na natin sila!" ang sigaw ni Eu.
Napanganga naman ako nang makita kong lumilipad sa likuran namin ang mga taong naka-cloak.
"Shoot! Ang bilis naman ata nila!" ang sabi ko.
Nagpakawala ng isang dark energy yung kalaban kaya naman nadapa si Eu at bumagsak kami parehas. Putek na iyan! Ang sakit ng bagsak naming yun! Napalingon kami ni Eu at nakita naming papalapit ang mga taong naka-cloak.
"Ano bang kailangan niyo?"ang sigaw ni Eu.
"Kayo ang kailangan namin! Nang dahil sa inyo nawala ang mahalaga sa amin!"ang sigaw ng lalaki at nabalutan ng itim na enerhiya ang kanyang espada.
"Nawala? Excuse me buong buhay namin ay nandito lang kami sa lugar na yun!" ang sigaw ko at saka ako bumangon at pinunasan ang dumi sa mukha ko.
Napangis yung lalaki at napansin namin na nagkaroon ng lilang kuryente sa hawak niyang espada.
"Hmmm. Mukhang wala talaga kayong naaalala! Eh di mas maganda! Isa pa mga hadlang kayo sa plano namin!"ang sigaw niya at biglang lumindol.
Napansin ko na nagkaroon ng bitak sa lupa kaya nahulog kami doon ni Eu. Napasigaw naman kami ni Eu nang dahil sa takot.
"EU!"ang sigaw ko.
Sana lang totoo yung kapag nagsalita ka ng Latin or Greek eh may mangyayaring kakaiba o di kaya ay may lalabas na kapangyarihan!
Try ko kayang sabihin?
"V-Volo!" ang sigaw ko at nagkaroon ng pakpak sa likuran ko .
Agad akong lumipad upang saluhin si Eu. Nang masalo ko si Eu ay nanlaki ang kanyang mga mata. Nakalutang kami ngayon kaya naman, nakaligtas ang mga mukha namin mula pagtama sa lupa. Lumipad ako pataas at lumipad patungo sa may lawa. Nakahinga kami ng maluwag dahil hindi na kami maabutan ng mga lalaking yun. Hinabol namin ang aming mga hininga dahil hindi ko akalaing nakakapanghina pala ang paggamit ng kapangyarihan. Bagamat natakasan na namin ang mga humahabol sa amin ay hindi ko pa rin maiwasang mag-alala para kay Mom.
"Paano ginawa yun?" ang tanong ni Eu at nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata.
"I don't know! Triny ko lang naman yung iba sa Latin language katulad ng nasa pelikula!" ang sabi ko at iniwasan ang mga puno.
Malay ko ba sa mga magic na yan! Dapat nga hindi ako naniniwala eh! Biruin mo mga alagad kami ng siyensya pero gumagamit kami ng mahika?
"Let's go!"ang sabi ni Eu.
"Oo,"ang sabi ko at nakarating kami sa lawa.
Ni hindi ko alam na may lawa pala sa likuran ng bahay namin. Lumapag ako sa may pampang ng lawa dahil nakakapagod rin ang lumipad at agad naglaho ang pakpak na siyang ikinast ko kanina.
"Asia let's go!"ang sabi ni Eu.
"Oo!"ang sabi ko habang hinahabol ko ang aking paghinga.
At ayun nagsimula na naman kaming tumakbo.
Sakura
Nandito kami sa bahay ni Clarisse Ashbell dahil nais naming makakuha ng impormasyon tungkol sa mga Phantom.
"Mukhang nahuli na tayo,"ang sabi ni Aichi matapos niyang tingnan ang pulso nito sa bandang leeg.
Isinarado ni Aichi ang mga mata nito dahil nakamulat pa ang mata ni Mrs.Ashbell nang matagpuan namin ang bangkay niya. Nakita ko naman na naging seryoso si Jin kaya naman nilapitan ko siya.
"Ashbell? Someone hits my mind with a bang?"ang sabi ni Jin at nagulo niya na ang kanyang buhok sa pag-alala.
Nanlaki ang mata ko nang maalala ko ung kanino bahay 'to.
"Shoot! Si Akari!" ang sigaw ko at nanlaki ang mga mata namin dahil naalala naming Ashbell na ang gamit ni Akari ngayon.
Napatingin sa akin si Aichi at nakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib.
"Magmadali na tayo baka may nangyayari ng masama sa kanila!"ang seryosong sabi ni Aichi at saka isinummon ang kanyang staff.
Napatingala ako sa taas nang marinig ko ang boses ni Ayumi.
"Guys! Akio is in the site of those two!"ang sabi ni Ayumi through telepathy.
"Where are they?!",ang sigaw ni Jun.
"Nasa lawa sila! Near to this mansion!" ang sigaw ni Ayumi sa aming mga isipan.
Nakita kong naging seryoso si Satsuki nang pumasok siya sa mansion na ito.
"Satsuki!" ang tawag ko sa kanya at tumungo naman siya na parang binasa ang aking pag-iisip.
"Oo! Kumapit kayo! Ianuae Magicae!" ang sigaw ni Satsuki at agad kaming napunta sa gubat.
Nang makarating kami sa abi ng lawa ay nakita namin na nakikipaglaban si Akio sa kalaban at halos masira ang view dahil sa pinsalang ginawa ng mga kalaban.
"Asia tayo na!" ang sigaw ni Europe at agad siyang tumakbo patungo kay Asia.
"Europe! Pumunta kayo rito!"bang sigaw ko at agad akong nagsummon ng rafflesia at nilamon nito ang mga Phantom na nais makuha sina Europe.
Napasigaw naman si Asia matapos siyang hatakin ng creeping vines.
"ASIA!" ang sigaw ni Europe at kinapitan niya si Asia sa kamay nito upang hindi siya tuluyang mahatak nito.
Ngunit napabitaw si Europe at tuluyang ini-angat ng creeping vines si Asia mula sa lupa.
"Dispell!" ang sigaw ni Satsuki sa creeping vines ng kalaban.
Ang kaso mahuhulog na si Asia sa lawa at walang sasalo sa kanya.
"KYAAAAHHH! Europe!" ang sigaw ni Asia.
Buti na lang mabilis si Aichi at nasalo siya.Umiiyak siya ngayon.Katulad pa rin siya ng dati, isang Aichi Hamilton na sinisisi pa rin ang sarili niya sa pagkamatay ni Akari. Naging yelo ang buong lawa nang maglanding si Aichi sa ibabaw nito.
"Asia! Okay ka lang ba?" ang tanong ni Aichi.
Nagkatinginan si Aichi at Asia just like before. Parang isang tape recorder na nagreplay ang sandaling iyon. Natulala naman si Asia sa pagmumukha ni Aichi at nangingilid pa ang mga luha nito.
"Tahan ka na. Para kang bata,"ang sabi ni Aichi.
Umiyak naman si Asia sa dibdib ni Aichi. Napatingin naman si Aichi sa phantom na nasa harapan nila.
"Freezing Blood,"ang pagkacast ni Aichi at nanigas ang katawan ng phantom sa harapan nila.
Naging pulbos na kumikinang ang phantom at pinatahan ni Aichi si Asia sa paraang alam niya. Ang paghalik sa labi ni Asia.
"Tandaan mo ito! Babalik kami!"ang sigaw ng isang phantom.
Tumabi naman sa akin si Shin at saka ginatungan ang huling salita ng phantom. Kung wala lang kami sa ganitong sitwasyon malamang tumawa na rin ako.
"Wag ka nang bumalik! Di namin kailangan ang isang tulad mo! Bumalik ka na sa amo mong bahag ang buntot!"ang sigaw ni Shin.
Nakahinga naman ako nang maluwag ng masigurado kong okay na si Asia at Europe.
"Europe. Okay lang ba kayo?"ang tanong ko pero nawala siya sa tabi ko.
Napalingon ako sa paligid at laking gulat ko nang tumalon siya ng mataas at sinipa sa mukha si Aichi. Damn! Nice kick! Hinila niya si Asia bago pa ito bumagsak sa inaapakan nilang yelo.
"Okay lang po ako. Pero si Asia hindi,"ang sabi ni Europe sabay tingin kay Asia na tulala pa din.
Tulala pa rin si Asia dahil sa halik na iginawad ni Aichi. Tsk. That jerk, he never learns his lesson. He should not kissed someone especially those who have overprotective brothers.
"Okay lang ako. Pero matanong ko lang, ano nga palang ginagawa niyo rito?" ang tanong ni Asia.
"Ah. Eh," ang nasabi ko na lang.
"Ah magca-camping sana kami kaso nakita namin na hinahabol kayo ng mga kalaban,",ang sabi ni Satsuki.
"Ah, Sir Fritz ,okay lang po ba kayo?"ang sabi ni Asia kay Aichi.
"Ah. S-Sorry," ang sabi ni Aichi at saka tumayo.
Naglagay si Aichi ng yelo sa kanyang pisngi lalo na't napalakas ang sipa ni Europe kanina. Napatingin naman ako kay Asia at napansin ko na namumutla siya.
"Asia. You look pale,"ang sabi ko.
l
"Pagod lang po siguro,"ang sabi ni Asia at bigla siyang nawalan ng malay.
Napatingin ako kay Eu at nagtanong.
"May ginamit ba siyang spell?"
Napaisip naman si Eu at pilit inaalala ang mga nangyari kanina.
"Meron po nung nahulog po kami sa butas kanina. Tapos nung inaatake kami kanina gumawa siya ng shield,"ang sabi ni Europe at binuhat niya si Asia.
"Hay naku kahit kelan talaga hindi pa rin siya nagbabago," ang sabi ni Shin.
"Shin!" ang sigaw naming lahat except kay Europe na takang-taka.
Hindi maaaring malaman ni Europe na matagal na naming kilala si Asia or else maaari niyang ilayo si Akari sa amin. At ayokong masayang ang dalawang taong pamamalagi namin sa Hamstrung World. Siniko ko si Shin at saka pinandilatan ng mata. Kahit magkasintahan na kami ay di makakalusot sa aking kamao. Nagpeace sign naman si Shin at nagpatuloy na naglakad.
"Ang mabuti pa ay umuwi na tayo,"ang sabi ko.
Lumapit ako kay Europe at patuloy niyang niyayakap si Akari na patuloy na nahihimbing sa pagtulog.
"Wag kang mabibigla sa pupuntahan natin Europe sa susunod na araw. Ang mabuti pa ay sumama muna kayo sa amin," ang sabi ko at nang iniabot ko ang aking kamay ay tinabig niya iyon.
Akmang sasapakin ni Shin si Europe pero pinigilan ko siya. Alam kong isang malaking trauma para sa kanila ang nangyari sa gabing ito.
"Hindi kami sasama sa inyo! Kailangan kami ni Mom! Kailangan naming bumalik ng mansion! "ang sigaw ni Europe.
Here we go again. Mukhang dito ko mararanasan ang sakit ng ulo. He's starting to get clever and stubborn kind of a jerk. Nakita kong lumapit si Aichi. He slapped Europe's face leaving a red imprint on his cheeks.
"Gusto mo ulit masampal? Sige sasampalin kita pero hindi gamit ang kamay ko! Sasampalin kita gamit ang katotohanan!" ang sigaw ni Aichi.
Uh-Oh. Aichi really snapped. Those eyes of him. You should never mess with him if he has those cold eyes staring at you or else you'll see the trouble you want to avoid.
"Bakit? Anong katotohanan ang isasampal mo? Na isa kang mahinang nilalang at hindi mo nagawang protektahan ang pinakamamahal mong babae? Na namatay siya dahil prinotektahan ka niya? Alin dun ang isasampal mo sa akin?"ang sigaw ni Europe.
Aichi grabs Europe's shirt that makes him loses his grasp on Asia. He already push Aichi's means to it's limit. Ibato mo na ang lahat sa kanya, huwag lang ang tungkol kay Akari. Or else baka marinig mo ang lahat na masasakit na salita.
"Walang kinalaman dito ang pagkamatay ng babaeng pinakamamahal ko! Pero tungkulin namin ang pangalagaan kayo dahil pinatay ng phantom si Mrs. Ashbell! Alam kung bakit siya namatay? Dahil masyado kang mahina! May chikara ka nang mga oras na iyon, pero hindi mo siya nagawang iligtas! May magagawa ka pero pinili mong tumakas!"ang sigaw ni Aichi.
Natulala si Europe sa sinabi ni Aichi. Wala talagang preno ang bibig ng hinayupak na 'to. Lahat ng gusto niyang sabihin ay sinasabi niya. That jerk never learn his lesson. He should tell a lie sometimes. Especially for those people na hindi kayang i-handle ang emotional stress.
"Alam mo kung bakit hindi ko na-protektahan ang pinakamamahal ko? Humarang siya sa atake na dapat ako ang tatanggap! Masakit para sa akin yung nandun ako pero wala akong magawa! Eh ikaw? Hindi ba't may pagkakataon kang iligtas ang mom mo! Bakit hindi mo siya niligtas noong may pagkakataon ka pa? Ah, ano bang tamang term? Mali kasi yung term na mahina! Duwag pala dapat! Duwag ka, Europe Len Ashbell!" ang sermon ni Aichi.
Umiiyak na naman si Europe dahil sa sinabi ni Aichi.You can't blame Aichi. Masyado siyang nasaktan. You should never open the topic about his past. It's too painful. Pumagitna naman si Satsuki at kinuha si Asia sa tabi ni Europe. Binitawan naman ni Aichi si Europe kaya naman sumubsob ang pagmumukha ni Europe sa lupa. Pinunasan ni Aichi ang mga luhang kanina pang umaagos mula sa kanyang mga mata.
"Enough with this! Alam kong pagod na kayong lahat! And please Mr. Ashbell, cooperate with us. We can't fulfill our duty if you will act like a stubborn brat. Please stay with us, Mr. Ashbell. For your safety and for Asia's safety. Isa ka, pa Hamilton! Parang armalite ang bibig mo! Hindi ka man lang nagdahan-dahan sa iyong mga sinasabi!" ang pakiusap ni Satsuki.
Tumayo si Europe at pinagpagan niya ang kanyang sarili.
"Tss. Ang hirap kapag may kasama kang matandang nagmemenopause. You should never name your self, Fritz. You should name yourself, Tanda,"ang sabi ni Europe at pinunasan ang luhang pumatak sa kanyang mata.
Ang mga hinagupak na 'to. Mukhang trip pahabain ang kanilang giyera.
"Bakit hindi Antartica pinangalan mo sa sarili mo? Saka mo na ako kausapin kapag hindi na Europa ang pangalan mo. Besides Fritz is not my real name! It's Aichi Hamilton!" ang banat ni Aichi.
They throw dagger stares to each other. Do I need to stand between them and be their mediator? Nah. I don't think so. Lumapit ako kay Eu upang tapusin ang nais kong sabihin.
" Europe. Di ba nabanggit ko kanina na hindi lang basta lugar ang pupuntahan natin?" ang sabi ko.
Tumungo naman siya biglang pagsagot tanong ko.
"Ang lugar na pupuntahan natin ay ang lugar na tinatawag naming Chikara Realm. At ang Chikara Realm ay isang lugar na napupuno ng hiwaga,"ang sabi ko at nanlaki ang kanyang mata.
Mukhang madami akong kailangan ikuwento kay Europe.